You are on page 1of 37

MAÑANA HABIT, PAMANA NG DAYUHANG KASTILA, PINAKIKINABANGAN BA?

Isang Pamanahong – papel na Iniharap sa


Kaguruan ang Kagawaran ng Filipino
Senior Haiskul, Kolehiyo ng San Luis
Panuruang Taon 2017-2018

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan


Ng Asignaturang Filipino 11
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
nina:
Ancheta, Angel A.
Araquel Brix, H
Bañez, Alexei M.
Cabalo, Hannashielle V.
Cacapit, Ma. Claire Elizabeth A.

Mayo 10, 2018

ABSTRACT
PASASALAMAT
Lubos kaming nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumuporta,

tumulong at gumabay sa amin habang isinasagawa ang pag-aaral na ito.

Una sa lahat ay ang aming mga magulang na naniwala sa amin ng walang

bahid na paghihinala pati narin sa mga pinansyal na kanilang ipinagkatiwala para sa

pag-aaral na ito.

Sa aming mahal na guro sa Filipino na si Gng. Rosalinda O. Carvajal, higit

kaming nagpapasalamat sa kanya sa walang sawang pagunawa at mahabang

pasensiya na kaniyang inilaan para gabayan at iwasto ang mga bagay na hindi

dapat nakalaan sa pag-aaral na ito.

Nais din naming pasalamatan ang aming mga respondente sa kanilang

malugod na partisipasyon kung saan inilaan nila ang kanilang oras sa pagsagot sa

mga katanungan ng walang bahid na kasinungalingan.

At higit sa lahat, ang Poong Maykapal sa pagbibigay sa aming grupo ng

determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral. Salamat din sa

pagbibigay ng sapat na kaalaman na aming nagamit sa aming pananaliksik. Sa

pagdinig sa aming mga panalangin at sa panahong pinaghihinaan kami ng loob na

tapusin ito.

Maraming salamat sa lahat ng bumuo sa aming pananaliksik.

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino

11, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong- papel na ito na

pinamagatang “Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan ba?”

ay inihanda at inihango ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Humanities and

Social Sciences (HUMSS) Strand, Pangkat St. Justine de Jacobis na binubuo nina:

__________________________ _____________________________
Ancheta, Angel A. Cabalo,

Hannashielle V.

___________________________ _____________________________
Araquel, Brix H. Cacapit, Claire

A.

___________________________
Bañez, Alexei M.

Tinatanggap sa ngalan ng kagawaran ng mga wika, Senior Haiskul, kolehiyo ng San

Luis, bilang isa sa mga pangangailangan sa Filipino 11, Pagbasa at Pagsulat Tungo

sa Pananaliksik.

____________________________
Rosalinda O. Carvajal
Guro sa Filipino/ Tagapayo

TALAAN NG NILALAMAN
Abstract………………………………………………………………………………………………….

Pasasalamat…………………………………………………………………………………………….

Dahon ng

Pagpapatibay………………………………………………………………………………

Kabanata I- Introduksyon……………………………………………………………………

A. Paunang Kaalaman Patungkol sa Mañana

Habit…………………………………..

B. Layunin ng Pag-aaral…………………………………………………………………….

C. Pahayag ng Tesis…………………………………………………………………………….

D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng

Papel………………………………………………..

E. Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………………………

F. Lawak at delimitasyon ng Pag-

aaral……………………………………………………

Kabanata II- Mga Kaugnay na Literatura at Pag-

aaral……………………………………….

Kabanata III- Disenyo ng Pananaliksik at

Metodolohiya………………………………………

A. Disenyo ng

Pananaliksik…………………………………………………………………….

B. Mga

Respondente……………………………………………………………………………..
C. Instrumento ng

Pananaliksik…………………………………………………………………

D. Tritment ng mg

Datos…………………………………………………………………………

Kabanata IV- Resulta at

Interpretasyon…………………………………………………………..

Kabanata V- Kongklusyon at

Rekomendasyon………………………………………………..

Bibliograpiya………………………………………………………………………………………….

Appendix A………………………………………………………………………………………….

Appendix B………………………………………………………………………………………….

Appendix C…………………………………………………………………………………………
KABANATA I
INTRODUKSIYON

A. Paunang Kaalaman Patungkol sa Manana Habit

Talaga nga naming mahirap mabuhay bilang isang estudyante. Sapagkat sa

lahat ng oras at pagkakataon,ay kailangan mong gumawa at magpasa ng mga

takdang aralin at mga course requirements upang ikaw ay makapasa at

makatuntong sa susunod na baitang. Kaya naman, maraming estudyante ang

nagpupuyat at kadalasan, ang iba nga ay hindi na natutulog upang maipasa lamang

ang kanilang mga requirements sa takdang panahong nakalaan. Maganda nga at

mayroon pang ganitong mga estudyanteng pursigido talaga sa pag-aaral. Subalit,

mayroon ding mga estudyanteng kabaligtaran ng mga nabanggit. Dahil, sa halip na

gawin agad ang isang gawain upang matapos na ito agad, ay mas pinipili nilang

isantabi na lang ito o ipa-bukas na lang. Ang tawag sa gawaing ito ay ang, “Mañana
Habit”. Ang Mañana habit ay ugaling ipinamana sa atin ng mga Espanyol at ito ay

galing sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay bukas. Ito ang tawag sa ugaling

“bukas na lang”.

Sa makatuwid, ito ang simpleng pagpapabukas o pagpapaliban ng isang

gawaing maaari namang gawin ngayon. Nang dahil dito, maraming oras ang

maaaring masayang at ito rin ang dahilan kung bakit nahuhuli sa pagpasa at

pagsasagawa ng mga gawain ang nakararaming estudyante. Ang iba nga ay hindi

na nagawang makapagpasa nang dahil sa kakaliban o pagpapabukas sa isang

gawain. Halos tila ba nakasanayan na ang ganitong gawain nang dahil sa maaaring

dulot na nagagawa ng makabagong teknolohiya sa paggawa ng isang gawain ng

isang estudyante. Paano ba naman kasi, sa halip na unahin ang mga dapat na

gawin ay mas inuuna ang pagtingin ng kanilang mga social media accounts.

Nariyan ang facebook, twitter, Instagram, tumblr, youtube, at iba pang social

networking sites na talaga namang kinahuhumalingan ng mga estudyante ngayon.

Kaya naman, bilang pagtugon, ay magsasagawa ng pananaliksik ukol sa epekto ng

Mañana Habit sa pag-aaral ng mga Senior High students sa Saint Louis College High

School Department. (Mendoza, 2014)

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

1. Napapakahuluganan kung ano ang mañana habit sa pananaw ng isang mag-

aaral batay sa pananaliksik.

2. Nailalahad ang epektong dulot ng ganitong gawain sa buhay ng mag-aaral.

3. Nakakapagmungkahi ng mga paraan kung paano mapaglaban ang gawaing

ito.
C. PAHAYAG NG TESIS

Ang Mañana habit ay hadlang sa kabuoan at buhay ng mag-aaral sapagkat hindi

ito nakatutulong upang matapos ang isang gawain.

D. MGA TANONG NA NAIS SAGUTIN NG PAPEL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang pangunahing problema,

“Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, hadlang sa Buhay ng Senior

High”.

1. Ano ang Mañana Habit?

2. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng Mañana habit sa pag-aaral ng mga

estudyante sa Senior High Department?

3. Paano maaalis ang ganitong klaseng ugali ng mga estudyante sa Senior

High Department?

E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay naglalayong maalis ang hindi

magandang sistema o ugaling Mañana habit, sapagkat ito ay tiyak na hindi

nakatutulong sa pag-unlad o sa pag-aaral ng isang estudyante sa Senior High

Department. Bukod pa riyan, nang dahil sa pananaliksik na ito, malalaman ng

mga mambabasa ang mga bagay na maaari nilang gawin upang maalis

nang tuluyan ang ugali o sitemang ito na nakalakip na sa kanilang pagkatao.

Sa mga estudyante, makatutulong ito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa

kanila na hindi maganda ang pagkakaroon ng ganitong ugali. Higit pa riyan,

matutulungan din sila nito kung paano gamitin ng maayos ang kanilang oras

upang sila ay mabilis na matapos sa kanilang mga gawain. Sa mga guro,


makatutulong din ito sa kanila sapagkat hindi na nila kailangang magalit pa

sa klase o kulitin ang mga estudyante sa kanilang ng pagpasa ng mga

requirements. Dahil dito, mas matututukan din ng mga guro ang pag-aaral ng

mga estudyante dahil maaari silang makalikom ng mga ideya kung papaano

maalis ang sistemang ito na nakakintal na sa kanila. Sa paaralan,

makatutulong din ito, dahil mas makabubuo ng responsible at maaasahang

estudyante ang paaralan nang dahil sa maaaring maging epekto ng

pagtanggal ng Mañana habit sa mga estudyante.

F. LAWAK AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa ugaling Mañana Habit ng mga

estudyante sa Senior High Department ng Kolehiyo ng San Luis sa ikalawang

semestre taong panuruan 2017-2018. Ang sakop ng pag-aaral na ito ay ang mga

Senior High: Accounting and Business Management (ABM), Science Engineering

Technology and Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMSS),

Home Economics (HE), at ang Information Communications Technology (ICT).


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mañana habit ay isa sa mga ugaling nakatatak na sa ating mga Pilipino.

Ito ay galling sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay bukas. Ito ang tawag sa

ugaling, “bukas na lang”, ugaling ipinamana sa atin ng mga Espanyol. Ang gawaing

ito ay sa dyang nakababahala para sa ating kultura at para na rin sa ating mga

sarili. Madalas ipagpabukas ang mga bagay na maaari naming gawin agad. Ito ang

nagiging dahilan kung bakit hindi natin natatapos ang ating mga gawain sa tamang

oras. Maraming oras ang nasasayang. Ito rin ang nagiging sanhi kung bakit tayo

nawawalan ng dedikasyon at konsentrasyon sa kahit anong bagay na ating

ginagawa. Bumababa ang tiwala mo sa iyong sarili at sa iyong kakayahan. Bakit

kailangan pang ipagpabukas pa ang isang bagay na kaya naming gawin upang

maipasa agad sa nakatakdang oras. Hindi ba at mas masarap naman sa

pakiramdam kung natapos mo ang isang gawain o proyekto ng mas maaga. Iyong
tipong wala ka ng aalalahanin at mapabibilis mo pang magagawa ang iba mong

gawain.

Ang pagkakaroon ng mañana habit ng isang estudyante ay may nakalaang

epekto sa kanilang pang araw-araw na gawain. Hindi maiiwasan ng isang tao ang

pagmamamaya sa isang gawain dahil sa madaming kadahilanan. Ayon kay Pepoa

(2010), Ang manana habit ay pwedeng ikonsidera bilang “procrastination virus”

kung saan marami ang negatibong epekto nito sa atin. Isang kaugaliang madaling

lumalaganap sa ating pagkatao at madaling nakakaimpliwensiya ng ibang tao.

Bukod pa rito, ayon kay Ginoong Niño Flores na isang propesor sa Kolehiyo ng

San Luis, “Ang mañana habit ang nagiging ugat ng procrastination at pamatay-oras

sa mga estudyante na sa halip na mabilis o maaga nilang matapos ang mga

takdang gawain, ay hindi nila kaagad magagawa at matatapos dahil

ipinagsasa-‘mamaya’ nila ang mga ito”. Ang mga nakaraang pananaliksik at ang

ipinahayag ng iba’t-ibang mga propesyonal ay nagbigay daan upang maisagawa

ang pananaliksik na ito. Binigyan nila ng depinisyon at ang kanilang interpretasyon

ukol sa nasabing kaugalian ngunit ang kanilang datos ay nakabatay lamang sa mga

negatibong aspeto ng mañana habit.

Ayon kay Hyacinth Joaquin (2014), ang Mañana Habit ay hindi lamang

nagdudulot ng masamang epekto sa pansariling buhay ngunit pati na rin sa lipunan,

sapagkat ang nagagawa natin sa ating mga sarili ay naipapasa na natin at

nagagawa na rin sa ating mga kapwa. Ang papel na ito ay naghahangad na

magbigay kasagutan at nais magpokus sa mga positibo at negatibong aspeto ng

Mañana Habit. Nais ng pananaliksik na ito na makita ang positibo at negatibong

mga epekto nito sa buhay ng Senior Hayskul sa Kolehiyo ng San Luis. Nais din
nitong matimbang, maaanalisa at makapagbigay ng mga posibleng paraan kung

paano pa nila mas mapabubuti ang kanilang buhay partikular na sa pang-

akademikong aspeto.

KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK AT METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral ay nasa paraang deskriptiv na

sumasalamin sa natural na mundo at naglalayong magpaliwanag sa mga

bagay o pangyayari na gumugulo sa ating mga isipan. Nakapokus ito sa mga

opinion at karanasan ng mga respondent patungkol sa pamagat ng

pananaliksik.

B. Mga Respondente

Sampung (10) mag-aaral sa iba’t-ibang strand ng Senior High school sa

Kolehiyo ng San Luis ang bilang ng napiling respondent sa isinasagawang

pananaliksik upang makapagbahagi na makakatutulong sa isinasagawang

pananaliksik.

C. Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng

datos sa mga nailathalang papel at sa internet. Ginamitan rin ito ng sarbey-

kuwestiyoner at interbyu upang makakuha ng impormasyon sa piling

respondente kaya nasuri ang mga magaganda at hindi magandang dulot ng

Mañana Habit sa mga Senior High Students.

D. Tritment ng mga Datos

Ang pananalliksik na isinagawa ay isang simpleng pagtalakay lamang ukol sa

pekto ng Mañana habit sa mga estudyante ng Senior Hayskul mula sa

Kolehiyo ng San Luis. Hindi nagsagawa ang mga mananaliksik ng mga

komplikadong pamamaraan sa pagkalap ng mga datos na kinailangan.

Gumamit lamang ng mga pangunahing pang-instrumentong pananliksik gaya

ng pakikipanayam at pagkuha ng impormasyon sa internet. Pinagisa-isa ang

mga magkakaparehong sagot sa pag-aaral na ito. Ang mga nakuhang sagot

sa mga piling respondente ay sinuri at pinag-aralan ng maigi ng mga

mananaliksik.

KABANATA IV

RESULTA AT INTERPRETASYON

Natuklasan ng mga mananaliksik na sa unang katanungan, ang kasagutan na

karamihan sa mga respondente ay gumagamit sila ng organizational chart o

management table upang maging organisado o maayos ang isang gawain. Ngunit

may ilan din na nagsasabing hindi sila gumagamit ng management table dahil
umaasa na lamang sila sa ibinibigay ng kanilang educational chairman at nakakaya

nilang tapusin sa madaling panahon. Nakakamanghang isipin na sa panahon

ngayon, mayroon pa ring mga tao ang sumusunod at pinagbabasehan ang kanilang

skedyul sa paggawa ng isang bagay. Ngunit sa kasalukyang panahon kung saan

laganap ang paggamit ng teknolohiya, mas madali na ang paggawa ng isang

iskedyul sapagkat nandiyan ang samu’t-saring mga application na nakapaloob na sa

mga cellphone na maaaring gamitin at ang iba pa ay maaaring madownload na

mula sa internet. Nang dahil sa mga teknolohiyang sakop ang Internet, maraming

bagay ang maaaring maantala at maging balakid upang gawin agad ang isang

bagay.

Sa pangalawang katanungan, mas pinipili ng mga respondente na gawin ang

isang bagay ayon sa bigat ng isang trabaho. Pinagbabasehan nila ang kanilang

kakayahang gawin ang isang bagay. Ngunit, may nagsabing nakadepende ito kung

“tinatamad” o hindi muna gustong gawin ang isang bagay dahil madali lamang ito.

Ang katamaran ay isang kadahilan kung bakit na ipapamaya ng isang tao ang

kanyang gawain. Itong kaugaliang ito ay nakakasira sa buhay ng isang tao. Ano nga

ba ang mga bagay kung bakit nagkakaroon tayo ng ganitong kaugalian? Una, sa

tingin ng iba ay hindi nila kaya ang isang gawain. Bumababa ang kumpiyansa nila

sa kanilang mga sarili at inaasa na lamang nila ito sa iba. Pangalawa, kulang sila sa

mga kagamitan kaya nawawalan sila ng gana sa isang gawain. Tumatak sa kanilang

isipan na walang magagawa ang isang tao kung kulang ang mga kagamitang

kakailanganin. Pangatlo, dahil paulit-ulit na lamang nangyayari ang gawaing iniatas

sa kanila. Kung susuriin mo ang isang tao, naghahangad ito ng mga bagay na bago

sa kanyang paningin. Nais ng isang taong gumawa ng isang bagay na kakaiba sa


lahat. Panghuli, dahil may mga bagay na mas mahalagang pagtuunan ng pansin

tulad ng pamilya, kaarawan at iba pa kaysa sa trabahong ibinigay.

KABANATA V

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Konklusyon

a.) Ang mañana habit ay isang kaugaliang pamana ng mga dayuhang kastila na

madali nating naisabuhay katulad ng pagsakop nila sa ating bansang Pilipinas.

Pinakikinabangan ito ng nakararami dahil para sa iba, ito ay talagang nakabubuti


para sa kanila. Halimbawa na lang kapag sila ay pagod galling sa eskuwelahan,

nakakapagpahinga sila dahil isinasantabi muna nila ang kanilang mga gawain.

Samantala, sa kabila ng nakabubuting dala nito sa ibang estudyante ay mayroon

din itong masamang dulot sa iba. Kagaya na lamang ng pagcra-cram na matapos

ang isang gawain dahil hindi ito nagawa sa takdang oras.

b.) Karamihan sa mga ininterbyu ang nagsabing walang magandang epekto ang

mañana habit dahil inuubos nito ang oras natin para sa sarili, pamilya at sa ibang

tao. Ang nagiging resulta ng pagmamamaya sa isang bagay ay nakakapag prodyus

ng isang gawaing hindi kalidad. Isa pa, ang mañana habit ay isang balakid para sa

tagumpay ng isang tao.

c.) Ang mañana habit kasi ay nakikita o naisasagawa kung ito ang pinili nating

gawin para sa isang bagay. Nasa atin ito kung dapat ba nating ipamamaya o gawin

agad ang isang bagay upang mapakinabangan natin ang anumang magiging

resulta.

Rekomendasyon

a.) Sa mga estudyante, dapat matuto tayong maging responsable sa ating mga

gawain upang maging handa tayo sa anumang magiging resulta o kahihinatnan ng

ating ginagawa para sa huli, wala tayong pagsisisihan.

b.) Sa bawat araw, hindi maiiwasang dumami ang mga inatasang gawain sa mga

mag-aaral na nagiging dahilan ng pagasawawalang bahala dito. Alamin natin ang

ating prayoridad at mga responsibilidad kung saan pipiliin natin ang nararapat.
Magkaroon tayo ng panahon ng pamamahala o time management upang hindi tayo

mahirapan sa anumang darating na gawain.

c.) Matuto tayong isantabi ang mga bagay na hindi dapat pagtuonan ng ating oras.

Habang tayo ay nag-aaral, pagsumikapan nating maabot ang ating mga hangarin sa

buhay at gawin nating motibasyon ang pagkakaroon ng mataas na grado kapag

natatapos natin ang isang trabaho sa tamang oras.

d.) Nararapat para sa isang guro na gawing konektado at interisado ang isang

gawaing ibibigay sa mga estudyante upang maging madali ito sa kanila at magawa

ng mabilisan. Kung sakali rin, dapat na pag-usapan ito kahit sa kaunting oras upang

magkaroon ng kamalayan ang isang estudyante rito.

BIBLIOGRAPIYA

Internet

Maxwell, J. (2009, April 29). 5 Excuses for Mañana Habits of Pinoy. Galling sa

http://www.thinkphilippines.com/life/5-excuses-for-mañana-habits-of-pinoy.html

Peppa, R. (2010, June 21). Mañana Habit- how to get rid of it. Galling sa

http://ezinearticles.com/?

Yonson, E. (2012). The Light Traveller. Galling sa

https://evansyonson.wordpress.com/tag/tardiness/
APPENDIX A

Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan ba?


(Filipino Research Questionnaire)
Pangalan:
Strand:
Seksyon at taon:

1. Ginagawa mo ba agad ang mga bagay na iyong dapat gawin o isinasantabi


mo muna ito? Oo o hindi at Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang mga bagay na ginagawa mo kaya isinasantabi mo ang iiyong mga
gawain?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Mayroon ka bang Management table or organizational chart ng iyong mga
gawain?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Sang-ayon ka ba sa ugaling Mañana Habit? Oo o hindi at bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________

APPENDIX B

Saint Louis College


City of San Fernando, La Union
Basic Education Schools
High School
(PAASCU Level II Re-accredited)

Interview Consent Form


Research project title: Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila,
Pinakikinabangan ba?
Research investigator: Ancheta, Angel A., Araquel Brix, H., Bañez,
Alexei M., Cabalo, Hannashielle V., and Cacapit, Ma. Claire Elizabeth
A.
Research Participant’s name:
The interview will take (enter amount of time). We don’t anticipate that
there are any risks associated with your participation, but you have the right
to stop the interview or withdraw from the research at any time.
Thank you for agreeing to be interviewed as part of the above research
project. Ethical procedures for academic research undertaken from UK
institutions require that interviewees explicitly agree to being interviewed
and how the information contained in their interview will be used. This
consent form is necessary for us to ensure that you understand the purpose
of your involvement and that you agree to the conditions of your
participation. Would you therefore read the accompanying information sheet
and then sign this form to certify that you approve the following:
• the interview will be recorded and a transcript will be produced
• you will be sent the transcript and given the opportunity to correct any
factual errors
• the transcript of the interview will be analyzed by (name of the
researcher) as research investigator
• access to the interview transcript will be limited to (name of the
researcher) and academic colleagues and researchers with whom he might
collaborate as part of the research process
• any summary interview content, or direct quotations from the interview,
that are made available through academic publication or other academic
outlets will be anonymized so that you cannot be identified, and care will be
taken to ensure that other information in the interview that could identify
yourself is not revealed
• the actual recording will be (kept or destroyed state what will happen)
All or part of the content of your interview may be used;  In academic
papers, policy papers or news articles  On our website and in other media
that we may produce such as spoken presentations  On other feedback
events  In an archive of the project as noted above
By signing this form, I agree that;
1. I am voluntarily taking part in this project. I understand that I don’t have
to take part, and I can stop the interview at any time;
2. The transcribed interview or extracts from it may be used as described
above; 3. I have read the Information sheet;
4. I don’t expect to receive any benefit or payment for my participation;
5. I can request a copy of the transcript of my interview and may make edits
I feel necessary to ensure the effectiveness of any agreement made about
confidentiality;
6. I have been able to ask any questions I might have, and I understand that
I am free to contact the researcher with any questions I may have in the
future.

_____________________________________
Signature over Printed Name
of the participant

APPENDIX C

BIODATA NG MGA MANANALIIKSIK

Cacapit, Ma. Claire Elizabeth A.

Dahlia Street, CVS, Poro, SFC, La Union

Contact number: 09257882181


PERSONAL DATA

Gulang: 17

Kapanganakan: Nobyembre 3, 2000

Deskripsyon: masipag, responsible, at maaasahan

EDUCATIONAL BACKGROUND

Nagtapos: Kolehiyo ng Kristong Hari, San Fernando City, La Union

Parangal: Student Body Association PRO (SY: 2016-2017)

Himig Activity Circle Main Facilitator (SY: 2017-2017)

2nd Placer Radio Broadcasting Filipino category Division Level (SY: 2017-2018)

TV Broadcasting Participant Regional Level (SY: 2016-2017)

Champion Division Festival of Talents “Manik-aninong Dulaan” (SY: 2017-2018)

Regional Festival of Talents “Manik-aninong Dulaan” Participant (SY: 2017-2018)

Feature writer at Louisian Newsette (SY: 2017-2018)

Natatanging Mag-aaral for Leadership (Gawad Louisiano SY: 2017-2018)

Outstanding Student at Kolehiyo ng Kristong Hari (SY:2017-2018)


BIODATA NG MANANALIKSIK

Araquel, Brix Jolo H.


#208 Purok 4 San Agustin San Fernando
City, La Union
Contact number: 09054452306/
09304430045

PERSONAL DATA
Gulang: 16
Kapanganakan: Hunyo 23, 2001
Deskripsyon: Taong responsable at maaasahan.
EDUCATIONAL BACKGROUND
Nagtapos: Kolehiyo ng San Luis
Parangal: Naging Outstanding sa Christ the King College and president.

BIODATA NG MANANALISIK

Ancheta, Angel A.

San Felipe, San Juan, La Union

Contact number: 09198396812

PERSONAL DATA

Gulang: 17

Kapanganakan: Pebrero 26, 2001


Deskripsyon: Taong may determinasyon na makapagtapos at magkaroon ng

magandang buhay sa hinaharap

EDUCATIONAL BACKGROUND

Nagtapos: San Gabriel Academy

BIODATA NG MANANALIKSIK

Bañez, Alexei M.

Dallangayan Oeste, San Fernando City, La Union

Contact number: 09453278670

PERSONAL DATA

Gulang: 17

Kapanganakan: December 11, 2000

Deskripsyon: matiyaga at pursigido sa buhay

EDUCATIONAL BACKGROUND
Nagtapos: Kolehiyo ng San Luis

Parangal: Grade 1o Completer


BIODATA NG MANANALIKSIK

Cabalo, Hannashielle V.

San Rafael, San esteban, Ilocos Sur

Contact number: 09088150549

PERSONAL DATA

Gulang: 17

Kapanganakan: Pebrero 16, 2001

Deskripsyon: Laging handa sa bawat bagay at may matatag na prinsipyo, ngunit

may malambot na puso

EDUCATIONAL BACKGROUND

Nagtapos: Saint Joseph Institute Incorporated

Parangal: Grade 1o completer and Perfect attendance


TITLE: Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan ba?
Araw ng interbyu: Mayo 6, 2018
Interbyu kay: Kyle Flores
Gulang: 16
Strand: Acconting and Business Management
Araw ng Kapanganakan: ikasampu ng Agosto, 2001
Kasarian: Female
Lugar: San Fernando City, La Union
Nagiinterbyu: Kapag marami ang gawain sa paaralan, mayroon ka bang
organizational chart o management table? Kung mayroon o wala, bakit?
Iniinterbyu: Mayroon, ngunit minsan lang ako magkaroon ng organizational
chart/management table kapag nagkataong masyadong marami ang ginagawa.
Madalas wala kasi hindi ko rin lang nasusunod ang mga naitala kong schedules.
Nagiinterbyu: Gusto niyo bang gawin agad ang isang gawain o ipabukas na? Oo o
hindi at bakit?
Iniinterbyu: Gagawin ko na agad ang mga gagawin pag nagkataong marami ang
kailangang tapusin at nakadepende rin sa mood. Maaari rin na pag ako'y
namomotivate, nagagawa ko na agad ang gagawin.
Nagiinterbyu: Mas gusto niyo bang inuuna ang ibang gawain kaysa sa mga bagay
ma dapat gawin? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: May mga times na inuuna kong ginagawa ang ibang gawain kaysa sa
mga bagay na dapat gawin. Halimbawa, gawin ang mga gawain na nakakalibang,
kagaya ng pagpipinta, pagsusulat ng mga tula, at iba pa. Sa paraang may konting
boost ako para gawin ang mga dapat gawin. Mahirap kasi pag di ka motivated sa
mga gagawin mo kaya ganun.
Nagiinterbyu: May maganda bang dulot ang pagpapabukas o pagsasantabi mo sa
isang gawain? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: Somehow, mayroon. Nakadepende kasi sa mood mo kung gagawin mo
ba agad o hindi. Gaya ng sinabi ko kanina, mahirap pag wala ka sa kondisyon kung
may kailangan kang gawin. Hindi uusad ang mga progreso ng mga ginagawa pag
wala ka sa kondisyon. Kaya ang resulta? Hindi gaanong maganda ang kinalabasan
ng isang output. Sa kabilang dako naman, masasabi kong hindi rin maganda sa
paraang kapag ang mga deadlines at/o mga araw na nakatakda ay hindi gaanong
nakakapagbigay ng takdang oras upang matapos ang gawain. Sa huli,
nagpprocrastinate tayo at naiistress tayo dahil ayun nga pinagpaliban na nating
gawin ang mga dapat gawin.
TITLE: Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan Ba?
Araw ng interbyu: Mayo 4, 2018
Interbyu kay: Maxine Allyson Chan Maranan
Taon at Seksyon: Grade 11- Saint Camilus de Lellis
Gulang: 17
Strand: Science, Technology, Engineering, Mathematics
Araw ng Kapanganakan: March 19, 2001
Kasarian: Babae
Lugar: San Fernando City, La Union
Nagiinterbyu: Kapag marami ang gawain sa paaralan, mayroon ka bang
organizational chart o management table? Kung mayroon o wala, bakit?
Iniinterbyu: Management table? Wala. Wala hindi hindi ako nag gaganun. Bakit?
Kasi nagrerely nalang ako doon sa sinesend ng educational chairman na listahan ng
mga requirements ganun.
Nagiinterbyu: Gusto niyo bang gawin agad ang isang gawain o ipabukas na? Oo o
hindi at bakit?
Iniinterbyu: Ako, kung ako, kapag ako, pinapabukas ko nalang ganun or ‘yon tapos
basta kapag ano, kunwari ayaw ko (tawa) wait, ipabukas oo ipapabukas,kasi
tinatamad ako. ‘Yon lang.
Nagiinterbyu: Mas gusto niyo bang inuuna ang ibang gawain kaysa sa mga bagay
ma dapat gawin? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: Oo minsan, hindi rin minsan, gusto kong unahin ‘yong ibang gawain
parang ano, minsan mas inuuna ko yung paglalaro ganun kasi iniisip ko nalang na
madali lang naman matapos yung ano assignment or requirement. Minsan hindi rin
kasi may mga time eh, may mga time din na madaming requirement tapos
siyempre kailangan time management ganun.
Nagiinterbyu: May maganda bang dulot ang pagpapabukas o pagsasantabi mo sa
isang gawain? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: [pause] May ano rin, may maganda naman siyang ano effect.
Siyempre hindi lang naman negative ‘yon, may positive din parang ano kunwari,
may parang alam mo sa sarili mo na kaya mong tapusin ‘yon. Basta ‘yon parang,
parang kaya mo naman, parang may, basta alam mo sa sarili mo na magagawa mo
naman ‘yon. Tapos, ‘yon.
In addition, actually may positive side rin naman yung pagproprocrastinate
mo sa mga gawain mo like alam mo sa sarili mo na you can do it na parang may
assurance, you know what you are capable of kaya gagawin ko na lang mamaya
kasi I can surely do it parang gano’n ang mindset ng taong gano’n. Pero on the
other hand, ang negative is too much na pagaantala natin sa mga kailangang gawin
is nakakasira rin sa time management. Na ang inuuna is yung mga wants mo kaysa
sa needs kaya possible rin na dumating sa point na hindi mo na magagawa yung
mga kailangan mong gawin and worse is that baka lumampas pa sa deadline yung
pagkakapasa sa mga requirements.
Title: Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan ba?
Araw ng interbyu: Mayo 4, 2018
Interbyu kay: Yrein A. Canzon
Taon at Seksyon: Grade 11- Saint Rose de Lima
Gulang: 18
Strand: Science, Technology, Engineering, and Mathematics
Araw ng kapanganakan: Nobyembre 21 2000
Kasarian: Babae
Lugar: San Fernando City, La Union

Nagiinterbyu: Kapag marami ang gawain sa paaralan, mayroon ka bang


organizational chart o time table?
Iniinterbyu: Kapag marami akong ginagawa, oo may time table ako kasi doon ko
na inilalagay lahat ng mga kailangan kong gawin at yung style ko from
pinakamadaling gawin to pinakamahirap kasi nakakatulong iyon para malaman ko
kung anong kailangang gawin. Maliban dun, para maiwasan na rin ang pagtatanong
sa mga kaklase kapag may nakalimutan akong gawain. Kinakahon ko nalang at
inaayos ayon sa bilang ang mga gawain na kailangan kong matapos.
Nagiinterbyu: Gusto niyo bang gawin agad ang isang gawain o ipagpabukas na, oo
o hindi at bakit?
Iniinterbyu: Mas gusto kong ginagawa agad para bawas hassle at iniisip at para
matapos na rin ang isang gawain. Pero kung dumarami na ang mga gawain at
sunod-sunod na itong dumarating, dahil sa pagod naipapagpabukas ko na ang iba.
At ‘yon nga, mas okay na gagawin na agad ang mga gawain para makabawas din sa
mga iniisip at siyempre ayaw ko rin mag-procrastinate o mag-cram dahil sobrang
hirap.
Nagiinterbyu: Mas gusto niyo bang inuuna ang mga ibang gawain kaysa sa mga
bagay na dapat gawin, oo o hindi at bakit??
Iniinterbyu: Oo, bago ko gawin ang mga kailangang gawin bubuksan ko na muna
ang Facebook, twitter, IG,etc ko. Kailangan ko muna ng leisure time o oras para sa
aking sarili kasi siyempre ilang oras tayong nasa paaralan tapos pag-uwi sa bahay
aral na naman ang gagawin at nakakapagod iyon. Kaya bago ko simulan ang mga
gawain na kailangan sa paaralan sinisigurado ko munang may oras ako para
makapagpahinga bago ko gawin at tapusin ang mga kailangan kong gawin.
Nagiinterbyu: May maganda bang naidudulot ang pagpapabukas o pagsasantabi
mo ng isang gawain?
Iniinterbyu: Depende yun sa pasahan ng trabaho, pero hindi maganda ang
pagsasantabi ng mga gawain. Siyempre mawawalan ka ng gana, hindi natin
maiiwasan iyon. At nababawasan ang kalidad ng ating mga ginagawa kasi siyempre
iba't-iba tayo, at hindi lahat hindi kaya makapagtrabaho ng maayos habang
nagkacram. Kaya hindi maganda ang naidudulot nito dahil tatamarin tayong gawin
ang mga nakatakdang oras.

TITLE: Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan ba?


Araw ng interbyu: Mayo 4, 2018
Interbyu kay: Alesandria Yvonne Colos
Taon at Seksyon: Grade 11- Saint Justine de Jacobis
Gulang: 17
Strand: Humanities and Social Sciences
Araw ng Kapanganakan: Abril 5, 2001
Kasarian: Babae
Lugar: San Fernando City, La Union

Nagiinterbyu: Kapag marami ang gawain sa paaralan, mayroon ka bang


organizational chart o management table? Kung mayroon o wala, bakit?
Iniinterbyu: Kapag mayroong napakadaming gawain sa paaralan, hindi ako
gumagamit ng managemant table o kahit ano man, dahil una sa lahat alam kong
balansehin ang aking oras sa lahat ng mga gawain na kailangan kong tapusin.
Nagiinterbyu: Gusto niyo bang gawin agad ang isang gawain o ipabukas na? Oo o
hindi at bakit?
Iniinterbyu: Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin ko na tapusin agad. Tatapusin
ko agad para hindi na ako matambakan ng mga gawain na maaaring magsabay-
sabay kinabukasan kapag hindi ko ginawa ng maaga.
Nagiinterbyu: Mas gusto niyo bang inuuna ang ibang gawain kaysa sa mga bagay
na dapat gawin? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: Uunahin ko ang dapat gawin, kasi kung babalansehin mo, mas
matimbang ang dapat gawin, dahil ito na ang gawain na nakalaan sayo. Ito na din
ang inassign sa ‘yo, kaya dapat lang na iyon ang dapat gawin.
Nagiinterbyu: May maganda bang dulot ang pagpapabukas o pagsasantabi mo sa
isang gawain? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: Walang magandang maidudulot, dapat lagi mong isinasaalang-alang
na may deadline tayong pinag-uusapan, una sa lahat kapag ipapabukas mo pa, mas
lalo kang mahihirapan, dahil kapag natambakan na hindi mo na alam ang uunahin
mo.
At isa pa, dapat iconsider mo rin ang magiging quality ng ipapasa mo, kapag
mas maagang gagawin, asahan mo na mas kalidad ang ipapasa mo, kaysa sa
paggawa ng rush projects, na kung minsan pa ay hindi maganda ang naging
kinalabasan nito.
TITLE: Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan ba?
Araw ng interbyu: Mayo 6, 2018
Interbyu kay: Ma. Rosalynn Chua Ledda
Taon at Seksyon: Grade 11-St. Pedro Calungsod
Gulang: 17
Strand: Accounting and Business Management
Araw ng Kapanganakan: February 10, 2001
Kasarian: Babae
Lugar: San Fernando City, La Union

Nagiinterbyu: Kapag marami ang gawain sa paaralan, mayroon ka bang


organizational chart o management table? Kung mayroon o wala, bakit?

Iniinterbyu: Depende. Kasi minsan sa dami ng ginagawa wala na rin akong oras
para gumawa ng organizational chart. Minsan naman oo kasi beforehand pa lang,
alam ko na yung upcoming na gagawin kaya nagagawa ko ng mas maaga yung
management table. At tsaka depende rin pala sa mood.

Nagiinterbyu: Gusto niyo bang gawin agad ang isang gawain o ipabukas na? Oo o
hindi at bakit?

Iniinterbyu: Depende nanaman. Meron kasi yung times na yung momentum ko


hinahanap ko muna. Meron din naman yung sipag na sipag ako gusto ko na
matapos ‘yong work. When it comes to school work, most of the time mas gusto
kong gawin na agad. ‘Pag iba naman minsan tinatamad ako.

Nagiinterbyu: Mas gusto niyo bang inuuna ang ibang gawain kaysa sa mga bagay
ma dapat gawin? Oo o hindi at bakit?

Iniinterbyu: Sa akin, ayoko. Priority is priority. Pero meron ‘yong times na nagiging
wants over priority ako.

Nagiinterbyu: May maganda bang dulot ang pagpapabukas o pagsasantabi mo sa


isang gawain? Oo o hindi at bakit?

Iniinterbyu: 50/50. Pag pinagbubukas ko kasi minsan yung isang gawain ang result
no’n is mas maganda, kasi nahanap ko na yung momentum ko eh. Pero ang bad
side, may chance rin na magcracram na ako gano’n.
TITLE: Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan ba?
Araw ng interbyu: Mayo 6, 2018
Interbyu kay: Edmar Paul Cabilloy
Gulang: 17
Taon at seksyon: Grade 11- Saint Camilus de Lellis
Strand: Science, Technology, Engineering, and Mathematics
Araw ng Kapanganakan: Oktubre 22, 2000
Kasarian: Lalaki
Lugar: San Fernando City, La Union
Nagiinterbyu: Kapag marami ang gawain sa paaralan, mayroon ka bang
organizational chart o management table? Kung mayroon o wala, bakit?
Iniinterbyu: Wala. Nagtatanong nalang ako sa iba kung ano ang mga gagawin at
kung kailan ipapasa. Hindi ako masyadong organisado sa mga bagay bagay eh.
Nagiinterbyu: Gusto niyo bang gawin agad ang isang gawain o ipabukas na? Oo o
hindi at bakit?
Iniinterbyu: Depende. Kung bukas or malapit na ang deadline syempre gagawin mo
na talaga. Alangan naman na gawin mo sa deadline talaga. Pero kung malayo pa
deadline, chill chill lang.
Nagiinterbyu: Mas gusto niyo bang inuuna ang ibang gawain kaysa sa mga bagay
ma dapat gawin? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: Depende rin kasi syempre uunahin mong gawin talaga yung mahirap na
gawain kaysa sa madali lang naman. Peeo mostly hindi, kasi kailangan ko ring
makapasa diba?
Nagiinterbyu: May maganda bang dulot ang pagpapabukas o pagsasantabi mo sa
isang gawain? Oo o hindi at bakit? —
Iniinterbyu: Oo meron din minsan kasi makakaformulate ka pa ng mas malawak na
idea, then, mas madaming concept ang papasok sa utak mo. At depende rin minsan
kasi maaaring passing na pala kinabukasan, kaya syempre mahirap din yun mas
maiistress ka dun.

TITLE: Mañana Habit, Pamana ng Dayuhang Kastila, Pinakikinabangan ba?


Araw ng interbyu: Mayo 6, 2018
Interbyu kay: Kurt Danguecan
Gulang: 16
Taon at seksyon: Grade 11- Saint Ezequiel Moreno
Strand: Science, Technology, Engineering, and Mathematics
Araw ng Kapanganakan: Agosto 26, 2001
Kasarian: Lalaki
Lugar: San Fernando City, La Union

Nagiinterbyu: Kapag marami ang gawain sa paaralan, mayroon ka bang


organizational chart o management table? Kung mayroon o wala, bakit?
Iniinterbyu: Minsan, pero kasi may mga panahon na kulang na kulang na talaga
ako sa oras kaya ang ginagawa ko mas inuuna ko yung mga mahihirap tapos
isusunod ko nalang yung mga madadaling gawain para at least mas marami akong
magawa sa konting oras na meron ako.
Nagiinterbyu: Gusto niyo bang gawin agad ang isang gawain o ipabukas na? Oo o
hindi at bakit?
Iniinterbyu: Oo, ako kasi yung tipo ng tao na hindi ko na ipagpapabukas ‘yong
mga kaya ko namang gawin, ‘di ba para kahit tapos na ako ngayon bukas wala na
ikong iisipin na trabaho... mas makakapagpahinga na ako.
Nagiinterbyu: Mas gusto niyo bang inuuna ang ibang gawain kaysa sa mga bagay
ma dapat gawin? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: Mas inuuna ko yung mga bagay na kailangan kong gawin para
matapos ng maaga at maayos baka kasi pag late kona gawin maging pangit na
‘yong kakalabasan no’ng trabaho ko, ‘yong mga iba ko namang personal na gawain
nakapaghihintay eh.
Nagiinterbyu: May maganda bang dulot ang pagpapabukas o pagsasantabi mo sa
isang gawain? Oo o hindi at bakit?
Iniinterbyu: Para sa akin wala, ‘di ba kasi kung may oras ka naman bakit ‘di mo pa
gawin. Kung ang paggamit nga ng gadgets napagtutuunan mo ng oras bakit hindi
mga importanteng bagay ‘di ba. Baka kasi magmukhang minadali ‘yong gawain mo
‘pag gano’ng kinulang ka sa oras ng paggawa dahil pinagpabukas mo ‘di ba.

You might also like