Professional Documents
Culture Documents
METODOLOHIYA
Ang metodolohiya ay ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin
ng kanilang pag-aaral o para malaman ang kasagutan sa kanilang suliranin. Ang halimbawa
nito ay ang survey, questionnaire, obserbasyon, pag-eeksperimento, panayam, at iba pa. Ito ay
ginagamit upang makapangalap ng mga datos o impormasyon na may kaugnay sa
pananaliksik.
Dahil sa tamang pagpili ng metodolohiya na gagamitin, makakatulong ito upang mahanap niyo
ang sagot sa inyong suliranin. Dahil rin dito mas magiging eksakto ang sagot na nais naming
malaman. Ang tamang pagpili ng metodolohiya sa pananaliksik ay makakatulong sa pag-aaral
sa pag-interpreta ng mga datos na nakalap upang makabuo ng angkop na rekomendasyon.
Metodolohiya sa Pananaliksik
Ang mga kalahok ay ang mga piling estudyante sa Mataas na Antas ng Paaralan
ng Esperanza.
Kalahok rin ang mga piling gurong nagturo sa Mataas na Antas ng Paaralan ng
Esperanza.
Kalahok rin ang mga magulang ng maga estudyanteng nag-aaral sa Mataas na
Antas ng Paaralan ng Esperanza.
Nina:
Alibai K. Gayao
Katherene G. Abogar
Aisa A. Adam
Evelyn C. Cabaya
Oktubre 2017
Dahon ng Pagtitibay
G. ESKAK M. DELNA
Punong Guro
Pasasalamat
- Mga Mananaliksik
KABANATA V
Lagom
KONKLUSYON
Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na konklusyon:
REKOMENDASYON
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga
mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong ang
mga sumusunod na rekomendasyon:
a. Para sa mga respondente, siguraduhing gusto nyo ang inyong napiling kurso.
Kinakailangan niyong linawin ang gusto niyong mangyari sa hinaharap. Matuto ding
ibalanse ang inyong oras sa pag-aaral at sa iba pang mga gawain.
b. Para sa mga estudyante, marapat na alamin ninyo ang inyong mga prayoridad
upang hindi masayang ang oras sa mga hindin importanteng bagay. Maaaring
gumawa ng sariling iskedyul at maglaan ng sapat na panahon sa pag-aaral.
c. Para sa mga magulang, gabayan lamang ang mga anak sa pagpili ng kurso. Huwag
pilitin ang mga anak sa kursong hindi naman talaga nila gusto dahil ito ay hahantong
sa matinding kahirapan sa kasalukuyan at maaaring maging dahilan pa ng matinding
kalungkutan.
d. Para sa mga guro, pag-aralan kung paano magiging mas interesado ang mga
estudyante sa asignaturang inyong itinuturo upang mas mapadaling makuha ang
atensyon ng mga estudyante sa pag-aaral.
e. Para sa mga sumusunod na mananaliksik tungkol sa paksang ito, pag-aralan ng
mabuti ang mga respondente at kumuha ng mas maraming impormasyon upang
makakuha narin ng mas maraming solusyon sa mga suliranin ng inyong papel.
KABANATA II
Kinumpirma ni Education Secretary Armin Luistro na patuloy ang pagtigil sa pag-aaral ng ilang
estudyante bunsod ng maraming kadahilanan.
Ilan aniya sa mga ito ay ang pangangailangan ng mga bata na tumulong na sa gawain o
paghahanapbuhay ng magulang dala ng labis na kahirapan, habang ang iba naman ay
maagang nag-aasawa.
Ilan naman umano ang nagda-drop out dahil sa mahinang katawan sanhi ng malnutrition,
paghihikahos sa buhay, at maging matinding problema sa pamilya tulad ng paghihiwalay ng
magulang.
Tinayang mahigit sa anim na milyon ang out-of-school youth sa bansa. Kaugnay nito, ikinasa ng
National Youth Commission ang Abot Alam, katuwang ang DSWD at DILG kung saan
hahanapin ang mga out-of-school at aakayin na pumasok sa paaralan.
KUNG maghihigpit na ang HPG sa mga tricycle at pedicab na dumadaan sa EDSA, maghihigpit
na rin daw sila sa mga pumaparada sa Ortigas Ave. Ito ang mga sasakyan na sumusundo sa
mga mag-aaral sa La Salle Greenhills. Mistulang parking lot nga ang Ortigas kapag palapit na
ang labasan ng mga mag-aaral. At dahil hindi naman talaga ito paradahan ng sasakyan,
nagiging sanhi ng matinding trapik sa lugar sa mga oras na iyon.
Makikita natin kung talagang mapapatupad ng PNP-HPG ang bagong patakarang ito sa Ortigas
Ave. Karamihan sa mga nag-aaral sa La Salle ay anak ng mga maimpluwensiya at
mayayamang magulang. Kapag mahigpit na ipinatupad na ang paghuli at paghila sa mga
sasakyan na pasaway pa ring paparada sa Ortigas, sigurado may magagalit diyan, sigurado
may aangal diyan, sigurado lalabas ang mga padrino at kilala diyan.
Ito nga ang nagiging problema ngayon ng mga lugar kung saan may mga paaralan. Parami
nang parami taun-taon ang bilang ng mga mag-aaral, pero hindi naman lumalaki ang kanilang
campus, o hindi naman nadadagdagan ang mga paradahan nito. Hindi ko nga alam kung ano
ang gagawin ng La Salle kapag ipinatupad na ang “no parking” sa Ortigas. Hindi naman
puwedeng hindi masundo ang mga bata, lalo na kapag umuulan. Dapat may plano na ang La
Salle at HPG kung paano ang magiging daloy ng trapik ng mga sumusundong sasakyan.
Baka isa sa mga solusyon ay ang school service. Karaniwan ay isang mag-aaral lang ang
sakay ng bawat sasakyang sumusundo sa mga paaralan. Kumpara mo sa school service na
marami ang sakay. Kaya kung 16 na bata ang masasakay ng school service, 16 na sasakyan
ang nabawas na sa kalsada. Alam ko noong araw ay uso ang school bus. Ngayon, parang wala
na akong nakikita. Ang naging daing ng ilang mga kaibigan ko ay kapag malayo ang kanilang
tahanan sa paaralan, mga anak nila ang unang nasusundo papasok at huling nahahatid pauwi,
kaya laging pagod ang mga bata.
Ito ang mga perwisyong dulot ng trapik. Kaya lahat ng maaaring solusyon ay sinusubukan na ng
HPG. Sang-ayon ako sa pagbawal ng mga tricycle at pedicab, hindi lang sana sa EDSA kundi
sa iba pang mga pangunahing kalsada tulad ng Quezon Ave., Katipunan at Aurora. Sang-ayon
din ako na ipagbawal na ang pagparada ng mga sasakyan sa Ortigas, partikular ang pagsakop
nila ng tatlo o apat pa ngang lane ng kalsada. Pero kailangan may solusyon din para sa mga
sumusundo ng mga bata.
Marami sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, gustuhin man nilang
makapasok sa paaralan ay wala silang sapat na pambaon upang makapasok. Ikalawa ay ang
PROBLEMA SA PAMILYA. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga mag-aaral ay
nakakaisip ng mag-cutting classes dahil sa sama ng loob sa mga magulang. Away siguro ng
away ang kanyang mga magulang kaya naisip niya na magbulakbol na lamang sa mga ito. At
ang panghuli ay ang IMPLUWENSIYA NG MASASAMANG BARKADA, ang masamang dulot ng
modernong kabataan na isa ring suliranin ng bayan. Maraming masasamang epekto ang
nakikita ko sa suliraning ito.
Una sa lahat, pag madalas na ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay maaaring ibagsak ito ng
kanyang tagapayo. Sumunod dito ang tuluyan ng paghinto nito sa kanyang nasimulang pag-
aaral. Liliit ang pagkakataon nitong magkaroon ng maayos at marangal na pamumuhay sa
hinaharap. Maaari pa silang maging tambay lang sa tabi-tabi at malulong sa mga krimen. Dahil
naniniwala ako na ang pagkakaroon ng EDUKASYON pa rin ang ating magiging gabay sa pag-
unlad at ito lamang ang pamanang mananatiling taglay natin sa pagtahak natin sa panibagong
yugto ng ating buhay. Bilang isang mag-aaral, dapat siguro na ipagbigay-alam sa mga
magulang kung ano ang dahilan ng pagliban ng anak sa klase. Nararapat din na intindihin ng
guro ang kalagayan ng mag-aaral kung may kinakaharap man itong problema. Dapat din nating
kausapin ito ng maayos upang mailantad ng mga mag-aaral ang mga problemang kinakaharap
nito.
Sa aking palagay, nararapat siguro na magbigay ng mga scholarships ang pamahalaan para
sa mga deserving students. Sa ganitong paraan, maiiwasan na ang pagliban ng mga mag-aaral
sa klase. Pero para sa akin, ang PAGMAMAHAL AT PAGGABAY pa rin ng mga magulang ang
mabisang paraan upang malunasan ito. Dahil kung pupunan ng mga magulang ng pagmamahal
ang kanilang mga anak ay hindi na nila maiisip na magbulakbol sa pag-aaral, sa halip ay
PAGBUTIHIN pa ito.
Sa panahon ngayon, marami-rami na ring mga estudyante ang binabalewala nalang ang
pagpasok sa klase. Minsan ang kadahilanan nito’y ang masasamang impluwensya ng barkada
o kung minsan naman ay may sapat at katanggap-tanggap na dahilan ang mga mag-aaral.
Sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-
asa ng bayan.” Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo
ay tumutungo sa maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang
kinabukasan.
Alam natin na ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto sa ating
kinabukasan. Marami silang nalilibanang mga paksa sa klase, at dahil dito, makakaapekto ito sa
kanilang mga grado at maari rin tong maging dahilan upang bumagsak sila at umulit nanaman
sa asignaturang iyon.
- Filipino “Isang Kabataan”
Mga salita mula sa isang klasikong awitin ng grupong APO Hiking Society na tumatalakay sa
kakulangan pa sa kaalaman sa mga bagay bagay sa mundo ng mga kabataan. Subalit tila sa
panahon ngayon, sa dami ng maaaring panggalingan ng impormasyon at maging sa pananaw
na rin ng nakatatanda ay tila nawawala na ang kahulugan nito.
Sa internet maging sa social and traditional media araw araw tayong inuulanan ng iba’t ibang
impormasyon. Kadalasan sa hindi, walang kontrol ang mga impormasyon na nakukuha ng
kabataan kung kaya humahantong ito sa maling pag-aakala na alam na nila ang lahat ng
bagay.
Marami tayong makikita sa mga social networking sites na mga bata na may mga account na
kung hindi sila ang gumawa ay mismong mga magulang pa ang bumuo para sa kanila.
Puedeng ito ay para sa komunikasyon rin lalo na kung nasa malayong lugar ang magulang.
Wala sigurong problema kung nababantayan ng maigi ang mga kabataan sa paggamit ng mga
sites na ito. Pero mas madalas na hindi sila naoobserbahan.
Maraming bagay ang nakikita rito. Ang mga bagay na ito ay nagkakaroon ng iba't ibang epekto
sa isipan ng mga nasa menor de edad. Maaaring ito ay mabuti, pero maaari ring masama.
Makikita pa natin minsan na sa mga usapang pang-matanda ay may mga bata na “sumasali” na
sa usapan at kadalasan pa ay makikipagtalo sa mga higit na nakakatanda sa kanila. Wala na
yung panahon noon na pag sumasagot ang bata sa matanda o kaya ay sumasabat sa kanilang
usapan ay siguradong mapapagalitan o di kaya ay mapapalo.
At isa sa malalalang pangyayari na dahil sa kawalan ng pagantabay ay ilang beses na ring may
mga kabataang napahamak at napariwara sa walang disiplinang paggamit ng social networking
sites.
Sabi sa ilang pag-aaral na nagbubunga raw ng “anxiety and aggression” sa kabataan ang
pagbubuhat ng kamay sa kanila. Sa paglaki raw ng kabataang napapalo ay mas malaki ang
tsansa na maging mas agresibo at bayolente sila kumpara sa hindi. Tulad ng nabanggit sa
itaas, hindi normal sa kanluraning mga bansa ang pamamalo ng anak bilang pagdisiplina. Pero
bakit tila mas marami tayong nalalamang mararahas na mga krimen na ginagawa ng
kabataan sa mga bansa tulad ng Amerika? May mga namamaril, nambubugbog at pumapatay
ng hindi lang iisang tao kadalasan at ang gumagawa ay mismong kanilang mga kabataan. Mas
nakikita rin natin ang pagiging mas agresibo at kadalasang pagsuway sa magulang kumpara sa
mga kabataan sa mga bansa sa silangan. Pero sa panahon ngayon, tila dun na rin papunta ang
ating bansa sa ganoong sitwasyon.
Dalawang bagay ang mainit na napaguusapan sa ating bansa ngayon na nauukol sa kabataan,
una ang “Juvenile Justice Law” at pangalawa ay ang ruling ng Dep Ed sa teachers na “Bawal
Sumimangot”. Sa Juvenile Justice law, maraming karapatan ng kabataan ang pinatibay sa
kabila ng kanilang maaaring pagkasangkot sa krimen. Hindi sila maaaring kasuhan at itrato na
tulad ng matatanda na nagkasala sa parehong krimen at kung sakali man na gumawa ng di
maganda ang biktima o kahit sino laban sa mga batang nagkasala ay maaari pa silang kasuhan
ng child abuse. Sa “bawal sumimangot rule" naman ng DepEd ay pinagbabawal na ang
pagsimangot ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Hindi ko lang alam kung kahit tipong
may dysmenorrhea, migraine sila o talagang may ginawang kabulastugan ang mga bata ay
bawal pa rin silang sumimangot.
Sa kabilang banda naman, ipinagbabawal na daw ang pagsimangot ng mga guro sa mga mag-
aaral sa kadahilanang marami ang “nadidiscourage” na mga kabataan at nahahantong pa ito sa
kawalan ng gana na mag-aral. Pinakita pa sa isang balita na may isang kinse anyos na bata na
hindi na pumasok sa eskwela dahil palaging pinapagalitan ng guro at maging ng principal.
Grade 2 lang ang inabot ng batang ito. Ano kaya ang ginawa ng magulang at hinayaan na
ganito na lang ang abutin ng kanilang anak? Kung pinag-iinitan man ang kanilang anak, ano
kaya ang dahilan? At bakit hindi nila kinausap man lang ang guro at ang kanilang anak para
maayos ito?
Sa aking karanasan, marami akong mga naging guro na masasabi nating “terror”. May ilan na
matalim talaga ang mga salitang binibitawan at may ilan pa na may mga pisikal na
pagdidisiplina sa estudyanteng matigas talaga ang ulo tulad ng pagpalo sa kamay, pag pingot ,
pagpapalabas sa klase at iba pa. Subalit ang mga gurong ito ang siya ring mas tumatak at
nakapagbigay ng disiplina sa maraming mag-aaral na kanilang nahawakan.
Sa dalawang kautusang ito ay para nating ginapos ang kamay ng dalawang ahensya para
disiplinahin ang ating kabataan. Una ang kapulisan at pangalawa ay ang mga paaralan. Inalisan
natin ng ngipin ang mga ito para disiplinahin sana sa maling gawa ng ating mga kabataan. Ayos
sana ito kung sa mga tahanan pa lamang ay nadidisiplina nang maigi ng mga magulang ang
kanilang mga anak. Subalit ayon na rin sa ating mga nakikita sa paligid ay humahantong pa sa
mas malalang bagay ang dulot ng kawalan ng disiplina ng mga bata mula sa mga pabayang
magulang.
Kung hindi kayang disiplinahin ng maraming magulang ang kanilang mga anak, at aalisan pa
natin ng kakayahang disiplinahin ng lipunan ang ating mga kabataan, sino na lang ang
matitirang magdidisiplina at magtuturo ng tamang pamumuhay sa mga musmos na kaisipan?
Public school personnel, most especially teachers, are at the very forefront of the delivery of
education to millions of students, day in and day out. With large class sizes, multiple shifts each
day, and the heavier tasks they have to assume under K to 12, any one of them can attest that
instilling discipline in their classrooms has become increasingly difficult.
This heavy burden of teachers is aggravated by the lack of institutional support in the form of
standards in classroom management, training on these standards and the permissible and
effective methods of instilling discipline, guidance counselors to act as support personnel, and
legal assistance and representation.
While child protection is indispensable, teacher protection is also a must. To this end, this bill
seeks to lay down institutionalized support mechanisms for teachers and school personnel in
matters of classroom management and student discipline. The first is a mandate on DepEd to
issue and implement a student manual. DepEd is also proposed to provide pre-service and in-
service training for DepEd personnel on child behavior and psychology, classroom management
techniques, positive discipline, and other related fields.
Also proposed are measures to protect teachers and school personnel in cases related to
student discipline and classroom management, including legal assistance and representation by
counsel and union or association representatives. Furthermore, confidentiality of proceedings
and the identity of all parties are directed.
- http://filipinotheis102.blogspot.com/p/epekto-ng-madalas-na-pagliban-
ngmag.html
http://cariazo.blogspot.com/
http://theignoredgenius.blogspot.com/2012/0
5/saan-patungo-ang-lumalalang-disiplina.html