You are on page 1of 6

Panimula

Ang pangingibang bansa ng isang magulang ay may malaking epekto sa mga batang
naiiwan habang ang mga magulang ay nangingibang bansa. Katunayan ayon sa isang
pag-aaral, natuklasang isa sa pinakamahirap na karanasan ng isang magulang o
sitwasyon ng isang pamilya ay ang nangingibang bansa ang magulang at parang hindi
na siya kilala ng anak niyang iniwan. kay Irene Posadas na isang mananaliksik sa
Psychology Department ng Ateneo de Manila University sa isang seminar, na
napakahalaga nang komunikasyon sa pagitan ng isang anak na malayo sa isa’t isa.

Ayon din naman sa November 24 issue ng Time Magazine (2008), na may artikulong
pinamagatang “The Motherless Generation”, kung saan dito ay tinalakay ang mga
negatibong epekto sa paglaki ng mga bata na malayo sa pagkalinga ng kanilang mga
magulang, lalo na ng kanilang ina dahil ito ay migrant worker at nagtatrabaho sa ibang
bansa. ito ang nagpapatunay na napakahalaga ng kalinga ng magulang para sa mga
anak nilang naiwan habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. At gayundin, alam
nating napakaraming magulang ang nasa ibang bansa katunayan nga ayon sa
Philippine Statistics Authority o PSA noong Abril hanggang Setyembre 2016 ay
mayroong tinatayang 2.2 milyong OFW.

At dahil dito, nabuo ang pananaliksik kung saan tinatalakay ang epekto ng pagkakaroon
ng magulang na nasa ibang bansa sa akademikong performans ng isang estudyante.
Gayundin tinatalakay sa pananaliksik na ito kung paano makilahok ang mga
estudyanteng mayroong magulang na nasa ibang bansa.

Napakahalaga ng pag-aaral na ito dahil mas magkakaroon ng ideya ang mga tao kung
ano ang epekto ng pagkakaroon ng magulang na ngingibang bansa sa akademikong
performans ng kanilang anak na kanilang naiiwan habang sila ay nasa ibang bansa.

Napili ng mga mananaliksik ang paaralan ng Aurelio Arago Memorial National High
School sapagkat ito ay tungkol sa akademikong performas ng isang batang mayroong
OFW na magulang at tungkol ito sa edukasyon. Partikular ang seksyon ng Pearl at
Emerald dahil nalaman ng mga mananaliksik na mayroong mga estudyanteng
nagtatrabaho sa ibang bansa ang magulang.

ang pananaliksik na ito ay naglalayong maunawaan ang epekto ng pangingi bang


bansa ng maunawaan ang epekto ng pangingibang bansa ng mga magulang sa
akademikong performans ng mga mag-aaral. Malaki ang maitututlong nito sa mga
estudyante magulang at mga guro. Dahil sa pananaliksik na ito malalaman ang mga
aksyon na dapat nilang gawin upang mabigyang solusyon ang problema.
KABANATA 1
ANG SULIRANIN NG PAG-AARAL

Panimula

Balangkas Konseptwal

Gumamit ng ilang konsepto ang pananaliksik na ito upang mapagtibay ang kahalagahan.

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa teoryang tinatawag na Labor Theory of Value ni David Ricardo na
sinasabing ang halaga ay nagmumula sa paggawa, ngunit paano nga ba gagawa kung wala rin namang posisyong
nakalaan para sa mga manggagawa? Isa sa mga pangunahinng salik nito ay ang “malala” nang kawalan ng
trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na tinatamasa ng bansa (anon).
Binigyan-diin ni Susan Ople (2005), ang totoo nga marahil na kulang pa rin sa pondo ang inaalok
ng gobyerno sa sektor ng serbisyo, industriya at paggawa. Dahil sa kawalan ng trabaho sa bansa,
natutulak na mangibang-bayan ang mahigit sa 8.3 milyong Pilipinong migranteng manggagawa o ang
mga Overseas Filipino Workers (OFWs). (anon)

Mula sa mga konseptong ito ay mapapatunayan na ang napakaraming Pilipino ang nangingibang bansa
upang magkaroon ng trabaho.
Makikita sa susunod na pahina ang Balangkas Konseptwal ng pag-aaral.

INPUT PROCESS OUTPUT

 epekto ng  sarbey kwestyoner Nabuong buklet para sa


pangingibang  pakikitungo sa mga mga gustong magkaroon
piling guro na ng kaalaman ukol sa
bansa ng mga Pigyur 1
mayroong epekto ng pangingibang
magulang sa
estudyangteng bansa ng magulang sa mga
akademikong
OFW ang magulang estudyante
performans ng
isang estudyante
1. negatibo
2. positibo
 saloobin ng mga
anak sa
pangingibang
bansa ng kanilang
mga magulang
 kalagayang pang
akademiko ng
Pigura 1. Balangkas konseptwal
mga piling mag-
aaral
Sa unang kahon ay makikita mga epekto ng pangingibang bansa ng magulang

sa akademikong performans ng isang estudyante. Gayundin din ang iba’t ibang

saloobin ng mga anak sa pangingibang bansa ng kanilang mga magulang at

kalagayang pang akademiko ng mga mag-aaral may magulang na nangingibang bansa.

Sa ikalawang kahon naman ay nakalahad kung paano kukunin ang mga datos

na gagamitin upang makagawa ng awtput na buklet.

Sa panghuling kahon ay nakalahad ang nabuong buklet kung saan ito makikita

dito ang mga datos na nakuha sa mga piling mag-aaral ng Aurelio Arago Memrial

National High School na para sa mga gustong magkaroon ng kaalaman ukol sa epekto

ng pangingibang bansa ng magulang sa mga estudyante.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang tukuyin at tipunin ang mga epekto ng
pagkakaroon ng mga magulang na nagtratrabaho sa ibang bansa sa akademik performans ng
isang estudyante.
Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng magulang na nagtratrabaho sa ibang
bansa?
2. Paano makilahok sa klase ang isang estudyanteng mayroong magulang na
nangingibang bansa?
3.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga sa larangan ng edukasyon ang pag-aaral na ito upang malaman ang epekto
ng pagkakaroon ng magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa sa akademik performans ng
isang estudyante.
Naniniwala ang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod
tulad ng mga estudyante, guro at ng mga magulang na nangingibang bansa o may balak
mangibang bansa.
Para sa mga estudyante, magsisilbing itong gabay upang malaman nila ang mga epekto
ng pagkakaroon ng magulang na nasa ibang bansa. Gayundin, kung mayroon silang kaeskwela
na may magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa maari nilang maintdihan ang epekto nito sa
kanila.
Para sa mga guro, mas maiintindihan ng mga guro kung ano ang magiging epkto ng
pagkakaroon ng iang estudyante na mayroong magulang na nangingibang bansa.
Para sa mga magulang na nangingibang bansa at mangingibangbansa, magsisilbi itong
gabay sa kanila upang malaman ang maaring idulot sa isang estudyante ng pagkakaroon ng
magulang na mangingbangbansa. Gayundin, mas maiintindihan at magkakaroon sila ng ideya
para masulosyunan kung meron man itong negatibong epekto.
Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa maaring maging epekto ng


pangingibang bansa ng mga magulang sa akademikong performans ng mga mag
aaral.Ito ay ginanap sa paaralan ng Aurelio Arago Memorial National High School kung
saan nag mula ang mga gagamiting respondate.

Sinasaklaw lamang nito ang positibo at negatibong epekto ng


pangingibangbansa ng mga magulang. Ang mga respondateng ito ay nag mula sa
Pearl at Emerald na nasa ika-10 baitang, dito nag mula ang dalawampung piling mag
aaral. Hindi kabilang ang mga mag aaral na walang magulang na nagtatrabaho sa
ibang bansa.

Naka pokus ang pag aaral na ito at naglalahad ng pagsusuri ng mga datos mula
sa sinagutan nilang talatanungan at mula sa mga na interview nilang mga guro ukol sa
akademikong performans ng mga mag aaral. Malaking katulungan ito ung makamit ang
inaasahang resulta ng pag aaral.

Pag uukulan lamang ng pansin dito ay ang epekto ng pangingibang bansa ng


mga magulang, sanhi ng pag kakaroon ng mataas at mababang grado., kalagayang
pang akademiko ng mga piling mag aaral at ang. saloobin ng mga mag aaral ukol sa
pangingibang bansa na kanilang mga magulang.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Para sa lubusang pagkaunawa sa pag-aaral na ito sinikap ng mananaliksik na


bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na katawagan ayon sa pagkakagamit ng
mga ito sa pag-aaral.

Aksyon- ang aksyon na tinutukoy sa pananaliksik na ito ay ang magiging aksyon para
sa mga epekto ng pangingibang bansa ng magulang sa isang estudyante

Epekto- ang epektong tinutukoy sap ag-aaral na ito ay kung ano ang magiging epekto
ng pangingibang bansa ng mauling sa mga estudyante

Guro- ang mga gurong tinutukoy sa pag-aaral na ito ay ang mga gurong may mga
tinuturuang estudyante na mayroong magulang na OFW

Labor Theory of Value - ito ang teorya na kung saan ang halaga ng kalakal ay
magkaugnay sa paggawa na kakailanganin para maiprodyus o mailabas ang halaga ng
paggawa
Magulang- ang mga magulang na tinutukoy sap ag-aaral na ito ay ang mga magulang
na nangingibang bansa

OFW – ang OFW na tinutukoy sa pananaliksik na ito ay ang mga magulang na


nangingibang bansa at may mga anak na naiwan sa Pilipinas

Pamilya- ang pamilyang tinutukoy sa pag-aaral na ito ay ang mga pamilyang mayroong
magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa.

You might also like