You are on page 1of 1

Antas ng Pagganap ng mga Mag-aaral

Maraming salik ang maaaring makaapekto sa kakayahang matuto, kabilang na ang ingay. Ang mga
mag-aaral na nag-aaral sa isang positibong kapaligiran sa pag-aaral ay ipinakita na mas may
motibasyon, nakatuon, at may mas mataas na pangkalahatang kakayahan sa pag-aaral. Sa kabilang
banda, ang mga mag-aaral na natututo sa magulo na kapaligiran ang mga hindi komportable,
maingay, o puno ng mga distraksyon- ay mas mahihirapang makakalap ng impormasyon. At, kung
wala ring anumang interes ang mga mag-aaral sa aktibidad na ipagagawa o pagsusulit na ipasasagot.
hindi magiging ganap angkanilang ipapakitang performans. (Hendrix, 2019)

Ang akademikong pagganap ay isang sukatan ng tagumpay ng isang mag-aaral sa anumang


institusyong pang-akademiko. (Riddh, 2021) Maaari itong tukuyin bilang lawak kung saan nakakamit
ng isang mag-aaral ang kanyang pangmatagalan o panandaliang layunin na may kaugnayan sa
edukasyon. Kinakatawan ng GPA o akademikong antas ng paaralan o kolehiyo ng mag-aaral ang
akademikong pagganap ng isang mag-aaral. Mayroong direktang kaugnayan ang 1 mga pagganap na
ito sa mga eksaminasyon o pagtatasa na ginagawa sa loob ng paaralan. Ang mga grades o marka sa
pagsusulit ang kadalasang magpapasya sa antas ng pagganap ng isang mag-aaral. Kung mataas ang
nakuha ng isang mag-aaral ay maaaring sabihing ganap nitong nauunawaan ang paksang pinag-
aaralan at kung mababa naman ay kinakailangan pang bigyang- pansin ang mag-aaral na ito dahil
maaaring may mga konsepto itong hindi naiintindihan.

Ang mahusay na pagganap sa akademiko ay hindi lamang nauugnay pinakamagagaling na mag-aaral,


sa halip ito ay isang premyo na makukuha ng sinuman sa pamamagitan ng pagsusumikap. Binanggit
uli ni Riddh (2021) na napakaraming salik na nakakaapekto sa pagganap ng isang mag-aaral. Ang mga
mag-aaral ay madalas na nahahanap ang kanilang mga sarili sa mahihirap na sitwasyon kung saan
nawawala ang kanilang motibasyon sa kanilang pagganap. Ang pagganap sa akademiko ay
nakasalalay sa iba't ibang mga kadahilanan. Ang mga salik na ito ay maaaring sikolohikal o pisikal.
Ang mga mag-aaral na may mas kaunti o walang pisikal na aktibidad at pagkakaroon ng stress sa
buhay ay karaniwang may mahinang pagganap sa akademiko. Minsan ang kawalan ng interes sa
isang paksa ay maaari ding magresulta sa hindi magandang mga marka ng akademiko. Kaya, hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng mababang antas ng pagganap ng mga mag-aaral sa kadahilanang,
napakarami ngang salik na nakaaapekto sa pagganap nila sa paaralan.

You might also like