You are on page 1of 19

 

 
Yunit 6: Pagsulat ng Talumpati 
Aralin 1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng 
Talumpati 
 
 
Nilalaman 
Pansinin 1 
Panimula 1 
Mga Layunin 2 

Tuklasin 3 

Alamin 5 
Kahulugan ng Talumpati 5 
Layunin at Gamit ng Talumpati 10 

Palawakin 11 
Gawain 1 11 
Gawain 2 13 

Suriin 14 

Paglalahat 17 

Bibliograpiya 1​7 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 

Pansinin   
 

  Panimula 

Lar. 1. Pampublikong tagapagsalita 


 
Ang  pagsulat  ay  isa  sa  mga  makrong  kasanayang  dapat  na  nililinang  sa  isang tao sapagkat 
ito  ang  nagiging  lunduyan  o  sentro  ng  kaniyang  pagkatuto  sa  maraming  pagkakataon. 
Halimbawa,  mahalaga  na  mapahusay  ng  isang  tao  ang  kaniyang  kakayahan  sa  pakikinig 
upang  maging  mahusay  ang  kaniyang  magiging  diskurso,  gawaing  pasalita,  at  ang 
kasanayan  na  makapagbasa  upang  makalikha  naman  ng  isang  mahusay  na  sulatin  at 
babasahin.  Ibig  sabihin,  kahit  na  iisang  kasanayan  lang  ang  pinagtutunan  ng  pansin  ng 
 
  1 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
isang  tao  ay  nagagamit  pa  rin  niya  ang  iba  pang  makrong  kasanayan  na  dapat  ay  taglay 
niya.  Sa  pagsusulat,  hindi  ito  natatapos  bilang  isang  gawain  ng  paglalathala  lamang 
sapagkat,  kung  minsan,  ito  ay  humihingi  ng  gawaing  pasalita.  Ang  gawain  ng  lalaki  sa 
larawan  ay  isang  halimbawa  ng  pasalitang  gawain,  ngunit  hindi  maitatanggi  na  ang 
kaniyang ginamit na piyesa sa pagsasalita ay bunga ng pasulat na gawain.  
 

  Mga Layunin 
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang 
● nakikilala  ang  talumpati  bilang  akademikong  sulatin  ayon  sa  kahulugan,  layunin,  at 
gamit, at 
● nakasusulat  ng  isang  talumpating  tumatalakay  sa  isa  sa  mga  kasalukuyang  usaping 
panlipunan sa bansa. 
 
Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd 
nakikilala  ang  iba't  ibang  uri  ng  akademikong sulatin, gaya ng talumpati ayon sa: (a) Layunin 
(b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo ​(CS_FA11/12PN-0a-c-90) 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  2 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
 

Tuklasin   
 

       7 minuto 
 
Pansinin ang mga pangngalan sa loob ng mga bituin sa ibaba.  
 

 
 
 

Mga Kagamitan  
● isang kartolina 
● permanent marker 

 
Humanap  ng  katambal  para  sa  gawaing  ito.  Gamitin  ang  kagamitang  nabanggit  upang  itala 
ang  ugnayan  ng  bituin  at  ng  mga  larangang  nakapaloob  dito.  Gawin  ito  sa  loob  ng  limang 
minuto lamang. 
 
 
 
 

 
  3 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
 
Mga Gabay na Tanong 
 
1. Ano ang ibig sabihin ng bituin sa iyo?  

 
 
 

 
 
2. Paano maiuugnay ang biituin sa mga larangang nakatala rito?  

 
 
 

 
3. Sa  iyong  palagay,  katanggap-tanggap  ba  ang  bituin  upang  maging  simbolo  sa 
katangi-tanging husay ng mga nasa larangang ito? Ipaliwanag.  

 
 
 

 
4. Bukod  sa  mga  ito,  mayroon  pa  bang  ibang  larangan  ang  hindi  nabanggit  na  maaaring 
maiugnay rin sa bituin? Pangatwiranan.  

 
 
 

 
  4 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 

Alamin 
 
 
 

Ano  ang  kahalagahan  ng  pagsulat  ng  talumpati  sa 


  isang mag-aaral na tulad mo? 
 
Ang  pagsulat  at  pagbigkas  ng  talumpati  ay  hindi  lamang  para  sa  mga  tanyag  na 
personalidad  gaya  ng  mga  mambabatas,  ng  mga  ​broadcast  journalist​,  mga  manunulat,  at 
mga  artista.  Ito  rin  ay  nagsisilbing  tungkulin  ng  mga  propesyonal  sa  iba’t  ibang  larangan  o 
disiplina  katulad  ng  mga  guro,  mga  panauhing  pandangal  o  ​guest  speakers​;  at  maging  mga 
mag-aaral  na  kabilang  sa  ​student  council  ​at  mga  mag-aaral  na  nagtatapos  bilang 
valedictorian​.  
 
Tunay  nga  na  ang  pagsulat  at  pagsasalita  ay  maaari  ding  magkatuwang  na  kasanayan 
katulad  ng  pagbasa  at  pagsulat;  pakikinig  at  pagsasalita.  Ginagamit ang mataas na antas ng 
kakayahan  sa  pagbabasa  upang  makabuo  ng  isang  makabuluhang  sulatin.  Pinaghuhusay 
naman  ang  pagsulat  upang  maging  pangunahing  kasangkapan  sa  mabisang  pagsasalita  sa 
madla (Santiago, 1995). 
 
Kahulugan ng Talumpati 
Ang  ​talumpati  ay  pagpapahayag  ng  mga  kaisipan,  pananaw,  at  saloobin  ng  isang  tao  sa 
harap ng madla. Ito ay maaaring magdulot ng sigla o lugod, magbigay papuri, o magbigay ng 
katwiran.  Nauuri  ang  talumpati  ayon  sa  pagkakataon,  okasyon,  o pagdiriwang (Villanueva & 
Bandril,  2016).  Saklaw  nito  ang  iba’t  ibang  anyo  ng  pagpapahayag  na  paglalahad, 
pagsasalaysay, paglalarawan, at pangangatwiran (Santiago, 1995). 
 
Ang  talumpati  ay  itinuturing  na  isang  sining  ng  pagpapahayag  ng  kaisipan  sa  paraang 
pasalita  sa  harap  ng  tagapakinig.  Ito  ay  isang  maanyong  pagpapahayag  na  maaaring 
kumatawan  sa  wika  at  kaisipan  ng  isang  pangkat,  organisasyon,  rehiyon,  o  hindi  kaya  ng 
isang bansa (McBurney & Wrage, 1953). Ayon sa kanila, ang pagtatalumpati ay isang daluyan 
ng  paghahatid  ng  mga  kaisipan  at  nararamdaman  sa  pamamagitan  ng  nakikitang  mga 
 
  5 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
simbolo  at  naririnig  na  mga  pahayag  na  nililikha  ng  isang  mananalumpati.  Ito  man  ay 
pribado  o  pampubliko  pagpapahayag.  Ang  pangunahing  pinagmumulan ng mga simbolo ay 
ang  tagapagsalita o mananalumpati sapagkat ito ay bunga ng kaniyang pag-iisip, pagkilos, at 
pag-unlad.  Samakatwid,  dapat  ay  gamitin  niya  ang  lahat  ng  nalalaman  niyang  simbolo 
(nakikita  man  o  naririnig)  upang  magsilbing  mabisang  kasangkapan  upang 
makapagbigay-udyok,  magpakilos, at makatanggap ng makabuluhang pagtugon sa kaniyang 
mga tagapakinig. 
 
Ayon  kay  Nakpil  (1997),  ito  ay  isang  sangay  ng  panitikang  nagpapahayag  ng kaisipan upang 
basahin  o  bigkasin  sa  harap  ng  mga  taong  handang  makinig.  Ito  ay  maaaring  may  layong 
humikayat,  tumugon,  mangatwiran,  magbigay  ng  kaalaman,  at  maglahad  ng  isang 
paniniwala.  
 

Paano  naging  masinig  na  pagpapahayag  ang 


  pagtatalumpati? 
 
Sa  pagsusulat  at  pagsasagawa  ng  talumpati,  mahalagang  makilala  at  maunawaan  ng  isang 
nagsisimula  at  ganap  na  mananalumpati  ang  mga  pamantayan  ng  isang  mahusay  na 
talumpati.  Ang  pagbabalangkas  ng  mga  kaisipan  at simbolo tungo sa makabuluhang sulatin 
at pagtatanghal ay kailangang isaalang-alang.  
 
Batay kina McBurney at Wrage (1953) masasabing naging mabisa ang talumpati batay sa: 
● pagtugon ng mga tagapakinig; 
● pagtindig  ng  tagapagsalita  sa kaniyang paniniwala—ang paggamit ng katotohanan sa 
pagbabahagi; 
● kalinawan ng layunin at tunguhin ng tagapagsalita; at 
● katapatan sa prinsipyo ng sining ng mahusay na pagtatalumpati. 
 
Sa  kabuuan,  mapapansin  na  ang  pagsusulat  ng  talumpati  ay  humihingi  ng  malaking 
pangangailangan  mula  sa  isang  mananalumpati.  Ang  pagsusulat  ng  talumpati  ay  hindi 
lamang  simpleng  pagsulat,  kundi  isang  bunga  ng  serye  ng  mga  pagsasaliksik  at  pagsuri  sa 
ginagalawan  ng  isang  manunulat.  Ito  ay  maingat  at  masusing  binalangkas  upang 

 
  6 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
makapagbigay  ng  kaalaman,  makapanghikayat,  makapaglarawan  ng  isang  kasalukuyang 
sitwasyon,  o  di  kaya  ay  makapaglahad  ng  mga  kaisipan  at  usapin  sa  lipunan.  Dagdag  pa, 
kapansin-pansing  ito  ay  hindi  natatapos  bilang  isang  sulatin  kundi  ito  ay  ipinaaabot  sa 
publiko: binibigkas at inilalapit sa mga ​target​ nitong tagapakinig. 
  
Mga Bahagi at Sangkap ng Talumpati 
 
Ang talumpati ay nahahati sa tatlong (3) bahagi: 
 

 
Lar. 2. Paglalarawan sa bahagi ng talumpati halaw sa mga pagtalakay nina Villanueva & 
Bandril (2016), McBurney & Wrage (1953), at Nakpil (1997) 
 
Estratehiya  at  kakayahan  ng  manunulat  ang  puhunan  sa  pagbuo  ng  diskurso.  Saklaw  ng 
gawaing  ito  ang  pagbuo  ng  mga  sangkap  ng  isang  sulatin  tulad  ng: kaisahan, kaugnayan, at 
diin o e​ mphasis​. 
 
a. Kaisahan 
Ang  isang  sulatin  ay  nagtataglay  ng  kaisahan  kung  ang  pahayag  sa  talata  ay 
tumutukoy  sa  iisang  paksa,  ideya  o  kaisipan.  Upang  makamit  ito,  mahalaga  ang 
pagbuo  ng  paksang  pangungusap  na  pagsisimulan  ng  mga  ideya  ng  talata.  Ang 
paksang  pangungusap  ay  makikita  sa  simula,  sa  gitna,  at  sa  hulihan  ng  talata.  May 

 
  7 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
mga  paksang  pangungusap  naman  na  tinatawag  na  nakatago  at  hindi  nakikita  sa 
alinmang bahagi ng talata ngunit itinuturing na paksa ng talata. 
 
b. Kaugnayan 
Layunin  ng  pagsulat  ang  makalikha  ng  isang  sulating  may  kaugnayan  o  ​coherence​. 
Isiping  ang  kakulangan  ng  manunulat  na  magawa  ito  ay  magdudulot ng kalituhan sa 
mga  mambabasa  kaya  tiyaking  wasto  ang  pagkakasunod-sunod  ng  mga  pahayag 
upang  matiyak  ang  pagkakaroon  ng  kaugnayan.  Ilan  sa  mga  paraan  upang 
magkaroon  ng  kaugnayan ang talata ay ang pagsasaayos nito ayon sa lohika, ayon sa 
panahon, at ayon sa espasyo bilang mga ayos nito. 
 
● Ayos ayon sa lohika 
Sa  ayos  na  ito,  binibigyan  ng  tuon  ang  pagkakasunod-sunod  ng  kaisipang 
tinatalakay  sa  talata.  Madali  itong  matukoy  sapagkat  kadalasang 
nangingibabaw ang pananaw o paniniwala sa sulatin. 
 
● Ayos ayon sa panahon 
Sa  ayos  na  ito,  ang  panahon  at  oras  ng  pagkaganap  ng  pangyayari  ang 
namumukod  sa  talumpati.  Palatandaan  nito  ang  mga  salitang  ginagamit  sa 
paglalarawan ng panahon. 
 
● Ayos ayon sa espasyo 
Sa  ayos  na  ito,  tinatalakay  ang  lawak  ng  talata  tulad  ng luwang o kipot, kitid o 
lapad,  mula  sa  malayo-palapit  o  ​vice-versa​,  sa  harapan  patungong  likuran  o 
vice-versa​, sa unahan patungong hulihan o ​vice-versa​, ibaba-pataas, at iba pang 
anggulo.  
 
c. Diin o E
​ mphasis 
Ito  ay  nakatuon  sa pag-uulit ng mga pahayag na matatagpuan sa alinmang bahagi ng 
talata.  Kagaya  ng  kaisahan  na  nagtataglay  ng  paksang  pangungusap,  pagtuon  at 
pagbibigay-diin sa pangungusap ang sangkap na ito. Pagbibigay-diin sa pamamagitan 
ng  posisyon,  sa  pamamagitan ng proporsiyon at sa pag-uulit ng salita at diin  sa  mga 
paraan upang makabuo ng ​emphasis​ o pokus 

 
  8 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
● Pagbibigay-diin ayon sa posisyon 
Sa  paraang  ito,  nililikha  ang  impresyon  sa sulatin. Matatagpuan ito sa unahan 
at  katapusan  ng  talata.  Kapag  ang  diin  ay  nakasulat  sa  unahan  ng  talata,  ang 
mga  kasunod  na  pangungusap  ay  naglalaman  ng  pagpapatunay  o  detalye. 
Ang  isa  sa  mga  halimbawa  nito  ay  ang  pagsulat  ng  balita.  Kapag  ang  diin 
naman  ay  nasa  hulihan,  inuuna  muna  ang  mga  detalye  bago  ilahad  ang 
impresyon.  Pinaniniwalaan  ng  marami  na  higit  na  mabuti  ang  paraang  ito 
kaysa una. 
 
● Pagbibigay-diin ayon sa proporsiyon 
Ang  paglikha  ng  pahayag  na  may  proporsiyon  ay  isa  sa  mga  paraan  ng 
paglikha  ng  diin.  Sa  paraang  ito,  binibigyang-tuon  ng  manunulat  ang  higit  na 
mahalagang  paksa  ng  talakay.  Kalimitan  ay  kakikitaan  ng  mga  pahayag  ng 
naglalahad ng kongklusyon sa paksang tinatalakay ang pagsulat nito. 
 
● Pagbibigay-diin ayon sa pag-uulit ng salita at tunog 
Sa  pamamagitan  ng  pag-uulit  ng tunog at salita sa loob ng talata ay nagagawa 
ng  manunulat  na  bigyan  ng  tuon  ang  pahayag.  Sa  maraming  pagkakataon, 
sinasabing  sa  pagsulat,  higit  na  nakalilito  sa  mambabasa  ang  paulit-ulit  na 
paggamit  ng  salita.  Sa  bahaging  ito,  mahalaga  ang  pag-uulit ng salita at tunog 
sapagkat  ito  ay  nakatutulong  upang  bigyan ng sapat na atensyon ang salita at 
mabigyan  ito ng diin. Dapat ding isaisip na ang inuulit ay salita lamang at hindi 
ang ideya ng talata. 
 

​ andaan 
T
Ang  ​talumpati  ay  maituturing  na  isang  ​pasalita  at  pasulat  na 
diskurso.  Kung  kaya, mahalaga na malinang ang mga kasanayang ito. 
Ang  nilalaman  at  anyo  ng  akademikong  sulatin  na  ito  ay  sa 
pamamagitan  ng  masusing  pagpili  ng  paksa,  paglilinaw  ng  layunin, 
pagsasawika ng kaisipan, at pagkilala sa a
​ udience​. 

 
 
 
  9 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
Layunin at Gamit ng Talumpati 
Ang  talumpati  ay  maaaring  magdulot  ng  kabutihan  sa  dalawang panig, ang mananalumpati 
at  ang  kaniyang  mga  tagapakinig/awdyens.  Ang  pagpapasya  ng  layunin  ng  sulating  ito  ay 
nakabatay  sa  anomang  uri  ng  talumpati  ayon  sa  pagkakataon  o  mga pangangailangan, o di 
kaya ay mga pagdiriwang. 
 
● Magturo 
Layunin  ng  talumpati  ang  makapagbigay  ng  wasto  at  nararapat  na  konsepto  o 
kaisipan  ukol  sa  isang  paksa,  at  pagbibigay  ng  wastong  paraan  upang  makabuo  ng 
isang bagay.  
 
● Magbigay-kabatiran 
Layunin  ng  talumpati  ang  mapagbigay  ng  bago  at  dagdag na kaalaman ukol sa isang 
usapin.  Kabilang  din  sa  layuning  ito  ang  magbigay  ng  linaw  sa  mga  kaalamang 
naiimbak sa isipan ng isang tagapakinig.  
 
● Manghikayat 
Layunin  ng  talumpati  na  makapanghimok  tungo  sa  positibong  pagpapakilos  ukol  sa 
isang  paniniwala  o  hangarin.  Naisasakatuparan  ng  mananalumpati  ang  layuning  ito 
sa  pamamagitan  ng  pagtindig  sa  kaniyang  paniniwala  gamit  ang  paghahambing  ng 
iba’t ibang mga katotohanan.  
 
● Manlibang 
Bukod  sa  akademikong  layunin  ng  pagsulat  ng  talumpati,  may  layon  din  itong 
maghatid  ng  kawilihan  sa  kaniyang  mga  tagapakinig.  Nagiging  kawili-wili  ang 
talumpati  sa  tuwing  inilalapit  ng manunulat ang sariling nakatutuwang karanasan  sa 
danas ng mga t​ arget​ na tagapagkinig. 
 
● Magbigay-puna 
Ang  talumpati  ay  may  katangiang  maging  analitikal  at  kritikal,  kaya  naman 
masasabing  isa  sa  layunin  ng  pagsusulat  ng  talumpati  ay  ang  magbigay  ng  puna  sa 
lipunang  kinabibilangan  ng  mananalumpati.  Naisasakatuparan  ang  matagumpay  at 
patas  na  pagpuna  gamit  ang  iba’t  ibang  mga  katotohanan  na  tumutugon  sa  saklaw 

 
  10 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
ng  usaping  tinatalakay. Masasabi rin na ang layuning ito ay pagtugon sa katangian ng 
talumpati  na  tumupad  sa  tungkuling  panlipunan  ng  isang  mananalumpati—ang 
makaambag sa paglilinang ng kapwa at lipunan. 
 
Sa  kabuuan,  mayroong malaking dulot o gamit ang pagsusulat at pagsasagawa ng talumpati 
sa  isang  tao.  Ang  pangunahing  gamit  nito  ay  ang  mabuksan  ang  kakayahan  ng  isang 
nagsusulat sa mas malawak na espasyo ng pagsasaliksik, at makapagsuri sa mga kaganapan 
sa  lipunang  kaniyang  kinabibilangan.  Kaya  naman,  inaasahan  na  ang  pagsusulat  nito  ay 
dapat  maingat  at  masusing  gumagamit  ng  wikang  pabigkas sapagkat ito ay sinusulat upang 
bigkasin sa madla at hindi para basahin lamang. 
 

Palawakin   
 
Gawain 1 
Sumulat  ng  isang  talumpati  na  may  layuning  magbigay-kabatiran  kaugnay  sa  iyong  ​strand​. 
Maaaring mamili sa sumusunod na lawak ng pagtalakay: 
a. mga maaaring balakid sa pag-aaral at mungkahing solusyon 
b. mga kurso sa kolehiyo na maaaring kuhanin sa s​ trand ​na ito 
c. tips​ sa produktibong pag-aaral sa s​ trand ​na ito 

 
 

 
  11 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
 

​ abay sa Pagsagot 
G
● Maging mapanuri sa pagtatala ng mahahalagang puntos ng pag-aaral na iyong 
mapipili. Bigyang-pansin ang pangunahing kaisipan, kaisahan, kaugnayan, at diin o 
emphasis​. 
● Gumamit ng mga patunay tulad ng mga kasalukuyan o natapos nang mga 
pag-aaral o mga estadistika upang mapagtibay ang layunin ng iyong talumpati.  
● Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa bokabularyo, at malawak 
na kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino. Maging maingat sa mga 
salitang teknikal, gamitin ang wastong salin o katumbas ng banyagang salita sa 
wikang Filipino; kung sakaling walang mahanap na katumbas, panatilihin ang 
orihinal na estruktura ng salita. 
● Maari ding banggitin ang t​ arget ​na tagapakinig (institusyon, antas o baitang, edad, 
at iba). Gayundin ang espasyo o lugar, o di kaya ay pagdiriwang. 

 
 
 

 
  12 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
Gawain 2 
Magsaliksik at magsuri ng talumpating binigkas sa publiko. Ito ay maaaring binigkas ng 
a. guro 
b. politiko 
c. artista 
d. negosyante 
e. panauhing pandangal 
f. broadcast journalist 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 

 
  13 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 

​ abay sa Pagsagot 
G
● Maging maingat sa pagsusuri ng napiling talumpati. Maaaring gamiting batayan 
ang mga konseptong tinalakay sa kahulugan, bahagi, at layunin at gamit ng 
talumpati.  
● Mahalagang makapagbanggit ng ilang mga bahagi sa napiling talumpati upang 
maging patunay sa ginawang a pagsusuri. 
● Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksang kaugnay ng 
talumpati upang mabigyang pansin din ang nilalaman at kredibilidad ng mismong 
talumpati sa iyong pagsusuri.  
● Maging maingat sa salitang gagamitin sa pagsusuri upang maging patas, obhetibo, 
at may mataas na antas ang pagsusuri.  

 
 

Suriin   
 

A. Sagutin  ang  sumusunod  at  ipaliwanag gamit ang sariling 


 
pangungusap. 

 
1. Ano ang pangunahing layunin ng pagsusulat ng talumpati? Talakayin. 

 
2. Ano  ang  pangunahing  silbi  ng  pagsusulat  ng  talumpati  sa  mga  gawain  at  tungkuling 
panlipunan ng isang mananalumpati o manunulat? Ipaliwanag. 

 
  14 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
 
3. Ano  ang  kahalagahan  ng  pagsasaalang-alang  ng  mga  sangkap  sa  pagsulat  ng  diskurso 
sa  pagsusulat  ng  talumpati?  Paano  nito  napabibilis  ang  pagpapadala  ng  kaalaman  sa 
mga tagapakinig? Talakayin. 

 
4. Sa  anong  yugto  ng  pagsusulat  naitatakda  ng  manunulat  ang  layunin  ng  kaniyang 
talumpati? Ipaliwanag. 

 
5. Sa  paanong  paraan  naisasakatuparan  ng  isang  talumpati  ang  kakayahan  nitong 
makapanghikayat sa mga mambabasa o tagapakinig? Talakayin. 

B.  Sagutin  ang  sumusunod  at  ipaliwanag  gamit  ang  sariling 


pangungusap.   

 
1. Ano  ang  pangunahing  ambag  ng  pagsasanay  sa  pagsulat  ng  talumpati  sa  mga 
susunod  na  pagsasanay  sa  iba’t  ibang  anyo  ng  akademikong  sulatin  sa  semestreng 
ito? 

 
 

 
  15 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
2. Sa  paanong  paraan  napatataas  ng  pagsasanay sa pagsulat ng talumpati ang kakayahan 
ng manunulat na unawain ang kalagayan ng kaniyang lipunang ginagalawan? Talakayin. 

 
3. Sa  iyong  palagay,  ano  ang  pangunahing  kahalagahan  ng  pagmamasid  sa  pagsulat  ng 
talumpati? Pangatwiranan.  

 
4. Sa  iyong  palagay,  ano  ang  maaaring  maging  pangunahing  balakid  sa  pagsusulat  ng 
talumpati?  Nagsisimula  man  o  isang  propesyonal  na?  Magbigay  ng  halimbawang 
sitwasyon. 

 
5. Sa  iyong  palagay,  paano  nagiging  kapaki-pakinabang  ang  pagsusulat  ng  talumpati  sa 
pagpapaunlad  ng  iyong  kaalaman  kaugnay  sa  iyong  piniling  ​strand​?  Magbahagi  at 
magtalakay. 

 
 
 
 
 
 
 

 
  16 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 

Paglalahat 
___________________________________________________________________________________________ 
 
● Ang  ​talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasulat at 
pasalita.  Kaya  naman,  ang  marapat  na  wikang  gamitin  ay  wikang  pabigkas  na 
naaayon sa t​ arget ​na tagapakinig/awdyens. 
● Ito ay may layuning manghikayat, magbahagi ng katotohanan, kaalaman, o dagdag 
na impormasyon. 
● Ito ay nahahati sa tatlong pangunahing bahagi: panimula, katawan, at katapusan. 
● Mahalaga  ring  naisasaalang-alang  ang  personalidad,  pananalita,  kumpas,  at 
ugnayan ng mananalumpati at ng awdyens.  
___________________________________________________________________________________________ 
 

  Bibliograpiya 
Aquino  III,  benigno S. “Talumpati sa Pambansang Kongreso sa Wika, ika-19 ng Agosto, 2013”. 
Official  Gazette  of  Republic  of  the  Philippines​,  (Official  Gazette.Org,  2013), 
https://www.officialgazette.gov.ph/​, nakuha noong Abril 3, 2020. 
 
Evardone,  Ruth.  “Sulyap  sa  Buhay ng Isang Minorya”. ​The Benildean, Vol. 4, No. 1: Exploitation​, 
(The Benildean, 2018), h
​ ttps://thebenildean.org​, nakuha noong Abril 5, 2020.  
 
Labayne,  Ivan.  “Mula  Teksto  Pabalik  sa  Materyalidad:  Ang Abanao Square bilang Kultural at 
Panlipunang  Pag-usbong”.  ​KATIPUNAN:  Journal  ng  mga  Pag-aaral  sa  Wika,  Panitikan, 
Siing  at  Kulturang  Filipino​,  No.  4,  (Ateneo  de  Manila  Journals  Online,  2017), 
https://www.journals.ateneo.edu​, nakuha noong Abril 4, 2020. 
 
Laurel,  Jose  P.  “Talumpati  ng  Kanyang  Kadakilaang  Jose  P.  Laurel,  Pangulo  ng  Republika  ng 
Pilipinas,  sa  harap  ng  Bantayog  ni  Dr.  Jose  Rizal  sa  Luneta,  noong  ika-30  ng 
Disyembre,  1943”.  ​Office  of  the  Solicitor  General  Library​,  (Presidential  MUseum  & 
Library, 1943), h
​ ttp://malacanang.gov.ph/​, nakuha noong Abril 3, 2020. 
 

 
  17 
 
 
Yunit 6.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Talumpati 
 
 
McBurney,  James  Howard  &  Wrage,  Ernest J.. ​The Art of Good Speech​. New York: Prentice Hall 
Inc., 1953 
 
Nakpil,  Lolita  R.  ​Gintong  Pamana:  Wika  at  Panitikan  II​.  Quezon  City:  Vibal  Publishin  House, 
Inc., 1997 
 
San  Juan,  David  Michael.  ​Kapit  sa  Patalim,  Liwanag  sa  Dilim:  Ang  Wika  at Panitikang Filipino sa 
Kurikulum  ng  Kolehiyo  (1996-2014)​,  (Academia.edu,  2020),  ​https://www.academia.edu​, 
nakuha noong Abril 2, 2020. 
 
Santiago,  Lilia  Quindoza.  ​Mga  Ideya  at  Estilo​.  Quezon  City,  Diliman:  University  of  the 
Philippines Press, 1995. 
 
Lee,  Ricardo.  “Commencement  Speech  of  Ricardo  ‘Ricky’  Lee”.  ​Ricky  Lee  delivers  gem  of  a 
Speech  at  his  First-Ever  Graduation  Ceremony​,  (Nikko  Tuzaon,  2019), 
https://www.pep.ph​, nakuha noong Abril 6, 2020. 
 
Villanueva,  Rene  O.  “Di  Laging  Berde  ang  Pasko”.  ​Diin  o  Empasis​,  (Paul  Bautista,  2014), 
https://prezi.com/rmphkhhoqvqy/diin-o-empasis/​, nakuha noong Abril 3, 2020. 
 
Villanueva,  Voltaire  M.  &  Bandril,  Lolita  T. ​Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan​. Quezon City, 
Araneta Avenue: Vibal Group, Inc., 2016. 
 

 
  18 
 

You might also like