You are on page 1of 11

Ang Akademikong Pagsulat

CARMIE T. INFANTE, LPT


 Mahalagang matutuhan ang akademikong
pagsulat sapagkat kung marunong sumulat
nang maayos at may kabuluhan ang isang
tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba
dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa
kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at
pagtatrabaho.
Ang paggamit ng Akademikog Filipino sa
pagsasagawa ng Akademikong Pagsulat
 Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-
edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas
na kasanayan at karunungan.
 Ang mga elementog bumubuo rito ay ang mga mag-aaral,
guro, administrador, gusali,, kurikulum.
 Akademikong Filipino
 Konstitusyon
 Vivencio Jose. Ayon sa kanya, epekibong
magagamit ang Filipino sa loob ng akademya,
hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng
uri ng komunikasyon kundi maging sa
pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya.
Naniniwala siyang kailangan ang masidhing
hangarin ng bawat isa sa atin na maging tagapag
hatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang
dumadaloy sa wikang Filipino.
 Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa
kurikulum sa pag-aaral ng Senior High School ang
Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang
ito ay lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang
kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagsulat gamit ang akademikong Filipino.
Mga Katangian dapat taglayin sa Akademikong
Pagsulat
1. Obhetibo
 Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa
kinalabasan ng ginagawa, pag-aaral at pananaliksk.
 Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng
personal na opinyon o paniniwala hinggil sa paksang
tinalakay.
 Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking
pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinion.
2. Pormal
Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o
pabalbal. Sa halip, gumamait ng mga salitang pormal
na medaling maunawaan ng mambabasa. Ang tono o
himig ng paglalahad ng mga kaisipan o
impormasyon ay dapat na maging pormal din.
3. Maliwanag o Organisado
 Ang mga talata ay kinakailangang pakitaan nang maayos na
pagkakasunod sunod at pagkakaugnay ugnay ng mgapangungusap
na binubuio nito.
 Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan.
 Hindi ito dapat masamahan ng kaisipang hindi makatutulong sa
pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag uugnay ng parirala o
pangungusap ay dapat piling pili nang sa ganon ay hindi ito magulo.
 Sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukd s
akatangiang kaisahan at maayos na pagkakasunod sunod ng mga
kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat na mapalutang
o mabigyang diin sa sulatin.
4. May paninindigan
 Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nis
niyang bigyang pansin o pag-aaral, ibig sabihin hindi
maganda ang magbago bgao ng paksa.
 Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang
mapanindigan niya hanggang s amatapos niya ang
knayang isusulat.
 Magng matiga sa pagsasagawa ng pananaliksik at
pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa
napiling paksa.
5. May panangutan
 Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.
 Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng
mga ginamit na sanggunian.
 Bukod s aito ay isang paraan ng pagpapakita ng pagagalang sa mga
tao na nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong
pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito arin ay makatutulong
upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong
ginawa,
Iba’t-ibang uri ng akademikong sulatin
 Abstrak
 Sintesis o buod
 Bionote
 Panukalang proyekto
 Talumpati
 Agenda
 Kaititkan ng pulong
 Posisyong papel
 Replektibong sanaysay
 Pictorial essay
 Lakbay sanaysay

You might also like