Professional Documents
Culture Documents
(FIL 113)
• Sagana sa mga pananim Na pagkukunan ng mga bungang halaman tulad ng pinya, kape, niyog at palay.
HILAGANG COTABATO
KABISERA : Kidapawan
•May malawak at mayamang lupain ang Hilagang Cotabato na umaabot sa humigit kumulang sa 6,565.9
kilometrong parisukat at binubuo ng 18 na munisipalidad.
•Ayon sa sensus noong 1980, ito ay may kabuuang populasyon na 763,995. Itinuturing kabukiran ang
lalawigan sapagkat 84.646% na populasyon nito ay naninirahan sa kabukiran samantalang 15.54%
lamang ang naninirahan sa mga kabayanan.
•Ang ipinagmamalaking lugar ng lalawigang ito ay ang Rio Grande de Mindanao, Marbel Falls at mga
“Hot Springs”, Agco Blue Lake at Lake Venado.
•Ang pangalang Cotabato ay nakuha sa salitang Maguindanao na “Kutawato” na ang ibig sabihin ay
kutang bato o stone fort.
•Tinawag itong “Melting Pot” dahil ang mga tao dito ay naninirahan sa ibat-ibang lugar. Ang 71% ay
sinasabing mula sa Luzon at Bisaya, ang 18% ay nabibilang sa kultong pamayanang Manobo, T’boli at
Maguindanao.
• Ang mga naninirahan sa Kidapawan na siyang kabisera ng Cotabato ay kultong Manobo na tinatawag
ding "Kulaman".
Pantalon na ang pang-itaas ay dyaket na walang butones para sa mga lalaki at pulang blusa na may
manggas na itim at palda o pang-ibabang abaka. Ang mga maadornong disenyo ay para sa mga Datu at
may kaya sa buhay.
KLIMA : pinakamainit na panahon sa lugar na ito ay mula sa Marso hanggang Hunyo samantala ang
pinakamalamig ay ang buwan ng Disyembre at Enero.
Ang Mosque at Taluksangay ng mga muslim ay tirahan ng alagad ni ALLAH, ang dakilang diyos ng mga
Muslim. Simbahan din ito ng mga Muslim na kung saan ay nagdadasal at nag-aalay sila ng pera sa
kanilang diyos.
SULTAN KUDARAT
KABISERA : Isulan
•Binubuo ng 11 na munisipalidad
•Ito ay pinangalanan mula kay Sultan Mohammed Dipatwan Qudarat na siyang namuno sa lugar na ito
mula 1635 hanggang 1671 A.D.
• Ang lalawigan ay may hangganang matatagpuan sa Maguindanao at Hilagang Cotabato sa hilaga, ang
gulpo ng Moro sa Kanluran, ang Davao del Sur sa silangan at Timog Cotabato sa timog.
• Ang Sultan Kudarat ay sumasaklaw sa gawing hilaga ang kanlurang bahagi ng orihinal na lalawigan ng
Cotabato. Ang tatlong munisipalidad ay – Kalamansig, Lebak at Palimbang ay nakahanay sa “Mountain
Ranges” na siyang naghihiwalay sa gitnang bahagi ng lalawigan sa dagat.
• May matatagpuan ding pabrika ng vinyl at plywood, pabrika ng Ramie at African Oil Palm sa lalawigang
ito.
IKINABUBUHAY : Pangingisda, pag-aalaga ng mga baka at pagtotroso.
•Karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Bisaya na nagsasalita ng wikang Ilonggo at Cebuano
bagama’t mayroon na ring mga dayong Ilokano.
•Ayon sa ginawang sensus noong 1980, ang Sultan Kudarat ay may populasyong 303,784: at 157,106
nito ay kababaihan at 146,678 ay kalalakihan.
•Tinatayang 79.07% ng kabuuang populasyon nito ay naninirahan sa mga rural na pook samantalang
20.97% ang nasa urbang pook.
•Kilala rin ang lalawigang ito sa paggawa ng Tuba, isang inuming galing sa katas ng “Coconut Palm” na
kapag tumagal ay sumasarap at ginagawang inumin ng mga matatanda.
TIMOG COTABATO
KAPITAL : Koronadal
• Kinabibilangan ng Banga, Koronadal, Lake Sebu, Norala, Polomok, Sto.Nino, Surallen, T’boli, Tambakan,
Tantangan,Tupi at ang nag-iisang lungsod nito, ang Gen.Santos (Dadiangas).
•Sagana ang lalawigang ito sa mga prutas tulad ng pinya,manga,mansanas at buko. Pangunahing
produkto rin ang tabako at abaka.
•Mayaman sila sa produktong metal tulad ng ginto,pilak,tanso,yero at iba pa. Pinagkukunan din ng
kabuhayan ang pagbubuhangin,graba,bato,guano,asin at apog.
SARANGANI
KAPITAL : Alabel
• Ang lalawigan ng Saranggani ay sumasaklaw sa gawing silangan ng Davao del Sur, Malapantay sa
gawing Hilaga, Karagatang Tsina sa kanluran at sa gawing timog ay ang Lawa ng Saranggani.
• Binubuo ito ng malawak na kapatagan at mga lupaing bulubundukin. Matatagpuan dito ang mga
naggagandahang dalampasigan at mga pook pangisdaan.
•Maganda ang klima sa lalawigang ito sa buong taon. Di sila naaapektuhan ng bagyo. Maulan sa
lalawigan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto; Tag-init mula Marso hanggang Mayo at taglamig
mula Nobyembrre hanggang Enero.
• Nagdiriwang din sila ng mga kapistahan.
• Katangi-tangi ang LUbi-Lubi Festival gayundin din ang pista ni Sta.Catalina de Alexandria, ang kanilang
patron.
• Sa panahon din ng mahal na araw, mayroon din silang pabasa, prusisyon sa Sta.Entierro, Sugat sa
pagkabanhaw at ang tinatawag nilang Lenten Trek to Sumbang Point and Cave. Sa buwan naman ng
Mayo, nagdaraos din sila ng Flores de Mayo at Santakrusan.
• Ang Darangan ay may 25 salaysay na epiko na nauukol sa isang dakilang bayani na si Bantugan
• Ang bawat salaysay sa Bantugan ay nagtataglay ng katangian ng isang epiko – kasaysayan ng pag-ibig
at pakikipagsapalaran.
INDARAPATRA AT SULAYMAN
•Kasaysayan ito ni Indarapatra, emperador ng Imperyong Mantapuli at itinuturing na pinakadakila sa
mga Haring Kanluranin. Kilala si Indarapatra bilang isang mabait, marunong at matapang na
Hari.Napaputok ni Indarapatra ang bulking Mud Matutum sa pamamagitan ng kanyang sibat.
Hinagud! Dakilang Sibat
Yari sa tigas ng kahoy
May tulis ng pinagpalang bakal,
Tumaas ka ng lipad,malayo!
Tagpuin mo ng mahiya ang
Aking mga kaaway;
Tudlain mo ang mahiya
Ng aking mga kaaway.
BIDASARI
• Epikong hiram sa Malay na naglalahad ng isang matandang paniniwala na ang buhay ay napapatagal
kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda,hayop,bato o punong kahoy.
• Ang orihinal na Bidasari ay nasusulat sa wikang Malay at ito ay ipinalalagay na isa sa mga
pinakamagandang tula sa buong panitikang Malay.
“Tabe Nona, tabe sayamao pigi; Kalo saya mati Jangan susa hati. Makan shere sato Jangan Buan Loda;
Kasi siom sato Jangan bilang suda.”
SALIN:
“Paalam,paalam, ibigay mo ang iyong kamay Kailangan tayo’y magkalayo; Kung ang kamatayan ay
darating Huwag mong ikalumbay!
Kung minsan kitang hagkan Huwag mong sabihing “tama na” Maging matapang ka, mahal, ngumanga
ka, At lununin mo ang kalungkutan.”
Ang “Ida-Ida A Wata” ay mga awiting pambata na may tiyak na kahalagahan sa panitikan ng mga
Maranao. Ito ay maikli lamang subalit magaganda at kinakanta ng mga bata ng sabay-sabay. Ito ay
nagdudulot ng lubos na kasiyahan at sigla sa mga batang umaawit nito.
Dayo,dayo capitan Dayo somonta sa ig Dayo di ako ron sung Ana ikuluk akun A bubaruka a nipat.
SALIN:
Kaibigan, kaibigan kapitan Aking kalaro, papunta sa Ilog, Kaibigan, ako’y hindi sasama Dahil ako ay takot
Sa makulay na ahas at markadong buwaya.
KAPANGENDAS
Awiting pambata sa panghuhuli ng ibon ng mga Maranao. Inaawit ito ng mga bata habang nakasakay sa
kalabaw.
• Ang mga Maranao naman ay Romantiko. Mahilig din sila magmahal ngunit sa malihim na paraan. Sa
kanila ang panliligaw ay hindi sinasabi ng hayagan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbigkas ng
mga tula na kanilang kinakabisa.
WIKANG MARANAO:
SA WIKANG FILIPINO:
SAGOT: Batuhin mo ang unggoy hanggang sa ito ay magalit at babatuhin ka na rin ng bunga ng bayabas.
• Ang mga dula ng Maranao ay tinatawag nilang “sewa-sewai" at pakaradiyan-an o mga sayaw ng bayan.
Ang Impluwensya ng mga Hindu,Intsik, Indones at iba pang nandayuhan dito sa Pilipinas ay nababakas sa
mga sayaw ng Maranao, Maguindanao at Tausug na nanirahan sa Mindanao.
Gong at Kulintang ang panaliw nila sa pag-imbay. Ang mga taga-Lanao at Cotabato ay mga sayaw na
pandigma na kung tawagin ay Sagayan;
• Isang Maranao si Abdullah Madele, ang may akda ng aklat na “The Remarkable Maranaos” ang
nagsabi ng ganito : “ Kung kayo ay taong makasiyensya, maaaring akalin niyo na ako’y isang mangmang
at hindi edukado sapagkat ako ay naniniwala sa mga pamahiin ngunit ayon sa kanya, may ilang mga
bagay na hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ng siyensya.
Christine Godinez-Ortega
Ilan sa kanyang mga nasulat ay :
“ Legend of Maria Cristina Falls”
“High Noon”
“Ablutions”
“Dumaguete”
“Cabbage” at iba pa.
SANGGUNIAN:
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/rehiyon-12-panitikan-at-manunulat