You are on page 1of 10

NATIONAL POLYTECHNIC COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Palm St., Greenfields 1, QUEZON CITY


AY : 2020-2021

PANIMULANG
LINGGWISTIKA
(FIL 102)

Bb. Carmie Tresvalles Infante


GURO
PRELIMINARYO
ARALIN 3
MGA PRINSIPAL NA PINAGMULAN NG WIKA
1. INDO-EUROPEAN (pinakamalaking angkan)
A. GERMANIC

a. English-Frisian

b. Dutch-German

c. Scandivian

B. CELTIC

a. Breton

b. Welsh

c. Irish

d. Scots

C. ROMANCE

a. Portuges

b. Espanyol

c. Pranses

d. Italyano

e. Rumanian

f. Sarinian

g. Rhato-Romanic

h. Haitian-Creole

i. Catalan/Galician

j. Latin

D. SLAVIC

a. Ruso

b. Byelorussian/ Ukrainian

c. Polish

d. Czech

e. Slovak
f. Serbo-Croatian

g. Bulgarian

E. BALTIC

a. Lithuanian

b. Latvian

2. FINNO-UGRIAN
A. Finnish

B. Estonian

C. Hungarian

D. Lappish,Mordvinia,

E. Cheremiss

3. ALTAIC

A. Turkic

B. Mongol

C. Manchu-Tangus

4. CAUCASSIAN

A. South Caucassian

B. North Caucassian

C. Basque

5. AFRO-ASIATIC

A. Semitic

a. Ebreo

b. Arabik

c. Maltese

d. Assyrian

e. Aramaic

f. Phoencian

B. Hamitic
a. Egyptian

b. Berber

c. Cushitic

d. Chad

C. Manade

D. Kwa

E. Sudanic

F. Bantu

6. KOREAN

7. JAPANESE

A. Niponggo

B. Ryuku

8. SINO-TIBETAN

A. Tibeto-Burma

a. Tibetan

b. Burmese

c. Garo

d. Bodo

e. Naga

f. Kuki-Chin

g. Karen

9. MALAYO-POLYNESIAN (sumunod na pinakamalaking angkan)

A. Indonesian

a. Tagalog

b. Bisaya

c. Ilocano

d. Pampango

e. Samar-Leyte
f. Bicol, atb. Ng Pilipinas

g. Chamerrong Guam

B. Malay

a. Malaya

b. Batak

c. Balinese

d. Dayak

e. Makassar

C. Micronesian

D. Polynesian

a. Hawaiian

b. Tahitian

c. Samoan

d. Maori

E. Melanesian

a. Fijian

10. PAPUAN

11. DRAVIAN

A. Telugu

B. Tamil

C. Kannarese ng Kanara

D. Malayalam

12. AUSTRALIAN

13. AUSTRO-ASIATIC

A. Munda

a. Santoli

b. Klasi

c. Nicolabarese

d. Palauag
e. Wa

f. Mon

ANG ANGKANG MALAYO POLINESYO AT ANG WIKA SA PILIPINAS


Ang rehiyong nasa baybay-ilog ng kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan
ng kulturang Indonesyo.

 May pangkat na lumikas sa kanluran patungong India, Indo-Tsina at Indonesia.

 May pangkat na lumikas sa Indonesia ang siyang nakaabot sa Pilipinas Formosa (Taiwan) at iba pang
kapuluan sa Pasipiko.

 Iisa ang pinagmulan ng iba’t ibang sistemang pagsulat noon, ang Alibata.

 Ang ALIBATA ay mula sa Alifbata ng Arabia na pumasok sa Pilipinas nang maitindig ang emperyong
Madjapahit sa Java.

ANG LINGGWISTIKA
A. Kahulugan ng Linggwistika
Maagham na paraan ng pag-aaral ng wika na naglalayong malinang ang paraan sa mabisang
paglalarawan sa wika.

5 Proseso ng Maagham na Paraan:

1. Pagmamasid

2. Pagtatanong 3

. Pagklasipika

4. Paglalahat

5. Pagberipika at Pagrebisa

B. KAHALAGAHAN NG LINGGWISTIKA
1. Pagpaplano at Paggawa ng mga patakarang pangwika.

2. Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo.

3. Pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na pananaw sa kalikasan ng wika.


C. KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA DAIGDIG
 Mambabalarilang Hindu ang kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika.

 Sa mga wikang Griyego at Latin unang nagkaanyo ang linggwistika sa tunay na kahulugan nito.

 Ika-19 na siglo naging malaganap ang linggwistika.

 Linggwistikang Historikal ang kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong


mapapatotohanan ang wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t ibang angkan.

 Napangkat na halos ang lahat ng wika sa daigdig gamit ang linggwistikang historical.

 Si Blumentritt ang nagpasimula sa pag-aaral sa angkang MalayoPolinesyo.

 Linggwistikang Istruktural ang sumunod sa historical na nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon


ng mga ponema at morpema sa isang salita o pangungusap.

 1870 – lumitawang IPA (International Phonetic Alphabet) na may humigit- kumulang 400 na simbolo
bunga ng pangangailangan ng mga dalubwikang mga simbolong pamponetika at pamponemika
nakakatawan sa iba’t ibang tunog.

 1925-1955 nang lumaganap ang linggwistikang istruktural kung saan lumitaw ang ponema, na
nagbibigay kapayakan sa pag-aaral ng palatunugan, at morpema, na nagbibigay kapayakan naman sa
palabuuan ng salita ng isang wika.

 Logical syntax na mas kilala sa transformational o generative grammar ang sumunod na lumitaw
bunga ng pangangailangan ng mga philosophers, psychologist, anthropologist, at engineers ng wika na
magagamit sa pagpapahayag ng karunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal na paraan.

 Si Zelling Harris ang nakilalang nagunguna sa disiplinang ito, kung saan tinaguriang transistional figure
mula sa linggwistikang istruktural tungo sa linggwistikang heneratibo.

 Anthropological linguistic ang sumunod na modelong lumitaw na napaloob naman ang tagmemic
model na nagbibigay-diin sa anyo (form) at gamit (function) ng wika.

 Phrase-structure transformational generative model na sinasabing nag-ugat sa logical syntax, ang


sumunod sa tagmemic model na nagbibigay-diin sa pagtarok sa sinasabi at di-sinasabi ng nagsasalita sa
kanyang sariling wika kung saan si Noam Chomsky ang namumukod-tangi sa disiplinang ito.

 Generative semantics ang sumunod na lumitaw na nagbibigay-diin naman sa kahulugan na


pinangungunahan ni Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe atb.

Mathematical o computational linguistics ang pinakahuling lumitaw na disiplina sa linggwistika na


kasalukuyan ay hindi pa gaanong nalilinang.
D. KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA PILIPINAS
1. Panahon ng Kastila
 Isinagawa ng mga misyunerong kastila, karamihan ay mga Heswita at Dominikano, ang pag-aaral sa
mga wika sa Pilipinas sa layuning mapalaganap ng mabilis ang kristyanismo.

 Ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594 ang pinakadahilan kung kaya
napabilis ang pag-aaral sa mga wikang katutubo.

4 na Orden:

Kabisayaan - Agustinian at Jesuitas;

Pampangan at Ilocos – Agustinian;

Instik, Lalawigan ng Pangasinan at Cagayan - Dominican;

Kabikulan – Franciscan.

2. Panahon ng Amerikano

 Mga sundalong Amerikano ang nagsagawa ng pag-aaral sa wika sa layuning maihasik sa sambayanang
Pilipino ang ideolohiyang demokratiko.

 Pumalit sa sundalong amerikano ang mga dalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan sa
pagsusuring-wika nang pinalitan ng pamahalaang sibil ang pamahalaang military noong 1901.

 Lumitaw angThe RGH Law In Philippine Languages noong 1910 at The Pepet Law in Philippine
Languages noong 1912 ni Conant, kung saan tumatalakay sa nagaganap na pagbabago sa mga tunog ng
iba’t ibang wika sa Pilipinas.

 Isa si Blake sa mga nangungunang linggwista sa larangan ng descriptive linguistics na naatasan ng


pamahalaang Amerika na mag-aaral ng wika sa Pilipinas sa pamamagitan lamang ng mga impormante sa
layuning makapagturo sa mga Amerikanong may balak magtungo sa Pilipinas.

 Ang gramatika sa Tagalog ang itinuturing na pinakamalaking ambag ni Blake sa linggwistika sa


Pilipinas.

 Ang Language noong 1933 ni Bloomfield na kinapalooban ng mahahalagang pag-aaral sa gramatikang


Tagalog na sinasabing higit na maagham kaysa pag-aaral ni Blake, ang itinuturing na pinakamahalagang
ambag nito sa linggwistika sa Pilipinas.

 Si Cecilio Lopez ang kinikilalang kauna-unahang linggwistang Filipino na nagbibigay-daan sa taguri


nitong “Ama ng Linggwistikang Filipino”.

 Ang naipalimbag na manwal hinggil sa gramatika ng Wikang Pambansa, na nakabatay pa sa Tagalog,


ang pinalamalaking ambag ni Lopez sa linggwistikang Pilipinas.
3. Panahon ng Kalayaan

3 Mahahalagang Pangyayari na Nakakaimpluwensya sa Pagunlad ng Linggwistika sa Pilipinas:

1. Ang pagkakatatag ng Summer Institute of Linguistics noong 1953 na nagbibigay-daan sa


maraming linggwistang misyunero na magtungo sa Pilipinas upang mag-aral ng iba-ibang wika
gamit ang mga karunungang nakamit buhat sa maunlad na paaralan ng Amerika.
2. Ang pagkakatatag ng Philippine Center For Language Study sa ilalim ng pamamahalang DECS
(DEpEd) ng Pilipinas at University of California-Los Angeles, bunga ng makalinggwistikang
pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles.
3. Ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang Filipino pagkaraan ng 1960 na mauuri sa dalawa:
Ang mga linggwistang nagsipagtapos sa US.
Mga linggwistang nagsipagtapos sa Pilipinas

MGA SANGGUNIAN:

Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.

Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.

Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. 2003. Makabagong Balarilang Filipino. Rex Book Store:
Quezon City.

Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.

You might also like