You are on page 1of 5

EASY ROUND

1. Kanino nagmula ang katagang ito: “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at
malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”?
a. Dr. Jose Rizal
b. Andress Bonifacio
c. Heneral Luna
d. Emilio Aguinaldo
2. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawapu’t walong titik, ang tanong may ilang katinig sa
alpabetong Filipino?
a. 21
b. 22
c. 23
d. 24
3. Siya ay kilala sa tawag na Tandang Sora tinaguriang Ina ng Balintawak.
a. Corazon C. Aquino
b. Mechora Aquino
c. Gabriela Silang
d. Maria Clara
4. Siya ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng
naluklok sa nasabing pwesto. Siya ay tinuturing ding Ina ng Demokrasya.
a. Corazon C. Aquino
b. Sara Duterte
c. Leni Robredo
d. Gloria Macapagal-Arroyo
5. Kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang
naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano
noong simula ng ika-20 siglo.
a. Jose P. Laurel
b. Manuel L. Roxas
c. Ferdinand E. Marcos, Sr.
d. Manuel A. Quezon
6. May ilang patinig sa Alpabitong Filipino?
a. 6
b. 5
c. 4
d. 3
7. Ito ay ang isinakatutubong Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na
alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang Pambansa. Ito ay naglalaman ng 20
titik.
a. Alpabetong Romano
b. Alpabetong Filipino
c. Abakada
d. Baybayin
8. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng
dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng ispeling. Ito ang unang sistemang pagsulat ng
mga ninong Pilipino.
a. Abakada
b. Baybayin
c. Alpabetong Romano
d. Sulat Java
9. Ito ay isa sa mga pinakamahalagang sining ng ating kultura. Sa bawat pahina ng isang akda,
natatanggap natin ang mga karanasan at kwento ng mga tao mula sa nakaraan, kasalukuyan, at
maging sa hinaharap.
a. Tula
b. Maikling Kwento
c. Pabula
d. Panitikan
10. Ano ang tinutukoy ni Henry Gleason, sa sinabi niyang “ito ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili atisinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa iisang kultura”
a. Ponema
b. Morpema
c. Wika
d. Sintaks

MODERATE ROUND

1. Ito ang pangunahing wikang ginagamit sa mga lalawigan ng Pampanga, at sa mga bayang nasa
katimugan ng Tarlac.
a. Pangasinense
b. Bisaya
c. Kapampangan
d. Hiligaynon
2. Ito ang pang-9 sa pinakaginagamit na wika sa bansa. Ito rin ay nasasailalim sa sangay Malayo-
Polynesian ng pamilya ng mga wikang Austronesian. Pangunahing wika sa bayan ng Pangasinan.
a. Pangasinense
b. Bisaya
c. Kapampangan
d. Waray
3. Ito ang naging batayan ng wikang pambansa ng pilipinas.
a. Bisaya
b. Kapampangan
c. Tagalog
d. Maguindanaon
4. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi
pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika sa Gitnang
Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao.
a. Wikang Hiligaynon
b. Wikang Cebwano
c. Wikang Maguindanaon
d. Wikang Malay
5. Ito ay isang pangkat ng wikang kriolyo na batay sa Kastila na sinasalita sa Pilipinas. Ang baryante
na sinasalita sa Lungsod ng Zamboanga.
a. Wikang Tagalog
b. Wikang Tausog
c. Wikang Hiligaynon
d. Wikang Chavacano
6. Ito ay malawakang sinasalita ito sa Kapuluang Sulu (Tawi-Tawi), Tangway ng Zamboanga
(Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Lungsod ng Zamboanga),
Timog Palawan at Malaysia (silangang Sabah).
a. Wikang Tagalog
b. Wikang Tausog
c. Wikang Hiligaynon
d. Wikang Chavakano
7. Ito ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingua franca) ng halos
kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming
bahagi ng Abra at Pangasinan.
a. Wikang Filipino
b. Wikang Cebwano
c. Wikang Ilokano
d. Wikang Maguindanaon
8. Ito ay ang pinakasinasalitang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar,
Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.
a. Wikang Waray
b. Wikang Bisaya
c. Wikang Hiligaynon
d. Wikang Chavacano
9. Isang wikang Awstronesyo na sinasalita ng karamihan ng populasyon ng lalawigan ng
Maguindanao sa Pilipinas.
a. Wikang Chavacano
b. Wikang Tagalog
c. Wikang Islam
d. Wikang Maguindanaon
10. Sila ay mga katutubong mga tao o pangkat-etniko na nakatira sa kalat at liblib na mga bahaging
bulubundukin ng Luzon, Pilipinas.
a. Tribong Ilonggo
b. Tribong Waray
c. Tribong Badjao
d. Tribong Aeta

DIFFICULT ROUND

1. Ito ang unang Aklat na nailimbag sa Pilipinas.


a. Noli Me Tangere
b. El Filibusterismo
c. Doctrina Crsitiana
d. Ibong Adarna
2. Ito ay ang Nobela ni Rizal na mula sa bibliya ang pamagat (Huwag mo akong salingin o Huwag
mo akong hawakan) ay ang mga salitang sinabi kay Maria Magdalena ni Hesus matapos siyang
makilala ng babae matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Ang parilala ay nagmula sa
bersiyong Latin ng Ebanghelyo ni Juan, Kabanata 20, Bersong 17.
a. Noli Me Tangere
b. El Filibusterismo
c. Mi Ultimo a Dios
d. Sa aking mga Kabata
3. Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng
Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong
kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora
a. Noli Me Tangere
b. El Filibusterismo
c. Mi Ultimo a Dios
d. Sa aking mga Kabata
4. Ito ang tawag sa panulat ng mga Pilipino sa panahon ng kastila.
a. Lapis
b. Pluma
c. Tinta
d. Uling
5. Ito ang huling salitang sinabi ni Jesucristo, na sinabi rin ni Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan
na may kahulugang —natapos na.
a. Consummatum Est
b. Amare Est Servire
c. Mi Ultimo a Dios
d. Servare et custodire
TIE BREAKER

1. Sino ang may akda ng Florante at Laura


a. Jose Villa Panganiban
b. Jose Rizal
c. Francisco Baltazar
d. Jose Corazon de Jesus
2. Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ito ay kwentong hango sa Bibliya. Naglalaman ito ng
mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng ating Panginoong
Hesukristo sa kanyang pangangaral.
a. Pabula
b. Parabula
c. Alamat
d. Epiko
3. Ito isang uri ng panitikan na kadalasang naglalaman ng mga kasabihan, parabola, o
matalinhagang salita na nagpapahayag ng mga aral at karunungan sa buhay.
a. Salawaikan
b. Karungungang-bayan
c. Alamat
d. Sawikain

You might also like