You are on page 1of 4

EASTERN MINDORO COLLEGE

BONGABONG, ORIENTAL MINDORO


Telefax: (043) 2835479 * e-mail: emc_1945@yahoo.com
Midterm Examination
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

*BAWAL MAGBURA*(bawal gumamit ng lapis, fiction pen, correction tape/pen, panaklong ( ) at maling ispeling). Gumamit lamang
ng itim na ballpen.

I. Pangkaalaman
A. Panuto: Suriin ang bawat tanong at bilugan ang pinakawastong sagot.
1. Wika sa Pilipinas na maituturing na pinakamaunlad at may pinakamayamang panitikan bago pa man dumating ang mga Espanyol.
a. Cebuano b. Kapampangan c. Ilocano d. Tagalog
2. Siya ang lingguwista at propesor na nagbigay pagpapakahulugan sa wika bilang masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at
isinasaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
a. Henry Gleason b. Noam Chomsky c. Charles Darwin d. Noah Webster
3. Pag-aaral sa makabuluhang yunit ng tunog.
a. Ponema b. Morpolohiya c. Morpema d. Ponolohiya
4. Tawag sa makabuluhang yunit ng tunog.
a. Ponema b. morpolohiya c. Morpema d. ponolohiya
5. Wikang pambansa ng Pilipinas sa kasalukuyan.
a. Tagalog b. Ingles c. Pilipino d. Filipino
6. Tumutukoy ito sa wikang sama-samang itinaguyod ng mamamayan sa isang bansa upang magsilbing simbolo ng kanilang
pagkakakilanlan.
a. Lingua franca b. opisyal na wika c. pambansang wika d. wikang panturo
7. Tumutukoy sa wikang itinalaga ng tiyak na institusyon upang maging wika ng opisyal na pakikipagkomunikasyon o
pakikipagtransaksiyon dito, halimbawa ay ang pamahalaan o isang kompanya o isang organisasyon.
a. Lingua franca b. opisyal na wika c. pambansang wika d. wikang panturo
8. Ang ikalawang wika ay anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao pagkatapos niyang matutuhan ang unang wika. Ang isip ng
tao’y may kakayahan lamang matuto ng isa pang ikalawang wika.
a. Parehong tama ang mga pahayag. c. Tama ang unang pahayag, mali ang ikalawa.
b. Parehong mali ang mga pahayag. d. Mali ang unang pahayag, tama ang ikalawa.
9. Tumutukoy ito sa uri ng bilingguwalismo na pareho ang unang wika ng mga magulang ngunit ang dominanteng
wika sa pamayanan ay hindi ang sa kanila.
a. Double non-dominant language without community support
b. Non-dominant home language/ one- language, one environment
c. Non-dominant language without community support
d. Non-dominant parents
10. Tumutukoy ito sa uri ng bilingguwalismo na may kani-kaniyang unang wika ang mga magulang ngunit ang dominanteng wika sa
pamayanan ay hindi ang alinman sa kanila. Ang nagiging unang wika ng bata ay ang kanilang mga wika samantalang ang ikalawang
wika ay ang wika ng pamayanan.
a. Double non-dominant language without community support
b. Non-dominant home language/one-language, one environment
c. Non-dominant language without community support
d. Non-dominant parents
11. Ito ay praktikal na wikang inimbento lamang ng mga taong may magkaibang wika ngunit kailangang magkaintindihan dahil sa dalas ng
transaksiyon nila, gaya ng mga nagkakalakalan. Isa itong arbitraryong wikang nabuo lamang sa sandaling kailangang-kailangan itong
magamit sa pakikipagkomunikasyon.
a. Creole b. idyolek c. pidgin d. sosyolek
12. Ito ang natatanging paraan ng pagsasalita o pagsulat ng tao na nagsisilbi niyang pagkakakilanlan; ang barayti ng wika na
masasabing “personal”o “eksklusibo” sa bawat tao.
a. Creole b. idyolek c. pidgin d. sosyolek
13. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang buhay na wika ang ganito sapagkat kailanman ay
hindi maaaring maging pare-pareho ang pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng isang wika.
a. homogenous b. heterogenous c. sosyolek d. dayalek
14. Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaaring maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang
barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito.
a. homogenous b. heterogenous c. sosyolek d. dayalek
15. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng
batang isinilang sa komunidad.
a. Creole b. idyolek c. pidgin d. sosyolek
16. Ang tungkulin ng wika ayon kay Halliday na tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
a. heuristiko b. regulatoryo c. personal d. instrumental
17. Ang gamit ng wika ayon kay Halliday na nagpapahayag ng mga pangangailangan o kagustuhan ang isang bata na nais niyang
matugunan. a. instrumental b. interaksiyonal c. personal d. regulatori
18. “Ako, magiging doctor paglaki.” Anong gamit ng wika ang ipinapakita ng bata sa pahayag na ito?
a. instrumental b. interaksiyonal c. personal d. regulatori
19. Ang gamit ng wika ayon kay Halliday para pag-aralan ng bata ang kapaligirang kaniyang ginagalawan at maintindihan ang realidad. Ito
ang yugto na ang dami niyang itinatanong, gaya ng ano ang mga bagay sa kaniyang paligid o bakit nagkagayon ang mga pangyayari.
a. heuristic b. imahinatibo c. personal d. regulatoryo
20. Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
a. heuristic b. imahinatibo c. personal d. regulatoryo
21. Sa halip na ituro ang kanilang wika, ang mga misyonerong Espanyol ang nag-aral ng wika ng mga katutubo. Naghanda ang mga
misyonero ng mga aklat-gramatika at diksiyonaryong magagamit ng mga kahalili nila.
a. Parehong tama ang mga pahayag.
b. parehong mali ang mga pahayag.
c. tama ang unang pahayag, mali ang ikalawa
d. mali ang unang pahayag, tama ang ikalawa.
22. Batas na nagtakda sa paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo noong panahon ng Amerikano.
a. Hare-Hawes- Cutting c. Taft
b. Schurman d. Tydings-McDuffie
23. Ito ang wikang nahirang na maging batayan ng wikang pambansa ayon sa kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937 na ipinatupad ni
Pangulong Manuel L. Quezon.
a. Cebuano b. Ingles c. Ilocano d. Tagalog
24. Isang kautusang tagapagpaganap na ipinatupad ni Pang. Marcos noong ika-24 ng Oktubre 1967 na nagtatakda ng pagpapangalan sa
Pilipino ng lahat ng edipisyo, gusali, at ahensiya ng pamahalaan.
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
d. Proklamasyon Blg. 12
25. Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
a. Bow- wow b. ding-dong c. pooh-pooh d. yo-he-ho
26. Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan.
a. Bow- wow b. ding-dong c. pooh-pooh d. yo-he-ho
26. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “ Isang Bansa, Isang Diwa”?
a. Gumawa ng batas ang mga Espanyol nag awing wikang pambansa ang Tagalog.
b. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol
c. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.
27. Batas na ipinatupad noong ika-24 ng Hulyo 1942 ng Philippine Executive Commision sa pamumuno ni Jorge B. Vargas na nagtatalaga
sa Tagalog at Nihonggo bilang mga opisyal na wika ng kapuluan.
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 c. Ordinansa Militar Blg. 1
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg.10 d. Ordinansa Militar Blg. 13
28. Ang baybayin o paraan ng pagbasa at pagsulat ng mga sinaunang Pilipino ay binubuo ng ilang titik?
a. 16 b. 17 c. 18 d. 19
29. Tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.
a. Lope K. Santos b. Manuel L. Quezon c. Jose Rizal d. Andres Bonifacio
30. Noong panahong ng Amerikano ang namayagpag na wika ay__________.
a. Pilipino b. Ingles c. Tagalog d. Filipino
B. Isulat ang titik sa tapat ng bilang. Piliin ang inyong kasagutan sa loob ng kahon.
a. idyolek e. impormatibo i. pagpapahayag ng damdamin o emotive
b. dayalek f. instrumental j. Regulatoryo
c. pidgin g. paggamit ng kuro-kuro o metalingual
d. creole h. heuristiko

______31. Kilalang- kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang
linyang “magandang gabi bayan”.
______32. Nagta-Tagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
______33. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalitan ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla!
Halika!
_____34. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil
parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-ari ninuman.
_____35. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang
kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng kanilang mga naging anak.
_____36. Pagkuha o paghahanap ng impormasyon.
_____37. Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao .
_____38. Paraan ng pagbabahagi ng wikang lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa
isang kodigo o batas.
_____39.Wikang tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aralan. Isa rito ang pag-
iinterbyu sa taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aralan.
_____40. Paraan ng pagbabahagi ng wikang tumutukoy sa pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
II. PANG-UNAWA
A. Suriin ang mga pahayag sa hanay A, hanapin ang wastong kasagutan sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.
A a. Ferdinand E. Marcos
____41.Napakahalagang instrumento ng komunikasyon. b. Gloria Macapagal Arroyo
____42.Batas na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. c. Nihonggo
____43.Naging batayan ng wikang pambansa. d. Thomasites
____44. Batas na nagtatadhana na ang wikang pambansa ay e. Tagalog
Filipino. f. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
____45. Tawag sa wikang kinagisnan. g. Roman Jakobson
____46. Pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa. h. M.A.K. Halliday
____47. Lingguwista na nagsabi na ang bilingguwalismo ay i. Lingua franca
pagkontrol ng tao sa dalawang wika. j. coῆo
____48.Probisyong nag-aatas na ang wikang opisyal ng Pilipinas k. dayalek
ay Ingles at Filipino. l. sosyolek
____49.Pagpapatupad ng higit sa dalawang wika. m. etnolek
____50.Tawag sa wika ng mga taga- Antique. n. jargon
____51. Natatanging bokabularyo ng particular na pangkat. o. kinaray-a
____52. Barayti ng wika mula sa etnolingguwistikong grupo. p. multilingguwalismo
____53. Barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas q. artikulo XV sek. 2&3
panlipunan r. Leonard Bloomfield
____54.Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng particular na s. Monolingguwalismo
pangkat ng mga tao mula sa particular na lugar. t. Mother Tongue
____55.Sosyolek ng mga sosyal o pasosyal. u. Artikulo XIV sek. 6
____56. Ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan v. Batas Komonwelt Blg. 184
ay tinatawag na_____ w. Wika
____57. Naglahad ng pitong tungkulin ng wika. x. Idyolek.
____58. Nagbahagi ng anim na paraan ng paggamit ng wika. y. chavacano
____59. Layunin ng mga Espanyol kaya sinakop ang Pilipinas.
____60. Wikang ginamit noong panahon ng rebolusyong Pilipino
____61.Mga unang guro na nagsipagturo sa mga Pilipino ng Ingles.
____62. Wika ng Hapon
____63.Pangulo ng Pilipinas na nag-utos sa muling pagbabalik ng
isang monolingguwal na wikang panturo-ang Ingles.
____64. Naging pangulo ng ating bansa na nag-utos na ang lahat ng
edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino.
B. TAMA/ MALI
PANUTO: Isulat sa patlang ang titik P kung tama ang pahayag at titik W kung mali ang pahayag.
_____65. Ang wika ay kabuhol ng kultura.
_____66. Kasabay ng pagbabago ng lipunan,kasabay ding nagbabago ang wika.
_____67. Ang wika ang buhay ng tao.
_____68.Ang wika ay walang masistemang balangkas.
_____69. Ang unang wika ay ang wikang unang kinamulatan ng tao at siyang natural niyang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.
_____70. Ang anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao pagkatapos niyang matutuhan ang unang wika ay tinatawag na ikalawang wika.
_____71.Monokultural ang tawag sa isang taong bagama’t maalam sa maraming wika ay nananatiling sarado sa isa lamang kultura.
_____72. Tuluyang pagkawala ng kasanayan sa ikalawang wika ay tinatawag na attrition.
_____73.Bilingguwalismong sunuran ang tawag sa kasanayan sa dalawang wika kung mula pagkasilang ay nalilinang na ito.
III. APLIKASYON
Essay 7 na puntos.
74-80. Bakit mahalagang isulong ang wikang Filipino?

Inihanda ni:
Mrs. Precilla Z. Sosa
Key to correction
1. d 50. o
2. a 51. n
3. d 52. m
4. a 53. l
5. d 54. k
6. c 55. j
7. b 56. i
8. c 57. h
9. c 58. g
10. a 59. f
11. c 60. e
12. b 61. d
13. a 62. c
14. b 63. b
15. a 64. a
16. b 65. p
17. a 66. p
18. c 67. p
19. a 68. w
20. c 69. p
21. a 70. p
22. d 71. p
23. d 72. p
24. b 73. w
25. a 74. -80. essay
26. b
27. c
28. d
29. b
30. b
31. a
32. b
33. a
34. c
35. d
36. e
37. f
38. g
39. h
40. i
41. w
42. v
43. e
44. u
45. t
46. s
47. r
48. q
49. p

You might also like