Professional Documents
Culture Documents
Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (ayon kay M. A. K.
Halliday)
Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula.
Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay
halimbawa
Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan
Mga Layunin
Maipaliwanag ang pag-unlad at gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday;
Makagawa ng isang tsart na nagpapaliwanag ng mga gamit ng wika ayon kay Halliday; at
Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula.
Panimula
Isa sa mga katangiang nagpapaiba sa tao sa lahat ng nilalang ay ang paggamit ng sopistikadong
paraan ng komunikasyon—ang wika. Bagama’t ang ibang hayop ay may sariling paraan ng komunikasyon na
maaaring maipkaita sa paglikha ng tunog, paggalaw ng katawan, pagpapalit ng hitsura o kulay, paglalabas ng
amoy at iba pa, natatangi ang tao dahil nakagagamit siya ng salita. Kinakatawan ng salitang iyon kung paano
nakikita ng tao ang mundong ginagalawan at nagsisilbi ring pangunahing kasangkapan upang maipaintindi niya
ang sarili sa iba. Maraming puwedeng maging anyo ang salitang iyon na nagpapahintulot din ng pagwiwika sa
di- mabilang na kaisipan o damdamin, di gaya sa mga hayop na limitado lamang ang paraan ng komunikasyon.
Pagnilayan
Paano ka natutulungan ng wika sa araw-araw na buhay?
Pagnilayan
Sa iyong pananaw, etikal ba ang ginawa ni Halliday na pag-aaral sa sariling anak? Ipaliwanag.
1. Antas Protowika
Gamit ng sanggol mula pagkasilang hanggang sumapit ng ika-6 na buwan. Bawat kilos ay may
tiyak na ibig sabihin. Tila isang pagpapares ng konsepto at ng anyong maglalarawan dito. Bilang
halimbawa, inilarawan ni Halliday ang nangyari sa kaniyang anak na si Nigel noong 12 araw pa
lamang ito. Sinabi niyang iyak nang iyak ang sanggol hanggang pagligo. Natigil lamang ito
nang mapansin ni Gng. Halliday na may pigsa ito sa siko at ipinaalam niya sa kaniyang asawa
sa pamamagitan ng tawag sa telepono. Hindi naman nawala ang pigsa pero tumahan ang bata
dahil ang mahalaga lang sa kaniya ay mapaintindi sa kaniyang ina na may iniinda siyang sugat.
Pagnilayan
Sa iyong pananaw, malay kaya ang mga magulang o ang mga tagapag-alaga ng sanggol na mayroon
na itong protowika? Paano makatutulong ang teorya ni Halliday tungkol sa protowika sa mabisang pag-
aalaga sa bata?
Sa antas protowika rin unang nalilinang ang unang apat na gamit ng wika. Ang unang apat na
gamit ng wika ay ang mga sumusunod:
A. Instrumental (“Gusto ko”)
Nagpapahayag ng mga pangangailangan o kagustuhan ng isang batang dapat matugunan.
Isang halimbawa nito ang pag-iyak ng bata kapag siya’y gutom na upang siya’y pasusuhin o
ang pagkaaburido upang ipahayag na naihi siya ay nangangati dahil dumikit na ang ihi sa balat.
A. Regulatori ( “Gawin mo ang sinabi ko sa iyo”)
Ang pagpapahayag ng mensahe na tila kumokontrol sa kilos ng iba.
Isang halimbawa nito ang pagtaas ng mga braso ng bata upang buhatin siya ng kaniyang tagapa-
alaga, kahit pagod na ito, o ang paghahabol sa isang tao upang hindi umalis, o ang pangungulit
sa tagapag-alaga upang ulit-ulitin nito ang bagay na nakapagpapatawa sa sanggol.
B. Interaksiyonal (“Ako at ikaw”)
gamit ng sanggol upang lumikha ng ugnayan sa ibang tao o patibayin ang relasyong mayroon
sila.
Isang halimbawa nito ang paghiga ng bata sa dibdib ng kaniyang tagapag-alaga upang
iparamdam na komportable siya rito o mahal niya ito, o ang paulit-ulit na pagdikit ng kaniyang
noo sa noon ng tagapag-alaga.
C. Personal (“Narito na ako”)
Ginagamit naman ng bata ang wika upang ipakilala kung sino siya.
Isang halimbawa nito ang agad na pagtayo ng isang batang natumba nang sumusubok lumakad
at hindi pag-iyak kahit nasaktan na nagpapakilala ng kaniyang tapang.
Ang unang apat na gamit ng wika ay kinakasangkapan ng isang lumalaking sanggol upang matugunan
ang kaniyang mga pangangailangang pisikal, emosyonal, at sosyal (Jackson at Stockwell, 1996).
Sa pagsapit ng sanggol sa susunod na mga yugto, unti-unting napapalitan ng salita ang mga gamit ng
wika na dating ipinapahayag lamang sa protowika. Maaari na talagang sabihin ng bata ang “Milo, Milo” para
ipahayag na gusto niya ng inuming tsokolate (instrumental); balisa ang mukha na sabihing, “Mommy, oo” para
itigil ng ina ang anumang ginagawa at samahan siya sa palikuran o hilahin ang kamay nito palabas ng bahay
habang sinasabi ang “Bili! Bili!” para pilitin itong sumama sa tindahan at bilhin ang kaniyang ipinabibili
(regulatori); o sabihin ang “ I love you” sa kaniyang mga magulang o kapatid upang ipahayag ang pagmamahal
niya sa mga ito (interaksiyonal; o sabihin sa kanyang ama na “Daddy, Superman ako” sabay taas ng isang braso
at akmang lilipad habang may suot na kapa (personal).
2. Antas Transisyonal
Yugtong nagsisilbing tagapamagitan ng antas na hindi pa makapagsalita ang sanggol at kumikilos pa
lamang at ng pinakamataas na antas kung sanay na siyang magsalita sa unang wika.
Dahil hindi sapat ang protowika o mga kilos na may ibig sabihin, dama ng bata na dapat siyang magsalita
upang mas malinaw niyang masabi ang kaniyang naiisip o nararamdaman. Sa yugtong ito, ang
protowikang unang ginamit ng sanggol ay napapalitan na ng wikang leksikogramatiko. Ito ang
pagsasama ng mga salita at ng pagiging malay sa tamang ayos, bagama’t paunti-unti o putol-putol ang
mga ito.
Sa ikalawang yugto nalilinang ang tatlo pang gamit ng wika-ang heuristiko, imahinatibo, at
representasyon o impormatibo.
D. Heuristiko (“Sabihin mo sa akun kung bakit”)
Paggamit ng bata sa wika upang pag-aralan ang kapaligirang ginagalawan niya at maintindihan ang
realidad. Ito ang yugto na ang daming itinatanong ng lumlaking musmos, gaya ng “Ano iyo?’’ habang
may itinuturong bagay o “ Saan ka pupunta?”
E. Imahinatibo (“Kunwari…”)
Paggamit naman sa wika upang lumikha ng isang mundong kathang-isip, lalo pa at hindi pa hustong
matigulang (matured) ang isip ng bata upang maintindihan ang siyensiya sa kapaligirang kaniyang
ginagalawan; na ito ay kongkreto dahil sa pisika.
Isang halimbawa nito ay ang paglalaro ng mga bata ng bahay-bahayan na may papel na itinatalaga sa
bawat isa, gaya ng pagiging “nanay” o “tatay” o “mga anak” kahit hindi naman at pagkakasundo ng mga
bata sa magiging takbo ng kuwento.
F. Representasyonal o impormatibo (“may sasabihin ako sa iyo”)
Sa gamit naming ito, nakapagpapahayag ng impormasyon ang isang bata at nakapagpapakita ng
kakayahang manindigan dahil pinanghahawakan niyang totoo ang kaniyang sinasabi.
Halimbawa nito ay ang pagkukuwento sa kaniyang mga magulang ng nangyri sa eskuwelahan o sa mga
kaklase ng napanood.
Masasabing nagtapos na ang yugtong transisyonal kapag alam na alam na ng bata kung paano
magpahayag nang tuloy-tuloy at makipag-usap sa kaniyang kapuwa (Halliday, 2003).
Pagnilayan
Paano mo natatandaang ginamit ang mga gamit ng wika ni Halliday noong ikaw ay lumalaki pa
lamang?
Pagnilayan
Paano kaya matutulungan ang isang bata na magtagumpay na mapagdaanan ang tatlong antas ng
wika ni Halliday at maabot ang antas ng maunlad na wika?
MAHAHALAGANG PAGKATUTO
Sa modyul na ito, tinalakay ang pag-unlad ng wika at mga gamit ng wika ayon kay Michael Halliday.
Ayon sa kaniyang teorya, dumaraan sa tatlong yugto ang pag-unlad ng wika ng isang bata: (1) sa antas protowika,
gumagamit siya ng mga kilos na may tiyak na ibig sabihin upang magpahayag, gaya ng pag-iyak kapag
nagugutom; (2) sa antas leksikogramatiko, nakagagamit na siya ng mga simpleng salitang may lohikal na ayos,
gaya ng pagsasabing “Kain ako” upang malaman ng mga tao sa paligid niya na gutom na siya; at sa (3) antas ng
maunlad na wika, nakagagamit na siya ng buo-buong pangungusap at nakakapagdiskurso nang tuloy-tuloy. Sa
antas protowika, apat sa mga gamit ng wika ang nagagawa na ng bata: ang instrumental upang matugunan ang
kaniyang mga pangangailangan; ang regulatori upang kontrolin ang kilos ng iba, ang interaksiyonal upang
makalikha ng ugnayan sa kaniyang kausap; at personal upang ipakilala kung sino siya. Pagsapit naman ng antas
transisyonal, nadaragdagan pa ito ng tatlong gamit: ang heuristiko upang maintindihan niya ang kapaligirang
ginagalawan sa pamamagitan ng pag-uusisa; ang imahinatibo upang lumikha ng mundong kathang-isip; at ang
representasyonal o impormatibo upang magpahayag ng impormasyon sa ibang tao na kumakatawan sa kung ano
ang pinaniniwalaan niyang totoo. Kinakasangkapan ng bata ang unang apat na gamit ng wika upang tugunan ang
kaniyang mga pangangailangang pisikal, emosyonal, at sosyal samantalang ang huling tatlo ay para sa
pagtataguyod ng relasyon sa kaniyang kapaligiran.
Sources: Reyes, Alvin Ringgo C. DIWA Senior High School Series: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.Legazpi Village, Makati City: Diwa Learning Systems Inc, 2016.
Dayag, Alma M., at M.M. del Rosario.Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.927 Quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc, 2017.
http://Quexbook.com. at http://wikapedia.com
Isa kang graphic artist. Kinomisyon ka ng isang kompanyang nagnenegosyo ng mga tsart. Ang iyong
gagawin ay tsart ng pag-unlad ng wika ayon kay Michael Halliday. Target ng kompanya na pagbentahan ng
kanilang tsart ang mga klinika, paaralan, at iba pang institusyong pambata na maaaring maging interesado sa
teorya ni Halliday. Gawin ang tsart ng pag-unlad ng wika ni Halliday sa ibabang bahagi. Gawing malikhain ang
presentasyon ng mga impormasyon at tiyaking wasto ang mga ito. Tatayain ang produkto ayon sa kawastuan ng
nilalaman, kagandahang biswal, kawastuang panggramatika, at dating sa mga tingin.
MAGAGAWA NATIN
Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula.
Mahilig ka bang manood ng pelikula o palabas sa telebisyon? Dito tayo makapupulot ng mga bagong
kaalaman at karagdagang impormasyong magagamit natin sa pang-araw-araw na buhay. Makikita rin natin dito
ang kahalagahan ng wika. Kung nanonood ka ng Mr Bean, mababatid mong bagama’t nauunawaan mo ang plot
ng programa ay kailangan ng karagdagang atensiyon o pokus upang ito ay lubos na maunawaan. Dito mo
makikita ang mahahalagang gamit ng wikang susi sa mas lalong pag-unawa.
A. Ang sumusunod ay iba’t ibang pahayag mula sa palabas sa telebisyon at pelikula. Tukuyin ang gamit
ng wika at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
1. “Akala ko ba ay ok na? Nagdadrama ka na naman. ‘Di ba nga pagdating sa kapakanan ng pamilya,
walang panga-panganay, walang ate-ate, walang bunso-bunso? Ang meron lang…. kapit-bisig!”
--Maya, Be Careful with My Heart, unang episode
2. “Minsan gusto nang ipagsigawan, kaya lang, ako lang naman ang nagmumukhang tanga. Bakit ba
naman kasi ang complicated magmahal?”
--Basha, One More Chance
B. Panoorin ang video na may pamagat na “Word of the Lourd: Bitin sa Kanin” na matatagpuan sa link na:
https://www.youtube.com/watch?v=Xciz3ccIuRM. Ang video ay may tagal na 2:57 minuto.
Isulat ang buod ng pinanood na video. Sa ilalim nito ay isulat kung anong tungkulin ng wika ang masasalamin
sa video. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napipili.
Buod ng video:
Tungkulin ng Wika:
Paliwanag:
Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay A at B, nakita mo ba ang gamit ng wika sa mga napanood
mong pelikula o palabas sa telebisyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng wika, paano dapat gamitin ng mga pelikula o palabas sa
telebisyon ang wika? Kailan mo maituturing na mali o umaabuso ang kanilang paggamit sa wika? Ano-ano ang
maaari mong imungkahi sa mga media practitioner upang magamit nila sa tama ang wika? Isulat ang iyong
sagot sa ibaba.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
LAGUMANG PAGSUSULIT