Professional Documents
Culture Documents
Iniulat nina:
TALAKAYAN
Pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaisa sa pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Ang
kontradiksiyong ito ay mithiing nilandas at nilalandas ng mga tao, komunidad at bansa sa kontemporaryong panahon
simula nang itakwil ng mga klasikong pilosopo ng siglo 17 ang paniniwala ng naunang panahon na ang wika ay isang
biyayang nagmumula sa langit, mula sa Diyos. Pinaniwalaan ng mga kontemporaryong pantas lalo na ng mga empirisista
at rasyonalista na ang wika ay inimbento at pinaunlad ng tao para maging paraan ng paglipat ng mga kaalaman. Ang
pananaw na ito ay nabuo sa konteksto ng umiiral sa panahong ito na idea ng progreso na kaugnay ng sibilisasyon na
sumasangkot naman sa kultura at institusyon. Sa kanila, ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng
espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa lipunan/komunidad. Ang lipunan naman na nangangailangan ng
pakikisalamuha (integrasyon) at ugnayan (interdependence) ng mga tao, ay nagiging komplikado habang lumalaki at
lumalawak ang progreso. Nagkakaiba-iba ang mga idea at gawain ng mga tao. Nagiging espesyalisado ang mga gawain at
tungkulin. Tumutungo ang bagay na ito sa pagkakaiba-iba sa kultura at wika na ayon kay Rousseau (1950) ay siyang
panukat sa progreso ng mga tao. Ang mga pagkakaiba-ibang ito ng/sa wika ay nagbunga ng iba't ibang pagtingin,
pananaw at atityud dito kaugnay ng di-pagkakapantay-pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura, at
sibilisasyon. Kaya may tinawag na mga wikang/tagapagsalitang superyor/imperyor (Calvert 1987, nasa Williams 1992),
sibilisado/di-sibilisado, barbaro/edukado/di-edukado/pangmasa (Voltaire 1953 nasa Williams 1992), mataas/bulgar (de
Brosse 1801 at Garvin nasa Williams 1992), istandardisado/di-istandardisado, at marami pang iba.
Ang mga dikotomiyang ito ang dahilan naman para kumapit-tuko ang mga tagapagsalita ng mga di-
istandard na wika sa teorya/tesis ng Babel (de Brosse 1801. Calvert 1989 nasa Williams 1992). Pinairal ng tesis/teoryang
ito na galing sa isang orihinal na wika ang lahat ng wika sa mundo. Dito isinilang ang idea ng language universal ng mga
rasyonalista na pinangunahan ng Port-Royale School na nagbigay- diin sa kumonalidad ng mga wika kompara sa mga
empirisista na nagbigay-diin naman sa indibidwal na varayti ng wika.
Sa gitna ng mga pagkakaiba-iba sa mga wika dahil sa pagkakaiba-iba ng mga gawain at tungkulin ng tao sa
lipunan, kinailangan ang isang estado na mag-iisa o magbibigay ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng mga batas at
mga institusyong magsasagawa ng mga ito. Ito ang dahilan kung bakit itinaguyod ng Indonesia noong 1927 ang
ideolohiyang Bhinneka Tunggal Ika (Pagkakaisa sa Pagkakaiba) para sa kanilang bansa kaugnay ng pagkahitang ng
Bahasa Indonesia bilang pambansang wika. Ganito rin ang naging gabay ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa sa
Pilipinas sa pamamagitan ng islogang "Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Wika."
dahil ito ay isang produktong sosyal ng may kakayahang magsalita at isang koleksiyon ng mahahalagang kumbensiyon na
binuo at ginamit ng isang grupo para magamit ng mga indibidwal.
Ang ganitong idea ay sinalo ni Joshua Fishman (1980) at iba pang mga kilalang sosyolingguwista sa
kanilang mga pag-aaral na siya ngayong bumubuo sa kanon sa larangan ng pag-aaral ng wika at lipunan.
Kaugnay ng sosyolingguwistikong teorya, ang idea ng pagiging beterogenous ng wika dahil sa
magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaiba ring lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aaralan, at iba
pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal
ayon sa isang sistema ng mga alituntunin kundi isang kolektibong puwersa, isang pagsasama-sama ng mga anyo sa
magkakaibang kultural at sosyal na mga gawain at grupo (Venuti 1998). Bagama't ang mga tao ay may kani-kaniyang
paraan ng gamit ng wika (tinatawag na Idyolek), mapagsasama ang mga ito sa iba't ibang paraang lingguwistiko at
sosyal. May mga taong magkakasama dahil sa isang pinagsasaluhang wika at may mga taong nagsasama-sama dahil
magkakapareho sila ng edukasyon, trabaho, kinabibilangang partido, sosyo-ekonomikong grupo, kaanak, at iba pa. Mula
rito, nabubuo ang iba't ibang anyo ng wika. Mahahati sa dalawang dimensiyon ang pagkakaroon ng baryabilidad ng wika
heograpiko na tinatawag na diyalekto ang nabubuong anyo ng wika; at sosyal na tinatawag namang sosyolek ang
nabubuong wika (Fishman 1971). Ang dalawang ito ay nagkakasama sama sa isang komunidad. Nagbigay ng ilustrasyon
si Corder (1982) sa relasyong ito ng diyalekto (dialect) at sosyolek (sociolect).
Dimensyong Heograpiko(dialect
Ang interference phenomenon at interlanguage naman ang nakapokus sa mga wikang kasangkot. Ang
impluwensiya ng unang wika sa pangalawang wika (sinasalita, napag- aralan/pinag-aaralan, o kaya'y lingua franca) ang
kapansin-pansin dito. Dito nabubuohalimbawa ang Filipino Roglish, Singlish (Singapore Taglish), Maby Eriglish laint sa
di maiwasang pasok ng mga katutubong wika ng mga bansang naging kolonge ng bansang Ingles ang katutulong wika.
Ang impluwensiya ay sa bigkas, leksikon, morpolohiya, at maging sa sintaktika. Ang interlanguage naman ang tinatawag
na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Dito,
binabago ng tagapagsalita ang gramar as pamamagitan ng pagdaragdag, pagbawas, at pagbabago ng mga dituntunin
Halimbawa nito ang salitang malling na ginagamit na mula sa salitang mall sa Ingles, Impluwensiyang Ingles ito sa
Filipino na sa dalas nas ng paggamit at popularidad ng salita ay nadagdagan ng gamit (nominalisayon at berbaksasyon).
Sa perspektibang sikolohikal, dapat maging batayan ang palagay na thay sapat na kaalaman ang estudyante
o guro ng wika sa konsepto ng varayn at baryasyon ng wikang Filipino, pati ang politikal na kasaysayan ng pag-unlad
nito. Mahalagang malaman nila na ang Filipino ay isang katawagang sumisimbolo sa bagong konsepto ng wikang
pambansa. Bilang isang multihngguwal na barisa na dumaan sa tatlong yugto ng kolonisasyon ng mga makapangyarihan
sa Europa, Norte Amerika at Asya, hindi gaanong makatulong ang pagpili sa isa sa naga pangunahing wika para maging
batayan ng wikang pambansa. Hindi nito napag-isa sa "isang diwa, isang bansa" ang mga Filipino. Sa halip, naging ugat
pa ito ng inga alitan, kantiyawan, at mga isyu na naghati sa mga mamamayan
Naging hangarin ng mga tagaplano ng wika sa pamamagitan ng Konstitusyon ng 1973 at 1987 na
magpasiyang mag-adap ng isang wikang pambansang magsisilbing tulay sa pagitan ng mga Filipinong nany sati-sariling
katutubong unang wika. Inadap nila ang Filipino ayon sa konseptong batay ito sa lahat ng wika sa Pilipinas kasama ang
Ingles at Espanyol Nakaangkla ito sa idea ng pagiging lingua franca. Sa paggamit ng lingua franca ng isang Filipino,
malaki ang magiging impluwensiya ng una niyang wika rito. Sa ganito nabubuo ang varayti ng Filipino batay sa
lingguwistiko/heograpikong dimensiyon. Kaya may Cebuano Filipino, Ilokano Filipino, Bicol Filipino, at iba pa.
Halimbawa, sa pagsasalin ng Filipino ng isang Sebwano, pumasok dito ang di-paggamit ng reduplikasyon (eg.
"magtawag", sa halip na "magtatawag") o kaya'y laging paggamit ng mag- (e.g. "magbili" sa halip na "bumili").
Sa loob naman ng mga diyalekto/varayting ito ng Filipino nabubuo rin ang mga register/sosyolek o sosyal
na varayti bunga naman ng interaksiyon ng mga Filipino sa iba't ibang level at aspekto ng gawain at pagkilos sa loob ng
komunidad.
Dahil sa pagkakaroon ng mga varayti ng Filipino, unti-unting nagbabago ang atityud ng marami sa wikang
pambansa. Magiging malay ang isang Filipino na may bahagi siya at papel sa pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Mangangahulugan ito na mas lalago at madedevelop ang isang varayti o kanilang varayti ng Filipino kung madalas na
gagamitin at tatangkilikin ang wikang pambansa. Kung noong ang wikang Filipino ang wikang pambansa, hindi
itinuturing na tama ang pagbigkas at paggamit ng mga salita ng isang taga-Pangasinan, halimbawa, tinatanggap na ito
ngayon bilang varayti ng Filipino. Dati, Tagalog lang ang batayan ng wikang pambansa kung kaya't ang tamang Filipino
ay ang paggamit dito ng mga Tagalog, lalo na sa Metro Manila. Hindi na ganito ang sitwasyon. Ang mahalaga ay
maunawaan ng nakakaraming Filipino ang pagkakaiba ng kahulugan at implikasyon ng magkaiba at naibang konsepto ng
wikang pambansa.
Sa puntong pedagohikal, malaki ang implikasyon nito sa pagtuturo ng Filipino sa loob ng klasrum.
Magagamit ito para mamulat ang mga estudyante sa papel nila sa pagdevelop ng wika. Tutulong din ito para maging
interaktibo ang pag-aaral ng wika sa loob ng klasrum. Ngayo'y hindi na guro lamang ang nagbabahagi ng kaalaman sa
klase. Ang bawat isa ay makakapagbahagi ng datos mula sa kanilang etnolingguwistiko, sosyal, at okupasyonal na grupo
o komunidad na kinabibilangan nila. Magagamit na paraan o estratehiya ang student-centered at komunikatibong lapit.
Aktibo hindi pasibong miyembro ng klase ang estudyante. Hindi lang siya tagatanggap kundi tagapagbahagi rin ng
kaalaman. Buhay ang loob ng klase at mabibigyang-halaga pa niya ang sariling wika at kultura bilang bahagi at kaisa ng
pambansang wika at kultura. Makikita nila na bawat tao, grupo, komunidad, rehiyon na gumagamit ng wikang pambansa
ay hindi iba/kakaiba/naiiba kundi kasali/kasama/kabilang/kabahagi. Magkakaroon din sila ng kamalayang hindi pang-
amın/ pangkanila, pangkapatagan/pambundok, pangmayaman/pangmahirap, pampubliko/pampribado, pamburgis o pang-
coño/pangmasa ang isang pambansang wika kundi pambansa, pang-atin, panlahat.
Sa punto ng scholarship, masasabing isang bagong larangan ito sa mayamang balon ng mga paksa at
gawaing kailangang saliksikin ng guro at estudyante sa anumang antas ng pag-aaral mula elementarya hanggang
gradwadong pag-aaral- mula sa pag-aaral ng bigkas hanggang sa malalimang pagsusuri ng estruktura nito.
Kakaunti pa ang gumagawa ng saliksik ukol sa mga varayti ng wikang Filipino dahil bagong larangan pa ang
sosyolingguwistiks sa ating bansa na kinabibilangan ng pag-aaral ng mga varayti ng wika.
Huwag na nating hayaang mga dayuhan pa ang gumawa ng mga saliksik sa sarili nating wika. Simulan natin
ito sa loob ng klasrum.
Konklusyon : Ang wika ay nagtatangi ng iba't ibang varayti at baryasyon batay sa iba't ibang kadahilanan tulad ng
lokasyon, kultura, at lipunan. Ang pag-aaral ng mga ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng konteksto sa pag-unawa ng
wika. Sa kabuuan, ang varayti at baryasyon sa wika ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging dinamiko at nagbabago
ang wika ayon sa pangangailangan ng mga gumagamit nito.