Professional Documents
Culture Documents
HETER _______ NA
WIKA
BUUIN MO AKO:
PANLIP_____
PHENOMENON
BUUIN MO AKO:
TEORYANG
______INGGWISTIKO
BUUIN MO AKO:
LEXI ___
BORROWING
BUUIN MO AKO:
CODE SWIT_____
LAYUNI
N:
a. Naibibigay ang katuturan at
pinagmulan ng salitang
Sosyolinggwistik.
b. Naisa-isa ang iba’t ibang pananaw ng
Teoryang Sosyolinggwistik.
C. Napahahalagan ang Teoryang
Sosyolinggwitik at Teoryang
Ito ay ang pag-aaral na kung saan sinisipat nito
ang ugnayan ng wika at lipunan particular na
ang kaangkupan ng gamit ng isang wika batay
sa iba’t ibang konteksto.
Pinag-aaralan din sa sosyolinggwistiko ang kung
paanong ang mga baryasyon o pagkakaiba-iba sa
iisang wika ay magkakaiba sa pagitan ng mga
pangkat na pinaghihiwalay ng particular na mga
pagbabagu-bago o mga baryabol, katulad ng
etnisidad, relihiyon, katayuan sa lipunan, edad, at
iba pa at kung paano ang paglikha at pagsunod sa
mga panuntunang ito ay ginagamit upang ikategorya
ang mga indibidwal sa mga klaseng panlipunan at
sosyoekonomiko.
PINAGMULAN
NG SALITANG
SOSYOLINGGW
ISTIK
Ang salitang Sosyolinggwistik ay nilikha
noong 1939 ni Thomas C. Hudson, sa
pamagat ng kanyang articule
“Sociolinguistics India”. 1960s naging sikat
ang pag-aaral ng sociolinguistics at
nagkaroon ito ng dalawang pamagat:
sociolinguistics at ang sosyolohiya ng wika.
Sa katapusan nagkaroon ng kaibahan ang
dalawa, ang sosyolinggwistika at sosyolohiya
ng wika
Pagkakaiba ng sosyolinggwistiko at sosyolohiya ng wika
2. Panghihiram
Isa pang paraan kung saan nagkakahalo ang mga varayti. Sa
paraang ito, ang isang salita o higit pa ay hinihiram mula sa
isang varayti tungo sa isa pang varayti dahil walang
katumbas ang mga ito sa mga varayting ginagamit ng
nagsasalita.
Tinatawag itong lexical borrowing.
Pagkain mula sa ibang bansa na may kulturang
dala mula sa pinagmulan nito (cultue color)
Halimbawa: hamburger, pizza, taco, French fries,
mga salitang dala ng pagbabago ng teknolohiya
tulad ng CD, diskette, fax, internet, e-mail, at iba pa.
DEFICIT-HYPOTHESIS
Tawag sa pagkakaroon ng iba’t ibang varayti/register/ anyo
ng wika na nagreresulta sa pananaw ng pagkakaroon ng
herarkiya ng wika. (Bernstein, 197)
Kaugnay pa rin ng sosyolinggwistikong teorya ang ideya
ng pagiging heterogeneous ng wika o ang pagkakaroon
ng iba’t ibang anyo, mapalinggwistika, mapa
okupasyunal o mapasosyal man ang anyong ito.
Maidagdag din sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ang
lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko,
politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular
na lugar o kuminidad na gumagamit ng naturang wika.
Ito ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga varayti ng
wika tulad ng pagkakaroon ng Tagalog Filipino, Ilokano
Filipino, Ilonggo Filipino, Singapore English, Filipino
English at iba pa.
Tinatawag itong linggwistikong varayti ng wika.
Mayroon din varayti na ayon sa register o sosyal na
kalagayan tulad ng Filipino tulad ng mga taong nabibilang
sa third sex, Filipino ng mga taong may iba’t ibang
trabaho tulad ng mangingisda, magsasaka, mga taong-
pabrika, maging ang mga taong may iba’t ibang dibersyon
tulad ng mga sugarol, sabungero, mga namamahala sa
huweteng o karera.
Teoryang Akomodasyon
(Howard Giles, 1982)
Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral/pagkatuto ng
pangalawang wika sa linguistic convergence at
linguistic divergence. Nakapokus ito sa mga taong
kasangkot sa sitwasyong pangwika
Linguistic Convergence
Ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon
ng tendensya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng
kausap para bigyang-halaga ang pakiisa,
pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya’y
pagmalaki sa pagiging kabilang grupo.
Lingustic Divergence
Pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para
ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-
pakikiisa at pagkakaroon ng sariling
identidad. Mahalaga ang pananaw ba ito sa
pag-aaraal ng varayti ng wikang Filipino lalo
na kaugnay ng atityud sa paggamit ng
inaakalang mas superior na varayti kumpara
sa mas mababang vaarayti depende sa
katayuan ng kanilang unang wika sa lipunan.
Bahagi rin ng teoryang akomodasyon ang
tinatawag na INTERFERENCE
PHENOMENON at INTERLANGUAGE
na nakapokus sa mga wikang kasangkot.
INTERFERENCE PHENOMENON
Ipinapakita ang pagkakaroon ng IP sa pagbuo
ng mga varayti ng Filipino. Makikita ang
impluwensya ng unang wika sa pagsasalita
Fililipo ng mga kababayan natin sa iba’t ibang
rehiyon.
Halimbawa:
Cebuano Filipino na mapapansin ang paggamit
ng reduplikasyon o pag-uulit ng pantig sa
salita.
Halimbawa:
Magaling ako sa pagturo ng Filipino
INTERLANGUAGE
Interlanguage naman ang tinatawag na
estruktura (mental grammar) ng wika na
nabubuo o nakikintal sa isip ng tao sa proseso
ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Sa
kalagayang ito nagkakaroon ng pagbabago sa
grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag,
pagbabawas o pagbabago ng mga tuntunin ng
wika.
Halimbawa:
Ang paglalagay ng mga panlapi sa mga
salitang Ingles kahit na ito ay wala sa
diksyunaryong Ingles sa ating pang-araw-
araw na interaksyon tulad ng presidentiable,
boarder, bed spacer, mailing. Gayundin,
narirnig na ang mga salitang Turung-turo na
ako, Sayaw na sayaw na ako na dati ay hindi
tinatanggap bilang pang-uri.
TANDAAN
“Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit
sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang
buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga
wika ng Pilipinas at di-katutubong wika at sa
ebolusyon mg iba’t ibang varayti ng wika para sa
iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may
iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolaring pagpapahayag.”
Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga
ang pagkaakroon ng mga mag-aaral at guro ng
malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng
varayti at varyasyon. Sa gayon, makikita ng
mga mag-aaral ba bawat grupo, komunidad at
rehiyon na gumagamit ng wika ay hindi iba o
naiiba kundi kasali at kabahagi ng pambansang
wika at kultura.
Makikita rin ang kontribusyon ng iba’t ibang
wika sa bansa sa pagpaapunlad ng Filipino.
Mayamang balon na mapagkukunan ang mga
rehiyonal na wika ng kaalaman at datos mula
sa kanilang etnolinggwistiko, sosyal at
komunidad na kinabibilangan.
Pangkatang Gawain