You are on page 1of 5

FIL101A

CSSH-FILIPINO
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

Lecturer: Mikel Andre Mendoza


Bilang: YUNIT 01, Aralin 02

ANG WIKA SA LIPUNAN


Mula sa mga batayang kaalaman ukol sa wika, nagkaroon na tayo ng pangkalahatang
ideya sa mga katangian at kahalagahan nito. Nailahad na rin ang kahulugan nito na isang
sistema ng mga simbolong kinapapalooban ng mga elemento kagaya ng ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantiks, at pragmatiks. Bunga ang mga ito ng napagkasunduang
paggamit ng lipunan sa isang wika na siyang nagtatakda ng interrelasyon ng wika at lipunan
sa isa’t isa.

Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino, ang lipunan ay tumutukoy sa isang malaking


pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya at saloobin, namumuhay sa
tiyak na teritoryo at itinuturing ang sarili bilang isang yunit. Natural sa isang tao na
makipagsalamuha at lumikha ng ugnayan sa kaniyang kapwa at wika ang pinakamabisang
instrumentong ginagamit niya upang maisakatuparan ito. Ang wika at lipunan ay may
simbayotikong ugnayan sa isa’t isa sapagkat nagagawang hubugin ng wika ang lipunang
kinabibilangan nito at sa parehong pagkakataon, naiimpluwensyahan ng mga interaksyong
panlipunan ang paraan ng paggamit ng wika. Samakatuwid, masasabi nating hindi
maihihiwalay ang wika at lipunan sa isa’t isa. Ang pag-aaral sa ugnayan ng dalawang
aspektong ito ay kilala sa tawag na sosyolinggwistika.

Sosyolinggwistika/ Sociolinguistics
Sa payak na pagpapakahulugan, ang sosyolinggwistika ay tumutukoy sa makaagham
na pag-aaral ng ugnayan ng lipunan at ng wika. Ito ay nagmula sa dalawang magkaibang
disiplina na pinagtambal sa isa’t isa, ito ang sosyolohiya at linggwistika.

Sosyolohiya – socius nangangahulugang kahalubilo at logos o kaalaman. Isang disiplina sa


ilalim ng agham panlipunan na nakatuon sa pag-aaral ng lipunan, panlipunang pag-uugali ng
tao, at mga pattern ng panlipunang relasyon at ugnayan.

Linggwistika – nagmula sa latin na lingua o dila. Ito ang makaagham na pag-aaral sa wika.

Ang sosyolinggwistika ay maaaring pag-aralan sa dalawang perspektibo. Ito ang


micro sociolinguistics at macro sociolinguistics.

Micro sociolinguistics – ito ang pag-aaral ng wika na may kaugnayan sa lipunan o kung
paano nahuhubog ng lipunan ang paggamit o anyo ng wika na nakadepende sa panlipunang
aspekto kagaya ng edad, kasarian, at estado ng isang indibidwal.

Macro sociolinguistics – tinatawag ding sosyolohiya ng wika. Ito naman ang pag-aaral ng
lipunan na may kaugnayan sa wika. Mas malawakan ang saklaw nito kumpara sa micro at
nakatuon ito primariya sa lipunan at kung paano nakakapekto ang wika dito. Halimbawa na
FIL101A
CSSH-FILIPINO
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

lamang ang pag-aaral sa pagkamatay ng mga katutubong wika dulot ng pag-usbong ng


mayoryang wika ng isang lipunan o kaya naman ang pagkakatatag ng wikang Filipino bilang
pambansang wika ng Pilipinas.

Sa pagitan ng mga tagapagsalita ng anumang wika, mayroong mapapansing


pagkakaiba-iba sa paraan nila ng paggamit ng wika. Ito ang tinatawag na baryason ng wika.
Ang mga baryasyong ito ay ipinakita ng mga pagkakaiba sa wika sa mga tuntunin ng tunog
(ponetiko), at istruktura (gramar). Maaaring may mga bahagyang pagkakaiba lamang sa
pagitan ng mga anyo ng isang wika, gaya sa paraan ng pagbigkas. Halimbawa, ang bigkas ng
mga Mindanawon sa /e/ ay /i/ kaya ang “pera” ay nagiging “pira”. Ito ang mapapansin sa
isang patalastas ng Palawan Pawnshop Express Pera Padala na pinagbidahan ni Aling
Dionesia, ang ina ni Senador Manny Pacquiao. Hindi lamang sa bahaging ito mapapansin ang
baryasyon sa wika. Minsan may mga pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalita ng mga
kalalakihan at kababaihan, iba’t ibang mga klase sa lipunan, at mga pagkaka-iba sa pagitan
ng mga pangkat ng edad.

Ang mga baryasyon at pagkakaibang ito ay bunga ng mga panlabas na faktor o


dahilan gaya ng heyograpikal o grupong sosyal. Tinalakay nina Santos, et al. (2012) ang
heyograpikal at sosyal bilang pangunahing ugat sa pagkakaiba ng wika.

 Heyograpikal- ito ang pagkakaiba ng wika na nagaganap dahil sa lugar o lokasyon


ng tagagamit nito. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng diyalekto o
wikang subordineyt sa katulad ding wika. Natatangi ito sa isang tiyak na lugar o
rehiyon.

Dapat nating tandaan na may pagkakaiba sa kahulugan ng wika at ng diyalekto. Ang


wika ay ang sistema ng mga salitang ginagamit sa isang bansa o lugar. Sa Pilipinas, maliban
sa wikang Filipino, may iba’t ibang katutubo at rehiyonal na wika na matatagpuan sa iba’t
ibang sulok ng bansa. Ang mga wikang katutubo ay alinman sa mga wika na sinúso ng
isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Filipinas. Bahagi nito ang mga
wikang Tagalog, Waray, atbp. na kumakatawan sa mayoryang wika at mga wika gaya ng
Higaonon o Ivatan na kumakatawan sa minorya. Ang mga wikang rehiyonal naman o
pangunahing wika ang pangkaraniwang wikang ginagamit ng nakararami. Mayroon tayong
walong pangunahing wika sa bansa ayon sa KWF. Ito ang sumusunod:

 Bikol  Pampanggo  Tagalog


 Ilokano  Pangasinan  Waray
 Hiligaynon  Sebwano
May mga pagkakataong isinasama sa pangkat ang wikang Meranaw, Tausug, at
Magindanaw. Ang karaniwang katwiran kung bakit ito itinuturing na pangunahing wika ay
dahil (1) may malaking bilang ito ng tagapagsalita na karaniwang umaabot sa isang milyon o
higit pa, o (2) may mahalagang tungkulin ito sa bansa bilang wika ng pagtuturo, bilang
wikang opisyal o wikang pambansa.
FIL101A
CSSH-FILIPINO
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

Sa kabilang dako ang diyalekto ay itinuturing na sanga ng isang wika na maaaring


magkaiba sa isa’t isa sa ilang katangian. Ang pagkakaroon ng kaibahan nito ay dulot ng
heyograpikal, temporal, at sosyal na aspekto. Isang halimbawa nito ay ang kaibahan ng mga
diyalekto ng wikang Sebwano. Ang salitang maganda ay mayroong iba’t ibang salita sa
Sebwano na nakadepende sa lugar. Sa Cagayan tinatawag nila itong tsada, sa ibang bahagi ng
Mindanao ito ay maaaring nindot o chuy.

 Sosyal – ang salik ng baryasyon ng wika na ito ay tumutukoy sa posisyong sosyal o


panlipunan ng bawat grupo. Ang konteksto ng pagkakaiba ng gamit ng wika dulot ng
sosyal na salik ay tinatawag naman na sosyolek. Halimbawa, nito ang lipunan ng mga
babae ay ,mapapansing may sariling paraan ng pagpapahayag na kaiba rin sa mga
lalaki. Samaktuwid ito ay wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa
lipunan. Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, kasarian, uri ng trabahop,
istatus sa buhay, uri ng edukasyon, at iba pa.

Bukod sa mga nabanggit, mayroon pang ibang mga paraan o barayti ng paggamit ng wika na
makikita sa sumusunod:

 Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na


naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang natatangi
sa pananalita ng isang tao.
 Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol
ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
 Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang
mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda,
malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
 Argot – isang lihim na wika na ginagamit ng iba't ibang grupo, upang maiwasan ang
mga tagalabas mula sa pag-unawa sa kanilang mga pag-uusap.
 Balbal – Hindi sekreto ang kahulugan ng ,mga salita, higit na pampubliko, mas
pangkalahatang magagamit at itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
 Register – Ito ay tumutukoy sa paraan ng paggamit ng isang indibidwal sa wika na
naiiba depende sa iba’t ibang pagkakataon. Sa pinakasimpleng ideya nahahati sa
pormal at di-pormal ang rehistro na ginagamit ng isang tao subalit kung sisipatin,
mayroon itong iba’t ibang uri:
o Frozen o Static register – tumutukoy sa historikal na wika o komunikasyon
na hindi nagbabago sa kahit ano mang pagkakataon. Ginagamit lamang ito sa
mga piling sitwasyon kagaya na lamang ng panunumpa sa husgado,
panalangin, o di kaya ang konstitusyon ng isang bansa.
FIL101A
CSSH-FILIPINO
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

o Pormal – ito ang ginagamit sa propesyonal, akademiko, o legal na tagpuan na


kung saan ang komunikasyon ay inaasahang maging karesperespeto at piling-
pili.
o Consultative/ Konsultatibo – wikang may pamantayan. Ang mga gumamit
ng wikang nasa ganitong sitwasyon ay katanggap-tanngap para sa
magkabilang panig ng istruktura ng komunikasyon. Halimbawa ang usapan sa
pagitan ng doktor at ng kaniyang pasyente.
o Casual – impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala
o kaibigan.
o Intimate – pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga
matatalik na kasa sa bahay o espesyal na tao.
 Jargon – set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng isang partikular na grupo
lamang na maaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo (Garcia et
al, 2009). Ang mga jargon ay mga salita na ginagamit para sa partikular na propesyon,
okupasyon, paksa, o grupo ng tao. Hindi ito maiintindihan nang madali ng mga taong
nasa labas ng partikular na grupo ng tao, okupasyon o propesyon na gumagamit ng
mga partikular na jargon.
 Taboo – Ito ay ang mga salitang bawal gamitin o hindi maaaring gamitin sa isang
pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo, ang paggawa nito ay isa ring
taboo kung nakikita ng karamihan. Mahirap itong bigkasin sa mga lugar na
pampubliko at tinitingnan ng mga nakikinig na hindi tama. Sa halip, papalitan ito ng
mga salitang yufemismo.
 Yufemismo – Ang mga ideya o salitang taboo ang naging dahilan sa pagkakaroon ng
mga salitang yufemismo. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga
salitang hindi masabi dahil malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di-magandang
pakinggan.

Antropolohikal na Linggwistika
Bahagi ito ng larang ng linggwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa mas
malawak na konteksto ng lipunan at kultura nito, at ang papel nito sa paggawa at
pagpapanatili ng mga kultural na kasanayan at mga panlipunang kaayusan. Tinitingnan sa
antropolohikal na linggwistika ang wika sa pamamagitan ng lente ng antropolohikal na
konsepto-kultura upang makita ang kahulugan sa likod ng paggamit, maling paggamit, o
hindi paggamit ng wika, ng iba’t ibang anyo nito, mga rehistro at estilo. Interpretatibong
larang ito ng paghihimay-himay sa wika upang makahanap ng kultural na pag-unawa.
Katulad ng sosyolohiya ng wika, ito ay may kaugnayan din sa sosyolinggwistika. Kung ang
hanap ng larang na ito ay makahanap ng kultura na pa g-unawa sa likod ng pag-uugali sa
wika, ang sosyolinggwistika naman ay tumitingin sa wika bilang panlipunang institusyon na
nagdadala ng panlipunang interaksyon (Foley, 1997).
FIL101A
CSSH-FILIPINO
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

Sinabi pa ni Foley (1997) na mayroong magkaibang larang ang pag-aaral ng wika sa


lente ng antropolohiya, ito ay ang antropolohikal na linggwistika at linggwistikang
antropolohiya.

Antropolohikal na linggwistika – higit na binibigyan nang diin ang linggwistika upang


maipaliwanag ang kultural na konteksto ng wika.

Linggwistikang Antropolohiya – nagbibigay ng higit na empasis sa larang ng antropolohiya


sa pagbabasa ng wika.

Pinutol ang dimarkasyong ito ni Dell Hymes nang ginamit niya ang terminong
linggwistikang antropolohiya upang tukuyin ang pagdulog antropolohikal sa pag-aaral ng
wika. Nagpahayag si Duranti (2009) ng dalawang alalahanin ng antropolohiya sa wika o
linggwistikang antropolohiya: (1) upang panatilihin ang pag-aaral ng wika bilang sentral na
bahagi ng disiplina ng antropolohiya; (2) upang palawaking ang konsepto ng wika na lampas
sa makitid na interes sa estrakturang gramatikal.

Etnolinggwistika
Ito naman ay sangay na pinag-aaralan sa ilalim ng antropolohikal na linggwistika.
Nakatuon ito sa pag-aaral ng relasyon sa pagitan ng wika at ang kultural na pag-uugali ng
mga taong nagsasalita nito. May konotasyon ang laran na ito sa salitang etniko na maaaring
tumukoy sa marhinal na grupo – mga Lumad, Igorot, Meranaw, at iba pa. Paliwanag ni
Underhill, habang ang salitang etniko ay maaaring mangahulugang karaniwang grupo gaya
ng imigrant at mayoryang grupo, gayunpaman, sa lente nito higit ang pagtingin sa pag-aaral
ng wika sapagkat ito ay isang larang ng linggwistika na pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng
wika at kultura, at ang paraan ng iba’t ibang pangkat etniko na tanawin ang mundo. Ito ang
kumbinasyon sa pagitan ng etnolohiya at liggwistika. Mas kilala din ito sa tawag na kultural
na linggwistika.

You might also like