You are on page 1of 8

ANG WIKA SA LIPUNAN

___________________________________________________________________________

Aralin 3

___________________________________________________________________________

SUBUKIN NATIN !
PANUTO : Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ilapat ang iyong sagot sa nakalaang
espasyo ng T-Chart. ( Maaari ring gawing pasalita ang pagsagot sa tanong).
Mga Tanong Sagot

1. Paano mo mapahahalagahan ang wika Ang wika ang nag-uugnay sa ating mga tao, sa
bilang mahalagang sangkap sa pakikipag pamamagitan ng paggamit ng wika na nagagawa
-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawatnating makipag-usap sa bawat isa at nagagawa
indibidwal sa lipunan. nating ipahayag ang anumang nais natin. Bilang
mga indibidwal, dapat nating pahalagahan ito,
ituro ito sa susunod na henerasyon upang hindi
ito kalimutan.
Ang wika ay hindi lamang isang bagay sa atin
2. Bakit mahalaga ang wika sa tao ? Ano kung di ay napakalaking bagay nito sa
ang mahalagang ambag nito sa kadahilanang ginagamit natin ito bilang isang
pagkakaroon ng mapayapang lipunan? medium sa pakikipag-usap, pakikipagtalastasan,
o pakikipagsalamuha sa kapwa natin at naging
dahilan ito kung bakit tayo nagkakaintindahan.
Sa pamamagitan nito ay nagdudulot ito ng
kabutihan hindi lamang sa ating sarili o sa kapwa
kundi tungo sa mapayapang lipunan.
PAG-ISIPAN MO!
PANUTO : Pag-isipan mo kung ano ang ipinahihiwatig sa ilustrasyon.

Batay sa larawan sa itaas, para sa akin ito ay napapahiwatig na ang wika, tao at
lipunan ay magkaka-ugnay. Ang wika ay napaka halagang bagay sa tao at sa lipunan dahil ito
ang nagsisilbing paraan para ipahayag ng mga tao ang kani-kanilang mga ideya, hinanaing, at
solusyon ukol sa mga suliranin na pinagdadaanan ng isang lipunan.
Ang wika rin ang nagbubuklod ng mga tao sa isang lipunan para magkaintindihan,
magtulungan, at magkaisa. Naging susi ang wika sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa
lipunan dahil kung walang wika, hindi tayo magkakaintindihan. At isa pa, ang wika ng isang
partikular na bansa ay sumisimbolo sa bansang tinukoy.
Ang wika ay nakakatutulong sa pagkakaintindihan at pagkakaisa ng ibat ibang grupo
ng tao sa lipunan dahil ang wika ay isang instrumento na ginagamit sa pakikipag
komunikasyon at ng dahil dito naihahatid natin ang ating mga kaisipan,damdamin sa
pamamagitan ng mga salitang binibigkas o isinusulat.
B- PANUTO: Sumulat ng komposisyon o sanaynay tungkol sa mahalagang papel na
ginagampanan ng wika sa pagtamo ng mapayapang lipunan.

Ang Kahalagahan ng Wika

Ano nga ba ang wika at ano ang kahalagahan nito? Ang wika ay isang
istrukturang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao, batay sa pagsasalita
at kilos, o madalas na pagsusulat. Ang wika ay walang iba kundi isang paran ng
pagpapahayag ng damdamin, ideya, karanasan, at iba pa. Ang kultura ay ang
pinagmulan ng wika.
Ang wika ay isa sa mga nag nagtataguyod ng mga ugnayan ng tao. Palaging
pinag-iisa ng wika ang mga tao at kung minsan ito ang nagpapapaiba sa atin sa bawat
isa. Ang wika ay isang sistema ng mga salita na ginamit ng mga tao upang ipahayag
ang mga saloobin, damdamin sa bawat isa. Sa pamamagitan ng wika kaya
nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi
pati na rin sa mga karatig bansa nito. Wika ang ginagamit natin sa
pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at
kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig
ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa
pamamagitan ng paggamit ng wika.

Ang wika ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng


mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang bawat tao.
Kaya naman napakahalaga ng wika sa atin dahil kung wala ito hindi natin
mapapahayag kung ano man ang gusto nating sabihin. Dahil din sa wika ay
nagkakaroon ng pagkakaintindinhan ang bawat isa at naging paraan ito upang
mabigyang sulosyon ang mga problema sa lipunan. Ito ang ating pagkakakilanlan at
ito rin ang nagbubuklod sa atin kaya naman dapat nating pahalagahan ang ating wika.
GAWIN NATIN !
GAWAIN 1

PANUTO : Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga sumusunod at bumuo ng


Venn Diagram kung kinakailangan. (Para sa pangkatang gawain) .

Ang sosyolinggwistika ay ang pag-aaral


sa ugnayan ng wika o lenggwahe sa
lipunan at sa paggamit ng tao sa wika.
Ito rin ang malalimang pagsusuri sa
epektong dulot ng lipunan sa wika at ng
wika sa lipunan. Ilan sa mga sanhi na
tinitingnan ay pagkakaiba ng salita sa
iba't ibang lugar, kultura, kasarian,
bilingwalismo, at klase ng pamumuhay.
Sa kabilang banda, Ang sosyolohiya ay
ang pag-aaral ng agham na sumusuri sa
lipunan, pakikipag-ugnayan ng mga tao
sa bawat isa, at ang iba't ibang mga
kultura. Ito ay agham-panlipunang nag-
aaral sa pinagmulan, tungkulin,
kahalagan, problema ng lipunan, at ang
kakayahan ng mga taong makipag-
ugnayan sa iba.

Ang Argot ay isang dalubhasang


bokabularyo o hanay ng mga idiom na
ginagamit ng isang partikular na klase o
grupo ng mga panlipunan halimbawa
nito ang budol-budol gang. Habang ang
balbal naman ay mga salitang kanto o
salitang kalye halimbawa nito ang mga
salita tulad ng; chicks na ibig sabihin ay
dalaga at pinoy na nangangahulugan ng
Pilipino.
Lingguwistikang antropolohikal ay ang pag-
aaral ng ugnayan na nasa pagitan ng wika at
kultura at ang ugnayan sa pagitan ng
biyolohiyang pantao, pagtalos at wika. Sa
kabilang banda ang antropolohiyang
lingguwistika ay sangay ng antropolohiya na
nagsasagawa ng pag-aaral ng mga tao sa
pamamagitan ng mga wikang ginagamit nila.
Anumang ang maging tawag sa larangang ito,
ang larangan ay nagkaroon ng isang malaking
impluwensiya sa mga pag-aaral ng mga pook na
katulad ng persepsiyong biswal o natatangi na
ang sa kulay at demokrasyang biyorehiyonal, na
kapwa nakatuon sa pagkakaiba na nagawa sa
mga wika hinggil sa pag-unawa ng mga
kapaligiran.
GAWAIN 2

PANUTO: Ibigay ang iba pang depinisyon ng mga sumusunod na termino.

Ang jargon ay isang uri ng wika na ginagamit sa isang


partikular na konteksto at hindi maaaring maunawaan nang
Jargon mabuti sa labas ng kontekstong iyon. Ito ay mahalaga
sapagkat ito ay isang wikang espesipikong ginagamit sa isang
larangan na nagpapaliwanag ng isang mahalagang
impormasyon, detalye, o konsepto.

Ito ay isang sangay ng linggwistika na nakapokus sa pag-


Etnolinggwistika
aaral sa relasyon o koneksyon ng wika at kultura maging
kung paano at ano ang pananaw ng bawat pangkat-etniko o
mga etnikong grupo.

Ito ay ang pag-aaral ng ugnayan ng lipunan sa wika.


Sosyolohiya

Ang lingguwistika ay ang pang-agham na pag-aaral ng wika,


Linggwistika
kahulugan ng wika at wika bilang konteksto.

Ito tumutukoy sa mga barayti ng wika ayon sa gumagamit.


Ang barayti ng wika ay maaaring sanhi ng heograpiya,
Rehistro ng Wika edukasyon, okupasyon, uring panlipunan, edad, kasarian, o
kaligirang etniko. Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa
pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-
kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa
Ito ay ang pag-aaral ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa iba't
Antropolohiya ibang kultura sa mundo at kung paano nakakaapekto o
naaapektuhan ng mga kultura at lipunan sa buong mundo.
GAWAIN 3

PANUTO: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa ugnayan ng tao sa wika at lipunan .

Ugnayan ng Tao sa Wika at Lipunan

Ano ngaba ang pagkakaugnay ng tao sa wika at lipunan? Ang wika ay isang
Sistema ng komunikasyon. Ginagamit natin ito sa pakikipagsalamuha sa iba at
ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Nagbibigay daan din ito upang
magkakaintindihan ang lahat. Ang lipunan naman ay ay isang pangkat ng mga tao na
binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng
bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.

Ang wika, tao at lipunan ay magkaka-ugnay. Ayon sa aking nabanggit mula sa


na unang gawain na “ang wika ay napaka halagang bagay sa tao at sa lipunan dahil ito
ang nagsisilbing paraan para ipahayag ng mga tao ang kani-kanilang mga ideya,
hinanaing, at solusyon ukol sa mga suliranin na pinagdadaanan ng isang lipunan.”

Ang wika syang nagbubuklod ng mga tao sa isang lipunan para


magkaintindihan, magtulungan, at magkaisa. Naging susi ito upang magkakaisa at
magkakaunawaan ang mga tao sa lipunan dahil kung walang wika, hindi tayo
magkakaintindihan. At isa pa, ang wika ng isang partikular na bansa ay sumisimbolo
sa bansang tinukoy.

Ang wika ay nakakatutulong sa pagkakaintindihan at pagkakaisa ng ibat ibang


grupo ng tao sa lipunan dahil ang wika ay isang instrumento na ginagamit sa
pakikipag komunikasyon at ng dahil dito naihahatid natin ang ating mga
kaisipan,damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas o isinusulat.

You might also like