Professional Documents
Culture Documents
• Henry Allan Gleason Jr., ito ay masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo.
• Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng
isang maituturing na komunidad.
• Ayon kay Henry Gleason (1961), ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang kultura.
• Benjamin Lee Whorf, binubuo ang wika ng mga payak na salitang nalilikha bunga ng
pagtugon ng indibidwal sa kapaligiran.
• Noam Chomsky, ang kahusayan sa pagtalima sa tunog ng kapaligiran ang
nakapagpapahusay sa kasanayan ng wika.
3. Kaugnay ng lipunan at kultura- ang uri ng wika at ang gamit nito sa isang bansa ay
nabibigyang identidad sa mga taong naniniwala rito.
TEORYANG BOW-WOW
• Ang wika ng tao ay nagmula sa panggagaya sa mga tunog sa kalikasan.
Hal: Ang hayop na TUKO, marahil kaya tuko ang pangalan nito ay dahil sa kanyang tunog.
TEORYANG POOH-POOH
• Unang natutong magsalita ang mga tao,ayon sa teoryang ito nang hindi sinasadyang
napabulalas silabunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan takot, pagkabigla at iba pa.
TEORYANG YO-HE-HO
• Pinaniniwalaan ang mga nagmumungkahi ng teoryang ito na ng tao ay natututong
magsalita bunga diumano ng pwersang pisikal.
TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
• Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng mga
gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagpapakasal,
pagpaparusa sa nagkasala,panggagamot, maging sa pagligo at pagluluto.
TEORYANG TA-TA
• Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa
sa bawat partikular na aksyon ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
TEORYANG DING-DONG
• Nagkaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
bagay-bagay sa paligid.
ANTAS NG WIKA
PORMAL
• Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
PAMBANSA
• Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat
ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa
mga paaralan.
PAMPANITIKAN O PANRETORIKA
• Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at
masining.
IMPORMAL
• Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
LALAWIGANIN
• Ito ang mga bokabularyong dayalektal. Ganagamit ito partikular sa isang pook o
lalawigan. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono o punto.
KOLOKYAL
• Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Ang
pagpapaikli ng isa o dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon
ay mauuri rin sa antas na ito.
Hal.nasaan (nasa’n), paano(pa’no), sa akin(sa’kin),mayroon(meron)
BALBAL
• Pinakamababang antas ng wika. Mga salitang kanto na sinasalita ng mga taong hindi
nakapag-aral.
BARAYTI NG WIKA
DAYALEK
• Barayting isang wika sa pagkakaiba-iba ng lugar o lokasyon. (Dimensyong Heograpiko)
SOSYOLEK
• Barayti ng isang wika sa pagkakaiba-iba ng grupo o pangkat sa lipunan. (Dimensyong
Sosyal)
IDYOLEK
• Barayti ng wika na nagiging identity o pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
ETNOLEK
• Barayti ng wika batay sa mga pangkat etniko o etnolingguwistiko.
EKOLEK
• Barayti ng wika na nalilikha sa tahanan
JARGON
• Bokabularyo na nagpapakilala sa trabaho, larang o gawain.
REGISTER
• Inaangkop ang uri ng wika na gagamitin ayon sa sitwasyon at sa kausap.
PIDGIN
• Tinatawag na makeshift language o nobody’s native language.
CREOLE
• Kapag ang pidgin ay naging unang wika na o naging nativized language.