You are on page 1of 8

Kasanayang Pagbabasa at Pananaliksik ng

Impormasyon

Konsepto ng Pagbasa bilang proseso:


★ Ito ay proseso ng pagtugon sa wikang pasulat o pasimbolo
★ Ito ay proseso ng pagkilala at persepsyon
★ Ito ay prosesong ginagamitan ng mga pandama
★ Ito ay proseso ng pagsasakatuparan ng interes
★ Ito ay proseso ng pag-unlad at kabahagi ng paglaki
★ Ito ay proseso ng pagkatuto
★ Ito ay prosesong ginagamitan ng mga kasangkapan sa pagkatuto
Kasanayan sa Paglalagom at
Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
1. Kailangang ilahad lamang ang mga konseptong may mahahalagang
kaugnayan sa pag-aaral nang bago.
2. Obhetibo dapat ang paglalahad - APA
3. Kailangang sapat ang pansuporta sa paksa at kaugnay na suliranin.
4. Ang paglalagom ay pundasyon ng saliksik - dapat idaan ang mga ito sa
rebyu.
5. Ang mga ito ang magtatakda sa hipotesis, suliranin, konseptwal at
teyoretikal na batayan. Makatutulong rin ang mga ito sa interpretasyon ng
mga datos.
Pagsulat ng Sariling Pagsusuri Batay sa
Impormasyon

Sa tersyarya, malaki ang pangangailangan ng knowledge


production kaya hinihikayat ang pananaliksik at pagbuo ng
akademikong papel. Malaki ang ambag nito sa pagpapabuti ng
estado ng Unibersidad.
Papel sa Pagsusuri

“Ang pagkikritiko sa ating bayan ay tulad ng pagtawid sa kalye


ng Maynila”- (Cruz, 2003)

Ang gawaing panunuri sa bansa ay pagtitiyak ng interpretasyon


batay sa sariling karanasan at kaalaman. Sa larang-akademiko,
maaaring ang pagsusuri ay politikal at pampanitikan.

Pagsusuri: PAG-ALAM, PAGTANTYA, PAGKILATIS, PAGTIMBANG,


PAGBUSISI, PAGSIPAT, PAGPUNA, AT KRITIKA.
Sa panunuri, maaaring maging sanggunian ang mga tanong na
ito:

● Ano ang sinasabi ng teksto?


● Paano ito sinabi?
● Kailan ito nabuo?
● Sino ang bumuo?
● Para kanino ito?
Tekstwal na pagsusuri- teksto ang mismong nilalaman at
elementong bumubuo rito. Hindi tinitignan ang intensyon ng awtor
at ang paghahari ng damdamin sa teksto.

Kontekstwal na pagsusuri- ang binibigyang-diin rito ay ang


kondisyong (lipunan at kasaysayan) namamayani sa teksto.
Binabasa ang subtext kapag nakatuon sa mga detalyeng hindi
hayagang sinasabi ng teksto.

Intertekstuwal- pag-uugnay ng teksto sa iba pang anyo ng teksto


(pagtutulad at pag-iiba)
Papel na Teknikal
Ang layunin nito ay mailathala sa journal o artikulo sa mga
publikasyon. Tinatalakay dito ang mga isyu at kalakaran sa
edukasyon, pilosopiya, lipunan, politika, kultura, ekonomiya,
kalusugan, kalikasan, at iba pang sektor. Maari itong papel-saliksik o
sanaysay na mula sa saliksik.

Inaasahan na pagsapit ng tersyarya ay taglay na ang karanasan sa


pagkalap ng mga datos at iba pang paraan ng pag-aaral.
Responsibilidad ng mananaliksik na tiyaking mapagkakatiwalaan ang
kanyang sinasangguni. Maraming nagkalat na sangguniang walang
batayan at sadyang kasangkapan lamang sa mga institusyong politikal,
ekonomiko, at/o relihiyoso. May mga abstrak naman na maaaring gawing
sanggunian. Ipinakikilala ng abstrak ang paksa, layon, pangunahing
argumento, metodolohiya, at resulta ng pananaliksik (Salazar, 2017).

You might also like