You are on page 1of 2

Modyul 2 | Aralin 6 –Pagpoproseso Ng Impormasyon Para Sa Komunikasyon

Kasanayan sa Paglalagom at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon


Kailangang ilahad lamang ang mga konseptong may mahalagang kaugnayan sa
pag-aaral nang bago (sampung taon ang nakaraan mula sa panahon ng pagsasagawa
ng saliksik maliban sa mga impormasyon at teoryang maituturing nang klasiko).
Ang mga ito ay dapat ding obhetibo at walang pagkiling. Ang pagiging obhetibo ay
makikita sa pamamagitan ng maayos na pagkilala sa mga pinaghanguan (tatalakayin sa
mga susunod na bahagi ang paraang APA).
Hindi mahalaga kung kaunti o marami ang mga ilalahad. Kailangang sasapat na
pansuporta ito sa pakss at mga kaugnay na suliranin.
Ang paglalagom ay nagsisilbing pundasyon ng saliksik. Ang proseso ng rebyu sa
mga ito ay malaking tulong sa kabuuan ng pagsasakatuparan ng saliksik.
Ito ay magtatakda sa pagbuo ng mga partikular na suliranin, hipotesis, konseptwal
at teyoretikal na batayan. Ito rin ay batayan ng pagpili at paglapat ng angkop na pamaraan
ng pananaliksik, teknik sa pagkuha ng sampol at estadistikang pormula.
Makatutulong din ito sa presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos.
Magiging pansuporta ang mga konseptong makakalap sa resulta ng saliksik. Dagdag pa,
magbibagay-daan pa ito sa pagbuo ng bahaging natuklasan, konklusyon at
rekomendasyon.

Pagsulat ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon


Ang mga ito ay isinusulat at inilalahad din nang pasalita para sa layunin ng
pagpapakalat (dissemination). Sa antas-tersarya, malaki ang pangangailangan ng
knowldge production kaya hinihikayat na maisakatuparan ang pananaliksik saka pagbuo
ng akademikong papel. May mabuting ambag ito sa pagpapabuti ng estado ng
Unibersidad o anumang institusyong bukas at sumasabay sa pagbabago at handa sa
integrasyon at/o multidisiplinaryong pagtataguyod ng pagkatuto.

Papel sa Pagsusuri
Sabi ni Cruz (2003), ang pagkikritiko sa ating bayab ay tulad ng pagtawid sa kalye
sa Maynila.
Pinatutunayan nito ang gawaing panunuri sa bansa ay pagtitiyak ng interpretasyon
batay sa sariling karanasan at kaalaman. Napakaraming sikolohiya ang maaaring ilapat
katulad ng maraming sasakyang maaaring sampahan at kabanggain ng manunuri
habang tumatawid sa daan.
Sa layong maitampok ang anumang anyo ng teksto (panitikan, isyu, kalakaran at
mismong tao), isinasagawa ang pagsusuri - pag-alam. Pagtantya, pagkilates,
pagtimbang, pagbubusisi, pagsipat, pagpuna at kritika. Maaaring ito ay politikal at
pampanitikan kung nakaugnay sa larang-akademiko.
Maaaring gawing sanggunian ang mga sumusunod na tanong sa panunuri.
▪ Ano ang sinasabi ng teksto?
▪ Paano ito sunabi/ sinasabi?
▪ Kailan ito nabuo?
▪ Sino ang bumuo?
▪ Para kanino ito?
Binabasa ang teksto batay sa paraang tekstuwal, kontekstuwal at pagbasa sa
subteksto at intertekstuwal.
Ang pagsusuri a tekstuwal kung ang tuon ay nilalaman at elementong bumubuo rito.
Walang puwang ang intensyon ng awtor at ang paghahari ng damdamin sa teksto.
Kontekstuwal ang pagsusuri kung ang binibigyang diin ang kondisyong (lipunan at
kasaysayan) namamayani sa teksto. Samantala, binabasa ang sub-text kapag nakatuon
sa mga detalyeng hindi hayagang sinasabi ng teksto.
Ang pag-uugnay ng teksto sa iba pang anyo ng teksto ay tinatawag na pagsusuring
intertekstuwal.

You might also like