You are on page 1of 7

Module 4

BATAYANG
G. Charles Melbert S. Navas
KASANAYAN SA
PANANALIKSIK Guro

Email Address:
charlesmelbertnavas@gmail.com

Tagal ng Modyul:
Marso 27 – Abril 1, 2023

1|Pahina FIL02/ FilDis


Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
2|Pahina
Modyul IV
BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK

PAGTATAKDA NG MODYUL
Ang modyul na ito ay para sa dalawang linggo. Kung saan ay maaaring magsama-sama sa isang klase
upang matalakay ito gamit ang mga minumungkahing pamamaraan
- Zoom
- Facebook Live
- Messenger Video Chat
- Iba pang Video Conferencing

Ang modyul din na ito ay maaaring gamitin kahit walang pagsasama-sama ng mga mag-aaral gamit ang mga gawaing
nakalakip.

LAYUNIN
Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhang:
 maipaliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at
wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan;
 maisa-isa ang mga suliraning local at nasyonal ng komunidad na kinabibilangan;
 malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan;
 makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wikang daluyan ng makabuluhan at mataas na
antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa;
 maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng
kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.

PAGLALAYAG NG KAALAMAN

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
 Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na pag-imbestiga sa
haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon.
 Idinagdag nina Atienza (1996), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o
pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
 Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at
masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng
mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.
 Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman.
 Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas
sa isang suliranin.
 Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos,
pag- oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK - Austero, et al. (2006)


 Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na
 Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalutas
 Maka-develop ng episyenteng instrumento, kagamitan o produkto
 Makatuklas ng mga bagong sabstans o elemento (komposisyon o kabuuan ng isang bagay)
 Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga polisiya, regulasyon, batas o mga panuntunan na
maaaring gamitin sa iba’t ibang larangan
 Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang kaalaman
 Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
 Makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto.

1|Pahina
 Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na disiplina.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al., 2011)


 BENEPISYONG EDUKASYONAL
Ang pananaliksik ay nakatutulong sa guro upang magsilbing gabay ang natuklasan at nang sa gayon ay mapagtagumpayan niya ang
epektibong pagtuturo sa kanyang mga mag-aaral.
Para naman sa mga mag-aaral, natututo sila sa mga isyu, metodolohiya at kaalaman sa napili nilang larangan. Gayundin, kung
nagsasagawa sila ng pananaliksik o nakababasa ng mga resulta ng mga isinagawang pananaliksik, naisasabuhay nila ang mga
natutuhang konsepto at nahahasa ang kanilang kasanayan sa paglutas ng suliranin dahil ang pananaliksik ay pawang paghahanap ng
solusyon sa mga suliranin.

 BENEPISYONG PROPESYONAL
Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad at nakapaghahanda para sa kanyang pinapasok na karera dahil sa nasasanay na siyang
magbasa at mag-analisa ng mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa kanyang propesyon.

 BENEPISYONG PERSONAL
Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang mag-aaral ang kritikal at analitikal na pag-iisip na magbubunga ng kanyang
pagiging matatag sa buhay. Nakakaya niyang tumayong magisa, at masanay na siya sa paghahanap ng mga datos bilang tugon sa
paglutas ng mga suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.’

 BENEPISYONG PAMBANSA
Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang pag-unlad ng bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng matatag na lipunan tungo sa
mabuting pamumuhay para sa lahat. Maging ang desisyon ng ating mga pinuno hinggil sa kapakanang pambansa ay batay sa resulta
ng mga isinagawang pananaliksik.

 BENEPISYONG PANGKAISIPAN
Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang indibidwal at nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa natitipon niyang mga ideya
at pananaw mula sa iba’t ibang manunulat.

 BENEPISYONG PANGKATAUHAN
Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga datos, nahahasa ang kagalingan ng isang mag-aaral sa pakikipagkapwa-tao. Nagbubunga ito
ng kahusayan sa pakikibagay at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Bukod dito, nalilinang ang kanyang tiwala at pagmamalaki sa
sarili lalo na kapag nagampanan niya nang maayos ang tungkuling hinarap at lalo na kung ito ay naaayon sa tamang resulta.

KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Ang pananaliksik ay sistematiko.
- Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin
o anuman na naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan.

 Ang pananaliksik ay kontrolado.


- Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano ito nang mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan
kaya hindi pwedeng manghula sa resulta.

 Ang pananaliksik ay empirikal.


- Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong haypotesis. Ang mga empirikal na datos ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng
kongklusyon.

 Ang pananaliksik ay pagsusuri.


- Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay
nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginamit samantalang ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na
pagbibigay ng kuru-kuro o interpretasyon. Sa kwalitatibong pananaliksik makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga
dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng kongklusyon.
- Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay karaniwang hango sa talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at iba pa.
Ang mga dokumentong ito ang sinisiyasat nang mabuti upang mabigyan ng interpretasyon.

 Ang pananaliksik ay lohikal, obhektibo, at walang kinikilingan.


- Ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik. Ang
mananaliksik ay dapat na walang pinapanigan o kinakampihan. Dapat itala niya anuman ang naging resulta ng pag-aaral.
- Maituturing na isang krimen ang pagmanipula sa resulta ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na
maging matapat at obhektibo.

 Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis.

2|Pahina
- Ayon kay Best (1981), ang haypotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay
na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na
pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral. Ipinakilala ng haypotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa
lamang ng pag-aaral.
 Orihinal na akda ang pananaliksik.
- Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa at wala pang nakagawa sa nasabing pananaliksik.

 May sistema ang pananaliksik.


- Tulad ng iba pang siyentipikong gawain, ang pananaliksik ay may sistemang sinusunod. Hindi naaaksaya ang oras, panahon
at salapi kung ang gawain ay nasa ilalim ng nararapat na proseso. Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos, ang
pananaliksik ay isang gawaing may proseso o sistema - hindi ito natatapos na minamadali. Ang pananaliksik ay sumusunod
sa maayos at makabuluhang prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anumang bagay
na hinahanapan ng kasagutan at resulta ng isinasagawang pag-aaral. Ang napiling suliranin ay binibigyan ng
pagpapaliwanag, kinikilala at pinipili ang mga baryabol.

ETIKA NG PANANALIKSIK
- Bagama’t bukas na ang lahat ng sources o sanggunian dahil na rin sa teknolohiya, kailangan pa rin ng mananaliksik na
ipakilala at ipabatid sa kanyang mambabasa ang pinagmulang sanggunian ng anumang datos na isinama niya sa kanyang
ginawang pananaliksik. Sa pagsasaalang-alang ng batas batay sa Intellectual Property Rights, kailangan ang mahigpit na
pagsunod sa mga probisyong ito upang makaiwas:

 Paggalang sa karapatan ng iba


- Kung gagamitin bilang respondente ang isang pangkat ng mga tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang
kaukulang paggalang o respeto sa kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan kung wala
silang pahintulot.

 Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential


- Kinakailangang alamin ang lahat ng datos at detalyeng nakuha mula sa sarbey, o anumang paraan na confidential. Nasa
sariling pamamaraan ng mananaliksik kung paano niya ilalahad ang kabuuan ng mga detalyte.

 Pagiging matapat sa bawat pahayag


- Ang anumang pahayag sa kabuuan ng sulating pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng
pagsulat. Hindi maaaring baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang pansariling interes o
pangangailangan ng ilang tao.

 Pagiging obhektibo at walang kinikilingan


- Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan. Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang
pananaliksik nang walang pagkiling kaninuman. Dapat ay maging pantay siya sa lahat. Kinakailangang maibigay kung ano
talaga ang nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao, institusyon at iba pang may kinalaman sa kanyang ginawang
sulating pananaliksik.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
 Pamamaraang pangkasaysayan, na tinutuklas ang katotohanan ng nakaraan
 Pamamaraang palarawan, tungkol sa kasalukuyan
 Pamamaraang eksperimental, tungkol sa maaaring maging katotohanan sa hinaharap.

A. ANG PAMAMARAANG PANGKASAYSAYAN


Tinatangkang sagutin o tugunin ng pamamaraang ito ang nakaraan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaugnayan ng sanhi
at bunga. Sinisikap ng pamamaraang ito na matuklasan ang sanhi ng mga nakalipas na kaganapan, sitwasyon, at kalagayan.
Makukuha ang mga datos sa mga tunay na talaan, dokumento o kasulatang naging saksi ng nakaraan.

B. ANG PALARAWANG PANANALIKSIK


Inilalarawan sa pamamaraang ito ang tumpak na larawan ng kasalukuyang kalagayan ng mga bagaybagay na maaaring
verbal, graphic o isinalarawan, quantitative o statistical. Ang mga datos ay mula sa mga kasalukuyang ulat, sarbey o pagmamasid. Ang
kahusayan ng uring ito ay nakasalalay sa pagkabalido at pagkamaasahan ng mga datos. Ang mga datos sa uring ito ay maaaring
makuha sa tulong ng mga talatanungan at mga panayam, kaya lamang, ang talatanungan ay nagpapakita ng kuru-kuro o palagay,
pagkaunawa, saloobin at iba pang sabdyektib na kalagayan ng kamalayan.

MGA URI NG PALARAWANG PANANALIKSIK


1. Pag-aaral ng kaso 4. Follow-up na pag-aaral
2. Sarbey 5. Pagsusuri ng dokumento
3. Papaunlad na pag-aaral 6. Pagsusuring pangkalakaran

C. ANG EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK

3|Pahina
- Natatanging katangian ng pamamaraang ito ang panghuhula sa maaaring kasagutan ng mga katanungan. Haypotesis ang tawag sa
hulang ito. Ang pamamaraang eksperimental ay ang pagsubok sa isang haypotesis sa pamamagitan ng isang mapamaraang
paggamit ng may kaugnayang empirikal na mga salik, sa pag-asang matatamo ang katotohanan kung ang haypotesis ay
mapapatunayan ng bunga ng mga mapamaraang paggami

PAGSUSURI SA PAGKAUNAWA
1. Sa iyong personal na papanaw, ano ang pinakamalaking ambag ng pananaliksik sa buhay ng tao noong hanggang sa
ngayon?
2. Ano sa iyong paningin ang mga magiging balakid sa pagsasagawa ng saliksik? Paano mo ito masusulusyunan?

GAWAING PANGKAISIPAN:
Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:

A. PANUTO: Sa isang Bondpaper, gumawa ng isang islogan na nagpapakita ng mga kaisipang tungkol sa kontekstong
Filipino o sa mga napapanahong isyu. Gawin itong malikhain at nakakabighani.

Pamantayan ng Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa – 20%
Kasiningan at kalinisan ng pagkakagawa – 40%
Kaangkupan ng mga wikang ginamit – 20%
Kalinawan sa pagpapaliwanag – 20%
Kabuuang bahagdan – 100%

B. Panuto: Gumuhit o magpinta ng isang Poster na may paksa: Laging sumuporta, laging mag-ingat, laging maging alerto,
laging maging mabuti, Laging maging handa sa pagsugpo ng Covid19. Gawin ito sa isang Bondpaper at bigyan ng
paliwanag sa likurang bahagi o sa panibagong papel.

Pamantayan ng Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa – 20%
Kasiningan at kalinisan ng pagkakagawa – 40%
Kaangkupan ng mga wikang ginamit – 20%
Kalinawan sa pagpapaliwanag – 20%
Kabuuang bahagdan – 100%

PAGTATAYA

A. Maikling Pagsusulit
Para sa mga mag-aaral na gagamit ng internet, ang gagamitin ay ang Google Form.
Para sa mga mag-aaral na No Connection modyular ay may ilalakip na mga talatanungan sa huling bahagi ng modyul na ito

B. Panuto: Sa isang buong papel (yellow paper), sumulat ng isang sanaysay na may paksang “Mas matibay ang may
pinapatunayan kaysa sa puro dada wala namang aksyon”. Ang sanaysay ay dapat binubuo ng hindi kukulang sa tatlong talata
at kada talata ay may tatlo hanggang limang pangungusap. Kunan ito ng larawan at ipadala sa inmmyong pinuno bawat
pangkat at ang bawat pinuno ng pangkat ang siyang magpapadala sa Closed Group/ Facebook Group.

Pamantayan ng Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa – 40%
Kaangkupan ng mga wikang ginamit – 40%
Kalinawan sa pagpapaliwanag – 20%
Kabuuang bahagdan – 100%

TAKDANG-ARALIN

A. PANUTO: Bumuo ng isang grupo, at mag-usap-usap kung anong paksa sa kontekstong Filipino ang ninanais ninyong pag-
aralan.

B. PANUTO: Gumawa ng isang Resume o Kurikulum bita sa isang Y. Paper.

SANGGUNIAN

4|Pahina
Aban, E. B. et al, (2017). Pagbasa at Pagbasa sa Iba’t Ibang Disiplina. FEU. Manila.
Fortunato, T. F. (2017). Mabisang Pakikipagtalastasan sa Filipino. Rex Bookstore, Manila.
Tumangan, A. P. et. al. (2010). Sining ng Pakikipagtalastasan (Pandalubhasaan). Mutya Publishing House Inc., Valenzuela City.
Dueñas, E. F., et. Al., (2014).Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Katha Publishing Co., Inc. Makati City
Veneranda S. Lachica, et al. (2013). Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. 1st International Edition. GMK Publishing House.
Quezon City

5|Pahina

You might also like