You are on page 1of 73

GEC 11 | Caja

Southern Luzon State University Page 1


College of Arts and Sciences
Lucban, Quezon
Panimula

Ang Filipino Iba’t Ibang Disiplina ay isang praktikal na kursong nagpapalawak


at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa konteksto ng
kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at
pagsulat gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino bilang lunsaran
ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng
borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat
sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at
maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito
ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng pananaliksik
sa iba’t ibang porma at venue. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GEC10).

Sa modyul na ito, malilinang ang iyong kasanayan sa pananaliksik at mahuhubog


pangholistiko upang maging makabayang mamamayan na may mataas na kasanayan
sa paggamit ng Filipino sa mas mataas na diskurso at sa iba’t ibang sitwasyon sa
lipunang Pilipino. Sa mga aralin at gawain sa modyul na ito, dapat mong masagot ang
mga tanong na ito:

1. Papaano magiging makabuluhan para sa mga Pilipino na pag-aralan ang


pananaliksik bahagi ng pangangailangan sa lipunang Pilipino?
2. Bakit mahalaga para sa mga Pilipino na alamin at tuklasin ang mga suliraning
at realidad ng kayaman ng wikang Filipino?

Saklaw ng Modyul

Saklaw ng modyul na ito, mabibigyang-tugon ang mga tanong na nabanggit


kapag pinag-aralan mo ang mga sumusunod na aralin:

Arali Pamagat Matututuhan mo ang: Bilan


n Blg. g ng
Oras

1 Filipino Bilang Wika at Larangan  Maipaliwanag ang 5


 Filipino Bilang Wikang Pambansa tungkulin ng wikang
Gilipino bilang
 Filipino Bilang Wika ng Bayan wikang Pambansa
at/ng Pananaliksik  Maisa-isa ang mga

GEC 11 | Caja Page 2


 Filipino Bilang Larangan at suliraning lokal at
Filipino sa Iba’t Ibang Larangan nasyonal ng
komunidad na
kinabibilangan
 Malinang ang
adhikaing
makibahagi sa
pagbabagong
panlipunan
 Makapag-ambag sa
pagtataguyod ng
wikang Filipino
bilang daluyan ng
makabuluhan at
mataas na antas ng
diskurso na akma at
nakaugat sa
lipunang Pilipino,
bilang wika ng
pananaliksik na
nakaayon sa
pangangailangan ng
komunidad at
bansa
 Maipaliwanag ang
mahigpit na
ugnayan ng
pagpapalakas ng
wikang pambansa,
pagpapatibay ng
kolektibong
identidad, at
pambansang
kaunlaran

2 Rebyu sa mga Batayang Kaalaman sa  Maisagawa at 13


Pananaliksik mapaunlad ang mga
batayang kaalaman
 Mga Batayang Kaalaman sa
sa pananaliksik
Pananaliksik
 Makapagbasa at
 Mga Kasanayan sa Pananaliksik makapagbuod ng
 Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik impormasyon,
 Pagpili ng Batis ng Impormasyon estadistika, datos at
 Pagbabasa, Pagsulat ng iba pa, mula sa mga
babasahing

GEC 11 | Caja Page 3


Paraphrase, Abstrak, at Rebyu nakasulat sa Filipino
 Presentasyon at Publikasyon ng sa Iba’t ibang
Pananaliksik larangan
 Makapagpahayag
 Akademikong Publikasyon
ng mga
 Presentasyon ng Pananaliksik makabuluhang
kaisipan sa
pamamagitan ng
tradisyonal at
modernong midyang
akma sa kontektong
Pilipino
 Malinang ang
Filipino bilang
daluyan ng
inter/multidisiplinarin
g diskurso at
pananaliksik na
nakaugat sa mga
realidad ng lipunang
Pilipino

3 Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa  Maisapraktika at 9


Pananaliksik na Akma o Mula sa mapaunlad pa ang
Lipunang Pilipino mga batayang
 Mga Diskurso sa Nasyonalismo at kasanayan sa
Teoryang Dependensya pananaliksik.
 Marxismo, Feminismo, Mga Tinig  Makapagsalin ng
Mula sa Ibaba, Pag- mga artikulo,
aklas/Pagbaklas/Pagbagtas at Iba pananaliksik at iba
pang Kritikal na Diskurso sa pa na makapag-
Ibang-ibang Isyu aambag sa patuloy
 Pantayong Pananaw, Pantawang na
Pananaw, Teorya ng Banga, intelektwalisasyon
Sikolohiyang Filipino at sa wikang Filipino
Bakod/Bukod/Buklod  Malinang ang
adhikaing
makibahagi sa
pagbabagong
panlipunan

4 Batayang Kaalaman sa Metodolohiya sa  Makagawa ng 9


Pananaliksik-Panlipunan malikhain at
 Panimula mapanghikayat na
 Etnograpiya presentasyon ng

GEC 11 | Caja Page 4


 Pag-oobserba, Pakikipamuhay, impormasyon at
Participant Observation o analisis na akma sa
Nakikiugaling Pagmamasid iba’t ibang konteksto
 Kuwentong-buhay  Malinang ang
 Pag-iinterbyu, Focus Group Filipino bilang
Discussion (FGD), at daluyan ng
Pagtatanong-tanong inter/multidisiplinarin
 Video Documentation g diskurso at
 White Paper o Panukala pananaliksik na
 Deskriptibong Pananaliksik nakaugat sa mga
 Komparatibong Pananaliksik realidad ng lipunang
 Case Study Pilipino
 Pagsusuring Tematiko at  Makabuo ng papel o
Pagsusuri ng Nilalaman/Content artikulo na maaaring
Analysis ibahagi sa isang
forum o
 Secondary Data Analysis
kumperensya at/o
 Pagbubuo ng
ilathala sa isang
Glosaryo/Pananaliksik na
akademikong
Leksikograpiko
journal.
 Pagbubuo at Balidsyon ng
 Mapalalim ang
Materyales na Panturo
pagpapahalaga sa
 Pagsusuri sa Diskurso sariling teorya ng
 SWOT Analysis mga Pilipino sa iba’t
 Kritikal na Pagsusuring ibang larangan.
Pangkurikulum/Pamprograma  Makapag-ambag sa
 Pagsusuring Etimolohikal pagtataguyod ng
 Action Research wikang Filipino
 Pagsasagawa ng Sarbey bilang daluyan ng
 Rebyu ng Kaugnay na Literatura makabuluhan at
 Documentary o Text Analysis mataas na antas ng
 Eksperimentasyon/Pananaliksik diskurso na akma at
na Eksperimental nakaugat sa
 Pagtukoy sa Sanhi at Bunga lipunang Pilipino,
 Historikal na Pananaliksik bilang wika ng
 Translation Process Studies pananaliksik na
 Cultural Mapping nakaayon sa
 Trend Studies o Imbentaryo ng pangangailangan ng
mga Pananaliksik komunidad at
 Pananaliksik na Arkibo/Achival bansa.
Research  Mapalalim ang
pagpapahalaaga sa
sariling teorya ng
mga Pilipino sa iba’t
ibang larangan

GEC 11 | Caja Page 5


5 Filipino sa Humanidades, Agham  Maipaliwanag ang 9
Panlipunan at Iba pang Kaugnay na mahigpit na
Larangan ugnayan ng
 Sitwasyong Pangwika sa pagpapalakas ng
Humanidades at Agham wikang pambansa,
Panlipunan pagpapatibay ng
 Kasaysayan at Tungkulin ng kolektibong
Pagsasalin sa Pagsusulong sa identidad at
Filipino pambansang
 Filipino Bilang Wika ng Pagtuturo kaunlaran.
at Pananaliksik sa Humanidades  Makapagbasa at
at Agham Panlipunan makapagbuod ng
impormasyon
 Makapagpahayag
ng mga
makabuluhang
kaisipan sa
pamamagitan ng
tradisyonal at
modernong midyang
akma sa
kontekstong Pilipino.

6 Filipino sa Agham, Teknolohiya,  Malinang ang 9


Inhinyeriya, Matematika at Iba pang Filipino bilang
Kaugnay na Larangan daluyan ng
 Intelektwalisasyon ng Wikang inter/multidisiplinary
Filipino sa Larangang Siyentipiko- ong diskurso at
Teknikal pananaliksik na
 Filipino Bilang Wika ng Pagtuturo nakaugat sa mga
at Pananaliksik realidad ng lipunang
 Proseso, Layon, at Halaga ng Pilipino
Pagsasaling Siyentipiko at  Malinang ang
Teknikal adhikaing
makibahagi sa
pagbabagong
panlipunan

GEC 11 | Caja Page 6


Konseptong Mapa ng Modyul

Kapaki-pakinabang ang pagbibigay-pansin mo sa binuong mapa ng mga aralin


na pag-aaralan mo sa modyul na ito.

Filipino Bilang
Larangan

Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Filipino bilang wika ng Kasanayan at Karanasan


Pananaliksik sa Pananaliksik

Pananaliksik na tumutugon sa
pangangailangan ng sambayanan

GEC 11 | Caja Page 7


Inaasahang mga Kasanayan

Upang mapagtagumpayang masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang


iyong pag-unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod.

1. Masusing makapagsuri ng “mga teksto” (nakasulat, biswal, pasalita, atbp.


2. Makapagpamalas ng mahusay at mabisang komunikasyon (nakasulat, pagsasalita,
at paggamit ng bagong teknolohiya)
3. Makagamit ng batayang konseptong batay sa mga dominyo (domain) ng kaalaman
4. Makapagpamalas ng mapanuri, analitiko, at malikhaing pag-iisip
5. Makagamit ng iba’t ibang mapanuring paraan ng paglutas ng suliranin
6. Maunawaan ang kompleksidad ng kalagayan ng sangkatauhan
7. Maipaliwanag ang karanasan ng sangkatauhan sa iba’t ibang perspektiba
8. Masuri ang kasalukuyang sitwasyon ng mundo sa pamamagitan ng perspektibang
lokal at global
9. Tanganan ang responsibilidad na alamin kung ano ang Pilipino at pagiging Pilipino
10. Makagawa ng mga makabagong paraan at solusyong ginagabayan ng mga
pamantayang etikal
11. Makapagdesisyon batay sa mga pamantayang moral
12. Mapahalagahan ang iba’t ibang anyo ng sining
13. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng pagrespeto sa karapatang pantao
14. Personal na makapag-ambag sa pag-unlad ng bansa

GEC 11 | Caja Page 8


YUNIT
I Filipino Bilang Wika at Larangan

BABASAHIN
………………………………………………………………………………………………………

Sa simula ng pagpapatupad ng programang Kindergarten to 12 years of Basic


Education (Kto12), inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang CHED
Memorandum Order No. 20, series of 2013 na nag-aatas ng pagpapatupad ng bagong
General Education (GEC) alinsunod sa programang Kto12. Naging kontrobersyal ang
nasabing CMO dahil tinangka nitong alisin o burahin ang espasyo ng wika at Panitikang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo. Gayunpaman, dahil sa malawakang kumpanya ng
mga grupong makabayan sa bansa sa pangunguna ng Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol sa Wikang Filipino (Tanggol Wika) ay muling naibalik ang Filipino at
Panitikan bilang mga Wika ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte
Suprema para ipahinto angg pagtatanggal sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Noong
Abril 2018 naman ay inilabas ng CHED ang CMO No. 04 series of 2018 upang ipatupad
ang nasabing resolusyon ng Korte Suprema. Naging matibay na batayan ng mga
argumento ng Tanggol Wika sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang
natatanging papel ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at wika
ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan. Ang mga kaisipang
ito ang matibay na pundasyon ng pangangailangan sa pagtuturo ng Filipino bilang
larangan at ng Filipino sa iba’t ibang larangan.

FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Isinasaad sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ang legal na batayan ng konsepto


ng Filipino bilang wikang Pambansa, at ang magkarugtong na gampanain nito bilang
wika ng opisyal na komunikasyon, at bilang wikang panturo sa Pilipinas.

Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
GEC 11 | Caja Page 9
Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.

Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at
opsyonal ang Espanyol at Arabic.

Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa Konstitusyon na primus inter


pares o nangunguna sa lahat ng magkakapantay (first among equals) ang wikang
Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong multilinggwal at multikultural ng
Pilipinas. Nangangahulugan ito na bagama’t pare-parehong mahalaga ang wikang
pambansa at iba pang mga wika ng Pilipinas, dapat bigyang-prayoridad sa
pambansang anta sang paggamit ng wikang Filipino. Lalong dapat isagawa ang
paggamit nito sa mga transaksyon ng gobyerno at sa buong sistema ng edukasyon.
Kasabay nito, dapat patuloy ring ginagamit sa iba’t ibang tiyak na konteksto ang iba
pang wika ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, dahil sa Kto12, sa mga unang taon ng
elementarya, ang namamayaning unang wika sa bawat rehiyon ang aktwal na
ginagamit na wikang panturo, alinsunod sa patakarang Mother Tongue Based
Multilinggual Education (MTB-MLE). Sa ganitong sistema, inaasahang magiging tulay
ang mga unang wika sa mga rehiyon tungo sa ganap na pagkatuto sa Filipino at Ingles
sa mga susunod pang antas ng edukasyon. Samakatwid, tila hindi ganap na
naipapatupad ang probisyong pangwika ng Konstitusyon hinggil sa pagiging wikang
panturo ng Filipino sa buong sistemang pang-edukasyon ng bansa.

Sang-ayon sa Konstitusyong 1987, malinaw na isinasaad na:

GEC 11 | Caja Page 10


 pangalawang wikang opisyal lamang na maaaring alisan ng gayong status ng
Kongreso kung nanaisin nila
 nagbunsod ng mabagal na pag-unlad (underdevelopment) ng wika sa Pilipinas
 nagbunsod ng mabagal na mabagal na pag-unlad ng pambansang kultura at
identidad
 naging hadlang na naghihiwalay sa mga edukadong tao at ng masang Pilipino

 di maaaring tibagin at alisin bilang wikang opisyal


 ang mga wika sa Pilipinas ay mula sa iisang pamilya ng wika kaya’t posibleng
makabuo ng isang wikang pambansa mula sa mga wikang ito
 ang wikang pambansa (Filipino) ay kahingian sa pagkikintal ng nasyonalismo
 nagbubuo ng pambansang pagkakaisa
 nagbubundos ng pambansang paglaya
 nagtataguyod ng demokrasya
 ginagamit ng sambayanan sa proseso ng pagbubuo at pagpapaunlad ng bansa

Sa pangkalahatan,
nangangahulugan
ito ng:

 ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay pagkakaroon ng wikang


mabisang tinig ng ordinaryong mamamayan
 wikang tulay sa komunikasyon ng iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko sa
isang arkioelagong mayaman sa mga wika na may dibersidad sa kultura
 wikang epektibong magagamit sa pananaliksik na makabuluhan sa
karanasan at pag-unlad ng buhay ng mamamayan sa lipunang gumagamit
ng wika.

GEC 11 | Caja Page 11


FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN AT/NG PANANALIKSIK

Ang inklusyon ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo ay patakarang


tumutupad sa mga nasabing probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987 hinggil sa
pagiging pangunahing wikang panturo ng wikang pambansa na kayang-kayang
ipatupad nang hakbang-hakbang. Praktikal ang paggamit ng wikang pambansa bilang
wikang panturo. Sa pamamagitan nito ay mabilis magkakaunawaan ang mga
mamamayan at mas mabilis at mas malinaw rin na magkakapalitan ng ideya, mas
mabilis din ang magiging implementasyon ng mga planong mapagkakasunduan.

Kaugnay nito, dapat isabalikat ang lubusang paggamit ng wikang Filipino bilang
wika ng opisyal na komunikasyon ng gobyerno, alinsunod sa Konstitusyong 1987.
Magihing ganap na ang pagiging wikang opisyal ng Filipino kapag dumating ang
panahon na lahat ng mga panukulang batas sa Kongreso at Senado, lahat ng desisyon
ng Korte Suprema, at lahat ng dokumento at talakayan ng mga nasa gobyerno ay nasa
wikang pambansa na.

Ayon nga kina:

Gimenez Maceda (1997)

ang wikang pambansa ang wikang higit na makapagbibigay-tinig at kapangyarihan


sa mga tagawalis, drayber, tindero at tinder, at iba pang ordinaryong mamamayan
na bansa na gumagamit nito,. Ang pagggamit ng Filipino bilang wika ng
pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman at
makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa mga intelektwal at sa masa.

Constantino (2015)

“ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na
Pilipino,” wikang lilikha at huhubog ng mga Pilipinong may tiwala sa sariling
kakayahan, wikang makapagpapaunlad sa sariling paraan ng pag-iisip, hindi gaya
ng wikang dayuhan na kapag ipinilit at binigyang prayoridad ay magiging “sagabal
sa pag-iisip,” kaya’t ang pag-iisip ay nababansot o nababaog at magbubunga
naman ng kulturang bansot.”

GEC 11 | Caja Page 12


Sa panahon naman ng globalisasyon – ng pandaigdigang sistema ng malayang
kalakalan o free trade na isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aalis ng taripa (buwis sa
imported na produkto) – nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na
hemogenisasyon. Madalas na sinasabi ng promotor ng globalisasyon gaya ng mga
multinasyunal na institusyon tulad ng World Bank at World Trade Organization na
“daigdig na walang hanggahan” o bordesless world ang layunin ng pandaigdigang
sistemang ito.

Bienvenido Lumbera

aniya, sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang


kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bias nito sa lipunang
Filipino. Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para
sa sambayanan.

Sa
Pangkalahatan

Mahalagang bahagi ng makabayang edukasyon ang pag-aaral ng sariling wika at


panitikan sapagkat ang wikang sarili ang magbibigay-daan sa edukasyong nakatuon sa
paglutas ng mga problema ng bansa. Tulay rin ito sa malapit na ugnayan at
pakikipagtulungan ng mga guro, estudyante, mananaliksik at intelektwal sa pagsusuri at
pagpapabuti sa sitwasyon ng mga komunidad ng mga ordinaryong Pilipino. Sa
pamamagitan ng sistema ng edukasyong nakasentro sa paghuhubog ng mga
mamamayang may mataas na antas ng kasanayan na makapag-aambag sa
pambansang kaunlaran. Matitiyak ang magandang kinabukasan ng bansa. Nagsisimula
sa pagpapahalaaga natin sa sarili nating wika at kultura, at sap ag-aaral ng ating
sariling kasaysayan, ng mga suliranin sa ating lipunan, ang pagbubuo ng
makabuluhang adyenda sa pananaliksik.

GEC 11 | Caja Page 13


FILIPINO BILANG LARANGAN AT FILIPINO SA IBA’T IBANG
LARANGAN

Araling
Pilipinas

Araling
Philippine
Pilipino
Studies
Tumutukoy sa Filipino
bilang larangan

Araling Filipino-
Filipino lohiya Custom ng mga Pilipino
Tradisyong Pilipino
Kulturang Pilipino
“mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng
dalawa o higit pang disiplina upang kaisipang Pilipino
makamit ang higit na paglilinaw
at pag-unawa hinggil sa
isang partikular
na usapin”
(Guillermo, 2014)

“Intelektwalisasyon sa Wika”- nilinaw ni Constantino sa artikulong ito ang


kahalagahan ng ganap na intelektwalisasyon – paggamit ng Filipino sa iba’t ibang
larangan – tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino, kundi ng kaisipang
Pilipino mismo.

GEC 11 | Caja Page 14


Limang hakbang na dapat isakatuparan sa
ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para sa mga
Pilipino:

1. Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba.


I-cite ang pananaliksik ng kapwa Filipino. Babasahin
ba ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin
ito binabasa ng mga Pilipino mismo?

2. Magbuo ng pambansang arkibo ng mga


pananaliksik gaya ng narcis.nl ng Netherlands at diva-
portal.org ng Sweden. Sa pamamagitan nito,
makatitiyak na madaling na madaling mababasa at
maipalalaganap sa buong bansa at sa ibang rin ang
mga pananaliksik ng mga Pilipino.

3. Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software


na libreng magagamit para sa mga mass translation
projects.

4. Bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong


mataas na edukasyon at ng mga programang
gradwado.

GEC 11 | Caja Page 15


5. Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo
ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas.

Dalawang Antas
ng Pagpaplanong
Pangwika

Antas Antas
Makro Maykro

mandatoring asignaturang Filipino - aktwal na implementasyon sa bawat


sa kolehiyo unibersidad

GEC 11 | Caja Page 16


nagbibigay pansin sa mga tiyak
na gamit mula sa wika ng
pagkatuto sa mga akademikong
gawain at/o intelektwalisasyon,
wikang opisyal ng pamahalaan,
negosyo, at iba pang
korpus (kontent panlipunang institusyon

o katawan
Korpus na pagbubuo/pagbabago/pamimili
Tatlong Dimensyon ng ng mga porma o kowd na
Pagpaplanong
Pagpaplanong Pangwika ginagamit sa pagpapahayag na
Pangwika
oral o nakasulat (ispeling, paglik-
ha o pagbubuo ng salita

pagpapalaganap ng wika at
epekto sa gumagamit ng wika

GEC 11 | Caja Page 17


MGA TANONG:
………………………………………………………………………………………………………
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Sang-ayon ka ba sa pagiging primus inter pares ng wikang pambansa? Bakit o bakit
hindi?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing praktikal ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa na dating


kolonya gaya ng Pilipinas?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Paano nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na


homogenisasyon ang wikang Filipino sa panahon ng globalisasyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang Filipino at Panitikan sa pagtataguyod ng makabayang


edukasyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Saang larangan masasabing tila malayo pa ang dapat abutin para masabing
intelektwalisado na ang Filipino? Sa iyong palagay, paano pa susulong ang Filipino sa
mga nasabing larangan?

GEC 11 | Caja Page 18


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

6. Alin ang mas mahalaga, antas makro o antas maykro sa pagpaplanong pangwika?
Pangatwiranan ang sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GAWAIN:
………………………………………………………………………………………………………
Pagsulat ng Posisyong Papel o Resolusyon sa Pagkakaroonng Asignaturang Filipino sa
Kolehiyo.
Sumulat ng sariling posisyong papel o resolusyon tungkol sa pagkakaroon ng
Asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Bilang paghahanda sa pagsulat ng buong posisyong
papel, isulat sa ibaba ang buod ng iyong mga pangunahing argumento para sa
nasabing posisyong papel oresolusyon.
Argumento 1:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Argumento 2:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Argumento 3:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GEC 11 | Caja Page 19


Argumento 4:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Argumento 5:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GEC 11 | Caja Page 20


YUNIT
II Rebyu sa mga Batayang Kaalaman sa
Pananaliksik

LUNSARAN
………………………………………………………………………………………………………
Basahin ang sumusunod na abstrak ng pananaliksik. Tukuyin ang layunin ng
pananaliksik batay sa abstrak.

Talang Historiko-Kultural Ukol sa Pagpapatiwakal


Lars Raymundo C. Ubaldo

Tinatalakay sa papel na ito ang kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa


pagpapakamatay/pagpapatiwakal. Malimit na ibinibilang ang pagpapatiwakal sa hindi
katanggap-tanggapna pamamaraan ng kamatayan. Ang papel na ito ay pagbalik ng
mga talaang historiko-kultural upang maunawaan at maipook ang pagpapatiwakal.
Hahatiin sa tatlong bahagi ang paglalhad: una, pagpapatiwakal sa konteksto ng mga
paniniwalang Pilipino kaugnay ng kamatayan: ikalawa, mga salaysay hinggil sa
pagpapatiwakal mula sa kaalamang-bayan (folklore) ng iba’t ibang grupong
pangkalinangan sa bansa; at ikatlo, pagpapatiwakal bilang kasalanan at krimen sa
konteksto ng pananampalataya at batas. Inaasahang sa pamamagitan ng paglalahad
na ito, makapagbabalangkas ng mga malay-sa-kultura at malay-sa-kasaysayang
interbensiyon sa tumataas na ngayong bilang ng kaso ng mga pagpapakamatay.

BABASAHIN
………………………………………………………………………………………………………
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Ayon kay Neuman,


 ito ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o
kapaligiran.

GEC 11 | Caja Page 21


Pag-unawa, pagtuklas ng tao ng
iba’t ibang paraan kung paano
mapabubuti ang kaniyang
pamumuhay sa pamamagitan ng
iba’t ibang imbensyon at
kaalaman

Lumalawak at lumalalim
Nakakasalamuha ang
ang karanasan ng
kanyang kapwa
mananaliksik

MGA KASANAYAN SA PANANALIKSIK


Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay binubuo ng iba’t ibang yugto at proseso.
Kinapapalooban din ito ng iba’t ibang kognitibong kasanayan tulad ng pagbasa at
pagsulat.

PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK


Gabay sa pamimili ng paksa para sa maka-Pilipinong pananaliksik (De Laza,
2016):
1. Gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay
sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan
2. Pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang
Pilipino
3. Komunidad ang laboratoryo

Mga dapat isaalang-alang sa wastong pamimili at palilimita ng paksa:


1. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa
- Pumili ng paksang may sapat na pundasyon
- Iwasan ang paksang walang sapat na katibayan at piliin ang nailimbag na sa
iba’t ibang babasahin upang maging batayan at tuntungan ng impormasyon ng
gagawing pagtalakay

2. Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw

GEC 11 | Caja Page 22


- maaaring hatiin ang isang malaking paksa sa maliliit na bahagi at pumili lamang
ng isang aspekto nito na tiyak na sasaklawin
- tiyakin ang magiging kalahok o populasyon ng pananaliksik

3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa


-tiyakin na hindi magiging duplikasyon ng mga naunang pananaliksik ang paksa

4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong?


-tiyakin na ang tanong ng pananaliksik ay hindi lang basta masasagot ng mga
dati nang pangkalahatang kaalaman o paliwanag na makukuha sa internet o
nailathala na sa libro

PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON


Gabay sa pagpili ng sanggunian:

1. Tiyaking ito ay akademikong sanggunian


-nangangahulugan na ito ay dumadaan sa masusing ebalwasyon at
mapagkakatiwalaan

2. Tukuyin ang uri ng sanggunian


-aklat, journal, edukasyonal na ulat, website na mapagkakatiwalaan

3. Alamin kung ito ay primarya o sekundaryang batis

nagpapakita ng direkta artikulo sa journal at mga aklat


at orihinal na ebidensya
hal. talumpati, talaarawan

PAGBABASA, PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK, AT REBYU

Ang kritikal na pagbabasa ay mahalagang kasanayan sa pananaliksik kaya


dapat paunlarin ang mga kasanayan sa pagbasa tulad ng pagsulat ng parapreys,
abstrak, at rebyu.

paraphrase Tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa iba’t


e ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito
para sa mambabasa.

GEC 11 | Caja Page 23


Ito ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang
abstrak
komperensiya o anumang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o
larangan.

rebyu
Isa itong uri ng panitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang
isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.

PRESENTASYON AT PUBLIKASYON NG PANANALIKSIK

Hindi sa mismong pagsulat nagtatapos ang proseso ng pananaliksik.


Kasinghalaga ng pagbuo ng pananaliksik ang pagbabahagi nito sa pamamagitan ng
paglalathala o presentasyon. Hindi kumpleto ang proseso ng pananaliksik kung wala
ito. Bukod pa sa pangako ng popularidad, promosyon sa trabaho, o mataas na grado,
ang pagbabahagi ng pananaliksik ay may dakilang layunin na pataasin ang antas ng
kaalaman at kamalayan ng mga taong pinag-uukulan ng pananaliksik. Mahalaga ang
publikasyon at presentasyon ng pananaliksik upang ibalik sa mga mamamayan ang
sistematikong kaalaman na nakuha mula sa kanila.

Ayon sa kanya, ang susi sa tagumpay ng pagkalathala ng


Neal-Barnett isang pananaliksik ay pagkakaroon ng dakilang bisyon o
layunin ng mananaliksik kung bakit siya nagsusulat at
nananaliksik.

publish or perish Ito ang mga salitang gumagabay sa mananaliksik lalo na sa


akademya ngunit mas kailangang tandaan ang sinaunang
(maglathala o
kasabihan na
kaya’y masawi)

“without
vision, the Ibig sabihin, may mas
people will mabigat at dakilang tungu-
perish” (kung hin ang publikasyon ng
walang bisyon, pananaliksik na kaila-
masasawi ang ngang panghawakan ng
sangkatauhan) isang mananaliksik upang
makamit ang mga misyon

GEC 11 | Caja Page 24


kung bakit siya
nananaliksik.

AKADEMIKONG PUBLIKASYON

Ito ay tumutukoy sa paglalathala ng buod ng pananaliksik,


akademikong
pinaikling bersyon, o isang bahagi nito sa pahayagan o
publikasyon
pahayagang pangkampus, conference proceeding,
monograph, aklat, o sa mga refered research journal.

Gaya ng naunang tinalakay, hinihikayat ng mga mananaliksik na maglathala ang


mga mag-aaral sa iba’t ibang paraan upang maipalaganap ang halaga ng resulta nito.
Gayunpaman, ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong publikasyon ay
mapasama ang iyong pananaliksik sa isang refereed research journal sa anumang
larangan. Sa pamamagitan nito, opisyal na kinikilala at tinatanggap bilang bahagi ng
kaalaman sa isang tiyak na paksa ng pag-aaral ang kinalabasan ng pananaliksik.

Bakit?

Ito ay dahil dumadaan ang refereed


journal sa tinatawag na peer review.

Ang peer review ay isang proseso kung


saan ang manuskrito o artikulo ay
dumaraan sa screening o serye ng
ebalwasyon bago mailimbag sa mga
journal.

 tanging mga kapaki-pakinabang at makabuluhang pananaliksik lamang sa iba’t


ibang larangan ang may puwang sa publikasyon.

Sino ang nagsasagawa ng peer review?


 ang mga eksperto

ang mga eksperto ay may mga pormal na kakayahan (nag-


aral at nagtapos ng mga programa o kursong may
kinalaman sa paksa ng pananaliksik na tatasahin) at
nakapagtataag na ng kredibilidad bilang mga mananaliksik

GEC 11 | Caja Page 25


at awtor ng mga siyentipikong artikulo sa kanilang larangan
o disiplina.

80,000-100,000 – tinatayang bilang ng journal sa buong mundo at may sistema ng


citation index upang maikategorya sa iba’t ibang larangan at masukat ang impact factor
o impluwensya sa iba pang pag-aaral batay sa pagbanggit o pagkilala.

Madalas na batayan ng maunlad na bansa na sosyo-ekonomikong istatus ng


isang bansa ang dami ng mga pananaliksik na napapabilang sa international citation
indexed journal. Ibig sabihin, ang maunlad na siyentipikong pananaliksik ay
nangangahulugan ng isang maunlad na lipunan.
Pilipinas – papaunlad pa lamang ang mga peer reviewed journals na kadalasan ay
matatagpuan sa iba’t ibang akademikong institusyon.

Gayunpaman, maraming pagsisikap na maitaguyod ang iba’t ibang pambansang


publikasyon sa Pilipinas at mas malaki ang pagkakataong mapabilang ang mga maka-
Pilipinong panaanaliksik sa mga journal na ito.

Mga Hakbang sa Paglalathala ng Isang Research Journal

Pumili ng angkop na journal para sa iyong


pananaliksik

Basahin ang mga pamantayan ng journal at magbasa


ng mga back issue

Rebisahin ang pananalita batay sa pamantayan ng


journal

GEC 11 | Caja Page 26


Ipabasa at iparebyu ang artikulo sa iba at muling
rebisahin

Ipasa sa journal ang pananaliksik at antayin ang


feedback

PRESENTASYON NG PANANALIKSIK

Ang isa pang pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik ay ang


presentasyon nito sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang kumperensya. Isa sa
mahalagang linangin sa loob at labas ng akademya ang maunlad na pagpapalitan ng
kaalaman sa pamamagitan ng mga pampublikong gawain tulad ng panayam, forum,
kumperensya, at iba pa. Sa pamamagitan nito, nagiging makabuluhan at napapanahon
ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral at nadadala ito sa loob ng silid-aralan. Sa
kabuuan ay nailulugar nito ang silbing akademya sa lipunan.

Gaya ng panawagan para sa kontribusyon ng mga papel pananaliksik para sa


journal, marami ding panawagan para sa presentasyon ng mga pananaliksik sa mga
kumperensya sa iba’t ibang larangan at disiplina.

GEC 11 | Caja Page 27


MGA TANONG
………………………………………………………………………………………………………
1. Ano ang kahulugan at kahalagahan ng pananaliksik?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ano-ano ang kataangian ng maka-Pilipinong pananaliksik na dapat isaalang-alang sa


pagpili ng paksa? Ipaliwanag ang bawat isa.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang publikasyon at presentasyon ng pananaliksik? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Ano ang pagkakaiba ng abstrak at rebyu? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Umisip ng tatlong paksa ng pananaliksik na sa tingin mo ay may oryentasyong maka-


Pilipino.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GEC 11 | Caja Page 28


MGA GAWAIN
……………………………………………………………………………………………………...
A. Pagsulat ng Rebyu ng Isang Aklat
Nilinaw ng aralin kung ano ang rebyu ng isang aklat at ang nilalaman nito.
Gumawa ng rebyu ng isang aklat na natapos mo nang basahin na nais mong
gawan ng rebyu. Ang rebyu ay kailangang hindi hihigit sa 500 salita at naglalaaman ng
sangguniang ginamit sa teksto. Tatayahin ang papel sa sumusunod na rubric. Ang
rebyung kinopya lamang sa website ay nangangahulugan ng gradong zero sa
terminolohiyang ito.

Batayan ng Grado Kabuuang Puntos Marka


Naipakita ang malalim na ebalwasyon sa akda 10
Nasuri ang nilalaman, anyo at halaga ng aklat 10
Maayos ang sistema at malinaw ang 10
paglalahad ng mga bahagi ng papel
Kabuuan

B. Pagtatala ng Paksa ng Pananaliksik


Itala sa bawat kahon ang mga paksa o mga isyung maaaring saliksikin. Gamiting
gabay ang mga bagay na tinalakay sa naunang aralin.
Paksa 1
Paksa 2
Paksa 3
Paksa 4

GEC 11 | Caja Page 29


YUNIT
III Batayang Kaalaman sa mga
Teorya sa Pananaliksik na Akma
o Mula sa Lipunang Pilipino

LUNSARAN
Suriin ang pigura. Subuking ipaliwanag ang ugnayan ng pananaliksik,
komunidad, at mas malawak na lipunan.

Pananaliksik
Komunidad

Lipunan

BABASAHIN
Upang magkaroon ng lalim ang pananaliksik at makapag-ambag ito sa
pagpapalawak, pagpapaliwanag, at paglikha ng mga konsepto o kaisipan, mahalaga
ang pagpili ng batayang teoretikal ng pananaliksik.

teorya  ayon kay Abend (2013), ito ay binuo upang “magpaliwanag,


magbigay ng prediksyon hinggil sa, o makatulong sap ag-
unawa sa phenomenon, at sa maraming sitwasyon ay
naglalayon ding suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang
umiiral na kaalaman.

batayang  ito ang estruktyrang nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng


teoretikal pananaliksik.

GEC 11 | Caja Page 30


 ipinakikila at inilalarawan nito ang teorya ng pananaliksik at
ipinapaliwanag kung bakit umiiral ang suliranin ng
pananaliksik

 binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa


pananaliksik na pawang karaniwang nabubuo sa
pamamagitan ng kombinasyon ng mga teorya at konsepto
mula sa mga umiiral na pananaliksik na naging bahagi ng
kaugnay na literatura at kaugnay na pananaliksik (mula sa
modyul sa pananaliksik sa University of Southern California,
2018)

Tatlong konsiderasyon sa Pagpili ng


Teorya

bisa ng teorya sa
linaw at/o dali ng
pagiging akma sa pagpapaliwanag o
aplikasyon sa
pananaliksik paghahanap ng sagot sa
pananaliksik
mga tanong ng
pananaliksik

GEC 11 | Caja Page 31


Apat na Paraan sa Pagpapatibay ng
Batayang Teoretikal

Tinutulungan nito ang mambabasa na Inuugnay nito ang mananaliksik sa mga


suriing mabuti ang pananaliksik na umiiral na kaalaman at pananaliksik na
kanyang binabasa bahagi ng pagbabatayan ng mga paliwang

Nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon


Tinutulungan nito ang mananaliksik na
ng pagsusuri ng datos at/o pagbubuo ng
malinaw at hakbang-hakbang na sagutin
mga kaisipan at/o teorya na isasagawa ng
ang mga tanong ng pananaliksik sa
mananaliksik
pamamagitan ng swabeng tradisyon

GEC 11 | Caja Page 32


MGA DISKURSO SA NASYONALISMO AT TEORYANG
DEPENDENSYA

 Sa isang bansang dating kolonya gaya ng Pilipinas, isa sa mga karaniwang lente
ng pagsipat sa mga pananaliksik ang mga diskurso sa nasyonalismo.

isang magandang halimbawa nito ang


“Miseducation of the Filipino” ni Renato
Constantino na malayang isinalin ni Martinez
bilang “Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino”

Sinuri dito ni Constantino ang kasaysayan ng


edukasyon sa bansa, partikular ang sitwasyon
nito sa panahong direktang kolonya pa ang
Pilipinas.
Nilinaw niya na ang nasyonalismo ay hindi
lamang isyung kultural, kundi politikal at
ekonomiko rin. Para sa kanya, kailangang
itransporma ang sistemang pang-edukasyon
ng bansa upang matiyak na makapag-aambag
ito sa pagpapaunlad ng bansa.

Ang edukasyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon.


Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ngbansa. Ang layunin ng
edukasyon ay hindi lamang angmakalikha ng mga lalake at babaeng marunong
bumasa at sumulat at marunong magkwenta. Pangunahing layunin nito ang
mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at maunawaan ang
kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ang layuning paunlarin
ang buong lipunan hindi lamang ang kani-kanilang mga sarili. Oo nga’t itinuturo
sa mga mag-aaral ang buhay nina Rizal at Bonifacio. Ngunit hindi iniaakma ang
kanilang mga aral sa kasalukuyang suliranin ng ating bayan at itinuturo ang
kanilang buhay bilang mg maikling kuwento tungkol sa mga nakalipas na
pangyayari na ikinasisiyang pakinggan ng mga bata… Ang tungkulin ngayon ng
edukasyon ay iwasto ang maling pananaw na ito. Dapat na natin ngayong isipin
ang ating mga sarili, ang ating kaligtasan, at an gating kinabukasan. At
hanggang hindi natin inihahanda ang kaisipan ng mga kabataan sa
pagpupunyaging ito, mananatili tayong mamamayang walang pakialam sa ating
bayan na walang tiyak na patutunguhan at hindi tiyak kung ano ang kasasapitan
sa araw ng bukas.

GEC 11 | Caja Page 33


“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
(Andres Bonifacio)

“Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”


(Andres Bonifacuo)

Mga maaaring gamitin sa


pagbuo ng mga batayang teoretikal “Kartilya ng Katipunan”
kaugnay ng mga diskurso sa (Emilio Jacinto)
nasyonalismo.
“Ningning at Liwanag”
(Emilio Jacinto)

“Ang Apat na Himagsik ni Francisco Bakagtas’


(Lope K. Santos)

“Perpektibo, Realismo, at Nasyonalismo”


(Rolando Tolentino)

Kaugnay ng diskurso sa nasyonalismo

Teorya de la Dependencia o  nagkaugat sa Amerika Latina kung saan ang


Teoryang Dependensya ilan sa mga kilalang teorista nito sina Raul
Prebisch at Theotonio dos Santos ay kapwa
mula rito.

 Ayon sa tagapagtaguyod ng Teoryang Dependensya,


pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang
mga bansang mahirap sa pamamagitan ng neokolonyalismo
sa ekonomiya, bagay na malaki rin ang epektosa sistemang
politikal at kultural ng bansa.

 Sa pananaw ni Constantino at iba pang nasyonalista, walang


saysay ang anumang programang pang-edukasyon kung hindi
nito isasaalang-alang ang kaunlaran ng mga mamamayan ng
bansa.

GEC 11 | Caja Page 34


 Sa tahas na pananalita: “walang saysay ang edukasyong hindi
nasyonalista kahit pa ito’y sumunod sa pamantayang global.”

Sa kabuuan binigyang-diin ni Constantino na hangga’t kontrolado ng mga


dayuhan at ng mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat, ang
ekonomiya, politika, at kultura (kasama na ang edukasyon) ng
Pilipinas, mananatiling mahirap at walang pag-unlad angmayorya
ng sambayanang Pilipino.

MARXISMO, FEMINISMO, MGA TINIG MULA SA IBABA, PAG-AKLAS/PAGBAKLAS


AT IBA PANG KRITIKAL NA DISKURSO SA IBA’T IBANG ISYU

Marxismo  ito ang tawag sa mga kaisipang nakabatay sa


mga sinulat ni Karl Marx at karaniwang
ginagamit sa panunuring pampanitikan

isang Pilosopong Aleman na kritiko sa


sistemang kapitalismo

Mga sinasagot ng mananaliksik na gumagamit ng Marxismo


 1. Ano-anong uring panlipunan (social class) ang nasa teksto, pelikula, at
iba pa?
 2. Paano nagtutunggalian ang mga uring panlipunan sa teksto, pelikula at
iba pa?
 3. Sino ang nang-api at inapi, nagsamantala o pinagsamantalahan sa
teksto, pelikula at iba pa
 4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nag-api o
inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan
 5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga
karakter
 6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
 7. Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli?

GEC 11 | Caja Page 35


PANTAYONG PANANAW, PANTAWANG PANANAW, TEORYA NG
BANGA, SIKOLOHIYANG PILIPINO AT BAKOD/BUKOD/BUKLOD

Ang pantayong pananaw ay perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan, kultura at


iba pa na nilinang ni Zeus Salazar, isang multilinggwal na historyador mula sa
Unibersidad ng Pilipinas upang bigyang-diin ang kahalagahan ng diskursong internal
hinggil sa iba’t ibang isyu.
Buod ng kaniyang perspektiba:

Sa lahat ng mga wikang Pilipino, may mga konseptong katumbas ng


“tayo,” “kami,” “sila,” at “kayo” na tumutukoy sa mga nagsasalita at lahat ng
kaniyang kausap, kasama kahit na iyong wala. Halimbawa, “tayong mga Pilipino,
“kung ihahambing sa “kaming mga Pilipino,” ay nangangahulugang ang
nagkakausap-usap ay mga Pilipino mismo at implisitong hindi kasali ang mga
banyaga. Sa sitwasyong ito, ang bagay, konsepto, kaisipan at ugali na maaaring
pagtuunan ng pansin ay madaling maintindihan, dahil sa nakapaloob sa ating
sariling lipunan at kultura. Mapag-uugnay natin sila sa isa’t isa na hindi kailangan
magkaroon pa ng pantukoy sa iba pang mga konsepto, tao, ugali at kaisipan na
kaugnay nila. Katunayan nga, maraming bagay ang implisito nating
nauunawaan. Ibig sabihin, kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang
hinggil sa sarili at sa isa’t isa, iyan ay parang sistemang “closed circuit,” pagkat
nagkakaintindihan ang lahat. Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may
“pantayong pananaw” lang kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at
ugali na alam natin lahat ang kahulugan pati ang relasyon ng mga kahulugan,
pati ang kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nagyayari lamang kung iisa ang “code”
– ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga
kahulugan, kaisipan at ugali. Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang
wika.

Pantawang Pananaw ni Rhoderick Nuncio na nakapokus naman sa katutubong


pagsipat sa paraan ng pagpapatawa ng mga Pilipino

Halimbawa: “Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw Mula Pamumusong


Hanggang Impersonasyon’’ – pagsusuri ni Nuncio (2010) sa kasaysayan ng
pagpapatawa sa bansa.

Teorya ng Banga ay buod naman ng mga ideya ni Prospero Covar (1993), ang
itinuturing na isa sa mga nangungunang tagapagtanggol ng Filipinolohiya, hinggil
sa kaalamang bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.

GEC 11 | Caja Page 36


Sikolohiyang Pilipino ay naglalahad naman ng kaisipan hinggil sa paraan ng pag-iisip
at/o kamalayan ng mga Pilipino.
 paraan ng pag-aaral sa sikolohiya na bunga ng karanasan, kaisipan, at
oryentasyong Pilipino at pagpapaliwanag sa sariling paraan ng pag-iisip,
pagkilos, at pagpapakita ng damdaming Pilipino, na sinasabing maaaring may
kaibahan sa pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng damdamin ng iba pang
mamamayan.

Buod ng Bakod/Bukod/Buklod

Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon


Konsepto
Bakod  Heograpiya-sakop at Pagbabakod
saklaw, dimension, at lawak  Patakaran ng
ng nasasakupan segregasyon batay sa
 Pisikal na bakod ay dibisyon dibisyon ng mga uri sa
ng mall-floorplan, bilang lipunan
gabay sa pagsusuri ng  Mga bakas ng espasyo ng
gender, komodipikasyon ng dating pamilihan
espasyo at uri sa loob ng  Bakuran ng mall na
mall ipinahihiwatig ng biswal at
 Biswal na bakod- sikolohikal pisikal na kinalalagyan nito
na hadlang at sikolohikal na sa siyudad
panghihikayat  Pananda ng kaunlaran at
konsumeristang lipunan
habang ballot ng suliranin
at kahirapan ang labas ng
mall
 Operasyonalisasyon ng
midya at advertisement
para likhain ang mood at
mentalidad ng
pagkonsumo.
Bukod  Pagsasantabi o eksklusyon Pagbubukod
 Sentralisasyon at  Epekto ng pagbubukod
mardyinalisasyon  Ang espasyo ng komersya
 Kontruksiyon ng kasarian ay isang politikal na
larangan ng mga
nagtutunggaliang puwersa
sa lipunan
 Nailulugar sa ganitong
pagbubukod ang sentral at
laylayang kinalalagyan ng
mga tao at ang maselang

GEC 11 | Caja Page 37


epekto nito sa
konstruksiyon ng kanilang
identidad at lokasyon ng
kanilang kapangyarihan
Buklod  Pormasyon ng mga sabjek Pagbubuklod
 Etnisistasyon ng global na  May epekto ang
kultura pagbabakod, pagbubukod
 Multiplikasyon ng mga uri sa pagbubuklod ng mga
sa mall uri ng tao sa mall at sa
lipunan
 Mula sa biswal at spatial
na kayarian, naikakahon
ang gender, pananaw-
mundo, at uring
panlipunan ng mga tao.
 Namumutawi ang
etnisitasyon ng mall – ang
pagkakakilanlan sa
identidad- Pilipino at ang
global na pagkilos ng
imahen nito sa iba’t ibang
panig ng bansa at
lokalidad.
 Sa pamamagitan ng
imitasyon, kompetisyon, at
distingksyon ng mga uri
nagiging dinamiko ang
konsyumer/shopper/maller

GEC 11 | Caja Page 38


MGA KATANUNGAN

1. Bakit mahalaga ang batayang teoretikal sa pagpapatibay ng pananaliksik?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Paano sinusuri sa pamamagitan ng dulog na Marxista ang isang teksto o pelikula?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Sang-ayon ka ba sa pagbibigay-pokus ng Teoryang Dependensya sa


neokolonyalismo sa ekonomiya, kultura, at politikal? Bakit o bakit hindi? Pangatwiranan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Bakit sinasabing magkaugnay ang nasyonalismo at Teoryang DEpendensiya?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Sa iyong opinyon, ano ang pinakamahalagang ambag ng mga perspektibang gaya


ng pantayong pananaw at Sikolohiyang Pilipino?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

6. Paano nagkakaiba ang konseptong “bakod” at “bukod” ayon kay Morales Nuncio?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GEC 11 | Caja Page 39


GAWAIN

Pagkumpleto sa Akrostik
Subuking kumpletuhin ang akrostik ng salitang BALANGKAS. Bigyang diin sa
akrostik ang mahahalagang bagay na dapat tandaan kaugnay ng batayang kaalaman
sa mga teorya sa pananaliksik na akma o mula sa lipunang Pilipino.
B – __________________________________________________________________
A - _________________________________________________________________
L - _________________________________________________________________
A - _________________________________________________________________
N - _________________________________________________________________
G - _________________________________________________________________
K - _________________________________________________________________
A - _________________________________________________________________
S - _________________________________________________________________

GEC 11 | Caja Page 40


YUNIT
IV Batayang Kaalaman sa Metodolohiya
sa Pananaliksik-Panlipunan

LUNSARAN
Nabalitaan niyo na baa ng tungkol sa sumusunod na mga resulta ng
pananaliksik? Paano nito binabago ang umiiral na lumang kaisipan? Paano ito nag-
aambag ng bagong kaalaman? Ano-ano kayang proseso ang isinagawa ng mga
mananaliksik kaugnay anito? Subuking magdagdag ng balita sa listahan at ibahagi ito
sa klase.
1. “Natuklasang buto ng rhinoceros, patunay na may sinaunang tao sa Pilipinas”
(Tulad 2018)
2. “May tubig sa planetang Mars – NASA” (Dones 2015)
3. “Pagkain ‘wag sayangin para maibsan ang climate change” (Balita Online,
2016)
4. “ 2 uri ng halaman, mabisa umanong panlaban sa dengue” (Dinglasan, 2013)
5. “Katotohanan sa bagong sistema ng pagbubuwis: Magpapahirap lang sa
mahihirap ang reporma sa buwis … “ (Panganiban)
6. Medical marijuana sagot nga bas a iba’t ibang uri ng sakit?” (Begas, 2017)

PANIMULA

Metodolohiya ay tumutukoy sa sistematikong paglutas ng mga


suliranin / tanong / layunin ng mga pananaliksik o
mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri
ng datos / impormasyon.

ay tumutukoy sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang


makabuo ng mga konklusyong mapanindigan, ayon kay Walliman (2011, isa sa
pinakilalang manunulat hinggil sa praktika ng pananaliksik.

GEC 11 | Caja Page 41


Samakatuwid, ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik na kailangang
itakda sa pasimula pa lamang ng pag-iisip ng paksa.

8 proseso sa pananaliksik
(Walliman)

 tumutukoy sa pagbubuo ng tipolohiya o set ng


mga pangalan o pagpapangkat-pangkat ng
mga bagay, pangyayari, konsepto at iba pa.
1.Pagkakategorya o  kapaki-pakinabang ito sa pagpapaliwanag
kategorisasyon kung ano-ano o sino-sino ang magkakasama
sa isang kategorya, at bakit o paano sila
naging magkakasama sa isang kategoryang
iyon.

2. Paglalarawan o  tumutukoy sa pagtitipon ng datos na nakabatay


sa mga obserbasyon
deskripsyon

 tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng


paglalahad lamang ng datos o impormasyon
3. Pagpapaliwanag upang bigyang-linaw ang kabuluhan nito sa
konteksto ng iba’t ibang aspektong kultural,
politikal, ekonomiko, at iba pa.

4. Pagtataya o  Tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay,


Ebalwasyon pangyayari at iba pa

GEC 11 | Caja Page 42


5. Paghahambing o  tumutukoy sa pagsusuri ng mga pagkakatulad at
Pagkukumpara pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay at iba pa
tungo sa mas malinaw nap ag-unawa sa isang
phenomenon.

 tumutukoy sa pag-iimbestiga para makita kung


6. Paglalahad / Pagpapakita
nakakaimpluwensya ba ang isang phenomenon sa
ng Ugnayan / Relasyon o isa pa, at kung nakakaimpluwensya nga ay sa
Korelasyon anong paraan o paano?

 Tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng


7. Paglalahad / Pagbibigay ng
mangyari sa isang bagay, phenomenon, at iba
Prediksyon
pa batay sa matibay na korelasyon ng mga
penomenong sinuri / pinaghambing

 tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan


7. Pagtatakda ng upang ang isa o higit bagay (gaya ng
kontrol teknolohiya) ay maisasailalim sa control ng
mga tao/mananaliksik tungo sa mas epektibo
at/o mas ligtas na paggamit nito.

10 disenyo ng pananaliksik (Walliman, 2011):


1. historikal
2. deskriptibo
3. korelasyon
4. komparatibo
5. eksperimental
6. simulasyon
7. ebalwasyon
8. aksyon
9. etnolohikal
10. kultural

GEC 11 | Caja Page 43


ETNOGRAPIYA

nakasandig sa ‘malapitan, personal na karanasan at posibleng


partisipasyon, hindi lamang obserbasyon ng mga mananaliksik” na
karaniwang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga pangkat na
multidisiplinari.

Karaniwang pokus ng etnograpiya ang intensibo o marubdob na pag-aaral sa


wika at kultura, isang libangan o domeyn, at pagsasama-sama ng paraang historical,
obserbasyon, interbyu at pagtitipon ng mga dokumento tungo sa pagkakaroon ng datos
gaya ng mga siniping pahayag (“quotations”), paglalarawan o deskripsyon, at mga
siniping bahagi ng dokumento (“excerpts”) na karaniwang ibinabahagi sa paraang
naratibo o pasalaysay.

PAG-OOBSERBA, PAKIKIPAMUHAY, PARTICIPANT OBSERVATION


O NAKIKIUGALING PAGMAMASID

 isinasagawa sa pamamagitan -ang mananaliksik ay aktwal na “nakiki-


ng pagtatala ng mga makabuluhang ranas sa pang-araw-araw na buhay ng
pagmamasid ng mananaliksik sa mga mga taong kaniyang pinapaksa.
pinapaksa ng pananaliksik, sa natural
na kapaligiran o setting ng kanyang
buhay at/o trabaho. -karaniwang ginagamit sa
 isa o dalawang araw lamang ang larangan ng antropolohiya at sosyolo-
pagsasagawa sa gawaing pag- hiya
mamasid -isinasagawa sa pamamagitan ng
pagsisikhay o pagsisikap ng mana-
liksik na makapasok at maging tanggap
sa isang komunidad upang makapag-
-pagyakap sa pag-uugali at paraan ng tamasa ng mas komprehensibong pag-
pamumuhay ng pinag-aaralang komuni- unawa sa lipunan / paraan ng
dad, at ang pagkakaroon ng bukas na pamumuhay ng nasabing komunidad.
pag-iisip na nakahandang unawain ang
komunidad na iyon

Sa pangkalahatan, ang pag-oobserba, pakikipamuhay, participant observation, at


nakikiugaling pagmamasid ay pawang mahahalagang pamamaraan sa panlipunang
pananaliksik o pananaliksik na tumutugon sa mga pangangailangan sa lipunan.

GEC 11 | Caja Page 44


KUWENTONG-BUHAY

ang kuwentong-buhay (life story) ay malikhaing pagsasalaysay o


bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na
paksa ng pananaliksik.

karaniwang binibigyang-diin sa kuwentong-buhay ang


pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga
hinaing, pangarap, suliranin, ang kaniyang pang-araw-araw na
buhay na makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik.

madalas ang pinapaksa ay mga tinig ng mga nasa laylayan ng


lipunan o mga pangkat na marginalized. Ang pagsasalaysay ng
kanilang kuwentong-buhay ay nakatutulong upang marinig ng
madla ang kanilang tinig

PAG-IINTERBYU, FOCUS GROUP DISCUSSION (FGD), AT PAGTATANONG-


TANONG

 tumutukoy sa pagtatanong-tanong sa mismong taong paksa


Pag-iinterbyu ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito
 ito ay maaaring:

structured- kung ibinibigay na kaagad ang mga tanong bago


pa ang interbyu at halos walang follow-up na tanong sa
mismong interview

non-structured- kung higit na impormal ang interbyu at


karaniwang maraming follow-up na tanong.
-karaniwang inirerekord ang buong interbyu, at isinasama sa
appendix ng pananaliksik ang buong transcript nito.
Gayunpaman, batay sa hiling ng mga kinakapanayam o
batay sa opinyon ng mananaliksik ay maaaring may mga
sensitibong impormasyon na hindi naisama sa transcript.

 dalawa o higit pa ang kinakapanayam


 isinasagawa upang higit na maging swabe at magaan ang
interbyu sapagkat karaniwang mas nakapagpapahayag ng
saloobin ang mga tao kung may mga kasama sila na mula sa
kanilang pangkat at kagaya rin nila sa karanasan at ib pang
aspekto

GEC 11 | Caja Page 45


 isinasagawa sa pagrerekord mga imahe at tunog gamit ang video
Video
recorder
Documentation
 karaniwang ginagamit sa pagtatala ng mahahalagang pangyayari
sa kasaysayan
 maaaring lapatan ng pagsasalaysay o narration at ng musika
 pinakakaniwang porma nito ang bidyong dokumentaryo o dokyu

WHITE PAPER O PANUKALA


tumutukoy sa isang saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng
gobyerno, opisyal ng gobyerno, think tank, akademikong
departamento, o eksperto na naglalahad ng makabuluhang
impormasyon at/o mga panukala kaugnay ng isang
napapanahong isyu na nakakaapekto sa maraming
mamamayan o sa isang partikular na komunidad

DESKRIPTIBONG PANANALIKSIK
tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng
mga katangian ng isang tao, grupo, sitwasyon, bagay,
phenomenon at iba pang sinusuri o pinag-aaralan.

KOMPARATIBONG PANANALIKSIK
tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paghahambing /
pagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay o phenomenon at iba
pa.

CASE STUDY
tumutukoy sa detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng
isang tao, bagay, lugar, pangyayari, phenomenon at iba pa
bilang potensyal na lunsaran ng mga susunod pang pag-
aaral sa mga kahawig na kaso.

PAGSUSURING TEMATIKO AT PAGSUSURI NG NILALAMAN


 ito ay pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri at pagtatala sa
mga tema o padron ng naratibo sa loob ng isang teksto.

GEC 11 | Caja Page 46


 malapit ang paraang ito ang pagsusuri ng nilalaman o
content analysis na tumutukoy naman sa paglalarawan at/o
pagsusuri ng isang teksto.

SECONDARY DATA ANALYSIS


 tumutukoy ito sa pagsusuri at/pag-uugnay sa mga umiiral na
datos at estadistika, tungo sa layuning sagutin ang mga
panibagong tanong at/o makabuo ng mga bagong
konklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon.

PAGBUBUO NG GLOSARYO/PANANALIKSIK NA LEKSIKOGRAPIKO


o tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng
pagtatala ng depinisyon ng mga termino alinsunod sa
kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang particular na
larangan.

PAGBUBUO NG BALIDASYON NG MATERYALES NA PANTURO


 tumutukoy sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo
at balidasyon ng mga modyul at iba pa, materyales na
panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o kaya’y nakaangkla
sa panibagong pamamaraan o dulog sa pagtuturo.

PAGSUSURI SA DISKURSO
 tumutukoy sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at/o
mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula at
iba pang materyales.

SWOT ANALYSIS
 tumutukoy ito sa pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng
isang programa/plano, at mga oportunidad o bagay na
makatutulong sa implementasyon at mga banta o bagay na
maaaring makahadlang sa implementasyon ng
programa/plano

GEC 11 | Caja Page 47


KRITIKAL NA PAGSUSURING PANGKURIKULUM/PAMPROGRAM
 tumutukoy ito sa mga negatibong aspekto ng isang
kurikulum/programa tungo sa layuning baguhin/linangin pa
ito.

PAGSUSURING ETIMOLOHIKAL
 ang pananaliksik na ito a tungkol sa pinagmulan ng
kahulugan ng mga salita, orihinal na konteksto at iba pang
kaugnay na detalye na mahalaga sa pag-unawa sa
kasalukuyang gamit at konteksto nito.

ACTION RESEARCH
 pananaliksik na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong
 suliranin sa loob ng silid-aralan, o kaya’y kaugnay ng
proseso ng pagkatuto sa isang particular na sitwasyon

GEC 11 | Caja Page 48


YUNIT
V Filipino sa Humanidades, Agham
Panlipunan, at Iba pang Kaugnay
Na Larangan

LUNSARAN
Panoorin ang maikling videoclip sa
youtubehttps:m.youtube.com/watch?v=BaBXp1b4nag na tumatalakay sa konsepto ng
kapuwa sa perspektiba ng Sikolohiyang Pilipino.
Mga Tanong:
1. Naunawaan mo ba nang mabuti ang konseptong ito?
2. Kung Ingles ba ang ginamit bilang wika ng paglalahad, may pagkakaiba kaya sa
iyong karanasan?

BABASAHIN

SITWASYONG PANGWIKA SA HUMANIDADES AT AGHAM-PANLIPUNAN

Sa pinagdaanang kolonisasyon ng Pilipinas mula sa iba’t ibang mga bansa tulad


ng Spain, United States at Japan, hindi nakapagtatakang napakalaki at napakalalim ng
impluwensiya ng mga ito sa buhay ng mga Pilipino. Ideolohikal at di lamang pisikal ang
pagsakop na ito. Sa aspekto ng wika, hindi pa rin nakakawala ang bayan sa
pagkagapos sa kolonyalismong nagdaan. Nagdaan na ang isang siglo mula nang
makamit ang kalayaan sa mga Espanol ngunit nanatili na ang kulturang ipinamulat sa
atin. Kalahating siglo naman na ang nakalipas mula nang lumaya ang bansa sa kamay
ng United States, ngunit tila pilat na ang pagkakadikit ng wikang Ingles sa mga Pilipino
– sa estado, sistemang edukasyon, at maging sa mundo ng mga korporasyon.

maiuugnay sa imperyalismong linggwistiko ang kalagayang ito kung saan


ang pananakop sa mga bansa ay hindi na sa pisikal na aspekto kundi sa diwa at
ideolohiya ng mga mamamayan nito sa pamamagitan ng wika.

ang pagkontrol sa isipan ng mga nasakop na mamamayan ay


nagyayari dahil sa walang habas na pagpapatanggap sa isang banyagang wika.

Mga estratehiya:
United States – puspusang itinuro, pinatanggap, at pinagamit ang Ingles
sa mga Pilipino sa panahon ng pagsakop

GEC 11 | Caja Page 49


Espanol - tahasang ipinagdamot sa mga Pilipino ang kanilang wika
upang matutuhan ng mga Pilipino.

Ang nabanggit ay isa sa malinaw na dahilan kung bakit sa kabila ng malayong-


agwat sa haba ng pananakop ay mas nanaig at nanatili ang Ingles kaysa sa Espanol sa
kamalayang Pilipino.

Tumutugma ito sa paliwanag ni Ferguson sa kanyang artikulong The Global


spread of English cause, agency, effects and policy responses sa kaso ng
pagkahumaling ng mga Pilipino sa wikang Ingles.
ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng pagkatuto ng
wikang Ingles, higit na magkakaroon ng access sa trabaho
ang isang tao at dahil dito mas angat ang kaniyang
kalagayang ekonomiko.
magbubunsod din ito ng paglawak ng kaniyang impluwensya
sa lipunan o access sa mga may kapangyarihan, kultural,
kapital, intelektwal, o politikal.

Paliwanag ni Ferguson kung bakit patuloy ang kalagayang ito:


1. kawalan ng ideolohikal na pagsalag sa promosyon sa Ingles bilang
pangunahing wika, diumano, ng mundo.
2. ang paniniwala sa laganap na pananaw na may personal na bentaha sa
pagtatamo ng kahusayan sa Ingles dahil ito ang wika ng intelektwalisasyong mga
larangan at gayundin ang wikang pasaporte sa paglagong ekonomiko.

KASAYSAYAN AT TUNGKULIN NG PAGSASALIN SA PAGSUSULONG SA


FILIPINO

Ang pagsasalin ay maaaring;

siyentipiko-teknikal pampanitikan
komunikasyon ang tanging layunin - nilalayon ng tagasalin na makalikha ng
nito isang bagong obra maestro batay sa
orihinal na akdang nakasulat sa ibang
wika (Batnag, et al., 2009)
Paghahambing ni Ali R. Al-Hasanawi:

tekstong siyentipiko makatwiran, may katiyakan, nagpapakita ng


katiyakan, nagpapakita ng katotohanan sa partikular
na realidad, may kahulugang reperensyal, gumagamit
ng heneralisasyon, may denotatibong lapit (nakabatay
sa kahulugan sa karaniwan o pang-araw-araw na

GEC 11 | Caja Page 50


gamit ng wika) may leksikal na paglalapi, madalang
ang mga idyomatikong pahayag, gumagamit ng mga
idyomatikong pahayag, gumagamit ng mga
siyentipikong terminolohiya, espesyalisadong aytem
at pormula, at hindi gumagamit ng matatalinghagang
salita.

tekstong pampanitikan sumasalamin sa kawalan ng argumentatibong


pagsulong, kawalang katiyakan, emosyon,
katotohanan sa ideya, pagpapatunay, kahulugan
batay sa emosyon, konotasyon, gramatikal na
paglalapi, paggamit ng mga idyomatikong pahayag,
limitadong daglat, akronim, register, at mga malawak
na paggamit ng matatalinghagang pananalita (Batnag
et al. 2009).

Pagsasalin sa Panahon ng mga Espanol

Lubhang magkalayo ang pamilya ng mga wika sa Pilipinas at sa Spain, naging


mabigat na balakid ito sa mithiing nais isakatuparan ng mga mananakop. Mahirap
magkaintindihan gamit ang dalawang magkaibang wikang ito.

Dahil sa kakaunti ang bilang ng mga prayleng misyonero, hindi lohikal na


kanilang ituro ang wikang Espanol sa higit na nakararaming katutubo; bagkus sila ang
nagsumikap na pag-aralan an gating wika upang maging mabisa ang kanilang
pakikipag-ugnayan sa madla

Bilang pagtugon sa mabilis na pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan,


ang mga Kastila ay nagsalin ng mga aklat na orihinal na nasusulat sa kanilang wika.

Ilan sa mga akdang naisalin:


 Catesismo na pinagpapalaman nang manga pangad-yi at
maicling casaysayan na dapat pag-aralan ng tauong
Cristiano ni Luis de Amezquita
 Casaysayan nang Doctrina Cristianang qquinat-ha nangg P
Rapalda ni Exwquiel Mariko
 Casalanang Veniel at ang pagtanggap na malimit nang
manga sa sacramento ni Joaquin

Pagsasalin sa Panahon ng mga Amerikano

Sa pagtatapos ng kasaysayan sa Panahon ng espanol, naging simula ito ng


imperyalismong Amerika sa bansa.
naging hudyat nito ang pirma ng Estados Unidos at Spain ng kasunduan
sa Paris noong Dis. 10, 1898.

GEC 11 | Caja Page 51


kasama sa kasunduang ito ang
pagpayag ng Spain na ang
Pilipinas ay bahagi na ng
Kolonya ng USA.

Layunin ng Amerikano sa pagsakop sa Pilipinas:


 1. ekspansiyong ekonomiko
 2. pagtatayo ng depensang military at pandagat sa Asya-Pasipiko
 3. pagpapalaganap ng protestantismo

Edukasyon - nabigyang halaga sa panahon ng Amerikano


-kapuwa mahihirap at mayayaman ay nakakapag-aral

sa katunayan ay nagpadala ang pamahalaang


Amerikano ng mga guro upang sila ang
manguna sa edukasyon

dahil dito, yumabong at yumaman Thomasites – tawag sa mga sundalong


ang panitikang Filipino sa wikang guro
Ingles

Maraming naisaling mga tula, maikling kuwento, nobela, at sanaysay

Tula
 isang pampanitikang behikulo upang maipahayag ang damdamin
 kadalasang paksa ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, nasyonalismo at iba pa.
 Kabilang sa mga naisalin ang:
o Huling Paalam ni Rizal noong 1907
o Una Kong Alaala ni Rizal noong 1908
o Matandang Tula ni Crispin Resureccion, 1910
o Ang Awit ni Kupido ni J.C. Balmaceda, 1915
o Apoy ng Pag-asa ni Deogracias Rosario, 1921
o Aklat ng Pag-ibig, 1925
o Magsing-irog ni P.M. Santiago, 1932
o Tatlong Larawan ng Buhay ni Conrado Acuna, 1938
Dula
 Mga naisa-Filipinong dula
o Noli Me Tangere ni Sofronio Calderon, 1906
o Ang Hampaslupa ni Julian Balmaceda, 1916
o Ang Masayang Balo ni Patricio Mariano, 1916
o Mga Artistang Sampay-Bakod 1919
o Ang mga Anak ni Sisa ni Godofredo, 1929
o Konde sa Montecristo ni Jose Maria Rivera, 1932

GEC 11 | Caja Page 52


Maikling Kuwento
o Mithi ng Bayan ni S.G. Calderon
o Pagbabalik sa Lumipas ni Aurelio Curcura
o Alaalang Pangbagong Taon ni Alejandro Abadilla
o Tunay na Diyos ni Isaac Dizon
Nobela
o Hiwaga ng Paris ni Francisco Sugui
o Sa Lupa’t sa Langit ni Gerardo Chanco
o Dugo sa Dugo ni Francisco Laksamana
o Kilabot sa Karagatan Leonardo Diamzon
o Ang Palaisip na Maharlikang si Don Quijote dela Mancha ni
Dionisio San Agustin
Sanaysay
 layunin nito ang pagpapalaganap ng iba’t ibang kaalaman – pampolitika,
relihiyon, panlipunan at iba pa.
o Ang ABC… ng mga Filipino ni Valdes Roquillo
o Isipan Tungkol sa Hula ni Daniel ni Sofronio Calderon
o Kodigo Munisipal ni Manuel Aguinaldo
o Lihim ng Ahente ng Hapon ni I.P. Caballero

Pagsasalin sa Panahon ng mga Hapon

Asyano para sa Asyano – islogan ng The Greater East Asia Co-Prosperity


Sphere ang propagandang ibinandera ng mga Hapones upang lalong mahikayat ang
mga Pilipino sa kanilang mga panukala. Bagama’t laganap ang himagsikan noon,
patuloy pa rin naman ang pagyabong ng edukasyon. Pinasidhi ang paggamit ng wikang
Tagalog o Pilipino at sinikap na alisin ang wikang Ingles.

Mga isinaling akda:


 Tula
o Gabi ni Ildefonso Santos, 1941
o Lupalop ng Magkakasamang kasaganaan sa lalong
Malaking Silangang Asya, 1943
 Dula
o Ang Bahay na Paupahan ni Julian Balmaceda
o Diktador sa Ehipto, 1944
o Ang Dalawang Pabulang Mandarin ni Federico Sebastian
o Limang Kuwento ni Andersenna ni Antonia Villanueva
 Sanaysay
o Kautusang Panloob sa mga Manggagawa sa Arsenal, 1942
o Si Barrantes at ang Dulang Tagalog ni Julian Balmaceda,
1943

GEC 11 | Caja Page 53


Pagsasalin sa Kasalukuyang Panahon

Lumiit ang mundo. Habang tumatagal at lalong umiiksi at kumikitid ang pagitan
ng mga bansa sa mundo. Isa sa malaking salik sa kaganapang ito ang patuloy na
umuunlad na teknolohiya ng kompyuter at komunikasyon. Kaakibat ng pagbabagong ito
ang wika. Lalo pa itong lumiliit at tila pinag-iisa. Pinalalakas ang makapangyarihan at
lalong pinahihina ang maliliit na wika, dahil sa pangingibabaw ng malalakas na bansa
sa globalisasyon.

Ang wika ang nagiging daluyan sa paglaganap ng mga kaalamang ito, subalit
ang wika ay mawawalan ng kabuluhan kung ito ay hindi naiintindihan ng mga taong
nakaririnig o nakababasa nito.
Upang bigyang lunas ang ganitong suliranin, ang
pagsasalin ay dapat puspusang itaguyod at
paunlarin. Maisasagawa ito sa patuloy na
paglilimbag, lokal man o banyaga upang lubos na
maipamalas at maipabatid sa mga Pilipino ang
diwa at ganda ng iba’t ibang kultura at kahusayan
ng iba’t ibang kaalaman.

Tula
 Mga halimbawa ng tulang naisalin na may paksang kumakatawan sa puyos na
damdamin ng mga tao at ng lipunang kanilang ginagalawan
o Sa Hardin ng mga Tula
o Ang Malawak na Hapag
o Bukangliwayway sa Dibdib ng Aprika
o Huling Paalam

Dula
 Mga halimbawa ng dulang naisalin na sumasalamin sa realidad ng buhay ng
mga Pilipino at iba pang lahi sa mundo
o New Yorker sa Tundo
o Anim na Tauhang Naghahanap ng Isang Mangangatha
o Harutan
o Balong Masaya

Maikling Kuwento
o Paghahanap
o Lihim na Pag-ibig
o Tigang na Palay

GEC 11 | Caja Page 54


Nobela
o Munting Prinsipeng Pilay
o Huwag mo Akong Salingin
o Ilog na Walang Tulay

Sanaysay
o Bulag na Pagkadakila
o Agham at Teknolohiya sa Dantaon
o Kriminal ng Digmaan

Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa


Pagsusulong sa Filipino

1. Sa naipamalas na hindi hanggang sa ordinaryong talakayan lamang magagamit ang Filipino kundi
kaya nitong magamit sa pagpapahayag ng mga intelektwal na diskurso na makikita sa mga naisaling
akda sa agham, teknolohiya, agham panlipunan, panitikan, at at marami pang iba.

2. Napauunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing pagsasalin. Sa mga katulad
na inisyatiba, Nabibigyang katumbas sa ating wika ang mga konsepto na tanging sa Ingles o ibang
wika natin nababasa. Maaaring ang pagtutumbas na ito ay dumaan sa pagsakatutubo, adaptasyon o
lumikha man ang mahalaga ay magkakaroon ang mga konsepto ng mga tiyak na katumbas sa
Filipino.

3. Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng Filipino. Dahil
dito, mas naitatampok ng Filipino ang kakayahan nitong maging imbakan ng karunungan na
tinatayang mahalaga sap ag-unlad at lalong pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

4. Nagpapatuloy ang pagsasalin, gamit ang mga naisaling akda, upang puspusang magamit ang
Filipino sa akademya partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Kung mga aklat at materyales na
panturo o sanggunian ang mga naisalin magiging mas madali na angpagtuturo at hindi na magiging
dahilan ang kawalan ng kagamitan kaya hindi ginagamit ang Filipino sa mga kursong wala pang
nalilimbag na aklat sa Filipino.

5. Napauunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan. Bagama’t pagpapaunlad din ito sa
korpus ng Filipino, partikular na tinutukoy nito ang mga salita na magagamit para maituro nang
mabilis at episyente ang isang kurso gamit ang Filipino. Dahil sa mga naisaling akda, unti-unti itong
mabubuo ng mga gagamit ng Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang larangan. .

GEC 11 | Caja Page 55


FILIPINO BILANG WIKA NG PAGTUTURO AT PANANALIKSIK SA HUMANIDADES
AT AGHAM PANLIPUNAN

Agam-agam ng maraming akademiko at maging mga estudyante kung posible


nga bang magamit ang Filipino sa pagtuturo at pananaliksik. Bagama’t may mga
sumubok na, nananatiling palaisipan o sadyang ayaw tanggapin kung magiging
epektibo ba ito. Kadalasang dahilan ng ilan, posible naman na magamit ang Filipino sa
mga talakayan na tila ba pantulong na wika lamang ito at hindi ang pangunahing
instrument sa pagtuturo. Maaari daw ito sa mga pasalitang pagkakataon tulad ng mga
panayam at talakayan sa klase, subalit bumabalik na sa nakasanayang Ingles kung ito’y
pasulat na.

Filipino Bilang Wika ng Pagtuturo

 isang propesor ng pilosopiya sa Pamantasang Ateneo


Dr. Manuel Dy, Jr.
de Manila na nagbigay ng dahilan sa paggamit ng
Filipino upang ituro ang mga kurso sa agham panlipunan
at humanidades
 itinuro niya ang Filipino hindi lamang sa iisa kundi tatlo
pa
o Pilosopiya ng Tao
o Pilosopiyang Moral
o Pilosopiya ng Relihiyon

Sa karanasang ito napagtanto ni Dy na nararapat lamang na gamitin ang Filipino


sa pagtuturo ng Pilosopiya sapagkat may mga kaalaman na higit na maipapaliwanag
gamit ang wikang ito.

Nagawa niya:
paggamit ng Filipino sa loob ng klasrum
nagsalin din siya nga pinakamamahalagang teksto sa mga kursong
itinuturo niya
naglimbag ng mga babasahin
pinagamit sa mga talakayan
pinagamit sa pagsulat ang Filipino sa mga papel sa kurso ng mga mag-
aaral

Mga mungkahi ni Dy sa pagtuturo ng Pilosopiya sa Filipino:


 1. Huwag matakot na simulant ang paggamit ng Filipino
 2. Iwasan ang Taglish

GEC 11 | Caja Page 56


 3. Huwag matakot magkamali. Mas matuto sa pagkakamali.
 4. Matuto sa mga mag-aaral at kapuwa guro.
 5. Huwag mag-alinlangang humiram ng mga dayuhang salita kung walang
mahanp na salita sa Filpino. Napayayaman ang isang wika sa pamamagitan ng
paghiram mula sa ibang wika.
 6. Magbabad sa kulturang Pilipino.
 7. Isulat ang mga panayam sa Filipino at ipalathala ito.

Filipino Bilang Wika ng Pananaliksik

Isa sa mga palasak at di-siyentipikong argumento sa paggamit sa Filipino sa


mga intelektwal na diskurso ay ang pagrarasong hanggang sa pasalitang talakayan
lamang magagamit ito at hindi sa mga pasulat na sitwasyon, partikular sa mga
pananaliksik at iba pang kaugnay na publikasyon. Subalit dapat tandaan na ang totoong
kulang sa ganitong sitwasyon ay hindi ang kakayahan ng wika kung hindi ang
kakayahan ng taong gumagamit nito. Hanggat may mataas na antas na karunungan
ang gumagamit nito, kakayanin ng wika ang anomang pagdidiskursong gagawin,
pasulat man yan o pasalita.

GEC 11 | Caja Page 57


MGA TANONG
1. Ano-anong kurso ang nagamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo at talakayan sa
klase? Ginagamit din ba ang Filipino sa mga kurso mo rito sa kolehiyo? Sa anong mga
pagkakataon ninyo ito nagagamit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Sa mga klase mong Ingles ang pangunahing gamit bilang midyum ng instruksyon,
posible bang gamitin ang Filipino sa mga ito? Anong mga konsiderasyon kaya ang
dapat mong isaalang-alang o ng guro bago simulan ang paggamit nito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Magbigay ng isang kursong kinukuha mo sa larangan ng agham panlipunan, sining o


humanidades. Sa kursong ito, anong paksa ang maaari mong saliksikin na maisusulat
mo sa Filipino? Talakayin ng bahagya. Ibahagi ang naiisip na pamagat ng panaliksik.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Magpakita ng ilustrasyon kung paanong nagtatagpo ang paggamit ng Filipino sa


pagtuturo, paglilimbag ng mga pananaliksik, at materyales sa Filipino, at pagsasalin sa
Filipino para maisulong ang Filipino bilang pangunahing wika sa agham panlipunan,
humanidades, at mga kaugany pang larangan. Talakayin.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

GEC 11 | Caja Page 58


______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Saan nagkukulang ang maraming iskolar para makapag-ambag sa pagtatampok sa


Filipino bilang wika ng mga intelektwal? Bakit sa palagay mo nangyayari ito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Paano ka makapag-aambag sa popularisasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa


mga diskursong akademiko? Magmungkahi ng mga praktikal na hakbang.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

7. Sa iyong palagay kung magamit ang Filipino sa mga diskursong intelektwal, may
pakinabang baa ng mga gumagamit nito o ang komunidad sa kanilang kinabibilangan
sa aspektong kultural, ekonomiko, politikal, o sosyolohikal? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

MGA GAWAIN

Ang artikulong Kaya Nakikinig ang Lupa at Lumilipad ang Balita: Ang Tsismis sa
Lipunan ni Mar Athony dela Cruz (2014) ay isang kritikal na pagbasa sa tradisyong
tsismisan na di na lamang sa gilid-gilid at bahay-bahay nagaganap kung hindi
nagkakaanyo na ito sa antas pambansa dahil sa mga popular na bali-balita ukol sa mga
artista at politiko.

GEC 11 | Caja Page 59


Napapanahon ang pagbasa at pagmumuni sa pananaw ni Dela Cruz lalo na’t
maging ang pangulo ng bansa ay nahihilig sa paglalabas ng mga balita, pangalan, o
mga haka-haka na laging may kakambal na “diumano.” Napapanahon din ito dahil sa
pamamayagpag ng mga fake news na minsan kung di susuriin ng nagbabasa ay talaga
namang mapaniniwalaan ito.
Basahin at pagmunihan ang artikulo.

GEC 11 | Caja Page 60


YUNIT
VI Filipino sa Agham, Tekonolohiya,
Inhinyeriya, Matematika, at Iba
Pang Kaugnay na Larangan

LUNSARAN

Sa iyong palagay, may kakayahan bang makipagsabayan ang Filipino sa Ingles


bilang wika ng agham at teknolohiya?
Basahin ang artikulong “Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein: Isang
Pagsusuri sa Kahandaan ng Wikang Filipino sa Pagtalakay sa mga Paksa ng
Makabagong Agham” ni Feorillo Demetrio na nalathala sa isyu ng Malay Journal noong
2009.
Mga tanong:
1. Sa iyong pagbasa, ano ang iyong pananaw sa kahandaan ng Filipino bilang wika ng
makabagong agham?
2. Ano-anong kahinaang nakita mo sa paggamit ng Filipino sa diskursong agham?
3. Ano-ano naman ang mga kalakasan nito?

BABASAHIN
Ang siyentipiko at teknikal na larangan bilang akademiko o applied na disiplina
ay mga terminong madalas pinagpapalit lamang dahil itinuturing na iisa at di-iisa at di-
magkaiba. Sa ganitong pananaw, ang mga siyentipikong larangan, tulad halimbawa ng
medisina, ay tinitingnan din bilang isang teknikal na larangan sapagkat ang iba’t iba
nitong sangay ay maituturing na espesyalisado. Siyentipiko naman ito sapagkat ang
mga proseso na nagluluwal ng mga bagong kaalaman at konsepto ay dumaan sa
makaagham na pamamaraan at mga imbestigasyon. Kung gayon, nagkakaroon ng
pagtinging kapuwa siyentipiko at teknikal ang larangang ito.

teknikal - espesyalisado
medisina
siyentipiko – makaagham na pamamaraan

GEC 11 | Caja Page 61


Sa loob ng pagtalakay na ito, nais din nitong sipatin ang pagtatangkang pag-
ibahin ang dalawang naturang larangan, bagama’t kinikilala pa rin ang di-mapaghiwalay
na katangian ng iba’t ibang disiplina upang ituring na siyentipiko-teknikal.

Ang mga larangan sa siyensya ay kinabibilangan ng:


 pisika
 kemistri
 biolohiya
 at iba pa
kasama rin dito ang:
 parmasyutika
 medisina
 nursing
 iba pang kaugnay na disiplina

Ang mga larangan sa teknolohiya ay kinabibilangan ng:


 inhinyeriya
 agham kompyuter
 impormasyong panteknolohiya

Ang mga larangan sa tekniko-bokasyonal ay gawaing pangteknisyan tulad ng:


 aplayans
 gadget
 pagwewelding
 iba pang gawaing nangangailangan ng digring pangkolehiyo

Sa larangang siyentipiko-teknikal
Makitid ang espasyo nito kumpara sa naghahari pa ring kolonyal na wika –
Ingles.
Gayunpaman, unti-unting lumalakas at nagkakaespasyo ang wikang Filipino sa
mga larangang siyentipiko-teknikal. Bunga ito ng patuloy na pakikibaka at pagtataguyod
ng makabayang edukasyon ng mga akademiko’ iskolar, propesyonal at praktisyuner na
tunay na nagmamahal sa wika at bayan.

GEC 11 | Caja Page 62


INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG SIYENTIPIKO-
TEKNIKAL
ang intelektwalisasyon ay ang “pagpaksa ng mga
ideya sa pinakamataas na level sa akademiya”
(Gonzales 2005)
dagdag pa niya na sa pamama-
gitan nito ay hindi lamang nagagamit
ang wika sa pang-araw-araw na
ordinaryong talastasan kung hindi
sa matatalinong diskurso sa paaralan

dahil dito, nagkakaroon ng pagkatuto sa


isang paksa para magamit sa mataas na
lebel ng intelektwal na paggagamitan nito
at maging sa mga abstraksyon ng
kongkretong realidad

Sa paglalarawan ni Constatino (2005), ang inelektwalisasyon ay:


… sakop ng tungkulin ng estado ng sining ng disiplinang iyon sa lipunan
at sa akademikong komunidad na gumagamit ng wika. Hangga’t hindi nagkaugat
ang intelektuwal na disiplina sa isang lipunan, ang paggamit ng espesipikong
disiplina ay maaaring hindi magkaroon ng kultibasyon sa lipunang iyon.

Dito inihahayag ang konsepto ng intelektwalisasyon na karaniwang binibigyang


kahulugan bilang paggamit ng wika sa mas mataas na antas kaysa ordinaryong
paggamit na karaniwan ay sa akademya.

Sa paliwanag ni Zafra:

Nakatuon ang intelektwalisasyon ng wika sa controlling domain o


napakahalagang larang ng paggamit ng wika. Sinasabing ang wika, upang
magamit sa napakahalagang larang ay dapat namaging intelektwalisado. Ito ang
paliwanag kung bakit baluktot ang katuwiran ng mga kontra-Filipino sa
pagsasabing hindi na dapat ituro ang wikang pambansa lalo’t malaganap na ito’t
nauunawaan ng marami. Ang dapat linawin, magkakaiba ang gamit ng wika sa
bawat larang. Sa paliwanag ng lingguwistaa, may natatangi at sariling register
terminolohiya, retorika, kumbensyon – ang wikang ginagamit sa napakahalagang
larang tulad ng akademya.

GEC 11 | Caja Page 63


Proseso sa Intelektwalisasyon ng
Wika sa Larangan ng Akademya:
Gonzalez (2002)

linggwistiko ekstra-lingguwitiko

kabilang dito ang paagdebelop ng - pagbuo ng creative minority o signifi-


estandardisadong anyo ng wika na cant others o ang mga intelektwal na
magagamit sa pagdebelop ng aka- ng disipulo na magsisimulang gumamit
demikong diskurso ng mga teknikal na bokabularyo, termi-
nolohiya, at ng estilo o retorika at
pagpapalaganap nito sa pamamagitan
ng pagsulat, paglalathala at pagtuturo.

Tatlong proseso na nagpapadali ng intelektwalisasyon ng Filipino:

1. pagsasalin
2. pagtuturo gamit ang filpino
3. pagbuo ng mg aklat

FILIPINO BILANG WIKA NG PAGTUTURO AT PANANALIKSIK:

Tatlong Mahalagang Bagay sa Pagtuturo ng Kaalaman

1. kaalaman ng guro kung ano ang itinuturo

2. kaalaman niya kung paano sasabihin

3. kung naiintindihan ng mga estudyante ang kanilang


sinasabi

GEC 11 | Caja Page 64


Dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, maraming mga pag-aaral na
nagpapatunay ng pagiging epektibo ng paggamit ng unang wika sa pagtuturo.

Lumabas sa pag-aaral na nanguna sa matematika at agham ang mga bansang


gumagamit ng sariling wika bilang panturo tulad ng:
o Singapore
o Hongkong
o South Korea
o Japan
o Belgium
o Netherlands

Nasa dulo naman ng listahan ang bansang gamit sa pagtuturo ay Ingles katulad
ng:
o South Africa
o Pilipinas

Filipino sa Agham

 isang doctor ng medisina at isang kuwentista


Luis Gatmaitan  nagsulat ng mga aklat-pambatang tumatalakay at
nagtuturo ng mga konseptong pang-agham
 orihinal na nasulat sa wikang Filipino ang mga kuwento
ngunit may salin sa wikang Ingles

binabasag ng katotohanang ito ang mga


haka-hakang hindi kailan man mabisang
magagamit ang Filipino bilang wika ng
mga intelektuwal na diskurso sa Agham
 ilan sa mga kuwento niya:
o Nang Maghasik ng Lagim si Lolit Lamok (1999)
o Ay! May bukbok ang NGipin ni Ani! (2000)
o Aray, Nasugatan Ako (2001)
o Aba, May Baby sa Loob ng Tiyan ni Mommy (2001) – tumatalakay sa
yugto ng pagbubuntis na ginawaran ng Best Short Story fof Children
o Naku, Ang Pula ng Mata Ko (2002)
o Aha, May Allergy Ka Pala! (2010)
o Dyaran! Ang Kambal na Hebigat! (2017)

GEC 11 | Caja Page 65


Epektong Biyolohiko ng Ekstrakto ng Dahon ng Atis sa Bilig ng Puto
-samantalang pinatunayan naman nito na maging sa biyolohiya, kung talagang
puspusang gamitin ang Filipino kahit sa anyong pasulat ay mabisa rin

Dr. Fortunato Sevilla -tumatak ang kanyang pangalan sa maraming kuwento ng


paggamit ng Filipino sa pagtuturo.

-isa ring tagapagtaguyod ng Filipino at gumagamit nito sa


Prop. Earl Sumile kanyang pagtuturo at napatunayan niyang kasing-epektibo
lamang ng Ingles ang Filipino sa pagtuturo niya sa nursing

-kahit saang larangan tulad ng inhinyeriya, nursing,


Dr. Maria Fe Israel
parmasyutika, teknolohiyang medical, medisina, arkitektura,
pisika, at iba pa ay magagamit ang Filipino

Filipino sa Teknolohiya at Agham Kompyuter

Sa pag-aaral ni Ravina (2016), detalyado niyang tinalakay ang sitwasyong


pangwikang Filipino sa araling kompyuter. Ayon sa kanya, may mga instruktor at
propesor na gumagamit ng Filipino sa pagtuturo ng computer science at information
technology. Sa mga kursong tulad ng programming, systems analysis and design,
software engineering, data communication, automata and computability theory at iba pa
ay malayang nagagamit ng ilang mga propesor ang Filipino sa kanilang mga lektura.

Sa ganitong gawain, napatutunayan na ang paggamit ng Filipino sa mga teknikal


na kursong ito ay nakapagpapahusay sa mga estudyante hindi lamang sa
pakikipagtalakayang intelektuwal kundi sa pagkaunawa sa mga konsepto at sa
pagtatamo ng mga kakayahang kaugnay ng disiplina.

Filipino sa Inhinyeriya at Matematika

 ang kanyang karanasan ay isang patunay na maging


inhinyeriya ay magagamit din ang Filipino. Ginamit niya ang
Filipino sa mga pagtalakay sa loob ng klase at dito
Rosemay Seva
nabigyang-buhay ang klase at tumaas ang interes ng mga
estudyante.
 maliban dito ay nakapag-ambag siya ng mahahalagang
mungkahi upang lalo pang mapalawak at mapaigting ang
paggamit ng Filipino sa larangan.

GEC 11 | Caja Page 66


1. upang hindi na mahirapan pa habang wala pang
salin sa Filipino ang mga termino, angkinin na lamang
ito ng buo.
2. kailangan sanang may magsulat ng mg aklat sa
inhinyeriya nan aka-Filipino
3. hikayatin ang mga guro na gumawa ng mga
pananaliksik sa wikang Filipino

Mga Disenyo sa Logic at Digital Computer Circuit – aklat pang-inhinyeriya na


kinukuha ng mga estudyante ng computer engineering at electronic and
communications engineering. Naglalaman ito ng masinsing pagtalakay sa lohika at
circuitry ng kompyuter. Napapaloob dito ang pagdaloy ng kuryente at kung paano nito
napapagana ang makina.

Tumbasang Differential: May Aplikasyong Pang-inhinyeriya – ito ay isa sa mga


higher mathematics na kakailanganin sa mga programang pang-inhinyeriya na
naglalahad ng mga theorem at konsepto at ang aktuwal nitong aplikasyon sa mundo ng
inhinyeriya.
Samantala, pangkaraniwan na ang pagtuturo ng matematika gamit ang Filipino
sa elementarya at sekundarya. Ang mga konsepto sa Ingles ay pinanatili, subalit
madalas nagiging pangunahing wika na at hindi lamang pantulong ang Filipino sa loob
ng klasrum. Ngunit hindi pangkaraniwan ang ganitong senaryo sa mga pamantasan
kung saan Ingles ang wika ng pagtuturo sa matematika.

Sa ilang kaso sa UP at DLSU, itinuro ang matematika gamit ang Filipino.

UP nagturo si Prop. Danilo Yanga ng matematika gamit ang Filipino

mula rin dito si John Pellas na inimbitahan sa kongreso upang talakayin ang kaniyang
adbokasiya sa pagtuturo ng matematika gamit ang Filipino. Nagpakitang-turo rin
siya sa Calculus at tunay ngang intelektwalisado ang Filipino sa matematika.

DLSU itinuro naman ni Prop. Lea Soriano ang Matematika ng Pamumuhunan sa


Filipino. Bagama’t maraming hamon, naiposisyon ng mga propesor na ito ang Filipino
bilang intelektwal na wika sa matematika.

Ang mga halimbawang ito ay mangilan-ngilan lamang sa mga naitalang


paggamit ng Filipino sa larangan ng inhinyeriya at matematika, subalit hinuhugis nito
ang hinaharap ng Filipino sa larangan. Patunay ang mga ganitong pagkakataon na
kayang itawid ang mga kaalaman sa inhinyeriya at matematika gamit ang Filipino at

GEC 11 | Caja Page 67


produkto lamang ng kolonyal na pag-iisip ang di-siyentipikong datos ang pagsasabing
sa Ingles lamang maituturo ang mga naturang kurso sa sistemang pang-edukasyon.
Gayundin, nagsisilbi itong hamon at paalala sa bawat guro at estudyante na nasa
kanilang mga kamay ang patuloy na pagpapaunlad sa Filipino bilang wikang intelektwal.

Filipino sa Larang na Tekniko-Bokasyonal

Bago pa man ipatupad ang K-12 kurikulum, marami nang mga eskuwelahan para
sa kursong tekniko-bokasyonal. Sa katunayan, ito ang kinukuha ng mga wala nang
balak magkolehiyo o ng mga estudyanteng di kayang tustusan ang pag-aaral.

Sa katulad na kurso, dahil karaniwang di nakatapos ng sekundarya o katatapos


lamang ang mga kumukuha nito, ang wika sa lugar ng eskuwelahan ang ginagamit
bilang wikang panturo. Nagiging mas natural kasi ang ganitong set-up at mas madaling
nauunawaan at nasasany ang mga estudyante sa mga kasanayang dapat matutuhan.

Sa maraming pagkakataon, nakitaan ng laganap at matagumpay na paggamit ng


Filipino sa mga pagsasanay sa
a. pagkabarista
b. hotel and restaurant services
c. welding
d. computer repair and servicing
e. cookery
f. housekeeping at iba pa
Dahil dito, madaling nagkakaroon ng kasanayan sa napiling larangan ang mga
estudyante. Senyales ito ng isang epektibong paggamit ng akmang wika upang mas
lubos ang pagkatuto ng isang kasanayan.

PROSESO, LAYON, AT HALAGA NG PAGSASALING SIYENTIPIKO AT TEKNIKAL

Dalawang Uri ng
Pagsasalin:

Pagsasaling Pagsasaling
Teknikal at Siyentipiko Pampanitikan

GEC 11 | Caja Page 68


siyensyang pangkalikasan at kasama dito ang pagsasalin ng
teknolohiya pormal na sanaysay, feature
articles, agham panlipunan,
tekstong pambatas, disiplinang
akademiko, at mga katulad na
larang

Mga (Panukalang) Hakbang sa Pagsasalin


(Almario):
Pagsasalin:

1. Pagtutumbas mula sa Tagalog/Pilipino o mula


sa katutubong wika ng Pilipinas

2. Panghihiram sa Espanol

3. Panghihiram sa Ingles; pagbabago sa baybay


o pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles
Pagsasalin:

4. Paglikha

GEC 11 | Caja Page 69


1. Malawak
na kaalaman
sa tekstong
isasalin.
2. Mayamang imahinasyon
upang mailarawan sa isipan
Mga Katangiang ang mga kasangkapan o
Dapat Taglayin prosesong tinatalakay
ng Isang 3. Katalinuhan upang
Tagasalain mapunan ang mga
nawawala at/o
malalabong bahagi sa
orihinal na teksto

4. Kakayahang
makapamili at
5. Kasanayang makapagpasya sa
gamitin ang pinakaangkop na
pinagsasalinang terminong katumbas
wika nang may mula sa literatuta ng
6. Karanasan sa kalinawan, mismong larangan o sa
pagsasalin sa katiyakan, at diksyunaryo
mga kaugnay bisa.
na larangan o
disiplina

Mga Pamamaraan sa Pagsasaling siyentipiko:

1. saling-angkat (direct borrowing)


2. saling paimbabaw (surface assimilation)
3. saling-panggramatika (grammatical translation)
4. saling-hiram (loan translation)
5. saling-likha (word invention)
6. saling-daglat (abbreviated word)
7. saling-tapat (parallel translation)
8. saling-taal (indigenous oriented translation)
9. saling-sanib (amalgamated translation)

GEC 11 | Caja Page 70


Kung maisasalin lamang sa wikang mas mauunawaan ng mga mamamayan ang
mga teknikal at siyentipikong dokumento upang magamit sa pag-aaral ng iba’t ibang
kaalaman, mas tataas ang antas ng kasanayan ng mga estudyante at higit na
magiging maunlad ang disiplinang kanilang kinabibilangan. Mangyayari ito kung ang
mga propesyunal at espesyalista, kasama ang mga akademista ay magpapatuloy sa
paggamit ng Filipino bilang wika ng kani-kanilang mga larangan.

GEC 11 | Caja Page 71


MGA TANONG
1. Sa anong mga pagkakataon nagagaamit ang Filipino sa intelektwal na
pamamaraan? Maliban sa mga nabanggit, mayroon pa bang maaring paggamitan
nito sa larangan ng Agham at teknolohiya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Nakita mula sa mga halimbawa at pag-aaral na nagagamit nang mahusay,


bagama’t limitado pa, ang Filipinosa Agham at Teknolohiya. Paano kung gayon ang
dapat na lapit sa intelektwalisasyon nito? Mula sa mga ahensya ng gobyerno,
halimbawa ay CHED o kongreso, patungo sa mga gumagamit (estudyante,
propesor, propesyonal) o mula sa mga gumagamit nito pataas sa may mga
katungkulan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Magbigay ng mga dokumento at/o sitwasyon na personal mong naranasan/nakita


ang paggamit ng Filipino sa mga diskurso siyentipiko-teknikal. Ano angpagtaya mo
sa karanasang ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Paano makatutulong ang pagsasaling siyentipiko at teknikal sa layuning


intelektwalisasyon ng Filipino? Dapat bang magkaroon ng kasanayan dito ang mga
propesyonal?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

GEC 11 | Caja Page 72


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Paano ka makapag-aambag sa patuloy na pagtatampok sa Filipino sa isang


larangang dinidominahan ng kolonyal na wikang Ingles? May saysay ba ang
ganitong maliliit na hakbang?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

MGA GAWAIN
Isalin sa Filipino ang sumusunod na mga pahayag mula sa manwal ng isang brand
ng laptop.

Orihinal na Pahayag Salin sa Filipino


1. Provides important information

2. Never allow a battery pack to become


wet

3. Disposed of used battery pack

4. Indictes a potentially hazardous


situation which, if not avoided, could
result in death or serious injury

GEC 11 | Caja Page 73

You might also like