You are on page 1of 21

PAGTAAS NG BILANG

NG MGA

ESTUDYANTENG NAKAKARANAS NG STRES

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kagawaran ng Filipino

Bestlink College of the Philippines

Quirino, Hi-way, Novaliches, Quezon City

Bilang bahagi ng pangangailangan sa Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina

Ipinasa nina:

Awid, Joanna Patricia M.

Jandog, Angelica N.

Ladim, John Carlo F.

Disyembre 2021
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto ng mga


kailangan para sa asignatura ng Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina. Ang Pananaliksik
na ito ay pinamagatang Pagtaas ng Bilang ng mga Estudyanteng Nakakaranas ng
Stres sa taong 2021-2022 na inihanda nina Joanna Patricia M. Awid, Angelica N.
Jandog at John Carlo F. Ladim.

Gn. Severino Dela Cuesta Petsa


Dahon ng Pasasalamat

Maraming salamat sa pagiging bahagi ng pananaliksik na ito. Dahil dito ay


nadagdagan pa ang aming kaalaman tungkol sa stres lalo na ang pinagmulan kung
bakit tayo nakakaranas nito. Nawa’y magkaroon din ang ibang estudyanteng gaya
namin na magkaroon ng malawak na pag-unawa sa salitang “Stres”.

Kay Ginoong. Severino Dela Cuesta, ang aming natatanging guro sa


asignaturang Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina, kami ay nagpapasalamat sa inyong
pagbibigay gabay sa amin upang masimulan at matapos ang pananaliksik na ito.
Maraming salamat din sa suporta at pagganyak sa amin, dahil nagkakaroon kami
ng kaalaman sa mga itinuturo niya.

Sa Bestlink College of the Philippines na aming pangalawang tahanan, nais


naming magpasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sa’min. Aming kinalulugod
na makapag-aral sa isang institusyon na tinutulungan kaming maging propesyonal
sa kahit anong aspeto.

Para sa aming mga magulang, kami ay lubos na nagpapasalamat sa pag-


intindi sa’min at sa pagtulong sa pinansyal na pangangailangan upang maisagawa
ang pananaliksik na ito.

At sa huli, nais din naming magpasalamat ng taos puso sa Diyos Ama dahil
sa ibinigay niyang lakas sa amin upang magawa ang pananaliksik na ito. Kahit na
kami ay pagod at natatambakan ng mga gawain sa eskwelahan, ay ginabayan at
ginawang matatag sa lahat ng suliraning hinarap habang ginagawa ito.
ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Bestlink College of the Philippines

Adres: Quirino Highway Novaliches Quezon City

Pamagat: Pagtaas ng Bilang ng nga Estudyanteng


Nakakaranas ng Stres

Awtor: Joanna Patricia M. Awid

Angelica N. Jandog

John Carlo Ladim

Degri: BS Hospitality Management

Sinimulan: Nobyembre 2021

Natapos: Disyembre 2021


MGA NILALAMAN

KABANATA I

Introduksyon ………………………………………………………… 1

Layunin sa Pag-aaral ………………………………………………… 2

Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………………………… 2

Saklaw at Limitasyon ………………………………………………... 3

Depinisyon ng mga Terminolohiya ………………………………….. 3

KABANATA II

Lokal na Pag-aaral at Literatura ……………………………………… 4

Dayuhang Pag-aaral at Literatura …………………………………….. 5

Sintesis ……………………………...………………………………… 6

KABANATA III

Metodolohiya ng Pag-aaral ………………………………….……….. 7

Kaligiran ng Pag-aaral ………………………………………….……. 7

Mga Respondante ……………………………………………...…….. 7

KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ………………………. 8

KABANATA V

Lagom ………………………………………………………………. 15

Konklusyon …………………………………………………………. 15

Rekomendasyon …………………………………………………….. 16
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Sa ating makabago at modernong panahon ngayon, maraming kabataan


ang nakakaranas ng “stress” na hindi gaya ng dati sa makalumang panahon.
Maraming kabataan noon ang masaya, tahimik at maayos ang pamumuhay.
Subalit ngayon, marami ng kabataan ang lugmok sa problema na nakaka-
apekto sa kanilang pag-aaral. Kung noon ay maraming kabataan ang nagpu-
pursige sa kanilang mga pag-aaral, ngayon na ma’y tila walang gana at
kadalasa’y nagiging dahilan pa ang edukasyon para makitil ang sarili nilang
buhay. Ayon kay George Eastman, “Ang pag-unlad ng mundo ay lubos na
nakasalalay sa edukasyon.” Ngunit paano kung ang mga mag-aaral ay
mawalan ng aktibidad na mag-aral dahil ang pag-aaral mismo ang isa sa
nagiging dahilan upang sila’y mawalan ng aktibidad sa buhay? U-unlad pa rin
ba ang ating mundo kung ang edukasyon mismo ang nagiging dahilan upang
masira ito? Maraming kabataan ngayon ay mabilis na sumuko sa buhay, hindi
dahil sila’y mahina kundi dahil labis na ang nagiging epekto ng kanilang mga
pinagdaraanan sa kanilang isip. Ang lahat ay nakakaranas ng “stress” at para
sa iba ay normal na ito. Ang “stress” ay kadalasang nagiging sanhi upang
tayo’y maging balisa at malungkot. Maraming dahilan kung bakit naii-stress
ang isang tao, maaaring sa kahirapan at sa pamilya o mga kaibigan.

Isa sa mga kadalasang problema ng mga estudyante ay ang “stress.” Hindi


mai-pagkakailang maraming mga kabataan ngayon ang lunod sa malalimang
pag-iisip. Ang stress ay maaring maging sanhi ng depresyon na maaaring
lumala at maging pangunahing dahilan nang pagpapatiwakal ng isang tao. May
dalawang uri ng stress. Ito ay ang Eustress at ang Distress. Ang Eustress ay isa
raw good stress na kung saan maaari kang magkaroon ng motibo o ganahan na
gawin ang iba’t-ibang mga bagay. Ang Distress naman ay kabaliktaran ng
Eustress, ito’y nakaka-apekto ng masama o hindi maganda sa ating buhay at
kalusugan. Kadalasan sa mga kabataan ngayon, halos lahat ay nakakaramdam
ng Distress o mga hindi magandang epekto na nag-uudyok sa kanila upang
sumuko sa buhay.

Sa henerasyon natin ngayon, masyado nang na-aapektuhan ang mga kabataan


at dumarami ang kaso ng ganitong problema. Kaya’t sa pag-aaral ng
Page |1
pananaliksik na ito, matutukoy ang solusyon sa ganitong sitwasyon at
mabibigyang linaw ang mga mambabasa na mahalaga ang kalusugan
pangkaisipan(mental health) ng bawat isa.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay-impormasyon hinggil sa pagtaas ng


bilang ng mga estudyanteng nakakaranas ng stress at nais sagutin ang mga
sumusunod na tanong:

1. Bakit dumarami ang nakakaranas ng stress?

2. Anu-ano ang sanhi ng stress?

3. Paano matutugunan ang suliraning stress lalo na sa mga kabataang


naaapektuhan nito?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga


sumusunod:

- Sa mga mag-aaral, naniniwala ang mga mananaliksik na sa


pamamagitan ng pag-aaral nito makakatulong ito upang matukoy kung
paano mabibigyan ng solusyon o maiiwasan ang stress na kanilang
nararamdaman.

- Sa mga magulang, makakatulong ito upang malaman nila kung paano


matutulungan ang kanilang mga anak na nakakaranas ng stress at upang
malaman din nila ang sanhi/pinagmulan ng problema na may malaking
epekto sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

- Sa mga guro, makakatulong ito upang magkaroon sila ng kamalayan


at matukoy kung ang isa ba sa kanilang mga estudyante ay nakakaranas
ng stress o pagka balisa upang mabilis na mabigyang lunas o aksyon
ang ganitong pangyayari.

Page |2
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtaas ng bilang ng mga
estudyanteng nakakaranas ng stress.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga kolehiyong nakakaranas ng


stress. Umaasa ang mga mananaliksik na matugunan ang suliranin at
mabawasan ang pagtaas at magkaroon nang agarang solusyon upang
malutas ang problema. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong hindi
lamang sa mag-aaral at magulang, pati na rin sa mga susunod na
mananaliksik.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang magkaroon nang madaling pagkaunawa at maging pamilyar ang


mga mambabasa sa mga katagang ito, minabuti ng mga mananaliksik
na ibigay ang kahulugan ng mga ito ukol sa paraan ng paggamit sa
pamanahong-papel na ito.

Ang Stress ay isang uri ng karamdaman na kung saan nakararamdam


tayo ng pagkabalisa,takot,kaba,pagkabigo at kung minsan ay nauuwi pa
sa depresyon na kung hindi maaagapan ay lubhang dilikado sa taong
nakararanas nito.

Ang Eustress ay isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na


pamumuhay, dahil ang mabigat na halaga ng stress ay nag-uudyok sa
atin, hinihikayat tayo na hamunin ang ating sarili, at hikayatin ang
pagiging produktibo.

Ang Distress ay isang estado ng matinding kalungkutan, pagdurusa, o


sakit.

Ang Depresyon ay isang sakit sa pag-iisip na kumbinasyon


ng panlulumo o lubhang pagkalungkot, mababang pagtingin sa sarili, at
kawalan ng interes sa mga nakasisiyang gawain.

Ang Kalusugan pangkaisipan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng maayos na


pag iisip. Dito kabilang ang pang unawa ng isang tao sa mga pangyayari. Kung
ito ay malusog, mas magagamit natin ang ating isip. Mental health ang tawag
dito sa Ingles. Mahalaga ito dahil ang ating isip ay mahalagang salik sa ating
paggawa.
Page |3
KABANATA ll

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Lokal na Pag-aaral at Literatura

Hindi mawawala sa buhay ng tao ang pagkahapo o stress. Marami sa


atin ang nakararanas nito sa pang-araw-araw. Kahit saan man magtungo,
maaari natin itong maharap. Maraming dahilan ang bawat isa sa pagkahapo.
Pupwedeng hindi kumportable ang isang sitwasyon para sa iba, ngunit maging
maayos naman para sa kanila. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri
atsanhi ng pagkahapo na nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri
at dapat nating tuklasin ang mga sanhi at kung ano nga ba talaga ang
pagkahapo.

Nakakaranas din ang mga bata ng stress. Lalo nasa paaralan dahil
binubully sila. Ang iba ay bigtima ng pisikal, seksuwal o emosyonal na pang
aabuso. Maraming nakaka ranas ng stress dahil sa pag-aaral. Ang iba
nahihirapan sa sitwasyon ng kanilang pamilya dahil sap ag hiwalay ng kanilang
pamilya. Ang sarili. Hindi naman makontrol ng ilan ang kanilang emosyon.
Kailangang matulungan agad ang mga batang nai-stress (JW.org, 2019)

Sa pamumuhay natin ngayon, di mawawala ang stress dahil hindi


mawawala ang pangangailangan natin sa edukasyon, lalona’t ito ay isa ito sa
pinaka mahalagang bagay upang mag karoon ka ng magandang trabaho.
Kailangan rin natin ngedukasyon dahil ito ay nagsisilbing tulaysa ating mga
pangarap sa buhay. Paramagawa natin iyon, Sa dami pa ba naman kaya ng mga
gawaingibinibigay sa atin ng ating mga propesor, mapapa isip ka makakayanin
ba natin tapus kahit kulang tayo sa oras dahil ang Kalaban pa naman natin ang
oras dahil kakaunti lamang ang nailaan na oras sa atin paraiyon ay tapusin.
pagkahapo Meron ding tayong mga responsibilidad sa ating pamilya; kaya
kailangannating maglaan ng oras para doon. alo tayong mahihirapan sa ating
mga gawain kapagnagpakita na ang mga problema sa atin. Sa pinansyal man
iyan, sa pamilya, sa pag-aaral, o sakung ano pa, ay talagang nakakaabala and
nakakabuhol sa utak natin. nararamdaman niyo bakung gaano kahirap
maghawak ng ganung tungkulin ng sitwayon na iyon ay tinatawagnating stress
o pagkahapo

Gumagawa ng kanilang mga libangan para mabawasan angkanilang


paghapo na ang iba ay nakikinig ng mga kanta upang makalimutan muna nila
Page |4
kahit sandalang kanilang mga Gawain na ang tumitingin ng mga bagay-bagay
sa internet para mawala ang paghapo na ang may ibang mga pamamaraan para
mabawasan ang paghapo na ang nagpapahinga, natutulog, o umiidlip upang
maipahinga angkanilang utak sa mga patong-patong na Gawain na katao ang
kumakain para magkaroon ng enerhiya sa mga susunod na Gawain na ang
nakikipagkwentuhan na lamang sa kanilang mga kaibigan o pamilya (Cofer, C
N & appey, M. H. 1964).

Dayuhang Pag-aaral at Literatura

Ang stress ay isang pangkalahatang tugon ng katawan sa isang nagbabantang


sitwasyon. Ang mga natuklasan ay nagpapakita rin na ang mga bagay tulad ng
mga salungatan, pagbabago sa buhay at presyon, ay bukod sa iba pa, ang mga
sanhi ng stress. Ang mga natuklasan ay nagpapakita rin na ang mga bagay tulad
ng mga salungatan, pagbabago sa buhay at presyon, ay bukod sa iba pa, ang
mga sanhi ng stress. Ang deploma ay nagtapos na ang mga mag-aaral ay
nakakaranas ng maraming mga problema na nagdudulot ng stress tulad ng hindi
planadong pagbubuntis, problema sa pamilya, problema sa paaralan at sakit.
Napagpasyahan din na ang mga mag-aaral ay pinipilit ng kanilang mga
kaibigan na gawin ang ilang mga bagay tulad ng pagpunta sa night club, na
kung saan sila ay pumunta dahil kung ano ang dapat makilala ng kanilang mga
kaibigan. Dapat irekomenda na ang unibersidad ay magbigay ng pagpapayo
para sa mag-aaral na nahaharap sa mga problemang pang-akademiko,
pinansyal at panlipunan. Ang departamento ng unibersidad tulad ng sikolohiya
ay dapat ding magsagawa ng mga workshop para sa pagtuturo sa mga mag-
aaral tungkol sa stress, mga sintomas nito, mga sanhi at paraan ng pagtulong sa
mga taong may stress
(M. Madzhie, 2015).

Ayon kay Drrubaba Azim, ang 2019 narito ay isang ugnayan sa pagitan ng
pang-akademikong presyon at pagkabalisa sa pag-iisip sa mga mag-aaral sa
kolehiyo. Sa pag-aaral na ito nina Azim at Baig, 2019, ang mga pangunahing
alalahanin na binanggit ng mga mag-aaral sa ikalawang yugto ng
pananaliksik ay nauugnay sa mga isyung pang-akademiko. Ang mga mag-
aaral sa populasyon ay nagreklamo din ng mga mahihirap na pamumuhay,
krisis sa pananalapi, kakulangan ng mga serbisyong pangsuporta para sa
pamamahala ng stress, at kakulangan ng mga pasilidad sa pisikal at libangan.
Ang mga pagbabago sa kurikulum tulad ng pagbabawas ng bilang at tagal ng
mga lektura, pagtaas ng mga aktibidad ng maliliit na grupo, at pre-scheduling
na mga pagsusulit ay ilang mga pagpapagaan ng pagkabalisa sa pag-iisip sa
mga mag-aaral gaya ng iminungkahi. Ang mga mag-aaral ay humiling din ng
mga serbisyo ng suporta sa loob ng kanilang mga institusyon.

Page |5
Ang stress ay maaaring humantong sa panic o pagkabalisa kung ang isang tao
ay nagdidirekta ng kanilang mga anticipatory action na proseso nang tama
ang tugon sa stress ay maaaring maging kapaki-pakinabang na ilagay ang
katawan at utak ng tao sa isang pinakamainam na posisyon upang maisagawa
ang isang gawain o harapin ang isang sitwasyon (Crum et al, 2013).
Halimbawa, maaari itong mapahusay ang kaligtasan sa sakit (Dienstbier,
1989) at maaaring baguhin ang isang tao para sa mas mahusay (Crum et al,
2013). Sapagkat ang isang tao ay maaaring makaramdam ng pagkabalisa
maaari itong magresulta sa paglago na may kaugnayan sa stress kung saan
ang mga nakababahalang karanasan ay maaaring mapahusay ang mas mataas
na kamalayan ng isang tao, mas malalim na mga relasyon, higit na kahulugan
ng kahalagahan at isang higit na pagpapahalaga sa buhay (Park at Helgeson,
2006). Itinuro ni Crum et al (2013) na mahalagang tukuyin ang mind-set ng
isang tao na nagpapakilala kung mayroon silang "stress-is enhancing" (p.717)
mind-set o "stress is debilitating" (p.717). ) mind-set. Ang pag-ampon ng
isang partikular na mind-set, samakatuwid, ay maaaring maka-impluwensya
sa pag-uugali, sikolohikal, at pisyolohikal na mga kinalabasan. Sa kabila ng
mind-set at pagtitiwala ng isang tao na makayanan ang mga partikular na
nakababahalang karanasan, mayroong isang kritikal na punto kung saan ang
stress ay maaaring maging debilitating (Alpert at Haber, 1960).

Sintesis

Ang stress o pagkahapo ay normal na reaksiyon ng katawan ng tao tungo sa


mga pangkalabasan o pangkaloobang krisis o sitwasyon. Hindi mawawala sa
buhay ng tao ang pagkahapo o stress. Marami sa atin ang nakararanas nito sa pang-
araw-araw. Kahit saan man magtungo, maaari natin itong maharap. Maraming
dahilan ang bawat isa sa pagkahapo. Pupwedeng hindi kumportable ang isang
sitwasyon para sa iba, ngunit maging maayos naman para sa kanila. Hindi dapat
nating isipin na iisa lang ang uri atsanhi ng pagkahapo na nararanasan ng lahat.
Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang mga sanhi at kung ano
nga ba talaga ang pagkahapo.

Page |6
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PAG-AARAL

Metodolohiya ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng sarbey-kwestyon kung saan


maaari sila mamili sa pagpipilian kung anu-ano ang mga nararamdaman at
ano ang dahilan ng kanilang stress at kung ano pang mga datos na
kakailanganin sa pananaliksik.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay namili ng mga seksyon mula sa pangalawang


baitang ng kolehiyo sa Bestlink College of the Philippines na kasalukuyang
nakakaranas ng stress.

Mga Respondante

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondante mula sa kursong


Bachelor of Science in Hospitality Management, sa ikalawang taon na galing
sa iba’t-ibang seksyon. Sa kabuuan ay may 50 na respondante.

Seksyon Lalaki Babae Kabuuan

BSHM2101 5 5 10

BSHM2102 5 5 10

BSHM2103 5 5 10

BSHM2104 5 5 10

BSHM2105 5 5 10

Kabuuan 25 25 50

Page |7
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay ipapakita ang mga nakuhang


datos mula sa mga respondante. Ipapaliwanag din ng mga mananalik ang mga
nakuhang impormasyon hinggil sa mga ibigay nilang katanungan tungkol sa
nararanasang stress. Makikita sa mga susunod na presentasyon ang mga
resulta sa isinagawang sarbey ng mga mananaliksik.

Talahayan I

Ipinapakita sa talahayan na 68% ng mga estudyante ay kasalukuyang


nakakaranas ng stress, 30% naman ang mga estudyanteng nakakaranas ng
stress minsan at mayroong 2% na hindi nakakaranas ng stress.

Page |8
Talahayan II

Ipininapakita sa talahayan kung gaano kadalas makaramdam ng stress ang


mga estudyante. 66% ng mga estudyante ay palaging nakakaramdam ng stress
at 34% naman ng mga estudyante ang nakakaramdam ng stress minsan.

Talahayan III

Ipininapakita sa talahayan na 60% ng mga estudyante ay madaling


makaramdam ng stress, 36% naman ang minsan ay madaling makaramdam
ng stress at 4% naman ang hindi madaling makaramdam ng stress.

Page |9
Talahayan IV

Sa Talahayang ito, ipinapakita ang mga sanhi ng stress sa mga estudyante.


Dito ay makikitang malaki ang porsyento ng mga estudyante na nakakaranas
ng stress dahil sa mga “Gawain sa Eskwelahan” na mayroong 82%, sumunod
ang sanhi na “Pera” na may 62%. Ang “Pamilya” naman ay may 50%, sa
“Sosyal Midya” naman ay 28% at mayroong 18% sa “Kaibigan”, meron ding
6% na iba pang dahilan ng kanilang stress gaya ng problema sa buhay pag-
ibig.

Talahayan V

P a g e | 10
Sa talahayang ito, ipinapakita ang mga sintomas ng stres sa kanilang pag-
uugali na kanilang nararanasan na maaaring makaapekto sa kanilang pag-
aaral. Mayroong 60% ng mga estudyante ang “Hirap sa paggawa ng
desisyon”, 52% naman sa “Kawalan ng gana sa pakikipag-usap”, ang
“Pagiging makakalimutin” ay mayroong 44% sa “Kawalan o pagtaas ng gana
kumain” naman ay mayroong 38% at sa huli ay “Madalas na pagkabalisa” na
kung saan mayroong 36%.

Talahayan VI

Sa talahayang ito, ipinapakita ang porsyento ng mga estudyanteng


nakakaranas ng sintomas ng stres sa kanilang emosyon. Makikita sa talahayan
na 60% ng mga estudyante ay nakakaramdam ng “Pagiging Iritable”,
sumunod naman ang pagkaramdam nila ng “Labis na pagkagalit o
pagkalungkot” na may 56%. Sa “Mood Swings” naman ay mayroong 52%.
44% naman ang mga nakakaranas ng “Labis na reaksyon sa maliit na bagay”
at sa huli, 34% ng mga estudayente ay nakakaranas ng “Madalas na pag-iyak”

P a g e | 11
Talahayan VII

Sa talahayang ito, ipapakita ang porsyento ng mga estudyanteng may


sintomas ng stres sa kanilang pisikal na pangangatawan. Makikita dito na
Malaki ang porsyento ng mga estudyante na nakakaranas ng “Madalas na
pagkahilo o pagsakit ng ulo”, ito ay mayroong 50%, sumunod naman dito ang
“Panghihina” na may 42%, samantalang 36% naman ang “Madalas na
pagtubo ng tigyawat”. 22% ang nakakaranas ng “Panlalamig o pamamawis ng
mga kamay at paa”, 12% naman ang “Panginginig ng mga kamay at labi”,
sumunod ang “Madalas na pamumula at pagpapawis” na mayroong 10% at sa
huli naman ay “Palpitasyon” na mayroong 6%.

Talahayan VIII

P a g e | 12
Sa talahayang ito, ipapakita ang iba’t-ibang epekto ng stres sa mga
estudyante. Makikitang 86% ng mga estudyante ay nakakaranas ng “Kawalan
ng pokus”, sumunod dito ay “Palaging nakakaramdam ng pagod” na may
64%, samantalang mayroong 56% ang “Naaapektuhan ang pag-iisip”.
Mayroon ding 28% ang nakakaranas ng “Kawalan ng gana kumain” at sa huli
ay “Naaapektuhan ang pisikal na anyo” na may 20%.

Talahayan IX

Sa talahayang ito, ipapakita ang mga ginagawa ng mga estudyante upang


mawala o makaiwas sa stress. 44% sa mga estudyante ay dinadaan na lamang
sa “Pagtulog” ang kanilang stress. Meron din naming mga estudyente na
nililibang ang sarili sa papamgitan ng “Paglalaro ng Online Games” na may
16%. Ang “Pamamasyal” naman ay may 14%, mayroon ding 12% ang
ginagawang libangan ang “Panonood ng mga Pelikula o mga Serye”. 10%
naman ang dinadaan na lamang sa “Pagkain ng mga matatamis na pagkain”
ang kanilang stres. Ang huling 4% ay para sa ibang estudyante na may iba
pang ginagawang libangan upang mawala o makaiwas sa stres gaya nalamang
ng pakikinig sa musika.

P a g e | 13
Talahayan X

Sa aming huling talahayan, nais namin malaman kung ano pa ang mga
nais nilang gawin o saan sila interesado upang makaiwas o makawala sa stres.
Makikitang 40% ng mga estudyante ay nais “Maghanap ng iba pang
pagkakaabalahan” gay ana lamang ng paghahalaman o pagbe-beyk. 24%
naman ang nais “Mag-ehersisyo”. 22% naman ang nais pang “Makipag-
ugnayan sa mga kaibigan at pamilya”, sumunod dito ang 8% ng mga
estudyante na may “Iba pang plano” gaya na lamang ng pagkuha ng litrato o
pag-aalaga ng mga hayop. At sa huli naman ay 6% kung saan ang mhga
estudyante ay nais “Magmeditasyon”

P a g e | 14
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay may layuning suriin ang dahilan ng “Pagtaas ng


bilang ng mga estudyanteng nakakaranas ng stres” o pagkahapo. Ang mga
respondente ay ang mga mag-aaral sa kolehiyo na nakakaranas ng stress o
pagkahapo. Nakatuon ang pananaliksik sa patuloy na pagtaas ng bilang ng
mga nakararanas ng stress. Limitado ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa
kolehiyo alinpamang unibersidad ang kanilang pinapasukan.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey kung saan maaari silang


mamili kung ano ang mga nararamdaman o napapansin nila sa kanilang
emosyon, pag-uugali at pati na rin sa kanilang pisikal na kaanyuan. Hinaluan
din ng mga mananaliksik ng mga katanungang may deskriptibong sagot mula
sa mga pagpipilian. Gumamit ang mga mananaliksik ng kwantitatibo at
kuwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik sa pagkalap ng datos. Sa
kabuuan ay mayroong 100 respondente kung saan 50% nito ay kinabibilangan
ng mga babae at 50% naman ay kinabibilangan ng mga lalaki.

Konklusyon

Mula sa nakalap na datos at ng mga mananaliksik. Ang mga sumusunod


ang mga nagawang konklusyon ng mga mananaliksik.

A. Maraming estudyante sa Bestlink College of the Philippines ang


nakakaranas ng stress sa kasalukuyan.
B. Maraming estudyante ang madalas makaramdam ng stress.
C. Karamihan sa mga estudyante ay madaling makaranas ng stres.
D. Mga gawain sa eskwelahan ang sanhi ng stres ng karamihan sa mga
estudyante.
E. Maraming estudyante ang naaapektuhan ang kanilang pag-uugali.
Dahil sa nararanasang stress sila ay hirap gumawa ng desisyon.
F. Maraming estudyante ang naaapektuhan ang kanilang emosyon. Dahil
sa nararanasang stress sila ay madalas na mairitable.

P a g e | 15
G. Maraming estudyante ang naaapektuhan ang kanilang pisikal na
katawan. Dahil sa nararanasang stress sila ay madalas na
makaramdam ng pananakit ng ulo o pagkahilo.
H. Kawalan ng pokus sa pag-aaral ang pinaka epekto ng stres sa
maraming estudyante.
I. Pagtulog ang ginagawa ng karamihan sa mga estudyante upang
mawala o makawala sa stres.
J. Maraming estudyante ang gustong maghanap ng iba pang
pagkakaabalahan gaya ng paghahalaman at pagbe-bake para
makaiwas sa stress.

Rekomendasyon

Kaugnay sa ginawang pananaliksik buong pagpapakumbabang


inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

A. Para sa mga mag-aaral, mas makabubuting makapag-laan ng oras para sa


sarili at makapagpahinga.

B. Mas makabubuting matuto ang mga estudyanteng mag-organisado sa


kanilang oras.

C. Para sa mga magulang, bigyang atensyon ang inyong mga anak at ugaliing
paalalahanang magpahinga upang hindi sila ma-stress dahil kadalasan ang
sobrang pagod ay nakakapag dulot ng stress.

P a g e | 16

You might also like