You are on page 1of 21

Masamang Dulot ng Depresyon sa mga Murang Edad na Mag-aaral ng

Notre Dame of Salaman College Saint Agnes

Isang Pamanahong Papel na iniharap kay Ginoong Gyan Alvin Angelo G.

Billedo, Guro sa Asignaturang Filipino 10 ng Notre Dame of Salaman

College Inc.

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga pangangailangan sa Asignaturang Filipino

10, nina:

Bryant Miles O. Andungan John Rey Alejo

March 2019

Pasasalamat

1
Ang mga mananaliksik ng paksang “ Masamang Dulot ng Depresyon sa mga

murang Edad na mag-aaral ng Notre Dame of Salaman College Saint Agmes”

ay taos-pusong nagpapasalamat sa kinauukulan para sa kanilang tulong

kontribusyon at suporta para maging matagumpay na maisagawa ang

pamanahong papel na ito.

Sila ay ang mga sumusunod:

 Sa aming mga magulang na lubos kaming sinusuportahan at ginagabayan sa

aming mga pangangailangan.

 Sa aming mga kapya estudyante na nagbibigay datos, ideya at kaalaman

tungukol sa aming pananaliksik.

 Kay Ginoong Gyan Alvin Angelo G. Billedo na aming mahal na guro sa

Asignaturang Filipino 10 na siyang nagturo, nagsuporta at nagbigay sa amin

ng mga magagamit namin na kaalaman upang lubos na maintindihan ang

aming mga gawain sa pamanahong papel na ito.

 At higit sa lahat, kami ay lubos na nagpapasalamat sa ating Poong

Maykapal dahil pinakingan niya ang mga hiling at panalangin na siya ring

nagbigay ng lakas ng loob para mapagtagumpayan ang pamanahong papel

na ito.

Sa una at sa huli, kami ay muling lubos na nagpapasalamat sa inyong

lahat..

-Mga Mananaliksik

Talaan ng Nilalaman

2
Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran nito

I. Panimula

 Depresyon

II. Layunin

 Pangkalahatang Layunin

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

 Sa mga Mag-aaral

 Sa mga Guro

IV. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

V. Kahalagahan ng Pag-aaral

VI. Depinisyon ng Terminolohiya

Kabanata 2: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran nito

3
Panimula :

Sa bansang Pilipinas na kung saan ay hindi nabibigyan ng karagdagang pansin

ang mental health, kinakailangan pa ng high profile case bago pag-usapan ang

suicide at depresyon. May iilang mananaliksik na pinag-aaralan ang ganitong

kaso ngunit ito ay para lamang makakalap ng maayos na data o di kaya’y para

lamang sa national prevention program. Isa ang bansang Pilipinas sa may

mataas na bilang ng mga kabataang nagpapatiwakal ng dahil sa matinding

kalungkutan.

Sa panahon ngayon marami na ang mga kabataan na nakararanas ng depresyon

na kung saan ay maaaring maapektuhan ang kanilang pang-araw araw na

gawain. Maaaring ang magdulot ng depresyon ay ang sobrang pag-isip ng mga

mag-aaral sa kanilang pag-aaral ngunit hindi lahat ng kabataan ay pag-aaral ang

naging sanhi ng depresyon, “Maaaring ang maging sanhi nito ay ang problema

sa pamilya at mga karelasyon”

Ayon sa Handbook of Depression na isinulat nila Ian H. Gotlib at Constance L.

Hammen, ang depresyon ay isang uri ng psychiatric disorders na kung saan

naapektuhan nito ang pagiisip ng isang tao, madalas na naaapektuhan nito ay

ang mga kababaihan. Sa marami ng ginawang pananaliksik ukol rito, lumalabas

na ang mga kabataan lalo na ang mga estudyante ang madalas makaranas nito.

Ang isang taong nakakaranas ng depresyon at maaaring hindi nangangailangan

ng propesyonal na panggagamot dahil minsan mismong may katawan ang dapat

gumawa ng paraan upang maiwasan niya ang depresyon o malabanan ang

matinding pagkalungkot. Ang pamilya ang isa sa mga makakatulong upang

magamot o mawala ang depresyon na nararanasan dahil sa pag-aaral o sa kahit

4
anong dahilan kung bakit sila nagkakaroon ng ganitong uri ng sakit.

Layunin

Napili ng mananaliksik ang paksang ito sapagkat ito ay may kaugnayan sa

larangang ginagalawan ng mananaliksik. Ang depresyon ay laganap ngayon sa

mga kabataan na maaring maging sanhi ang iba’t-ibang aspeto. At ditto sa ating

bansa ay hindi pa ganoong siniseryoso ang usapin ukol sa mental health illness

kung kaya’t ninanais ng mananaliksik na alamin ang sanhi at dulot nito sa buhay

ng bawat kabataan. Higit sa lahat, ninanais rin ng mananaliksik na alamin ang

mga paraan kung paano ito masosolusyunan upang ito ay mapabatid sa mga

mambabasa.

Pangkalahatang Layunin:

Nilalayon ng mananaliksik na malaman at matukoy ang ibat-ibang sanhi ng

depresyon. At kung ano ang epekto nito sa kabataan. Hinahangad ng

mananaliksik na alamin kung ano ang nararanasan ng mga taong may depresyon

at kung paano nila ito nilabanan o patuloy na nilalabanan.

Paglalahad ng Suliranin

Sa pag aarala na ito, mailalahad ng mananaliksik ang kanilang kaalaman at

mga nakuhang impormasyon sa epekto ng depresyon sa mga mag-aaral.

Makikita sa pamanahong papel na ito kung interes lang ba ang kanilang

pananaliksik sa problemang ito na hinahanap ng mga estudyante.

Nilalayon din ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na

5
katanungan:

 Ano ang depresyon?

 Ano ang dahilan o sanhi ng depresyon?

 Ano ang negatibong dulot nito sa kabataan?

 Paano ito matutugonan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa patuloy na paglaganap ng bilang ng mga kabataang depressed. Na maaaring

mag-resulta ng isang kahindikhindik na pangyayari. Ang pag-aaral na ito ay

inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

 Sa mga Mag-aaral

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyang linaw at karagdagang

kaalaman ang mga mambabasa ukol sa depresyon na magsisilbing patnubay at

makakatulong para makakuha ng paraan kung paano masosolusyunan ang

depresyon.

 Sa mga Guro

Upang bigyang ideya ang mga guro tungkol sa depresyon

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng sanhi at dulot ng

depresyon sa mga kabataan sa mga paaralan na may edad ika-labing tatlo

6
hanggang ika-labing siyam taong gulang.

Nalimitihan ang pag-aaral na ito sa mga kabataan. Hinahangad din ng

pagsasaliksik na ito na suriin ang iba’t ibang mga pananaw at persepsyon ng

bawat kabataan ukol sa epektong dulot ng depresyon. Sa huli, magmumungkahi

ang mananaliksik ng mga solusyon upang maiwasan ang pagkakadama ng

matinding kalungkutan na tinatawag nating depresyon.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas mapadali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,

minarapat ng mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na

terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel

na ito:

Depresyon: Ang depression ay isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng

matinding kalungkutan na sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili, kawalan

ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang gawain.

Mental Health: Ito ang naglalarawan ng isang antas o kapakanan ng

pangsikolohiya o ng isang kawalan ng isang diperensyang pang-isipan.

Suicide: Ito ang pagpapatiwakal ng isang tao na maaaring may iba’t ibang sanhi

o dahilan.

Psychiatric Disorder: ay isang karamdaman sa isipan na nagdudulot sa isang

indibidwal na magkaroon ng pag-aasal, pakiramdam o personalidad na

itinuturing na hindi bahagi ng normal na pag-unlad sa isipan ng isang normal na

indibidwal.

Cognitive Behavior Therapy (CBT): ay tinutulungan ang mga bata na

7
matutunan ang tungkol sa depresyon, kasama ang pagtuturo ng mga kasanayan

sa pangangasiwa ng kanilang mga pisikal na sintomas, negatibong pag-iisip, at

problema sa mga pag-uugali.

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Teoretikal na Balangkas

Ang teoryang realismo ni Francesca De Magliyo ay tumutukoy sa realidad ng

8
buhay na kung saan binibigyang kahulugan nito na ang depresyon ay may

paraan upang lokohin at ipagbigay-alam na kahit ang masaya para sa isang

indibidwal ay hindi kanais nais na maranasan. Bigla bigla silang nanlalambot,

yung nakakapag pasaya sa kanila ay maaaring maging dahilan ng kawalan nila

ng gana. Sinasabi rito na ang mga bagay na nakakapagpasaya sa biktima noon

ay hindi na ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila sa kasalukuyan. Sa

kabilang banda, nagkakaroon rin ng mga pisikal na sintomas. Habang

karamihan sa mga tao ay iniisip na ang sakit sa pag iisip ay isang dalamhati sa

labas ng kanilang buhay, ang nakakalungkot na realidad ay; ang mga sakit na ito

ay napaka-karaniwan na lamang.

Ang teoryang romantisismo ay naipapakita rin sa pag-aaral na ito sapagkat

mayroong pagtakas sa katotohanan na kung saan ang mga karaniwang

nabibiktima ng depresyon ay ang mga taong nag-iisip na tumakas sa kung ano

ang katotohanan. Sinasabing ang pagkakaroon ng depresyon ang isa sa mga

bagay na makakapagpalaya sa kanila sa bigat ng pasanin na ibinibigay sa kanila

ng buhay. Sa kabilang banda, sinasabi rin na ang depresyon ay hindi sakit

bagkus ito ay nasa kaegorya ng maaring pagpilian sa panahon at pagkakataong

ang isang tao ay wala ng maisip na maayos na paraan upang takas an ang

problema at realidad ng buhay. Karagdagan pa, ang teoryang romantisismo ay

nabigyang diin rin sa hindi maluwag na pagtanggap ng mga biktma sa hirap ng

buhay na mas pinipili nilang ilagay sa kanilang isipan na ang mundo ay

nararapat lamang maging masaya at maluwag para sa mga tao.

Konseptwal na Balangkas

Ang mga karaniwang nagiging biktima ng depresyon ay ang mga mag-aaral sa

9
kolehiyo subalit mayroon ring iilan na nasa sekondarya. Isa sa mga tinitignang

dahilan sa insidenteng ito ay ang dami ng mga gawaing pang akademiko na

naiipon sapagkat hindi binibigyang halaga ang oras. Karamihan sa mga mag-

aaral ay pinipiling gawin ang sabay-sabay na mga gawain isang lingo bago ang

itinakdang panahon o mas mababa pa sa isang lingo. Dahil ditto, hindi nila

maiwasang mabahala na kalauna’y maaaring magbunga ng depresyon. Bukod

pa rito, ang mga problemang kinahaharap ng bawat isa ay hindi rin natin

maaaring isantabi. Ang bugso ng mga gawaing pang akademiko, ang mga

problemang kinahaharap sa pisikal, mosyonal, mental, pinansyal at marami

pang iba ay nakadaragdag ng posibilad upang ang isang tao ay makaranas ng

sinasabing depresyon. Datapwat, hindi dapat nating alisin sa ating pag-iisip na

ang buhay ay tunay ngang punong-puno ng pagsubok. Mga pagsubok na

maaring magpalakas o maging dahilan n gating pagbagsak

Kailangan ng isang taong nakararanas ng depresyon ang suporta at gabay ng

mga malalapit na tao sa kaniya. Makakatulong rin ang pagsama sa kaniya sa

mga pagkakataong sya’y nakararanas ng matinding kalungkutan o dinaman

kaya ay matinding kasiyahan sapagkat hindi natin alam ang maaari nyang gawin

sa kaniyang sarili sa mga pagkakataong sya’y nagiisa. Mainam rin ang

positibong pakikipag komunikasyon sa mga nabibiktima nito sapagkat maaari

iyong maing susi upang maibsan ang pagkabahala na kanilang pinagdadaanan.

Mula sa nakalap na impormasyon at sa tulong ng survey na ginawa ay

nalaman na ang pinakadapat pagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik ay ang

mga bagay na makakatulong upang maiwasan na ang ganitong suliranin.

Hangga’t walang aksyon ang pamahalaan at ang mga taong may sapat na

kaalaman upang maibsan ito ay patuloy pa ring dadami ang mga magiging

biktima nito sa mga susunod pang taon.

10
Mga Kaugnay na Literatura

Banyaga

Natatandaan mo pa ba ang unang araw na kung saan hinatid mo ang iyong

anak sa kindergaten? Tiyak, naramdaman mo ulit ito nang hinatid mo siya sa

Kolehiyo. Ito’y pagdadaanan ng mga magulang at dapat na kanilang tanggapin

at harapin na ang kanilang anak, ay hindi na bata.

Pero, hindi katulad ng elementarya, ang iyong anak na nasa kolehiyo ay hindi

makakauwi agad sa bawat araw. Marahil, siya ay titira malayo sa’yo, kung saan

ay mahirap ito para pansinin ang mga maliit na pagbabago sa kanilang mood at

behaviour.

Bawat taon, mahigit sa 1,000 college students ang nagpapakamatay, at dahil

dito, ang pagpapakamatay na ang pangatlong nangungunang sanhi ng

kamatayan sa mga tao na ang edad ay nasa pagitan ng 15-24. Ayon sa pag-aaral

na isinagawa ng American College Health Association (ACHA), 86% ng mga

estudyante ay nakakaramdam ng kapuspusan ng kalooban sa kolehiyo sa

panahon ng course ng isang taon. Isa pang 45% ay nakakaramdam ng kawalan

ng pag-asa, at ang 57% naman ay nakakaramdam na sila ay mag-isa. Malapit sa

30% ng lahat ng estudyanteng nasa kolehiyo ay sobrang depressed na dumating

sa punto na hirap na silang makapag-aral. Sa kasamaang palad, karamihan sa

mga estudyante ay nahihiya sa kanilang mga nararamdaman, kaya bibihira

lamang sila humingi ng tulong kahit ito’y abot kamay na.

Ayon kay Abby Jackson (2015), Depression is no longer the no. 1 Mental-

health Concern among College Students, kung dati raw ay naging pangunahing

11
karamdaman sa pag-iisip ang depresyon sa kolehiyo, nagtala naman ngayon ang

New York times na hindi na daw ito napapanahon. Ayon sa huling pagsusuring

naisagawa ng Times, isinaad nitong mahigit 100,000 na estudyante ang

lumalapit sa mga campus clinics para humingi ng tulong ukol sa labis na

pagkabahala. Sinasabi ng mga Mental health Counselors na mas nahihirapan

ang mga kabataan na harapin ang stress, lalo na kung patungkol sa pang-

akademikong pagkabahala dahil sa mga magulang na patuloy ang pagbibigay ng

preyur sa kanilang mga anak.

Ayon kay Amy Novotney (2014) sa kaniyang pananaliksik na Students under

Pressure, tumutulong na ang mga Psychologists upang mabigyan ng pansin ang

lumalalang kaso ng mga mental health problems tulad ng pagkabahala.

Sinasabing gumagawa na ng mga hakbang ang mga researchers upang

maipahayag ang kahalagahan ng kaayusin ng mental health ng mga estudyante

sa loob ng mga paaralan o campuses. Isinaad din sa artikulo na ang mga

estudyanteng dumaraan sa labis na pagkabahla at depresyon ay ang mga batang

mas malaki ang posibilidad na mag drop out, ngunit kung bibigyan ng sapat na

tulong at counseling maaaring maagapan at matulungan ang mga ito.

Ayon kay Michael Kerr (2015) sa kaniyang pananaliksik na Depression and

College Students, ang kakulangan sa tulog, hindi tamang pagkain, at hindi sapat

na pag-ehersisyo ay maaaring magtulak sa isang estudyante upang makaranas

ng depresyon. Ang presyur ng mga pang-akademikong gawain, ang makakuha

ng mataas na marka, mga pinansyal na problema, at problema sa relasyon sa

mga taong nakapaligid ay sapat na upang mapilitan ang isang estudyante sa

kolehiyo upang itigil ang pag-aaral. Sa makatuwid, ang depresyon ang

pangunahing dahilan ng pagtigil ng mga estudyante sa kolehiyo.

12
Ayon kay Tara Culp-Ressler (2015), Record Numbers of College Students

that are Struggling with Depression and Anxiety, ang mga tagapagsaliksik ng

UCLA. Para sa kanilang 2014 na pag-aaral tinanong nila ang mahigit kumulang

153,000 freshmen students upang malaman ang kabuuan na kalagayan ng

kanilang mental health. At lumabas na ito ang pinakamababang naitala kung

ikukumpara sa mga nauna nang sarbey na nagawa sa UCLA. Sa ibang pag-aaral

naman na ginawa ng American College health association sinabing halos

kalahati ng mga estudyante sa kolehiyo ang napag-alamang nakaranas ng

"overwhelming anxiety". At mahigit 30% sakanila ang nagsabing sa sobrang

pagkadepres ay nahihirapan silang kumilos sa eskuwelahan. 40% naman ang

nagsabing, naramdaman nila na wala na talagang pag-asa.

Ayon kay Lenore Skenazy (2015), College Students Anxious Like Never

Before, dahil sa nagsimula nang magkaroon ng presyur sa mga estudyante sa

mataas na paaralan pa lamang ay dumarating na ang mga estudyante sa kolehiyo

ng may kaunting stress na namuo, marahil nasanay ang mga ito sa

komportableng pag-alalay ng mga magulang ay hindi natuto at lumago ang

kaalaman at kakayahan sa buhay. Hindi sila sanay na mahirapan at mapunta sa

isang bagong sitwasyon kung saan walang pwedeng makatulong sakanila kundi

ang sarili.

Ayon kay Joel Brown (2015) sa kaniyang pananaliksik na Anxiety and

Depression, lahat ng estudyante ay dumadaan sa tinatawag na tensyon o kung sa

wikang ingles ay "stress". At normal lang rin daw na kung paminsan minsa'y

makaramdam ng lungkot. Ngunit kailan mo nga ba malalaman kung hindi na ito

normal? “When your mood state interferes with your ability to function at

school,” sinabi ito ni hutchinson. Kung isasalin sa Wikang Filipino, ito iyong

mga panahong apektado na pati ang abilidad ng isang bata upang makagawa ng

13
mga pang-akademikong gawain at pagiging produktibo nito sa iba pang aspeto

ng buhay.

Ayon kay Jan Hoffman (2015), Anxious Students Strain College Mental

Health Centers, ang pagkabahala ay isang terminolohiya kung saan sinasaklaw

pa ang ilan sa mental disorders na mayroon tayo tulad ng social anxiety disorder

at agoraphobia. Ang mga estudyanteng dumaraan sa mga ganitong mental

health issue ay nakararamdam na para bang hindi totoo o importante ang mga

inaalala nila dahil nga sa nagiging normal na ang mga ganitong kaso sa panahon

ngayonSinabi ni Lindsay Holmes (2015), Statistics that will change the way you

think about Depression, na ang depresyon ay mayroong paraan upang lasunin

ang utak kahit pa ng pinakamasayang tao sa mundo. Mapapansin na kung noon

ang mga simpleng bagay na nakapagpapasaya sa tao ay kaaya-aya pa ngunit

mababago ng depresyon ang paningin na ito at dahan dahang mawawalan ng

interes ang sinumang dumaan sa kalagayang ito. Sinabing ang porsyento ng mga

nagdadalaga at nagbibinatang may depressive disorder sa edad na 18 ay 70%.

Ayon sa pagsusuring ginawa ng American College Health Association,

College Depression: The warning signs you need to know, taun-taon ay umaabot

sa mahigit 1,000 ang nagpapakamatay na mga estudyanteng may edad 15

hanggang 24 pataas sa kolehiyo, 86% ang nakararamdam ng pagkagalak habang

45% ang nawawalan ng pag-asa at 57% naman ang nakakaramdam ng

kalungkutan. Halos 30% ng mga estudyante sa kolehiyo ang dumadaan sa

depresyon at nahihirapang kumilos nang dahil dito. Maraming kabataan ang

nahihiya o nakakaramdam ng pagiging mahina sa mga ganitong pinagdaraanan

kung kaya't bihira ang mga lumalapit upang humingi ng tulong kahit nasa harap

na nila ang mga ito.

14
Ayon kay Rana Moustafa (2014) sa kaniyang pananaliksik na Students

Depression often hidden from friends, professors, ang mga estudyante sa

kolehiyong nakararanas ng depresyon ay madalas na humaharap sa mas

mahihirap na sitwasyon o pagsubok. Silang mga mas nahihirapan ay hindi

nabibigyan ng tulong na kinakailangan dahil madalas ang mga sintomas na

nakikita ay nababasa ng mga taong nakapaligid na hindi nakakaintindi bilang

isang "poor classroom or social performance.

Ayon kay Brianna Dennison (2015), What I Need my Professors to

Understand about Dealing with Depression in College, ang stress sa kolehiyo

ay hindi na bago sa lahat. Ngunit ang isang taong dumaraan sa matinding

pagkabahala o sa ingles "anxiety disorder" kagaya ni Brianna, bukod pa sa

tensyon na binibigay ng mga pang akademikong gawain kasabay nito ang

pagkabahala na binibigay ng buhay nya sa nakaraan.

Ayon kay Andrews B. at Wilding, J.M (2004), sa kaniyang pananaliksik na

The Relation of Depression and Anxiety to life-stress and achievement in

Students, ang tumataas na kaso ng pinansyal na kahirapan at iba pang presyur sa

buhay ang itinuturong mas nakaaapekto sa pang akademikong performance ng

isang estudyante na sinasakop naman ng student mental health issues. Ang

kasalukuyang nagsaliksik ay humalughog ng mga impormasyon kung lumalala

nga ba ang depresyon at pagkabahala ng isang estudyante pag pasok nito sa

kolehiyo. Sinuri din ang epekto ng depresyon at pagkabahala sa masamang

kapaligiran at sa mga pang-akademikong gawain tulad ng pagsusulit.

Ayon kay Margarita Tartakovsky sa kaniyang pananaliksik na Depression and

Anxiety among College Students, ang depresyon at Pagkabahala ang

pinakapangunahing problema na kinahaharap ng mga estudyante sa kolehiyo

15
saan mang sulok ng daigdig. Sa katunayan, sa nakalipas na 15 taon, ang bilang

ng mga nabibiktima ng depresyon ay dumoble samantalang ang bilang ng mga

nagpapakamatay ay labis ang itinaas. Ayon rin sa isinagawang serbey sa anxiety

disorder association of America, ang mga kolehiyo at unibersidad ay nakakitaan

ng mga estudyanteng naghahanap ng paggabay mula sa ganitong karamdaman.

Ayon kay John Hoffman sa kaniyang pananaliksik na Anxious Students Strain

College Mental Health Centers, ang pinakapangunahing dahilan ng depresyon

ay ang mala-bundok na gawaing pang-akademiko mula sa murang edad pa

lamang at ang labis na paghihigpit ng mga magulang kabilang na ang labis na

paggamit ng “social media”. Ang pagkabahala ay naglalaro ng

pinakaimportanteng ganap sa buhay ng isang estudyante. Subalit sa

kasalukuyan, ang mga estudyante ay labis nang nakakaranas ng pagkabahala

kaya naman sila ay naghahanap ng matinding paggabay at mga programa na

makakatulong sa kanila.

Ayon kay Chasty Laskey, Anxiety on the rise among College Students, 83%

ng mga eskwelahan sa mundo ay nagbibigay ng libreng paggabay at gamut

upang maiwasan ang depresyon at hindi na ito lumala pa ng tuluyan. Sa

kabilang banda, sinasabi rin na ang mga mag-aaral ay maaring magsagawa ng

thereapy kasama ang CAPS counselores, o di kaya’y maaari rin silang ilipat sa

ibang paaralan o unibersidad na nagbibigay rin ng gabay na ayon sa nais ng

biktima.

Ayon kay Barb Nefer (2014) sa kaniyang pananaliksik na Anxiety Overtakes

Depression as Most Common Mental Health Issue Among College Students, ang

pagkabahala ay maaring malunasan sa pamamagitang ng pansariling mga paraan

o ang medikasyon. Isa sa mga paraan ay ang pagbawas ng pag-inom ng kape,

16
paglalaan ng oras para sa sarili tulad ng pagliliwaliw paminsan, pag-eehersisyo

araw-araw at pagkain ng masusustansiyang pagkain. Kung ikaw ay estudyante

sa kolehiyo na naghahanap ng gabay, isa sa mga taong maari mong lapitan ay

ang inyong doctor sapagkat maari nila kayong bigayan ng pangunang lunas

laban sa pagkabahalang inyong nararanasan.

Ayon kay Sara Mackenzie (2011), Depression and Suicide Ideation among

Students accessing campus Healthcare, ang depresyon at pagpapakamatay ang

pangunahing binibigyang pansin sa iba’t-ibang unibersidad. 25% ang bilang ng

mga lalaking nagkakaroon ng depresyon samantalang 26% naman ang sa mga

babae. Ang porsyento ng pagpapakamatay naman ay nagsasabing ang mga

lalaki ay mayroong 13% na mas mataas kumpara sa mga babae na may 10%.

Ang paninigarilyo, emosyonal na pananakit, di inaasahang pagtatalik ay

maaaring maging dahilan upang ang depresyon ay maranasan.

Ayon kay Samantha Gomes (2009), Depression and Anxiety in College

Students, ang pagbagsak at pagtatagumpay ng isang estudyante ay

nakadepended sa kanilang mga pang akademikong gawain. Sinasabing ang

pagbaba ng GPA ng isang estudyante ng .49 ay maaring magkaroon ng

malaking impak sa pagkakaroon ng depresyon. Maaaring magamot ito kung

magkakaroon muli ng karagdagang .49 ang GPA ng isang estudyante. Ang

ganitong isyu ay nakakaapekto rin sa paraan ng pakikihalubilo ng isang

estudyante at nakakaapekto sa kanilang paggalaw sa araw-araw. Ang mga

kagawaran sa loob ng unibersidad ay maaring makatulong upang mabawasan

ang ganitong mga insidente, o magbigay gabay sa emosyonal na problemang

pinagdadaanan ng isang mag-aaral. Importante rin na ang isang mag-aaral ay

may kaalaman ukol sa mga programang ipinatutuad ng kaniyang institusyon

ukol sa mga ganitong problema.

17
Ayon kay Vivek B. Waghachavare, et al (2013), A Study of Stress among

Students of Professional Colleges from an Urban Area, sinasabing ang mga

mag-aaral na kumukuha ng medisina ay mayroong mataas na posibilad na

magkaroon ng depresyon. Ang mga akademikong aspeto ang nagbibigay ng

mataas na posibilidad ng depresyon. Ang pagppakilala ng stress management

education sa kurikulum sa kolehiyo ay mabisang paraan upang labanan ang

ganitong problema.

Ayon kay Justin Hunt, et al (2010), Mental Health Problems and Help-

Seeking Behavior among College Students, ang mental na pangkalusugan sa

mga mag-aaral sa klehiyo ay hindi lamang isa sa mga isyu na binibigyang

pansin bagkus tinitignan rin ito bilang isang oportunidad. 65% na mga

magsisipagtapos sa sekondarya ay maaaring umulit ng kanilang pag-aaral kung

sila’y makakaranas ng mental disorder. Sa parte naman ng mga mag-aaral sa

kolehiyo, sinasabing ang buhay rito ay isa sa mga paghahanda sa relidad kung

kaya naman ang hirap at bigat ng mga gawain ay tumataas rin upang paglabas

ng mga estudyante sa kani-kanilang institusyon, ay magiging handa sila sa mga

hamon na ibibigay sa kanila ng buhay. Kung kaya naman, mahalagang

magkaroon ng paggabay ukol sa isipan ng mga mag-aaral ng sa gayon ay hindi

mapurnada ang kanilang pagtatapos ang pagiging malapit sa karanasan na

maaari nilang maranasan paglabas ng kani-kanilang paaralan.

Ayon kay Michelle Mckean (1997) sa kaniyang pananaliksik na College

Students- Academic Stress and its relation to their Anxiety, Time Management

and Leisure Satisfaction, Ang hindi tamang paggamit ng oras ay isa sa mga

tinitignan na dahilan ng pagkakaroon ng matinding pagkabahala. Ang

pagkabahala, time management at leisure satisfaction ay mayroong kaugnayan

sa isa’t-isa. Sinasabing ang nasabing tatlo; kapag binawasan ang pagkabahala;

18
binigyan ng kaukulang pansin ang oras at dinagdagan ang leisure satisfaction,

maaaring ang isang mag-aaral ay malayo sa pagkakaroon ng depresyon.

Lokal

Ang mga sumusunod ay indikasyon na ang isang tao ay dumaranas ng

depresyon.

 Kawalan ng interest sa mga libangan na minsan nakapag pasaya sa kaniya.

 Hirap gumawa ng desisyon.

 Bagsak na mga grado.

 Hirap sa pagtulog (kulang sa tulog o sobra sa pagtulog)

 Pagbabago ng timbang (bumibigat o pumapayat)

 Madalas na pagsakit ng ulo o sakit ng tyan.

 Bigla biglang nagagalit o umiiyak sa walang kadahilanan,

 Inaalala o pumipirmi sa mga bagay ng nakaraan.

 Hindi madaling mapansin ang mga pagbabago na ito, lalo na’t kung ang

iyong anak ay nag aaral sa malayong lugar. Kaya importante na kausapin

mo nang kausapin ang iyong anak ng madalas. Wag matakot na magtanong

tungkol sa kanyang nararamdaman, at makinig sa mga palatandaan, dahil

baka ang iyong anak ay depressed. Ipaalam mo sa iyong anak na ikaw ay

handang tumulong. Marahil masabi mo sa iyong anak na “magiging maayos

din ang lahat”, pero hindi ito makakatulong sa kaniya.

Ayon kay Jason M. Nelson sa kaniyang pananaliksik na Depression and

Anxiety among Transitioning Adolescents and College Students with ADHD,

Dyslexia or Comorbid ADHD/Dyslexia, sinasabing ang mga taong mayroon

19
dyslexia, ADHD kabilang na ang mga transitioning adolescents ay hindi

nalalayo sa mga mag-aaral sa kolehiyo, maliban na lamang ang

pinakapangunahing epekto nito sa kasarian na sinasabing ang mga babaeng

mayroong dyslexia ay nakararanas ng mas maraming sintomas ng depresyon at

pagkabahala kumpara sa mga lalaking mayroon rin ng nasabing karamdaman.

Samantalang ang transitioning high school students na mayroong

ADHD/Dyslexia ay naiulat na nakakaranas lamang ng kaunting sintomas ng

depresyon at pagkabahala.

Ayon kay Franesca Di Meglio (2012), Stress takes its Toll on College

Students, ang mga taong nagtatrabaho na hindi akma sa kanilang mga pinag-

aralan ay sinasabing nakararanas ng matinding presyur sapagkat sa mahabang

taon ng kanilang pag-aaral, na kung saan karamihan sa kanila ay nakapagbayad

ng malaking halaga sa kanilang tuition fee na nagging dahilan ng pagkalubog

nla sa utang ay sinasabing malaki ang posibilidad na dumanas ng depresyon.

Ang pagtaas ng ekonomiya ng bansa na kung saan hindi nararamdaman ng mga

tao partikular na ang mga mag-aaral na magsisipagtapos na sa kolehiyo ay

nagiging dahilan ng kanilang pagkabahala kung makakakuha ba sila ng maayos

at akmang trabaho bago nila lisanin ang kanilang institusyon.

Ayon kay Diana Rodriguez (2015), How to cope with Anxiety and

Depression, sinasabing isa sa mga mabisang paraan upang labanan ang

depresyon ay ang paglalaan ng oras upang hindi gawin ang mga bagay na

nagbibigay ng pagkabahala katulad ng pag-aaral, pagtatrabaho at pag-iisip ng

mga bagay na nakakapagpasakit ng ulo. Kailangan ng bawat tao na maglaan ng

oras para sa sarili upang makapag-isip-isip at magsaya kahit sa maikling

panahon lamang.

20
21

You might also like