Professional Documents
Culture Documents
Ang House Bill No. 7303 na mas kilala sa tawag na "Absolute Divorce Act" ay
nagnanais na gawing legal ang ganap na diborsyo. Ang batas na ito ay pinahihintulutan
ang diborsyo sa kadahilanang may nangyayaring domestikong karahasan, walang pag-
ibig na kasal, at ang pakikipagtalik ng asawa sa ibang tao. Kaya't ang diborsyo law ay
kailangan natin sa Pilipinas upang makalaya ang mga Pilipino sa hindi malusog at
mapanganib na relasyon.
Isang alalahanin ng mga taong laban sa diborsyo tulad ni House Deputy Speaker
Bro. Eddie Villanueva na ang diborsyo ay magiging madaling daan palabas ng mag-
asawa sa pagpapakasal at ito'y wawasakin ang tanyag na institusyon ng kasal. Ngunit
ang alalahanin na ito ay sinubok ni Rep. Edcel Lagman, na "ito'y hindi masisira ang
tradisyon at nakasanayan ng matagal na taon ng Pilipino na pagpaparangal at
pagrespeto sa pagpapamilya".
Sanggunian: https://www.loc.gov/item/global-legal-monitor/2020-03-04/philippines-
house-bill-on-divorce-approved-in-committee/
http://lifesavingdivorce.com/abuse-in-bible/
https://ph.theasianparent.com/annulment-vs-divorce
Posisyong Papel ng mga
Mag-aaral ng ABM ng JRI
Hinggil sa Positibong Epekto ng
Legalisasyon ng Diborsyo