You are on page 1of 1

TAKDANG ARALIN, IPAGLABAN NATIN

Sinuportahan ng Department of Education (DepEd) ang pagsusulong sa no-homework policy bill na


iminungkahi ng mga mambabatas ng House of Representatives. Sa halip na mapagaan ang pag-aaral ng
mga estudyante maaaring mas mahirapan lamang sila.

Sa kabilang banda mapapagaan at mababawasan ang mga inaasikaso ng mga mga aaral dahil wala
na silang gagawin pag ka galling nila sa eskwelahan. Maghapon na silang nag aaral pag uwi sa bahay ay
kinakailangan parin nilang mag aral , na dapat ay oras na ng kanilang pahinga.

Sa oras na maisabatas ang no-homework policy bill, hindi lamang studyante ang apektado maging
ang mga guro dahil hindi naman sapat ang isang oras para matapos ang mga gawain. Sa halip na
magtuturo na lamang kinabukasan ay kinakailangan pang magbigay ng oras upang gawin ang mga hindi
pa natatapos na gawain.

Mahihirapan rin ang mga estudyante na balansihin ang kanilang oras dahil hindi lamang isang
asignatura mayroong mga gawain. Kung hindi na maaaring mag bigay ng takdang aralin magagahol sila
sa oras at mamadaliin ang mga kailangan gawin na maaaring magdulot ng mababang marka at kawalan
ng focus sa pag aaral.

Kung maisasabatas ang naturang panukala, mawawalan na ng dahilan ang mga mag aaral na pag
aralan ang mga iba pang aralin at hindi madaragdagan ang kanilang kaalaman sa aralin. Mas
magkakaroon pa sila na gamitin ang oras sa mga hindi naman mahalagang bagay tulad ng paggamit ng
social media at pag uwi ng gabi dahil di na nila iisipin na may takdang aralin na kailangang ipasa.

Mabibigyan din ng sapat na oras ang pag bobonding ng magulang at anak ayon sa no homework
policy bill, ngunit isa sa dahilan ang takdang aralin sa pagkakaroon ng koneksiyon ng magulang at anak.
Ito din ang oras na may matutunan ang anak sa magulang at maaari pang mapabuti ang mga aralin na
nahihirapan ang anak at mag kakaroon sila ng kamlayan kung may natutunan ba nag kanilang mga anak.

Sa huli hindi din naman masusunod kung may batas man na ganito o wala dahil kung gustong mag
aral ng isang estudyante ay gagawin niya ito at kahit may takdang aralin kung ayaw niya ay hindi ito
gagawa. Ngunit sa huli mas mapapabuti pa rin na may takdang aralin upang mapalawak pa ang
kaalaman at magawa ang mga bagay na hindi kayang gawin sa paaralan.

Magising sana sa katotohanan ang mga nasa posisyon at pag isipan ito ng mabuti dahil sa oras na
maisabatas na ito ay hindi na ito mababawi pa. Mahalaga ang pag aaral sa paaralan man o sa bahay mas
makabubuti nang hayaan na lamang at huwag na magdagdag pa ng hindi naman makakabuluhang batas.
Takdang aralin ating ipaglaban upang pag aaral ay mas mapabuti.

You might also like