You are on page 1of 2

Mahirap nga namang baguhin ang nakasanayan, ngunit paano kung

ang pagbabagong ito ay siyang magtutulak sa atin sa mas magandang


pamumuhay. Iba-iba ang naging reaksyon ng kritiko patungkol sa
panukalang pagbabago ng oras ng klase sa Pilipinas. Ipinapanukala na
ang mga klase ay pagbabawalang magsimula nang mas maaga sa
8:30 ng umaga. Hindi ba’t lubos na makabubuti talaga ito para sa ating
mga mag-aaral? Maraming estudyante sa ngayon ang pumapasok na
puyat at tila malamya sa oras ng klase. Ang iba pa nga’y pinipili na
lang na matulog sa oras ng klase kaysa lumiban. May mga estudyante
naman na madalas na nahuhuli sa klase sa sapagkat sila ay puyat
dahil sa napakaagang oras ng pasok.

Ayon sa surbey na isinagawa ng National Sleep Foundation, 60% ng


mga kabataan ay pumapasok nang pagod sa klase sa kadahilanang
sila ay kulang sa tulog at 15% naman sa kanila ay nahuhuling tulog sa
klase. Mapatutunayan na ang kakulangan ng tulog ay direktang
nakaaapekto sa cognitive functioning na magdudulot ng pagbaba ng
marka dahil hindi makapagpopokus ang mga estudyante sa paggawa
ng mga gawain sa paaralan. Makikita rin sa isang artikulo sa Sleep.org,
ang mga mag-aaral na puyat o sleep-deprived ay mas mataas ang
tiyansa na maging overweight, magpakita ng mga sintomas ng
depression, at magbisyo. Sa kabilang dako naman, masasabing
maraming maihahatid na benepisyo ang pagsisimula ng oras ng pasok
nang hindi masyadong maaga. Mawawala o mababawasan ang mga
suliranin na nabanggit sa taas kung babaguhin ang oras ng pasok.

May ilang kritiko naman na hindi pabor na baguhin ang oras ng


pagpasok dahil wala naman daw mababago dahil mauusog naman ang
oras ng klase. Ihinalimbawa na kung papasok ang isang estudyante sa
panukala na 8:00 ng umaga ang pasok , inaasahan na siya ay
makauuwi ng 2:00 na ng hapon at ang panghapon naman ay papasok
ng 2:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi. Kung ganong lang din
naman, siguradong mas papaburan iyon ng maraming kabataan dahil
mas makatutulog sila ng maayos sa gabi. Ang mga kabataang uuwi ng
gabi (9 pm) ay inaasahan na makatutulog ng 10 o 11 ng gabi. Tiyak na
makukumpleto pa rin ang walong oras na tulog ng mga mag-aaral na
panghapon ang pasok at ganon na rin ang sa pang-umaga na pasok.
Kung tutuusin ay mas marami pa rin silang magagawa na takdang
aralin at iba pang gawain sa paaralan sapagkat sila ay
nakapagpapahinga nang mas maayos kaysa kapag ang oras ng pasok
ay mas maaga nagsisimula.

Ang pagbabago ng oras sa klase ay hindi lamang makatutulong sa mga


estudyante, makatutulong din ito sa mga guro at kawani ng paaralan.
Ang tao ay inaasahan na mas makakagawa ng maayos na Gawain
kung may wastong tulog. Kung ang klase sa ating bansa ay
magsisimula ng 8:30 ng umaga at hindi 6:00 ng umaga, tiyak na
magagamit ng bawat indibidwal ang kahalagahan ng oras sa wastong
paraan. Kung ganito lang rin kalaki ang maitutulong ng batas na ito at
tiyak na mas mapabubuti ang kalagayan ng mga mag-aaral ng bansa,
panahon na upang magkaroon ng pagbabago ng sistema ng
edukasyon sa Pilipinas. Kapag ito ay nangyari, maaaring mapataas ang
kabuuang galing ng ating bansa.

You might also like