You are on page 1of 1

Isang Araw Kasama Si Blue

Sa isang sementeryo, nakaupo at nagmumuni-muni ang isang lalaking


nagngangalang Apollo. Bakas sa kanyang mukha ang lumbay na kanyang nadarama.
Apatnapung araw nang ganito ang kalagayan ni Apollo at apatnapung araw na rin
siyang sinasamahan ni Blue.

Ang bawat salita ni Apollo ay nagpapahiwatig kung gaano siya nagdurusa. Nawalan
siya ng isang taong mahalaga sa kaniya. Galit siya sa mundo, pakiramdam niya siya
ay dinaya at pinagkaitan ng pagmamahal. Kahit pa man apatnapung araw na ang
lumipas ay hindi pa rin lumilisan ang kaniyang pighating nadarama dahil siya rin
mismo ay hindi pinipiling umalis sa kaniyang kalagayan, hindi siya bumibitaw.

Ipinaalala ni Blue kay Apollo kung gaano siya kalakas. Paunti-unti ay pinapaalala
niya kay Apollo na huwag lang manatili sa kaniyang kinalalagyan at na mayroon
pang mundong naghihintay sa kaniya, na hindi lang puro kalungkutan. Itinuro niya
na maaari niyang alagaan at panghawakan ang kalungkutan sa mga oras na wala
siyang makaramay, ngunit pagdating ng panahon ay kailangan din niya itong
bitawan at hayaang lumisan. Sa muli ay nabigyan si Apollo ng lakas ng loob na
palayain ang kaniyang sarili.

You might also like