You are on page 1of 1

Isa sa mga pinakatumatak sa akin na lugar na aking napuntahan ay ang bayan

ng La Trinidad sa Mountain Province. Makailang beses na rin akong nakarating dito


pero ang tanging napupuntahan ko lamang ay ang "Strawberry Farm." Ngunit noong
kami'y huling pumunta, nalaman kong marami pa pala ang puwedeng makita dito.

Bukod sa Strawberry Farm ay kilala rin ang bayan na ito bilang bagsakan ng
mga gulay na tanim mula sa iba't-ibang parte ng kanilang probinsya. Kung ang gulay
sa Maynila ay ubod ng mahal, dito ay magsasawa kang mamili ng mga gulay na mura
na nga, maganda pa ang kalidad. Kami ay nag-ikot-ikot at hindi ko inaakalang may
kakayahang magpabighani ng tao ang gulay. Dito lamang ako nakakita ng
mahahabang trak na punong-puno ng mga gulay tulad ng patatas, repolyo, at
marami pang iba. Isa pang dahilan kung bakit ako nabighani ay ang samu't-saring
gulay na makikita rito, ang iba pa nga ay hindi ko pa nakikita ni minsan sa buong
buhay ko. Tila ba ako'y isang bata na tanong nang tanong sa aking magulang kung
ano ito at ano iyon. Sa dami ng aming nabili ay halos di na namin ito mapagkasya sa
aming sasakyan. Hindi ko na maitago ang pagkasabik sa kung anong mga putahe ang
maaari kong matikman mula sa mga gulay na ito.

Sumunod naming puntahan ang mga tindahan ng ukay-ukay. Di namin


mapigilang tingnan at kilatisin ang kada damit at sapatos na aming makita. Talaga
namang nakakalula sa dami ng pagpipilian. Maraming magagandang sapatos na
halos bago pa at ang iba naman ay kitang-kita ang pinagdaanan sa huli nitong may-
ari. Maihahalintulad sa pag-ibig ang pamimili ng sapatos sa ukay-ukay. Mayroong
mga maganda at siyang nakapupukaw ng iyong atensyon na tila ba ayaw mo nang
bitawan ngunit pag kinilatis ay malalaman mong kasya kaya't kailangan mo itong
iwan. Subalit, kailangan lang ng tiyaga para makahanap ng saktong sakto para sa iyo.

Pagtapos namin mag-ikot sa bagsakan ng mga gulay at ukay-ukay ay nag-ikot


kami sa ibang parte ng kanilang pamilihan. Habang naglalakad ay napansin ko kung
gaano kasimple ang pamumuhay nila rito. Ngunit kahit pa man ganito ay
pakiramdam kong masaya naman sila na makikita mo sa kanilang mga ngiti at
hagikgikan habang ginagawa ang kani-kanilang mga trabaho o habang
pinapamunuan ang kanilang mga negosyo. Di katulad ng pamumuhay sa Maynila na
masyadong komplikado. Ngunit napaisip din ako kung ano ang mararamdaman ko
kung ako ay tumira rito. Naisip ko na hindi ko yata kakayanin ang tahimik at payak
na buhay rito dahil sanay ako sa mabilis na takbo ng buhay sa Maynila. Hindi ko pa
rin kayang iwanan ang aking mga nakagisnan. Bigla akong nasabik umuwi, ngunit
kahit pa man ganoon ay mananatili sa aking isipan ang pagkabighani at galak na
ipinaramdam sa akin ng munisipalidad ng la trinidad.

You might also like