You are on page 1of 1

Mark Daniel F.

Ramiterre
12-JAYSON (STEM)

Tanawin sa bayan ng Tagaytay

Isa sa mga binabalikbalikan at hindi pagsasawaan ang mga tanawin na makikita sa bayan ng
tagaytay, Isa na dito ang tanawin sa “People’s park in the sky” na kung saan makikita at matatanaw ng
mga turista ang napakagandang Bulkang Taal. Sa ganda ng tanawin ay halos ayaw mo na lamang umuwi
at gugustuhing manirahan na lamang sa bayan na iyon. Ganto ang aking nadama noong unang beses kong
magtungo dito noong akong labintatlong taong gulang pa lamang. Bilang isang kabataan labis ang galak
na aking nadama noong unang beses kong lumabas patungo sa ibang rehiyon. Sa mga oras na iyon ay mas
ninais ko nang magtagal pa sa pagbisita sa napaka gandang bayan na to. Napakadami rin nang mga
masasarap na pagkain na maaring ipantawid gutom ng mga turista.

Ang natanim sa isipan ko sa paglalakbay na ito ay maraming mga magagandang tanawin sa ating
bansa, ngunit iilan lang ang nadidiskubre ng iba dahil sa kakapusan o di kaya naman ay kawalan ng
impormasyon sa naturang lugar. Ipagmalaki natin ang mga ganitong tanawin na siyang likas na yaman ng
ating bansa. At ang higit sa lahat ay huwag limutang magpasalamat sa Panginoon sa mga ganitong yaman
na ibinigay sa ating bansa.

You might also like