You are on page 1of 2

Gnolug

Sa bawat pagikot ko sa aking sariling mundo hindi ko nalalaman na malayo at napakaraming


ibat-ibang mundo na pala ang aking nararating. Alam ko sa sarili ko na sa dinami-dami ng lugar na ito iisa
lamang ang tunay ngang nagpangiti at nagpabilib sa aking umiikot na mundo, iyon ay ang Kanlurang
bahagi ng Mina De Oro o mas kilala sa tawag na Occidental Mindoro.

Sa patuloy na pag inog at pag galaw ng aking mundo akin ng narating ang pinaka dulong bayan
na isa sa mga napaka gandang bahagi ng lalawigang ito, iyon ang Magsaysay. Kinapapaloob niya ang
napakagandang mga tanawin at isa sa mga ito ang ipinagmamalaki nilang Bokal Spring na nagtataglay ng
malinaw na tubig at maaliwalas na tanawin na tila nagbibigay ng positibong enerhiya tungo sa akin.

Sunod kong tinungo ang bayan ng mga makapangyarihang mamamayan, ang bayan ng San Jose.
Hawak niya ang ibat-ibang pook pasyalan tulad na lamang ng Inasakan ng isla ng Iling, Grace Island ng
Ambulong, Aroma Beach ng San Roque, Pier ng Caminawit at iba pa na tunay ngang nagpahalina sa aking
nangungusap na mata.

Sa patuloy ng pag ikot ng aking mundo,dinala naman ako nito sa bayan ng Rizal kung saan
matatagpuan ang isa sa mga pinagmamalaki ng lalawigan ng Occidental Mindoro, ito ay si Kalibasib ang
isa sa pinaka popular na Bubalus Mindorensis o mas kilala sa tawag na Tamaraw sa buong lalawigan na
siyang matatagpuan sa Gene Pool farm na siya ngang pook tirahan ng mga tulad nila.

Ang destinasyon na sunod kong pinuntahan ay ang Calintaan na isa sa mga kilalang lugar na ang
pangunahing pinagmamalaki ay ang ibat-ibang dalampasigan na ang pinaka kilala ang Labros Beach
Resort.

Sa patuloy na pag inog ko’y hindi ko namamalayang unti-unti ko nang natutungo ang lugar kung
saan kilala ang Apo Reef, Parola at ang isa sa mga pinaka mahabang Zipline sa bansa. Sila ay binansagang
“Amazing” at sila ay ang bayan ng Sablayan.

Sa paglalakbay kong ito, sunod na nagmarka sa aking mga mata at magandang ala-ala. Dito
malayang naka-tindig ang Kapitilyo ng buong lalawigan at siyang tinaguriang capital ng buong Occidental
Mindoro na nagsusumigaw ng magagandang tanawin. Ito ang Bayan ng Mamburao.

Sa huling bahagi ng aking paglalagalag huling nasa listahan ko ang bayan na ito. Huli man at dulo
man kung susuriin ngunit naghuhumiyaw ang ibat-ibang pook pang turista rito. Isa sa pinaka sikat at di
malilimutang lugar ng bawat manlalakbay ay ang Pier ng Abra De Ilog na naglalabas at kitang-kita sa
tuwing sasapit ang kadiliman na tila ba nagpapakita ito ng liwanag sa dilim.

Sa huling bahagi ng aking paglalakbay natutuwa ako at nagagalak sa aking nakikita ngunit sa
kabila nito ay kalian ma’y hindi ko magawang maranasan ng pisikal sapagkat sino ba naman ako sa mga
napakagandang tanawin na iyan? Maaaring may tanong na rin kayo sa inyong mga isipan kung sino
ngang talaga ako, makikilala niyo lamang ako kung babasahin niyo pabaliktad ang pamagat ng akdang
ito.

Sa Pagbaba at Pagtaas, Katas ay lumalabas


Sa bawat pagtaas ng kanilang kamay at siya ring pagbaba nito, tunay ngang lumalabas ang katas
na gatas na nagsisilbing pandilig at pampatibay ng loob sa bawat batang nakatututok sa kanilang dalawa.
Hindi man batid ng nakararami ang kahalagahan nito, tunay pa ring tatatak sa bawat isa at siyang
maaring magbibigay nutrisyon upang patuloy silang lumago sa buhay nila.

Si Lester Alexander Abeleda at John Paul Cosme ay ang ilan sa mga kilala at popular na School
Paper Adviser sa buong pahayagan ng lalawigan ng Occidental Mindoro. Sa unang pagindayog at pag
talsik ng katas nila sa loob ng pitong taong paglilingkod sa Kagawaran ng Edukasyon, ibat-ibang magaaral
na mamamahayag ang nakilala at nakasalamuha nila.

Ayon sa kanila isa sa mga pangunahin at pinaka magandang pagsasanay sa mga mamamahayag
na kanilang kinahaharap ay ang turuan itong mamulat sa ibat-ibang isyu na kinahaharap ng bansa sa
murang edad lamang. Nararapat rin raw na patuloy pa ring pinagpapatuloy ang pageensayo sa bata
upang mas lalo silang umangat at gumaling upang mas makatulong lalo sa ibang tao.

Dagdag nila isa sa pinakamahirap nilang naranasan bilang isang tagapayo ay ang pagkakaroon ng
blankong mamamahayag, ngunit sa kabila nito ito ay normal na lamang raw sapagkat dito namang
talaga nagsisimula ang bawat aspeto ng buhay ng tao na siyang lalong napasiklab ng aking kumpyansa sa
sarili at tunay ngang nagpalakas sa bawat kasu-kasuan ng aking katawan.

Sa huli, salitang puno ng konbiksyon na maaaring tumulig sa sayo ang kanilang binitawan, iyon
ang huwag tumigil sa pagkatuto. Lahat ng bagay na iyong gagawin lagi mong isa alang-alang na ilagay at
gawin sentro nito ang pagmamahal mo sa larangang ito na dapat lagi mo itong isa puso.

Sa lagay na ito, tuwa pa rin ang namumutawi sa akin ngunit wala akong magagawa upang ako’y
mapansin nila. Sino ba naman ako sa mga sikat na mamamahayag na tulad nila? Isa lang naman akong
Mikropono na hinahawakan nila pataas at pababa sa tuwing ang kamay nila ay namamawis na.

You might also like