You are on page 1of 8

LAKBAY SANAYSAY

December 26 2018 REGINE SAQUIN


“MASAYANG ALAALA NG PAGLALAKBAY”

Ang paglalakbay ay isa sa pinakamasayang gawain lalo na kung kasama natin ang ating mga pamilya at
mga kaibigan. Sa aking paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan at pamilya ay isa sa pinakamasayang
nangyari sa akin noong nakaraang taon December 26 2019. Hindi man gaanong kalayuan ang pinuntahan
sa aming edukasyunal na paglalakbay dahil sa loob lang ito ng Misamis Occidental at ito ay ang
PANAON BEACH, Ang aming paglalakbay sa araw na yun ay nagdulot pa rin ito ng kasiyahan sa bawat
isa sa amin.

Naalala ko noong araw ng aming paglalakbay sa aming pagbobonding sa PANAON BEACH RESORT
kasi doon kami nag oovernight ng dalawang gabi at hindi ako nagagalak dahil pakiramdam ko hindi
masaya ang pagsama ko sa aking mga kaibigan. Ngunit noong pinuntahan na naming ang una naming

Naalala ko noong araw ng aming pagbobonding na paglalakbay ay hindi ako gaanong nagagalak dahil
pakiramdam ko hindi masaya ang pagsama ko saking mga kaibigan. Pgunit noong pinuntahan na naming
ang una naming destinasyon ang “Art in Island” ay napsabi ako sa aking sarili na “Ito pala ang simula ng
magandang araw ko.” Ang Art in Island ay isang uri ng museo ngunit iba ito sa mga karaniwang museo
na matatagpuan sa Pilipinas. May 3D effects ito na sa bawat mga larawan o mga paintings ng ilang sikat
na pintor. Nagpapaengganyo ang 3D effects sa bawat larawan sa museo upang mahalinang puntahan ang
Art in Island. Ang bawat isa sa aking mga kaibigan at kaklase ay naengganyong libutin ang loob ng
museo parakumuha ng mga litrato at makapaglibot para makita ang makukulay na larawan.

Sa loob ng Art in Island ay masasabi kong para ka ngang nasa loob ng isla na puno ng makukulay at
malalaking mga larawan na mas malaki pa sa amin. Sa bawat istasyon sa loob ng museo ay may iba’t
ibang malikhaing pagkakadisenyo ng mga pader at ng lalakaran. Syempre hindi mawawala ang pagkuha
ng litrato sa ating mga sarili, may pagsubok kang kakaharapin para makakuha ka ng maayos na litrato mo
sa loob ng museo. Sa tamang pag anggulo mo sa mga larawan ay mas magiging realistiko ang mga
larawan at mabibigyan mo ng malikhaing pagpopose ang mga larawan.

Sa paglibot ko sa loob ng makulay at malamig na museo ay nakaramdam na din ako ng pagod pati na rin
ang aking mga kasama. Kaya nagpahinga kami sandal at pumunta na sa aming bus para sa aming susunod
na destinasyon para sa araw na yon. Noong araw na yon ay napuntahan namin ang apat na iba pang
destinasyon para sa aming edukasyon na paglalakbay, bago kami kumain at nagpahinga sa MOA.

Sa aming pagpapahinga sa MOA ay dito kami nagkulitan, asaran at puro tawanan na puno ng kasiyahan
noon. Sinulit naming ang mga oras na magkakasama kaming buong seksyon bago kami magkahiwa-
hiwalay sa susunod na yugto n gaming buhay ang Senior Highschool. Sana maulit ulit ang mga ganung
pangyayari kasama ang aking mga kaklase. Makapagsama sama kaming muli at makapaglakbay pa sa
iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. Makadiskubre pa kami ng bago sa bawat lugar na aming pupuntahan at
makakuha ng bagong kaalaman na maari naming magamit.
Sunday at 5:37 PM
Regine B Saquin
Isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Ang reunion naming buong pamilya. Napakasaya nito dahil
kumpleto kaming lahat na nagdiwang. Bukod dito meron ding swimming na mas lalong nagbuklod sa
lahat (yung iba kasi ayaw sumama haha). Nakakamiss ang oras na nasa probinsya ako ng leyte dahil sa
paraisong taglay nito.
Sunday at 5:42 PM
Regine B Saquin
Lakbay Sanaysay: Daan Patungo sa Pinto ng Kinabukasan”

Bago tangkilin ang iba, dapat sarili muna ang inuuna. Halos lahat ng aking mga kaklase na magsusulat ng
lakbay-sanaysay ay gustong-gustong pumunta sa ibang lugar upang makakuha ng magagandang larawan
nito. Wala namang masama doon, subalit napagtanto ko na kung silang lahat ay nasa ibang pook, walang
susulat ng isang lakbay-sanaysay na nagtatanyag sa aming lugar. Dahil dito, napagdesisyunan ko na
sumulat ng isang lakbay-sanaysay patungkol sa paglalakbay ko mula sa aming bahay patungo sa
tinuturing kong ‘pinto ng kinabukasan’, ang aking paaralan.

Bandang alas 7:00 ng umaga nang magsimula akong maglakad mula sa aming bahay. Madalang lamang
akong maglakad patungong eskwela dahil kadalasa’y sumasakay ako ng motorsiklo. Sinadya ko talagang
pumunta sa paaralan ng maaga upang hindi ako mahuli at magkaroon pa ako ng sapat na oras para sa
aking paglalakbay. Kahit na ilang metro lang ang layo ng aming bahay sa aking paaralan, masasabi kong
hindi hadlang ang distansiya upang ako ay magpasalamat at ipagmalaki ang lugar kung saan ako iniluwal
at nabubuhay.

Humigit kumulang 30 metro pa lamang ang nalakad ko at bigla akong napahinto dahil nakita ko kung
gaano kaganda ang kapaligiran. Malawak na kapatagan na may mga bermuda grass, at nagbeberdehang
mga kahoy na nakapalibot nito. Ito ang dahilan kung bakit nakakalanghap kami ng sariwang hangin mula
umaga hanggang gabi. Dahil ipinagkaloob ito ng Maykapal, nararapat lamang na ito’y pangalagaan at
payamanin.

Ilang talampakan mula sa napakagandang tanawin na ito ay makikita ang isang kapilya ng mahal na
patron, Senyor Santo Nino. Noong nakaraang mga taon ay napakasaya ng kapiyestahan ng kapilyang ito
tuwing unang Sabado ng Enero. Subalit nang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga pinuno at
miyembro nito, nawalan na rin ng mga mananampalataya ang kapilyang ito. Sa tuwing magkakaroon ng
misa sa kapiyestahan nito, iilan lamang sa mga tao ang pupunta rito. Hindi katulad noon na halos hindi na
magkasya ang mga tao sa lugar at pati ang labas nito ay punong-puno rin. Napagtanto ko na kapag hindi
nagkakaintindihan ang pinuno at mga kasapi ng isang organisasyon o grupo, maaapektuhan hindi lamang
ang mga tao kundi pati na rin ang lahat ng bagay na konektado sa relasyong ito.

Pagkatapos kong pumunta sa kapilya ay patuloy akong naglakbay. Sa di kalayuan ay makikita ang
malawak na palayan. Ito ang ikinabubuhay ng mga tao sa kabukiran. Ang may-ari ng palayang ito ay
naghahanap ng mga taong tatanim ng mga palay. Pagsapit ng anihan ay hahatiin ang mga palay sa rationg
1:2 sa tagatanim at may-ari, ayon sa pagkabanggit. Maraming mga tao ang makakabenepisyo sa
sistemang ito. Tunay nga namang masarap mamuhay sa bukid.

Sa aking paglalakad ay nakaabot na rin ako sa pangunahing kalsada kung saan makikita ang isang
basketball court na kung saan ginaganap ang mga aktibidad tuwing piyesta sa Purok 3, Cambinocot Cebu
City sa ngalan ng mahal na patron na Inahan sa Kanunayng Panabang. Pagkarating ko sa basketball court
ay agad akong tinanong ng isang drayber kung sasakay ba ako patungong paaralan dahil nasanay silang
lagi akong sumasakay. Tinanggihan ko ang alok niya at mas pinili kong maglakad nang sa gayon ay mas
maigi kong makita at makunan ng larawan ang mga bagay-bagay sa aking paglalakbay. Hindi naman
malayo ang aming bahay sa paaralan kaya’t walang problema kung nilakad ko lang ito.
Ilang minuto ang nakalipas at nakarating ako sa simbahan ng relihiyong Born Again. Tuwing Linggo,
pumupunta rito ang mga mananampalataya. Habang

kinukunan ko ng larawan ang simbahang ito, may nagmamagandang loob na mag-asawa at inalok akong
sumakay sa kanila. Kagaya noong una ay tinanggihan ko ang kanilang alok at nagpasalamat sa kanilang
kabutihan. Dito ko nalaman na may mga tao pala talagang handang tumulong sa kanilang kapwa.

Sa aking patuloy na paglalakad ay nakarating ako sa kalagitnaan ng aking paglalakbay. Pagkarating ko


rito, may isa na namang drayber ang huminto at inaya niya akong sumakay. Kagaya noong una, hindi ko
tinanggap ang kaniyang pagmamabuting-loob dahil malayo-layo pa ang aking lalakarin at marami pang
magagandang bagay ang aking madadaanan. Lahat ng mga drayber na nag-aalok sa akin ng tulong ay
pawang mga kabaranggay ko at kakilala. Ito ay dahil maliit lamang ang aming lugar at halos lahat ng tao
rito ay magkakaibigan kaya’t marami ang nag-aalok ng tulong para sa akin.

Ilang segundo pa ang nakalipas at nadaanan ako ng aking kaklase na si Chriz John Leyson. Huminto siya
sa tapat ko upang magkasabay kami papuntang paaralan. Muli, sinabihan ko siyang gumagawa ako ng
lakbay-sanaysay at baka makaabala pa ako sa kaniyang biyahe dahil kukuha pa ako ng mga larawan.
Agad naman siyang nagpaalam at umalis.

Pagkatapos ng ilang minuto ay isang kaklase na naman ang huminto at inaya akong sumakay. Siya ay si
Chennie Englis kasama ang kaniyang nakababatang kapatid na si Maica. Pagkasabi ko pa lang ng
gumagawa ako ng proyekto ay alam niya na kaagad kung ano ito. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho
habang tumatawa at umalis na.
Sa paglalakbay kong ito, marami akong bagay na natutunan at hindi makakalimutan. Kagaya na lamang
ng pagpapasalamat at pagiging kontento sa sariwang hangin, kapatagan, mga punong-kahoy, at mga
palayan. Napagtanto ko kung gaano ako kaswerte dahil dito ako ipinanganak at nabubuhay. Bukod pa
rito, natuklasan ko rin na kahit iba-iba man ang paniniwala o relihiyon ng mga tao, nagkakaintindihan pa
rin ang lahat dahil sa respeto na ibinibigay ng bawat isa. Dagdag pa rito, napagtanto ko rin na sa panahon
ngayon, may mga tao pa ring handang tumulong nang walang hinihinging kapalit.

Hindi lamang masaganang kapaligiran ang aking nakita sa aking paglalakbay kundi pati na rin iba’t-ibang
pangkabuhayan ng mga mamamayan dito. Kabilang na rito ang tindahan ng hollow blocks nina Gng.
Wency Borbajo. Ito ay patuloy na lumalago dahil sila lamang ang may ganitong negosyo sa loob at
karatig-barangay. Noon ay iisang tao lang ang nagtatrabaho dito. Makalipas ang ilang buwan ay
napakalaki na ng pagababago sa negosyo nila. Hindi lamang ito ang naisipan nilang kabuhayan, may
hardware store rin sila sa tapat ng hollow block factory na ito. Sa tapat ng tindahan ring ito, ay isa na
namang kaklase ang umalok sa aking sumakay sa kaniyang motorsiklo. Siya ay aking pinsan na si, Aljhon
Cogtas. Sa pagkakataong ito, napag-isipan kong sumakay na lamang dahil malapit na lamang ang
paaralan at hindi na masyadong maraming larawan ang aking kukunin.

REPORT THIS AD

Habang nakasakay ako sa motorsiklo ay sinabihan ko si Aljhon na huwag masyadong bilisan ang
pagpapatakbo sapagkat inoobserbahan ko ang aking dinadaanan. Patungong paaralan ay aming nadaanan
ang kooperatiba ng aming baranggay, ang Cambinocot Multi-Purpose Cooperative. Ito ay isa sa mga
pinakamalagong kooperatiba sapagkat may sarili itong tindahan, bakery, carenderia/ice cream stall, loan
division, photocopier, at patahian.

Paglampas namin sa kooperatiba ay lumiko na kami sa kanto patungo sa aming paaralan. Marami ng
mag-aaral ang naglalakad dito dahil bandang alas 7:30 na ng umaga. Pagkatapos ng ilang segundo ay
narating na namin ang aming paaralan, ang Vicente B. Cosido Memorial National High School.

Isa itong pampublikong paaralan na may mataas na kalidad ng edukasyon para sa lahat. Tanyag ito sa
pang-akademikong larangan pati sa pampalakasan at isports. Kaya naman itinuturing ko itong daan
patungo sa pinto ng kinabukasan.
Samakatuwid, kahit na ilang beses ko nang dinadaanan ang kalsadang ito, marami pa ring mga bagay ang
ngayon ko lang nadiskubrehan. Ito ay dahil ako naglakbay at hindi lang basta-bastang naglalakad. Kaya
naman, hindi mahalaga kung malapit lang ang aking nilakbayan. Ang importante ay sinasapuso ko ang
aking ginagawa. Marami mang magagandang bagay ang makikita sa lugar namin, mahalagang tandaan na
hindi ito perpekto at may mga hindi pa rin kaaya-aya rito. Gayunpaman, nararapat ding magpasalamat sa
mga biyayang ipinagkaloob sa atin.

____________________-____________________-____________________-____________________-__
__________

Heyo! It’s been a while since I last wrote an entry. I’m a senior high student, so expect me to be busy. By
the way, the travel essay I wrote is a requirement for our Filipino subject. I hope you could get some
information from this.
PS: There are supposed to be pictures embedded in the document but unfortunately, they were unable to
show up
Sunday at 5:44 PM
Regine B Saquin
Ang mga tao ay binigyan ng pagkakataong mabuhay at magdesisyon ayon sa kanyang nais. Ngunit gaya
ng isang sanggol na walang muwang, kailangan parin ng bawat isa ng gabay upang matahak ang tamang
landas. Ang aborsyon ay problema na sa ating bansa, maraming mga magulang ang nagpapalaglag sa
kadahilanang hindi kayang buhayin ang magiging anak. Ang buhay ay biyaya ng diyos at wala tayong
karapatang kitilin ito sa sarili nating mga kamay. Upang hindi mahantong sa ganitong suliranin, maging
maingat sa gagawing kilos at desisyon.
Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral
“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”

Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang paglalakbay sa
mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarih-ang sandata na kahit
sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at
kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong
Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating
lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa
sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang
pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay
nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa
gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang
panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang
paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking
buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at
maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang
implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon.
Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng
edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula
dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao
at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na
baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.

Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi
ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at
matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat
sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng
Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng
maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga
parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay
tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang
pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa.
Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang
makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan
na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang
pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong
kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong
alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito
ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na
sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag
subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na
noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala
akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din
itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong
sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat
ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong
at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy
pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais
matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t
isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa
ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng
magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa
ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon

You might also like