ABSTRAK
Pamagat: Epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-
aaral ng mga senior high school sa universidad ng
pangasinan
Mananaliksik: Jonalyn Albay
Dulog ng pananaliksik: Kwantitatibong Pananaliksik
Institusyon: PHINMA-University of Pangasinan
Ang paksa ng pananaliksik ay ang modernasyon ng wikang Filipino at ang
pag-unlad nito dahil sa mga makabagong teknolohiya. Ang layunin ng pananaliksik na
ito ay makita ang epekto ng pagbabago ng wikang Filipino sa mga mag-aaral sa Senior
High sa Unibersidad ng Pangasinan
Narito ang ilang suliranin sa pananaliksik na ito:
1. Paano nakakaapekto ang modernisasyon tungo sa pag-unlad ng Wikang
Filipino?
2. Epekto ba ng modernisasyon ang mga makabagong teknolohiya at social
media ang tuluyang pagkalimot sa mga lumang salita?
3. Pag-uugali o asal ng respondent sa paggamit ng wikang Filipino
Ang ginamit ng mananaliksik ay paraang descriptive-analytic na
tatangkaing ilarawan at suriin ng mga mananaliksik ang mga epekto ng modernisasyon
ng Wikang Filipino sa mga estudyante ng Senior High School sa Unibersidad ng
Pangasinan. Ang ginamit ng mga mananaliksik ay surbey-kwestyoneyr bilang
pangunahing instrument upang maipakita ang mga datos at impormasyon na
kinakailangan sa pag-aaral ng mga mananaliksik. Ang mga napiling respondent sa pag-
aaral na ito ay ang mga Senior High School na naka-enroll sa kursong STEM, taong
2016-2017 sa Unibersidad ng Pangasinan
Nakita sa pag-aaral na ito na Malaki ang papel na ginagampanan nf
modernisason upang mapaunlad at maipalaganap ang wikang Filipino at marami ang
naniniwalang hindi nagkakaunawaan ang dalawang tao tuwing sila’y gumagamit ng
pormat na jejemon sa paglalahad ng kanilang mensahe at malaking bahagya din ng
mga respondent na bilang isang senior high student ay responsable at maayos nilang
ginagamit ang Wikang Filipino sa pag-aaral, pakikipag-usap, at paglalabas ng saloobin
sa social media maging sa realidad.