You are on page 1of 14

RESULTA AT DISKUSYON

Sa bahaging ito, matutunghayan ang pagsusuri at interpretasyon ng mga

datos na nakalap.

Personal na Propayl ng mga Respondente

Talahanayan 4. Propayl ng mga Respondente Batay sa Kasarian.

Kasarian Dalas Porsiyento

Lalaki 5 25 %

Babae 15 75%

Kabuoan 20 100%

Ipinakikita sa talahanayan 4 ang propayl ng mga respondente batay sa

kanilang kasarian. Mula sa mga nalikom na datos, mas lamang at mas mataas

ang babaeng respondente na may kabuoang bilang na 15 o katumbas ng 75%.

Samantala, mayroon lamang 5 bilang ang mga lalaking respondente na may

katumbas na 25%. Samakatuwid, ang mga nalikom na datos ay nagsasaad na

karamihan sa mga mag-aaral sa ikalawang taon ng Batsilyer ng Edukasyong

Pansekundarya Medyor sa Filipino sa taong panuruan 2022-2023 ay mga babae.

Talahanayan 5. Propayl ng mga Respondente Batay sa Edad.


17

Edad Dalas Porsiyento

20 taong gulang 15 75 %

21 taong gulang 4 20%

23 taong gulang 1 5%

Kabuoan 20 100%

Makikita sa talahanayan 5 ang edad ng mga mag-aaral. Batay sa mga

datos na nakuha, karamihan sa mga respondente ay nasa 20 taong gulang na

nakakuha ng bilang na 15 o may katumbas na 75%. Sinundan naman ito ng 21

taong gulang na may apat (4) na bilang ng respondente o may katumbas na

20%. Isang respondente (1) naman ang nasa 23 taong gulang na may katumbas

na 5%. Nagpapahiwatig lamang ang mga nalikom na datos na karamihan sa

mga mag-aaral sa ikalawang taon ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya

Medyor sa Filipino sa taong panuruan 2022-2023 ay nasa 20 taong gulang.

Matutunghayan naman sa talahanayan 6 ang karanasan sa pagsulat ng

mga mag-aaral.
18

Talahanayan 6. Propayl ng mga Respondente Batay sa Karanasan sa


Pagsulat.

Karanasan sa Dalas Porsiyento


Pagsulat
Kasapi ng 2 10%
Pampaaralang
Pahayagan noong
Hayskul at Ngayong
Kolehiyo

Lumahok sa mga 1 5%
Patimpalak sa
Pagsulat

Lumahok sa mga 3 15%


seminar na may
Kinalaman sa
Pagsulat

Walang Karanasan 14 70%


sa Pagsulat

Kabuoan 20 100%

Mula sa mga nakalap na datos, karamihan sa mga respondente ay

walang karanasan sa pagsulat na may bilang na 14 o may katumbas na 70%.

Sinundan naman ito ng lumahok sa mga seminar na may kinalaman sa pagsulat

na may tatlong (3) bilang ng respondente o may katumbas na 15%. Pangatlo

naman sa mga karanasan na ito ay ang kasapi ng pampaaralang pahayagan

noong hayskul at ngayong kolehiyo na may bilang na dalawa (2) o may

katumbas na 10%. Panghuli naman ay ang lumahok sa mga patimpalak sa

pagsulat na may isang (1) respondente o may katumbas na 5%.


19

Nagpapahiwatig lamang ang mga nalikom na datos na karamihan sa mga

mag-aaral ay walang karanasan sa pagsulat. Kung gayon, hindi sila nakaranas

ng iba’t ibang gawaing may kinalaman sa pagsulat bago pa man nakuha ang

asignaturang Sanaysay at Talumpati. Dahil dito, hindi nabigyan ng higit na tuon

ang kasanayang ito lalo pa’t nagagawa naman ng mag-aaral na maging epektibo

ang pakikipagtalastasan kahit hindi na kailangan pang magsulat. Sumasang-

ayon ang resultang ito sa pag-aaral nina Mirzaee, et al (2016) na sa apat na

makrong kasanayang pangwika, pagsulat ang naituring na pinakamahalaga

ngunit ito ang may pinakamababang porsiyento ng binibigyan ng higit na tuon.

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng mga Mag-aaral


Talahanayan 7. Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng mga Mag-aaral batay
sa
20

Kasanayan.

Kasanayan sa Pagsulat Mean Standard Deskripsiyong


Percentage Deviation Berbal

Nilalaman 74.64 7.49 Mahina

Organisasyon 78.00 5.58 Katamtamang


Husay
Talasalitaan 74.39 5.40 Mahina

Wika 69.40 6.94 Mahina

Mekaniks 73.16 4.99 Mahina

Grand mean 73.92 5.41 Mahina

Makikita sa talahanayan 7 ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga

mag-aaral sa ikalawang taon ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya

Medyor sa Filipino sa taong panuruan 2022-2023 batay sa analitikong rubrik ni

Jacobs (1981). Base sa pag-aanalisa ng mga datos, sa limang kasanayan

tanging ang organisasyon lamang ang nakakuha ng katamtamang husay na may

mean percentage na 78.00. Samantala, ang nilalaman ay nakakuha ng 74.64,

talasalitaan na 74.39, wika na nakakuha ng 69.40, at mekaniks na nakakuha ng

73.16 na may deskripsyong mahina.

Kung titingnan nang mabuti, ang organisasyon lamang ang nakakuha ng

katamtamang husay sapagkat nakagagamit ng mga hulwarang pang-


21

organisasyon ang mga mag-aaral tulad ng pag-iisa-isa kung saan natalakay nila

ang pangunahing paksa at nakababanggit ng mga kaugnay pang detalye ukol sa

paksa. Gayundin nakagagamit din sila ng sanhi at bunga sa kanilang mga

sanaysay. Kung gayon, nangangahulugan lamang ito na mayroong sapat na

kahusayan ang mga mag-aaral sa pagsusulat ng sanaysay ngunit may mga

pagkakataong nawawala ang pagkaorganisado kung kaya hindi na nagiging buo

ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga detalye.

Samantala, mahina sila sa nilalaman dahil mayroon lamang na limitadong

kaalaman sa paksa ang mga mag-aaral at hindi nila napaunlad ang pangunahing

kaisipan ng sanaysay. Dagdag pa rito, ang buong sanaysay ng mga mag-aaral

ay umiikot lamang sa sa tatlo (3) hanggang apat (4) na talata kung kaya hindi

napalalawig ang mga suportang detalye sa pangunahing kaisipan. Gayundin

mahina ang talasalitaan ng mga mag-aaral dahil limitado ang kaalaman ng mga

mag-aaral sa mga salita, idyoma, tayutay, at iba pa. Malimit din ang kamalian

nila sa pagpili at paggamit ng tamang salita kung kaya nawawala ang kahulugan

ng ideya. Halimbawa nito, sa pangungusap na “Sinabi ni Yvonne sa kapatid na

magsikap siya ng husto at ibigay ang lahat ng kakayahan upang

mapagtagumpayan ang kanyang ninanais abutin sa buhay, naghabilin din ito na

kaya mo yan.” Ang salitang nasalungguhitan ay hindi angkop upang maitawid

ang mensaheng nais ipabatid sapagkat ang konotasyon ng salitang “naghabilin”

ay karaniwang paalala ng isang tao bago mamatay.

Kakikitaan din ng problema ang komposisyon ng mga mag-aaral sa

kolehiyo bunga ng limitadong kaalaman ng mga mag-aaral sa bokabularyo ng


22

wikang Filipino lalo pa’t ang nakasanayang paraan ng pagsulat ay dulot ng

makabagong teknolohiya at impluwensiya ng mga nababasa sa social media.

Gumamit ang mga mag-aaral ng mga salitang hinihiram sa Ingles at inuunlapian

ito sa halip na piliin ang salin nito na nasa talasalitaan ng Wikang Filipino

(halimbawa “mag-strive” imbes na magsikap; “mag-apply” sa halip na

maipatupad; at “mag-mememorize” bagkus na magsaulo). Mapapansin din na

mayroong salita tulad ng “matsala” na baligtad na pagbaybay ng salitang

salamat kung saan usong-uso na paraan ng pagbaybay ng mga salita ng

kabataan tulad na lamang ng “lodi”, “petmalu”, at “omsim” na kung ibabaybay

nang maayos ay nagiging idol, malupit, at mismo.

Dagdag pa rito, makikita rin sa sanaysay ng mga mag-aaral na hindi

naisalin sa Filipino ang mga salitang group work, activities, pressure, role model,

tricycle, at iba pa datapwat hindi naman ito mga teknikal na mga salita at kung

isalin ay madali ring maunawaan. May mga pagkakataong Taglish (pinagsamang

Tagalog at English) ang mga salitang ginamit ng mga mag-aaral sa mga sinuring

sanaysay dahil ang pagiging conyo ay karaniwan na sa kabataan ngayon. Sa

paggamit ng millennial words, nahahaluan ito ng mga balbal na salita at hindi ito

naaangkop sa pagsulat ng sanaysay sapagkat nangangailangan ito ng mas

pormal at organisadong gamit ng wika.

Sa kabilang banda, mahina ang mga mag-aaral sa wika sapagkat may

kahinaan ang mga mag-aaral pagdating sa balarila ng wikang Filipino. Kung

gayon, nagkaroon sila ng mangilan-ngilang suliranin sa pagkakabuo ng


23

pangungusap, ilang kamalian sa ugnayan sa aspekto ng pandiwa, salita,

pantukoy, panghalip, at iba pang bahagi ng pananalita. Gayundin, mahina sila sa

mekaniks sapagkat may malimit na kamalian sa pagbaybay ang mga mag-aaral,

paggamit ng bantas at malaking titik. Dahil dito, nagiging malabo ang kahulugan

ng mga pangungusap. Batay pa rin sa pagsusuri, mayroong mag-aaral na ang

isang buong sanaysay ay ginamitan ng malaking titik. Maraming pagkakataon

naman na ang salitang “globalisasyon” ay nakasulat ang titik “g” sa malaking titik

datapwat hindi ito ang unang salita sa pangungusap. Ang mga pangalang

pantangi naman tulad ng mga asignaturang Filipino, Ingles, Araling Panlipunan,

Agham, at Matematika ay nakasulat sa maliliit na titik.

Bukod dito, nagkakaroon din ng problema ang mga mag-aaral sa

paghahati ng mga salita kung hindi na ito kasya sa papel. Sa halip na hatiin sa

pamamagitan ng pagpapantig, hinahati lamang nila ito kung hanggang saan

umabot ang pagkakasya ng mga titik. Dagdag pa rito, may pagkakataong

nagkakaltas ng pantig ang mga mag-aaral ngunit hindi naglalagay ng kudlit. Isa

rin sa nakitang suliranin ng mag-aaral ay ang tamang paggamit ng nang at ng,

din at rin, kung at kong.

Sa kabuoan, mahina ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-

aaral dahil una, hindi malawak ang kaalaman ng mga ito sa paksang tatalakayin,

kung gayon hindi nila madaling naipahahayag ang punto ng kanilang sulatin.

Sinusuporatahan ito ng pag-aaral nina Lasaten, et al (2018), nahihirapan ang

mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay dahil sa kakulangan ng iba’t ibang


24

ideya sa mga tuntunin ng nilalaman. Ikalawa, datapwat may katamtamang husay

ang mag-aaral pagdating sa organisasyon hindi ito garantiya na mahusay rin sila

sa nilalaman dahil sa resulta nga ng naunang pag-aaral ni Albite (2019),

magaling hanggang magaling-galing ang deskripsyong berbal ng mga mag-aaral

ngunit mayroon pa ring suliranin ang mga ito sa nilalaman sapagkat hindi naging

sapat ang mga suportang detalye sa pangunahing paksa.

Ikatlo, may limitadong kaalaman sa bokabularyong Filipino ang mag-aaral

dahilan kung bakit nagkakaron sila ng suliranin sa pagpili at paggamit ng salita.

Sa pag-aaral ni Garcia (2022), nagkakaroon ng kamalian ang kabataan sa

paggamit ng tamang salita sa isang sanaysay, sapagkat nahuhumaling ang mga

ito sa millennial words na palasak nang ginagamit ng mga tao sa kasalukuyang

panahon. Mahina ang pagkakabuo ng mga mag-aaral ng mga pangungusap,

hindi rin konsitent ang paggamit ng panghalip. Kulang din ang kaalaman nila sa

kombensyon ng pagsusulat na malaking tulong sana upang malinaw na

mailahad ang kaisipan.

Kaugnayan ng Personal na Propayl ng mga Mag-aaral sa Kanilang Antas


ng
Kasanayan sa Pagsulat.
25

Inilalahad sa talahanayan 8 ang Pearson Correlation Analysis upang

malaman ang kaugnayan ng kasarian at antas ng kasanayan sa pagsulat ng

mga mag-aaral.

Talahanayan 8. Kaugnayan ng Kasarian sa Antas ng Kasanayan sa


Pagsulat
ng mga Mag-aaral.

Mga Baryabol F df r p Interpretasyon

Kasarian * Walang
Antas ng 0.242 1 0.115 0.629 Makabuluhang
Kasanayan sa Ugnayan
Pagsulat

at 0.05 level of significance

Base sa resulta ng datos, makikita na walang mahalagang kaugnayan ang

kasarian sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng mag-aaral. Ang konklusyon ay

nakabatay sa sa probability value na 0.629 na mas mataas sa significant value

na 0.05, ibig sabihin kailangang tanggapin ang null hypothesis. Sa kabilang

dako, ang correlation coefficient value naman ay 0.115 na nangangahulugang

walang ugnayan ang dalawang baryabol.

Ang resulta ng pag-aanalisa ng datos sa dalawang baryabol ay

nangangahulugan lamang na ang kasarian ng mga mag-aaral ay walang

impluwensiya sa kanilang antas ng kasanayan sa pagsulat. Kung gayon,

magkatulad lamang ang kasanayan sa pagsulat ng mga babae at lalaki.

Magiging mahusay lamang ang mag-aaral sa kasanayan na ito kung ang

kanilang mga napag-aralan ay nagagamit nila sa kanilang mga isinusulat kahit


26

anuman ang kanilang kasarian ayon sa Gender Similarities Hypothesis.

Isinasaad nito na ang mga tao kahit anumang kasarian ay hindi naiiba sa isa’t isa

pagdating sa kahit anumang intelektwal na gawain.

Dagdag pa rito, pinatunayan sa pag-aaral na isinagawa nina Chukwu, et

al (2022) kung saan ang mga marka ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral

na lalaki at babae na sinuri ay walang makabuluhang pagkakaiba. Kung gayon

sinasabing walang epekto ang kasarian sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng

mga mag-aaral dahil sinumang nagsusumikap ay magiging mahusay.

Talahanayan 9. Kaugnayan ng Edad at Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng


mga Mag-aaral.

Mga Baryabol F df r p Interpretasyon

Edad * Antas ng Walang


Kasanayan sa 0.027 1 0.038 0.872 Makabuluhang
Pagsulat Ugnayan

at 0.05 level of significance

Upang malaman kung mayroong mahalagang kaugnayan ang edad sa

antas ng kasanayan sa pagsulat ng mag-aaral, makikita sa talahanayan 9 ang

Pearson Correlation Analysis ng dalawang baryabol. Kung saan base sa resulta

ng datos, mahihinuha na walang makabuluhang ugnayan ang edad sa antas ng

kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Nakabatay ang konklusyon sa

probability value na 0.872 na mas mataas sa significant value na 0.05, ibig

sabihin kailangan na tanggapin ang null hypothesis. Sa kabilang banda, ang


27

correlation coefficient value ay 0.038 na nangangahulugang walang ugnayan ang

dalawang baryabol.

Ang resulta ng pag-aanalisa ng datos sa dalawang baryabol ay

nagsasaad lamang na ang edad ng mga mag-aaral ay walang impluwensiya sa

kanilang antas ng kasanayan sa pagsulat. Dahil dito, pinatutunayan ng pag-aaral

na ito na hindi humahadlang ang edad sa kasanayan sa pagsulat ng mag-aaral

sapagkat hangga’t may sapat silang kakayahang pang-mental kaya nilang

makipagsabayan kahit na ano pa mang edad, gayundin kung kulang ang

kanilang kasanayan sa pagsulat walang magagawa ang kanilang edad para rito.

Patunay lamang dito ang pag-aaral nina Sag, et al (2015), kung saan sa

resulta ng pag-aaral napag-alaman na walang pagkakaiba sa istatistika sa

pagitan ng mas bata at mas matatandang mga mag-aaral sa mga tuntunin ng

mga punto sa pagsulat ng komposisyon.

Talahanayan 10. Kaugnayan ng Karanasan sa Pagsulat at Antas ng


Kasanayan sa Pagsulat ng mga Mag-aaral.

Mga Baryabol F df r p Interpretasyon

Karanasan sa 0.202 1 0.106 0.658 Walang


Pagsulat * Antas Makabuluhang
ng Kasanayan Ugnayan
sa Pagsulat

at 0.05 level of significance


28

Lumilitaw sa talahanayan 10 ang resulta ng Pearson Correlation Analysis

upang malaman kung mayroong mahalagang kaugnayan ang karanasan sa

pagsulat ng mga mag-aaral bago pa man makuha ang asignaturang Sanaysay at

Talumpati sa antas ng kasanayan nila sa pagsulat. Batay sa resulta ng datos,

makikita na walang makubuluhang ugnayan ang karanasan sa pagsulat ng mga

mag-aaral sa kanilang antas ng kasanayan sa pagsulat. Ang konklusyon ay

nakabase sa probability value na 0.658 na mas mataas sa significant value na

0.05, ibig sabihin tatanggapin ang null hypothesis. Sa kabilang dako naman, ang

correlation coefficient value ay 0.106 na nangangahulugang walang kaugnayan

ang dalawang baryabol.

Ang resulta ng pag-aanalisa ng datos sa dalawang baryabol ay

nagsasaad lamang na ang karanasan sa pagsulat ng mga mag-aaral ay walang

impluwensiya sa kanilang antas ng kasanayan sa pagsulat. Ang kahantaran ng

mga mag-aaral sa pagsulat bilang bahagi ng pahayagang pangkampus, seminar,

at paglahok sa mga patimpalak sa sekundarya at kolehiyo ay walang direktang

impluwensiya sa magiging antas ng kasanayan nila sa pagsulat. Ang resulta ay

bunsod din ng iilan lamang sa mga respondente ang may karanasan sa pagsulat

at mas marami ang walang karanasan.

Gayunpaman, ang mga mga naunang pag-aaral ay salungat sa resulta ng

pag-aaral na ito. Batay sa resulta ng pag-aaral nina Aktas, et al (2020), ang mga

workshop tulad ng Digital Writing Workshop ay epektibo para mapabuti ang

kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, ayon sa pag-aaral


29

nina Thun Trang, et al (2018), kalahati sa mga mag-aaral ay nagsasabing ang

pagiging kasapi nila sa online publication na The SFLook ay nakatutulong sa

kanila upang mapabuti ang kanilang bokabularyo, 25% ang nagsasabing mas

napahusay ang organisasyon nila sa pagsulat, at 25% rin ang nagsabing mas

napabuti ang nilalaman ng kanilang mga isinusulat.

Sa kabila nito, sa pananaliksik na ito, hindi kakikitaan ng anumang

kaugnayan ang karanasan sa pagsulat at antas ng kasanayan sa pagsulat

sapagkat maaring sa panahon na isinulat ng mga mag-aaral ang mga awtput na

sanaysay, mababa ang kanilang motibasyon upang magsulat. Pinatunayan ito sa

pag-aaral nina Sugumlu, et al (2019), kung saan sa result ng pag-aaral nakita na

ang mag-aaral na may mas mataas na motibasyon ay may mataas din na marka

sa ebalwasyon ng pagsusulat. Dagdag pa rito, mayroon pang ibang panlabas na

mga kadahilanan o extrinsic factors na maaring makaapekto sa kasanayan sa

pagsulat ng mga mag-aaral.

Sa kabuoan, batay sa pag-aanalisa ng lahat ng resulta ng datos,

mahihinuha na ang personal na propayl ng mga mag-aaral ay walang

impluwensiya sa kanilang antas ng kasanayan sa pagsulat, sapagkat kung

tutuusin ang makrong kasanayan na pagsulat ay maaaring matutunan sa

katagalan. Kung kaya masasabing mahalaga ang proseso sa pagsulat upang

mas mapataas ang kasanayan ng mag-aaral lalo na sa nilalaman, organisasyon,

talasalitaan, wika, at mekaniks.

You might also like