You are on page 1of 4

PAIYA NG PAGLINANG NG TALASALITAAN SA IKA-9 NA BAITANG NG

NORTHWESTERN VISAYAN HIGH SCHOOL.

Isang Tangkang Pananaliksik

Inilahad sa
Fakulti, Kolehiyong Edukasyon
Northwestern Visayan Colleges
Kalibo, Aklan

Bilang bahagi ng pagtupad


Sa mga pangangailangan ng kursong
Batselyer sa Edukasyong Sekundarya
Medyor sa Filipino

ETHEL JOYCE A. FERMIN


PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA ESTRATEHIYA NG
PAGLINANG NG TALASALITAAN SA IKA-9 NA BAITANG NG
NORTHWEATERN VISAYAN HIGH SCHOOL.

Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang mga kagamitang gagamitin sa paglinang ng Ika-9
na Baitang Northwestern Visayan Colleges at gayundin kalakip ng pag-aral na ito kung
paano natin maituturo ng wasto ang isang salita na maraming kahulugan.

Sa particular, nais ng pag-aaral na ito na tugunan ang mga sumusunod na katanungan;


1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral ayon sa;
1.1 edad
1.2 kasarian
1.3 laki ng pamilya,
1.4 hanapbuhay ng mga magulang,
1.5 kabuuang kita ng pamilya, at
1.6 uri ng kawilihan ng mga mag-aaral.
2. Ano ang antas ng mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa binasa ayon sa
kanilang mga;
2.1 kalakasan, at
2.2 kahinaan
3. May makabuluhang ugnayan ba ang profayl ng mga mag-aaral at ang kanilang antas ng
kasanayan sa pag-unawa sa binasa?
Kabanata I

PANIMULA

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paglinang ng talasalitaan. Gumagamit tayo

ng mga salita sa pagpapahayag ng ating naiisip at nadarama at dapat isaisip na mahalaga ang

wastong paggamit ng mga salita sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Ngunit

dapat din nating mabatid na ang ganap na kawastuhan at kaliwanagan ng isang mensahe ay

nakabatay sa mga salitang ating pinipili. Kailangan din nating pagsama-samahin ang mga

angkop na salita upang mabuo natin ang kaisipan ng salita o makabuo pa ng ibang kahulugan

na batay sa salita. Ang pag-aaral din na ito ang magbibigay sa atin ng impormasyon upang sa

pagkilala ng ugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng isang salita. Sa

pagtuturo at pagkatuto ng wika, dapat pagpasiyahan ng guro ang mga salitang sa palagay

niya’y karapat-dapat na ituro para sa aktibong gamit at aling salita ang mahalagang

nakikilala o natutukoy ng mga mag-aaral kapag sila’y nakikinig o nagbabasa.

Mahalaga nating malaman kung paano pa malilinang ang Talasalitaan dahil

ang pagtatamo ng mga salita ay maaring bunga ng isang paglinang ng talasalitaan. Ayon kay

Channell (1988), ang isang bagong talasalitaan ay maaangkin lamang ng mag-aaral kung

maibibigay niya ang kahulugan alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at

magagamit din niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan.

Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng isang wika ay ang kabuuang talasalitaan ng

wikang ito. Ayon sa mga Anglo-Saxon ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na

dapat angkinin at mahalagahin. Sa mga Instsik naman, ito’y isang malawak na dagat ng mga

salita na dapat hulihin.

Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang katangian ng isang salita ang

mag-aaral bago lubusang sabihin na alam niya ang salitang ito. Dapat may kabatiran ang
mag-aaral sa kahulugan nito sa kasalukuyang konteksto; ang pagkakatulad at pagkakaiba

nito sa ibang salita na may kahulugan; ang ibang kahulugan na maaari itong taglayin; ang

ibang anyo nitong panggramatika; paano ginamit ang salita at mga sitwasyong

pinaggagamitan nito.

Nais nitong patunayan na mahalaga ang pag-aaral sa paglinang ng talasalitaan.

Bilang isang guro marami ang dapat alamin tungkol sa kalikasan at katangian ng mga salita

kung tayo ay nagtuturo ng talasalitaan. Ang pag-aaral sa talasalitaan hindi biro dahil sa mga

salita o kataga na nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag nasa pangungusap upang

makabuo ng pagpapakahulugan sa salita. May ilang salik na nakaaapekto sa paglinang ng

talasalitaan ng mga mag-aaral. May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga salitang

natutuhan sa pamamagitan ng aktibong paggamit nito ay higit na natatandaan kaysa sa mga

salitang naririnig lamang o nababasa. Ang pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at

konsepto na ginagamit ng isang estudyante sa pag-unawa ng mga salita, sa kabuuan ng teksto.

Ang pag-aaral kong ito ay upang makpagbigay ng ilang pamamaraan sa

pagtutro ng paglinang ng talasalitaan. Dahil sa mga salitang marami ang kahulugan at

mga salitang magkakapariho sa pantig ngunit maraming kahulugan. Upang mapalawak din

ang kanilang nalalaman tungkol sa talasalitaan. Dahil din sa pag-aaral na ito ay nauunawaan

ang mga salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito, gamit at kung paano ito gamitin.Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito mabibigyan natin ng linaw at solusyon ang mga bagay na

sagabal sa ating paunawa.

You might also like