You are on page 1of 4

ESTILO NG PAGTUTURO NG MGA GURO AT ANG AKTIBONG MOTIBASYON NG

MGA MAG-AARAL

Ang mabisang pagtuturo ay nakabatay sa mag-aaral bilang isang tao at sa kanyang

pangkalahatang pag-unlad. Dapat kilalanin ng guro ang mga indibidwal na pagkakaiba nang kanilang

mga estudyante at ayusin ang mga angkop na tagubilin para sa kanila, ito ay isang katotohanan na bilang

mga tagapagturo, gumaganap ng iba't ibang mahahalagang tungkulin sa silid-aralan. Ang mga guro ay

itinuturing na liwanag sa silid-aralan at sa napakaraming responsibilidad na mula sa pinakasimple

patungo sa pinaka-kumplikado. Ito ay nangangailangan ng iba't ibang mga estilo ng pagtuturo o

pamamaraan upang makuha ang mga interes ng mga mag-aaral. (Barberos, Gozalo at Padayogdog, 2018).

Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay may malalaki at mahahalagang tungkulin sa pagbibigay ng

tulong sa guro upang ang mga katotohanang nakapaloob dito ay maihatid patungo sa mga mag-aaral na

mas madali at mas maganda ang kalidad ng gawain.

Iba't ibang uri ng estilo ng pagtuturo ng Guro

Demokratikong Estilo ng Pagtuturo

Ang estilo ng pagtuturo ay tumutulong sa mga mag-aaral na makisangkot sa talakayan upang tumaas ang

kanilang lebel ng katalinuhan sa pamamaraang hikayatin ang mag-aaral na sumali sa iba’t ibang gawain

sa paksang aralin bagamat hayaan ang magaaral na matuto sa kanilang sarili nilang pang-unawa.

Awtorisadong Estilo ng Pagtuturo

Ang awtoritaryan sa kabilang banda, ang awtoritatib na diskarte ay ang pinakamahusay na pamamaraan

sa silid-aralan na hinihikayat ang mga mag-aaral na maging malaya, bagamat hindi sila pinapabayaan,

ang mga kabataan ay pinahihintulutan na ipahayag ang kanilang mga pananaw.

Indifferent na Estilo ng Pagtuturo


Ang guro na nagtuturo ay maaaring kulang sa mga kasanayan, kumpiyansa, o lakas ng loob upang

disiplinahin ang mga estudyante. Ang mga mag-aaral ay nag-iisip at nagpapakita ng walang malasakit na

saloobin ng guro. Ang bawat mag-aaral ay "sumasabay nalang sa anumang mangyari" at ginagawang

pampalipas oras nalang ang klase.

https://www.academia.edu/37968542/ESTILO_NG_PAGTUTURO_NG_MGA_GURO_AT_ANG_AKT

IBONG_MOTIBASYON_NG_MGA_MAG-AARAL
MGA SALIK TUNGO SA EPEKTIBONG PAMAMARAAN NG
PAGTUTURO SA MGA ESTUDYANTE

Upang maging epektibo ang estratehiya ng isang guro, may mga dapat itong bigyang

pansin. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng gagamiting pamamaraan ng

pagtuturo sa mga estudyante. Ang mga salik na ito kapag nabigyan ng kaukulang atensyon ay

magpapadali at magpapagaan ng proseso ng pagkatuto ng mga estudyante at maaring maging

tulay upang mas maging mabisa ang estratehiya na ginagamit ng isang guro (Maria Merlisa V.

Manuel 2012). Nakasentro ang pananaliksik na ito sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa

mga estudyante.Narito ang iba't-ibang epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa pagkatuto ng

isang mag-aaral.

Lebel ng Pagkatuto

 Memorizing (pagmememorya)

 Identify (paglalarawan)

 Recognize (pagkilala)

 Define (Pagpapakahulugan)

Istilo ng Pagtuturo

 Visual Learners

 Tactile/Kinesthetic Learners

 Auditory Learners
 Teknolohiya

https://www.academia.edu/30656945/MGA_SALIK_TUNGO_SA_EPEKTIBONG_PA

MAMARAAN_NG_PAGTUTURO_SA_MGA_ESTUDYANTE//.

You might also like