You are on page 1of 3

ABSTRAK

Vivien A. Operario , Jivy Palomeras , Mae Hazel Pulvera ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang ANTAS NG INTERES SA ASIGNATURANG FILIPINO, TAONG PANURUAN 2011-2012 na ibinatay sa mga kasagutan ng mga respondente. Ang pananaliksik na ito na binuo, sinuri at isinagawa gamit ang talatanungan ay nakatuon sa pagbibigay ng impprmasyon, istatistika at kongretong datos ukol sa saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa pagpapahaba ng oras ng paggamit ng aklatan. Upang maisakatuparan ang pananaliksik, gumamit ng surbey-kwestyuner ang mga mananaliksik na ibinigay sa mga respondente upang sagutin. Ang instrumentong itoang naging batayan ng mga mananaliksik upang lubusang malaman kung anu-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral ng pamantasang normal ng leyte tungkol sa pagpapahaba ng oras ng paggamit ng silid aklatan. Ang sarbey na ginawa ay may disenyo deskriptiv-analitik na pinasagutan sa isandaang (100) respondente sa ikalimang baitang ng elementary. Gamit ang isang daang sarbey-kwestyuner, ipinasagot ito sa isandaang (100) respondente sa ikalimang baitang ng elementarya upang lubos na maging makatutuhan ang resulta ng pag-aaral. Sa pagsusuri ng mga naging kasagutan ng mga mag-aaral, nalaman ang kanilang saloobin hinggil sa interes nila sa pagkatuto sa asignaturang Filipino. Batay sa kinalabasan ng pagsusuring ito, ang kinahantungan ng konklusyon ay makabubuti sa mga estudyante lalo na dahil karamihan ay may interes na matutu ng asignaturang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin at siyasatin ang mga saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa antas ng interes sa asignaturang Filipino ng mababang paaralang sentral ng San Jose, Taong panuruan 2011-2012. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-kwestyuner na pinasagutan sa isang daang (100) respondente.

Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay gumawa ng surbey kwestyuner na pinasagutan sa isang daang respondente. Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Baitang V. ipinasagutan ng mga mananaliksik ang kwestyuner sa isang-daang (100) respondente sa Baitang V. Binigyang katotohan ng mga respondente ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng katotohanan at taospusong pagsagot sa bawat katanungan. Ang mga mananaliksik ay nagsumikap na mahanapan ng kasagutan ang mga katanungan sa pagaaral na ito sa pamamagitan ng pagtabyuleyt at maingat na pag-analisa sa mga datos na nalikom mula sa kasagutan ng mga respondente. Ang naging tugon ay sinuri at binigyan ng pagpapakahulugan na makikita sa presentasyo at interpretasyon ng mga datos na binigyang katotohanan ang pag-aaral na ito. Batay sa mga datos na naipon, lumabas sa pag-aaral na ito na mas malaki pa rin ang porsyento na sumasang-ayon na mag-aaral na knteresadong matuto sa asignaturang Filipino. Karamihan sa mga mag-aaral ang sumang-ayon sa kabuuang sagot ng pag-aaral na ito. Sa isinagawang pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik ang antas ng interes ng mga magaaral sa asignaturang Filipino. Sa unang suliranin na, interesado ba ang mga mag-aaral na matutunan ang asignaturang Filipino isang daag porsyento ay sumagot n goo. Sa ikalawang suliranin na, mahalaga ang asignaturang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa mababang paaralan, walumput siyam na porsyento o (89%) ang sumagot n goo habang labing isang porsyento(11%) respondente ang sumagot ng hindi. Sa ikatlong tanong pitumput walo o 78% ang sumagot ng oo at dalawamput dalawang porsyento o 22% naman ang sumagot ng hindi hinggil sa katanungang mahalaga ba ang pagiging bihasa sa pagsasalita ng Filipino bilang isang Pilipino. Sa ikaapat na katanungan na mahirap bang unawain ang asignaturang Filpino para sa mga mag-aaral sa mababang paaralan, walumput siyam na porsyento o 89% ang sumagot n goo habang labing isang porsyento o 11% naman ang hindi. Sa katanungang madali bang

unawin ang asignaturang Filipino, walumput apat na porsyento o 84% ang nagsabing oo habang labing anim na porsyento o 16% naman ang hindi. Sa tanong na nagagamit ba ang natututunan sa asignaturang Filipino sa iba pang asignatura na kinukuha ng mga mag-aarl sa mababang paaralan, walumput walong porsyento o 88% na respondente ang sumang-ayon na nagagamit ito habang labing dalawang porsyento 12% naman ang nagsasabing hindi ito na gagamit. Sa ikapitong katanungan na nakatutulong ba ang pagbabasa ng aklat, diyaryo, magasin sa pag-aaral ng asignaturang Filipino, walumput anim na porsyento o 86% ang sumagot ng oo habang labing apat na porsyento o 14% ang nagsabing hindi. Sa ikawalong katanungan na nakatutulong ba ang paraan ng pagtuturo ng guro sa asignaturang Filipino upang mapataas ang interes ng pagkatutu ng mga mag-aaral sa mababang paaralan, siyamnaput isang porsyento o 91% ang nagsabing oo habang siyam na porsyento o 9% naman ang sumagot ng hindi. Sa katanungang gumagamit ban g ibat-ibang paraan gaya ng laro, dula-dulaan, dayalogo, at iba pa ang mga guro ng asignaturang Filipino, animnaput pitong porsyento o 67% ang sumagot n goo habang tatlumput tatlong porsyento o 33% ang sumagot ng hindi. Sa huling suliranin\tanong kung tumataas ba ba ang interes ng mga mag-aaral na matuto sa asignaturang Filipino kung gumagamit ang mga guro ng ibat ibang paraan, pitumput pitong porsyento o 77% ang nagsabing oo tumataas ang interes ng pagkatuto sa asignaturang Filipino habang dalawamput tatlong porsyento o 23% naman ang sumagot ng hindi. Batay sa nakalap na datos mula sa mga sagot ng mga respondente lumabas ang antas ng interes ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa kapwa nag-aaral at guro na siyang nagsisilbing panghikayat upang magkainteres sa asignaturang Filipino.

You might also like