You are on page 1of 6

KABANATA 1

Family Planning Para sa Malusog na Pamilya


Ang family planning at epekto nito sa mga hindi sapat ang pera sa
pangaraw-arawng gastusin ng mag-asawa sa Davao (edad 34 pataas).
Agosto 29,2016
PANIMULA:
Ang Family Planning ay ang pagtulong sa mga mag-asawa o indibidwal na
makamit ang hustong bilang ng pamilya sa isang katangian ng pagiging
respondableng magulang. Ito rin ay makakatulong nang Malaki upang
maiwasan ng mga ina ang sadyang pagpapalaglag ng anak sa kanilang
sinapupunan na maaring mauwi sa komplikasyon o di kaya ay pagkamatay ng
ina.
Ang Family planning rin ay nakakatulong sa pag iwas ng paglaki ng ating
populasyon sa bansa. Dapat alam din ng mga kabataan ito, dahil sa panahon
ngayon maraming mga kabataan na maagang nabubuntis dahil sa
temptasyon.Sa Kabanatang ito natin malalaman kung anong mga ibat ibang
paraan ng Family Planning.

LAYUNIN:
1.)Mga paraang pansamantala o pang-agwat.
2.)Mga paraang permanente.
3.)Naiuugnay sa mga kabataan at pamilya ngayon.
4.)Natutukoy ang importansya ng family planning.

1.Gaano ng aba kaimportante ang Family Planning?


2.Sa anong paraan maisasatupag o magagawa ito?
3.Anong mga dapat gawin?
Kahalagahan ng Family Planning:
-Makabawi ng lakas ng katawan na nawala dulot ng pagbubuntis at
panganganak.
-Makakaiwas sa hindi inaasahan at delikadong pagbubuntis ng mga ina na
may sumusunod na mga kalagayan:

Edad na mababa sa 34 taong gulang o higit pa.


Nasa pang-apat ng pagbubuntis.
Malapit na pagitan ng pagbubuntis (mababa sa 3taon)
May TB o malaria IRON-deficiency anemia.

Kalusugan ng Sanggol
1. Ang pagkakaroon ng sapat o dekalidad na oras sa pag-aalaga at pagaaruga ng mga anak.
Ang kahalagahan ng pagsusu, pagbakuna, wastong
nutrition, pangangalaga ng ngipin, at paghubog ng wastong
kaisipan.
2. Nakakatulong sa pagbawas ng bilang ng mga nagkakasakit at
namamatay na sanggol/bata sa bansa sa pamamagitan ng FAMILY
PLANNING.
Ang mga bata ay dapat mabigyan ng tamang pagaaruga,
pagmamahal, pag-aalaga, at pansin, upang matiyak na sila
ay mananatiling malusog, lalo na sa mga batang wala pang
limang (5) taong gulang.
Ang ibat-ibang paraan ng FAMILY PLANNING:

Mga paraang pansamantala o pang-agwat.


1. Pills
2. IUD
3. Condom
4. Injectable
5. Natural family planning
Mga paraang pemanente

-iminumungkahi sa mag-asawang naisakatuparan na ang nais na bilang


ng anak.
1. Bilateral Tubal Ligation.
2. No Scalpel Vasectomy para sa lalaki.
KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Ang mga magulang ay
dapat na minamahal at pinapahalagahan ang kanyang anak. Ngunit sa
panahon ngayon, ang mga materyal na bagay ay nakakaapekto sa samahan
ng

isang

pamilya.

Ito ay

nagiging

dahilan

para

tuluyang

masira

ang pinakamatibay na yunit na binuo ng ating mga ninuno. Ang mga bata
kabilang ang mga binata at dalaga ay umaasa ng isang mabuting relasyon sa
kanilang mga magulang. Sila ay naglalaan ng mas maraming oras kasama
ang pamilya sa pagbuo ng isang pampamilyang koneksyon. Ang epektibong
koneksyon ay may positibong epekto sa buhay ng magulang at mga anak. Ito
ay sa kadahilanang ang epektibong komunikasyon ay pundasyon sa
isang magandang relasyon ng magulang sa anak at anak sa magulang, sila
ay nangangailangan ng sapat na oras at

atensyon. Walang relasyon

sa mundo na mas hihigit at mas importante sa magulang-anak. Ang


dugong nanalaytay sa magulang at anak ang nag-uugnay sa kanila sa
panghabambuhay. Ang pundasyon ng pag-uugali ng isang bata ay
nagsisimula sa kanilang tahanan. Sila ay na iimpluwensyahan ng kaugalian
ng kanilang pamilya, lalo na ng kanilang nanay. (Pascual 1997)
Ang isang bukas na komunikasyon sa pagitan ng estudyante atmagulang ay
isang mahalagang elemento sa pagtuturo at sa kanilang grading system.
(Woolfolk 1990)
Ang komunikasyon ay isang mahalagang problema sa tipikal na pamilyang
Pilipino. Hindi laging nabibigyan ng kalayaan ang mga anak na maipahayag
ang kanilang nararamdaman sa mga magulang, sa halip,ibinibahagi nila ito sa
kanilang pinsan, tito, o di kaya ay sa kanilang mga kaibigan. May mga
estratehiya para mas maging epektibo ang komunikasyon ng pamilya.
kabilang dito ang pagiging masaya, pagturing sa anak nang may katapatan at
pagtitiwala, walang pagbabago at madalas na pagsabi sa anak kung
gaano mo sila kamahal.Ilan sa mga magandang paraan para mapatibay o
mapanatili ang koneksyon ng magulang sa anak makabuo ng positibong
ugnayan ay ang paggawa ng mg aktibidad ng magkasama, hayaang
makipagkaibigan ang anak at bigyan ng kalayaan. (Herman M.R; 1997)
Ang pamilya ay isang komunidad na may importanteng gampanin, kabilang
ang kaalaman at kaligiran ng edukasyon na magbibigay linaw sa mga
kabataan sa kasalukuyang henerasyon na may tamang proseso ng
sosyalisasyon. (Sarwano Kusumaatmadja, 1995)

Ang relasyong magulang-anak ay dapat na laging matatag. Dapat laging


siguraduhin ng mga magulang na bukas ang kanilang komunikasyon sa
kanilang anak. Ang relasyong magulang-anak ay dinamiko, walang relasyong
magulang-anak na perpekto. Isa sa mga aspeto sa pagpapalaki ng anak ay
ang pag-alam at paggabay sa lahat ng mga pagbabagong nagaganap sa
anak, simula pagkabata hanggang pagtanda upang hindi lumaki ang anak na
may masamang ugali. (Zaide P; 2002)
Ang magulang ay nagiging isang mabuting magulang kapag sa umpisa
palang ay alam na niya ang mga pagsubok, responsibilidad at problemang
kakaharapin niya bilang magulang. (Zaide P; 2002)
Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na may pamagat
na

The

Relationship of Single Parent Familyhood and Two Parent

Familyhood on School Discipline and Academic Performance, lumalabas na


mas disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang buo ang pamilya kay sa
mga batang lumaki sa mga sirang tahanan.
Banyagang Pag-aaral:
Ang pagpaplano sa pamilya ay ginawa ng Tsina na isang pundamental na
patakaran ng bansa. Sa ginagawang pagpaplano sa pamilya, mag-aadopt
ang Tsina ng mga paraan ng pagsasaanib ng pamamatnubay ng bansa sa
pagkusa ng mga mamamayan. Ang pamamatnubay ng bansa ay tinutukoy na
ang sentral na pamahalaan at mga pamahalaang lokal ay bumalangkas ng
mga patakaran at batas na may kinalaman sa pagkontrol sa paglaki ng mga
populasyon, pagpapataas sa kalidad ng mga populasyon, pagpapabuti sa
estruktura ng mga populasyon; at ng plano hinggil sa pag-unlad ng macropopulation; at pagkalooban ang lahat ng magkasintahan ng mga konsultasyon
pamamatnubay, serbisyong teknikal at iba pa na may kinalaman sa
reproduction health protection, konstrasepsyon, birth control, healthy birth and
sound care. Ang pagkusa ng masa ng mga mamamayan ay tumutukoy na sa
ilalim ng mga pamamatnubay ng mga may kinalamang patakaran at batas ng
bansa, at batay sa kanilang mga edad, kalusugan, trabaho at kondisyong
pangkabuhayan, ang mga couple of childbearing age ay magdadalang-tao sa

responsable at plinanong paraan; at pipili ng mga angkop na paraan na may


kinalaman sa kontrasepsyon, birth control.
Ang mga kasalukuyang patakaran na may kinalaman sa pagpaplano sa
pamiliya ng Tsina, pangunahin na, ay mga sumusunod: Itaguyod ang huling
pagkakasal, huling panganganak, have fewer but healthier babies; itaguyod
ang isang mag-asawa ay dapat manganak ng isang sanggol makaraan ang
ilang taon; sa minority nationality regoons, batay sa kagustuhan ng iba't ibang
nasyonalidad mismo, at sa kongkretong kalagayan ng nasabing mga
nasyonalidad na gaya ng mga populasyong, resources, kabuhayan, kultura at
customs at iba pa , may di magkakaparehong tadhana: sa karaniwan,
maaaring mannganak ng dalawang danggol , sa ilang purok, maaaring
manganak ng tatlong sanggol; para sa mga pambansang minoriya,
talagangkakaunti ang mga populasyon nito, hindi limitahin ang bilang ng
panganganak.

Sapul nang pairalin ng Tsina ang patakaraang pagpaplano sa pamilya ang


huling pagkakasal, huling panganganak, have fewer but healthier babies ay
unti-unting nagiging isang kaugaliang sosyal. Kasabay nito, dahil sa
pagpaplano sa pamilya, ang mga babaing Tsino ay nakapaghulagpos sa
maraming pasanin na dulot ng panganganak, at napataas ang lebel na
pangkalusugan ng mga ina at sanggol.
Bawat taon, kalahating milyong babae ang namamatay mula sa mga
problema sa pagbubuntis, panganganak at hindi ligtas na pangangalaga.
Maaring mapigilan ng family planning ang karamihan sa pagkamatay na ito.
Halimbawa, makakapigil ang family planning sa panganib mula sa
pagbubuntis:

Masyadong maaga. Mas malamang na mamatay sa panganganak


ang mga babaeng mababa sa edad 18 dahil hindi pa lubos ang paglaki
ng kanilang katawan. Mas Malaki rin ang tsansang mamatay ang
kanilang sanggol sa unang taon.
Masyadong huli. Mas maraming panganib ang hinaharap sa
pagbubuntis ng matatandang babae, laluna kung mayroon silang ibang
problema sa kalusugan o nagkaroon na ng maraming anak.
Masyadong magkakalapit. Kailangan ng katawan ng babae ng
panahon para makabawi sa pagitan ng pagbubuntis.

Masyadong madami. Mas Malaki ang panganib ng babaeng sobra sa


4 ang anak na mamatay mula sa pagdurugo at iba pang sanhi matapos
manganak.

BUKOD SA PAGLILIGTAS NG BUHAY, MAY IBA PANG MGA BENEPISYO


ANG FAMILY PLANNING.
1. Mas lulusog ang mga nanay at sanggol, dahil maiiwasan ang delikadong
pagbubuntis.
2. Kapag naghintay bago magkaanak, maaaring magkapanahon ka para
magtapos ng pag-aaral ang mga kabataang babaet lalaki.
3. Kapag kaunti ang anak, maaring mas may panahon para sarili at mga
anak.

You might also like