You are on page 1of 9

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng pangkalahatang ideya tungkol sa mga nagdaang

pag-aaral kaugnay sa paksa ng pananaliksik na ito.

Pamilya at Biracial Families

Sinipi ni Martin (2014) ang pag-aaral ni Jacobson at Warren (1995) na nakapokus sa

pagpapatuloy ng istrukturang racial purity, ang pagpapanatili ng hangganang pangangasawa ng

kalahi ang istandard ng pamilyang Amerikano sa dantaon ng nakalipas. Ang ganitong tradisyonal

na pamilyang Amerikano ay kasalukuyan nang nagbago at umangkop na sa pagbabago ng mga

ideal ng mga tao.

Pinakilala nina White at Klein (2002) na ang pamilya ay isang pangkatang sosyal na ang

pagkakakilanlan mula sa iba pang pangkatang sosyal ay nakatuon sa degree. Ipinaliwanag nila na

ang nonfamily groups, gaya ng mga kaibigan at katrabaho, ay dalasang mayroong mga katangian

ng isangg pamilya pero iilan lamang sa mga katangiang ito ay nahahalata. Kabilang sa mga

katangian ang long-term commitment, relasyong nabuo dahil magkadugo,mula batas o

pagmamahal, pagkakapatirang organisasyon at marami pang iba. Ito ay sinuportahan nina Baxter

at Braithwaite (2006) nang pakahulugan nila ang pamilya bilang isang pangkat na binubuo ng

dalawa o higit pang tao na mayroong on-going interdependence with long-term commitments at

ang mga taong itoy maaaring magkadugo at nagmamahalan.

Samantala, binigyang-kahulugan nina Turner at West (2013) ang pamilya bilang isang

magkapalagayang-loob na pangkat na gumagawa at nagpapanatili ng kanilang sarili sa

pamamagitan ng kanilang interaksyon sa isat isa at kanilang interaksyon sa iba. Maaaring

mapabilang dito ang buluntaryot inbuluntaryong relasyon. Ito rin ay lumilikha ng kapwa literal
at simbolikong panloob at panlabas na hangganan at nagbabago: Mayroon itong kasaysayan,

kasalukuyan at hinaharap. Napapakahulugan rin ang pamilya ayon sa kaugnayang bayolohikal,

social ties, pakikipag-interaksyon at promixity (Thompson, Griffith, Baxter & Kaphingst, 2015).

Dagdag pa, ang pondasyon ng buhay ng isang pamilya ay salitaan. Ilan sa mga susi sa salitaan ng

mga kasapi ng pamilya ay ang pagpapaliwanag ng in-group relationships kasama ang ibang

kasapi ng pamilya, paglilinaw kung paanong ang isang pamilyay bahagi ng isang kultura, at

pag-uusap kung paano maipapakita sa ibang tao ang blueprint of the inner workings ng isang

pamilya (Turner at West, 2013).

Kaugnay nito, ang pinagmulan ng isang pamilya ay mayroong malaking impluwensiya sa

pagiging maunlad ng hinaharap ng isang relasyon (Gardner, Busby, Burr, & Lyon, 2011). Ang

pagkakaiba-iba ng pinagmulan ng pamilya ay mayroong ibat ibang istilo sa komunikasyon.

Maaaring magkaroon ng mataas na antas ng tiwala at nakakapamahala ng isang nabuong

problema. Ang komunikasyon sa alinmang kulturang pinagmulan ng isang pamilya at ang mga

kasapi ng nito ay nagbibigay ng mga sunud-sunod na mensahe at kabuluhan nito sa alinmang tao

na labas sa inbuluntaryong pamilya (Turner & West, 2013). Ang patuloy na cycle ng pag-unlad

at paglago ng isang pamilya ay nakadepende sa komunikasyon ng pamilya (Martin, 2014).

Sa kabila ng mga pagbabago sa lipunan, ang pamilya ay nananatiling isa sa

pinakamatandang institusyon na gumaganap ng kritikal na papel sa pagpapahiwatig ng kultura ng

isang bata (Iruonagbe, Chiazor, & Ajayi, 2013). Kahit na mayroong malawak na family dynamics

at frameworks, ang pamilya ay nananatili pa ring isa sa malaking mga institusyon na tumutukoy

sa pamilya bilang isang kategorya sa pagitan ng mga pangkat ng tao, gayon din ng mga taong

mula sa ibat ibang lahi. Sa pagpapahiwatig ng kultura, bahagi ng kaalaman sa kultura ang racial

representation. Maaaring magkaroon ang pamilya ng marami o kaunting mabuting saloobin sa


ibang lahi at ang potensyal ng mga anak na makapag-asawa ng ibang lahi; ngunit ang mga taong

kabilang sa ganitong uri ng pamilya ay maaaring magkaroon ng mataas o mababang pagpaparaya

sa mga ideya na nangangailangan ng malalim pananaw sa pagkakaiba-iba ng mga lahi (Martin,

2014).

Iginiit ni Cools (2006) ang kawalan ng malawak na pananaliksik sa komunikasyon ng

interracial relationships. Nagpahayag si Lee (2006) na laganap na ang intercultural marriages at

intercultural friendships at ang ganitong klase ng relasyon ay pinababayaan. Samakatuwid, ang

pag-aaral pag-aaral sa ganitong klase ng relasyon ay kinakailangan.

Sa kasalukuyan, marami ng pag-aaaral ang umusbong tungkol sa konsepto ng biracial

families. Ang biracial families ay nakakapagbigay ng mas mataas na kakayahan sa usaping

ekonomiya at kutural na pangangailangan ng kanilang mga anak kaysa sa mga monoracial

families, ngunit kakaunti lamang ang benipisyong naibibigay sa pangangailangang sosyal o

interaksyon (Cheng & Powell, 2007). Sinalungat ito ng pag-aaral nina Cheng at Lively (2009) na

ang biracial families ay mayroong positive well-being outcomes na may kaugnayan sa

interaksyong sosyal ng kanilang mga kaibigan kahit na sila ay mas mahinang psychological well-

being outcomes kaysa sa monoracial families. Kaugnay nito, ang biracial families ay naiulat na

mayroong mas maraming mga kaibigan na sinasabihan ng kanilang mga problema ngunit ang

kalidad naman ng relasyong nabuo sa pagkakaibigan ay mas mababa kung ikukumpara sa

monoracials (Cheng & Lively, 2009). Malinaw na magkatulad ang konsepto ni Portes (2000) sa

pag-aaral nina Cheng at Lively (2009) dahil nagpahiwatig ito na ang mga kabataang mayroong

mga magulang na mula sa ibat ibang lahi ay magkakaroon ng mataas na pakikilahok sa lipunan

at malakas na ugnayan na magbibigay daan sa pagkakaroon ng maraming akses sa lipunan at

siyang magpapabuti ng pagkatao.


Kahit mahalagang bahagi ng pagpapaunlad ng katauhan ng isang multiracial ang pamilya,

kakaunti lamang ang mga pag-aaral tungkol sa proseso ng ethnic at racial socialization sa loob

ng interracial families (Jenks, 2013). Ang racial at ethnic socialization ay mas kadalasang mas

komplikado para sa mga biracial families kaysa sa monoracial families. Itoy dahil naiiba ang

societal norm ng biracial families sa pangangasawa ng katulad lang ang lahing pinagmulan, kaya

nagreresulta ito sa mga magulang ng hindi malinaw na pagtatatag ng patnubay sa sosyalisasyon.

Dagdag pa, ang mga magulang ay nagkakaroon ng malawakang ideolohiya at pag-unawa sa lahi

at katutubo ng pamilya. Ang mga anak ng ganitong pamilya ay nagkakaroon ng kawalan ng

pagkilala sa lipunang kanilang kinabibilangan na magreresulta ng hindi ganap na pag-unawa ng

mga magulang sa mga karanasan ng kanilang mga anak (Rockquemore, Laszloffy, & Noveske,

2006). Sa pag-aaral ni Jenks (2013) na Racial and ethnic socialization within interracial Asian

and White families: A summary findings from a study of 12 Asian and White families

demonstrate how family members communicate with each other about race and ethnicity, with

particular focus on parent/child communication, apat na tema ang umusbong sa pakikipanayam:

mga kaugalian sa kultura (wika, pagkain, relihiyon at mga tradisyot okasyon), mga epekto sa

relasyong interpersonal (pamilya at mga kaibigan), mga karanasan ng diskriminasyon at

katauhan (katauhan ng magulang, mga pananaw ng magulang sa katauhan ng anak, at

paglalarawan ng mga anak sa katauhang kultural, katutubo at lahi).

Nakitaan rin ng mga mananaliksik ang intercultural marriages ng mga suliranin. Nakita

ni Cools (2006) ang walong mahahalagang area na kung saan ang intercultural marriages ay

mayroong problema: wika, komunikasyon, pakikiangkop sa asawa, kaibigan, pagpapalaki ng

mga anak, papel ng kasarian, visibility, at mga tradisyon. Nakitaan rin ni Frame (2004) ang

katulad na resulta sa area ng kasarian, wika, at pagpapalaki ng mga anak. Pagpapahalaga, pera,
relihiyon at estado sa buhay ay ilan rin sa mga area na makapag-uudyok ng pagkakaroon ng

problema sa intercultural marriages. Sa mga mag-asawa sa intercultural marriages, ang mga

hamong kakaharapin sa paghahanap ng solusyon sa mga problema ay dadami dahil sa kawalan

ng kakayahan na ganap na maunawaan ang problema pati na rin ang mga salitang dapat gamitin

sa pakikipagkomunikasyon (Frame, 2004).

Samantala, ipinaliwanag ni Root (2001) kung paano ang komunikasyon at pagtanggap ng

interracial partner na isinalarawan ng pamilya ay magkaugnay. Tinukoy niya ang apat na tema

ang istilo ng komunikasyon: Open, Pseudo-Open, Closed, at Pseudo-Closed.

Sa open family, ang komunikasyon ay two-way street, ang mga anak ay lumalaking

malaya at may kakayahang gumawa ng mga desisyon na may maaaring labag sa paniniwala ng

mga magulang (Root, 2001). Ang ng mga kasapi ng pamilya ang desisyon ng bawat isa ang

nananaig. Sila ay nagbibigay-respeto sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang bawat isang

kasapi ng pamilya ay may kanya-kanyang pagkakaiba. Ipinahiwatig ng open family ang lohika

ng hangganan, at ang mga kasapi ay nakauunawa na ang bawat kilos ng isa ay hindi gumaganap

ng pagkakakilanlan ng pamilya, sapagkat ang pagkakakilanlan ay binubuo ng higit sa isang kilos

o gawi ng isang tao. Kumikilos ang mga kasapi ng pamilya ayon sa kahalagahan ng bawat isa.

Bukod pa rito, ang open family ay tinitingnan ang relasyon base sa kalidad na walang kinalaman

pagkakaiba ng kultura; tinitingnan nila ang karanasan base sa kung ang tao ay mabuting kasapi

ng pamilya.

Samantala, ang pseudo-open family ay mayroong set ng mga alituntunin mula sa

nakaraang henerasyon. Kapag may pagkakataon na ang kasapi ng ganitong uri ng pamilya ay

nagtataas ng antas ng pagiging seryoso sa pagkakaroon ng relasyon sa ibang lahi, mga


diskriminasyon mula sa pamilya ay lilitaw. Isinaalang-alang ng mga kasapi ng pamilya sa

kanilang sarili ang kawalan ng diskriminasyon, masamang pagpapalagay, at isasantabi ang mga

pagtutol sa lahi at estado ng buhay at magpapakita ng pagtanggap basta ang mapapangasawa ng

isa sa mga kasapi ay kalahi (Root, 2001).

Ang closed family naman ay nagpapakita na ang pamilya ay mayroong pagtatangi sa

kung sino ang katanggap-tanggap at hindi mula pa sa pagkabata. Mahigpit na mga tuntunin at

mga patnubay ang isinasaad ng mga magulang sa pamilya. Sa ganitong uri ng pamilya, ang

interracial dating ay pinagbabawal at iginigiit ng ganitong pamilya ang hangganan ng sa pagitan

ng mga lahi. Ang mapapangasawa ng ganitong uri ng pamilya ay kailangang tama at ang mga

kasapi ng pamilya ang nagkakaroon ng pamantayan kung sino ang nararapat na tanggapin (Root,

2001).

Sa pseudo-closed family, mayroong mga katangiang katulad ng closed family na

nabanggit; subalit, kapag nalaman ng mga magulang na ang kanilang anak ay papasok sa

interracial marriage, kahit na tutol sila rito, nagkakaroon sila ng takot na mawala ang kanilang

anak sa kanila kaya magtatangka silang maging bukas (Root, 2001).

Komunikasyon sa Biracial Families

Ang komunikayon ay tumutukoy sa mga simbolong ginagamit sa pagitan ng dalawang

tao sa pamamagitan ng berbal and hindi berbal na paraan (Baxter & Braithwaite, 2006). Ang

mga kakayahan sa komunikasyon na may kaugnayan sa kaalaman at kasanayan ay binigyan din

ng pansin. Ang epektibong komunikasyon ay multifaceted at umuunlad sa pagdating ng panahon

(Renalds, 2011). Ang komunikasyon sa pamilya ay may mahalagang papel sa ibat ibang aspeto

ng lipunan, tulad ng pakikipag-ugnayan sa mga bata (Garcia, 2015; Gareis, 2000; Renalds,
2011). Ang pamilya ay ang pangunahing konteksto kung saan ang mga anak ay unang natututo

ng paraan kung paano gamitin ang komunikasyon sa pagkontrol ng tensyong dayalektal na likas

sa multi-cultural na lipunan. Ang mga pananalisik sa social sciences, lalo na sa komunikasyon,

ay kailangang kilalanin ang pamilya bilang susi sa pag-unawa ng mga problema pagiging

magkaiba. Kaya, nangangailangan ang pag-aaral sa komunikasyon sa pamilya (Garcia, 2015;

Swihart & Wooten, 2007).

Isa ang komunikasyon sa pinakamalaking suliraning kinakaharap ang interracial o

intercultural couples. Kabilang dito ang hamon sa pagsasalita ng ibat ibang wika. Sa una,

nasisiyahan ang mag-asawa na pakinggan ang ibang wikang sinasalita, ngunit ito rin ang

magiging dahilan ng pagtatalo kapag may hindi pagkakaunawaang mangyayari o hindi kayay

ang dayuhang wika ay naisalita sa mga pagtitipon ng pamilya. Ang komunikasyon rin ay

nagiging isyu kapag itoy nakasama sa paraan ng mag-asawa na bigyang-solusyon ang kanilang

mga problema (Swihart & Wooten, 2007).

Ayon kay Swihart at Wooten (2007), mayroong limang hamon ng wika sa

komunikasyon. Una ay ang wikang ginagamit. Kapag ang mag-asawa ay mayroong sariling taal

na wika, mahalagang tukuyin nila ang wikang kanilang gagamitin sa bahay. Marahil, ang wikang

mananaig na gagamitin ay ang wika ng lugar na kanilang tinitirahan. Ang isa ring malaking

hamon sa mag-asawa ay kung paano nila mailalantad sa kanilang mga anak ang dalawang wika.

Pangalawa ay upbringing paano kalakas o katulin ng kanilang pakikipagkomunikasyon. Ang

ibang tao ay matatas kaysa sa iba, ang ibang lahi naman ay likas ng matatas sa

pakikipagkomunikasyon. Pangatloy mga biro paraan ng panunukso. Maraming mga

palakaibigang Pilipino ay may maraming paraan sa panunukso na nagpapasaya sa ibang tao

ngunit nakakasakit kung itoy gagawin sa mga taong iba ang nasyonalidad. Dagdag pa,
karamihan sa birong mula sa mga kanluraning bansa ay maaaring hindi katawa-tawa sa mga

Asyano, marahil itoy corny o hindi nila ito maintidihan. Pang-apat ay ang paraan ng

pagpapahayag ng pagmamahal.

Sa pag-aaral nina Tili at Barker (2015), ang kakayahan sa komunikasyon ay pinapaunlad

upang tugunan ang pagkakaiba ng kultura ng mag-asawa at paano bigyang-solusyon ang mga

problema. Lumabas rin sa kanilang pag-aaral na ang komunikasyon ng intercultural couples ay

naimpluwensiyahan ng personal growth, language fluency, at pagkakaiba sa pagitan ng high-

context at low-context communication styles. Dagdag pa, ang self-awareness, open-mindedness,

mindfulness, showing respect, self-disclosure, at face-support ay nakita habang ang mga

pinakaimportanteng sangay sa kakayahan sa komunikasyon ay pinapaunlad at ginagamit ng

mag-asawa. Ang pagbabago ng pananaw at paggamit ng malayang komunikasyon ay mga

mahalagang estratehiya sa pagtugon ng mga problema ng mag-asawa.

Pinuna ni Gareis (2000) na ang kakayahan ng isang tao sa epektibong

pakikipagkomunikasyon ay mahalaga sa karagdagan ng pagpapaunlad ng positibong relasyon ng

isang tao sa ibang taong mula sa ibang kultura. Kabilang sa komunikasyon ang kompetens sa

mga di-berbal na behaviour, self-disclosure, at iba pang susing element sa intercultural

communication competence (Gareis, 2000). Sa pag-aaral naman ni Lee (2006), pinatili niya na

ang interpersonal communication ay may mas malaking impluwensiya kaysa sa mga salik sa

kapaligiran ng intercultural relationships. Kapag ang mag-asawa ay malayang nakikipag-

ugnayan sa isat isa, ang pagmamahal sa relasyon ay titibay (Rosen-Grandon, Myers, & Hattie,

2004).
Nagsagawa ng pag-aaral na sangkot ang close intercultural relationships si Sias et al.

(2004) at nakita na ang wika ay isa sa mga sanhi ng pagkakaroon problema sa komunikasyon

pero hindi sa pagpapaunlad ng relasyon. Ito naman ay sinang-ayunan ni Cools (2006) na

nagsabing ang wika at komunikasyon ay maaaring maging sagabal sa ilang kasapi ng

intercultural relationships. Subalit, ang balakid na ito ay nag-udyok sa mga tao na palaging

gawin ang pakikipagkomunikasyon upang mas magkaunawan ang bawat isa. Ilan sa mga

dalawang magkalapit na tao ay nagpapaunlad ng kanilang sariling wika. Kaugnay nito, ang

pagiging tatas sa wika, high-context versus low-context communication, at pamilya ang mga

tinukoy na tatlong pangunahing salik na nakakaapekto sa komunikasyon ng intercultural

marriages. Sinang-ayunan ng mag-asawa na ang kanilang komunikasyon sa isat isa ay nagbago

sa pagdaan ng taon batay sa kanilang natamong kaalaman tungkol sa kanilang sarili at kanilang

asawa. Ang pagkakaroon ng pag-unawa sa pangunahing wika at istilo ng komunikasyon ng

bawat isa ay mahalaga sa intercultural marriages (Renalds, 2011).

Lagom

Marami ng pag-aaral ang nangatwiran na may mga suliranin sa komunikasyon ang

biracial families. Ang pananaliksik na ito ay may adhikaing galugarin ang mga suliraning

kinakaharap ng mga biracial families sa komunikasyon at paano nila ito binigyang-solusyon.

Ang mga kaugnay na literatura tungkol sa komunikasyon ng biracial families ay magsisilbing

mga pansuportang pag-aaral sa tuwing kailangan ng mga mananaliksik ng paliwanag sa mga

komplikadong kaisipan sa pananaliksik na ito.

You might also like