You are on page 1of 42

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Sa mapanghamong panahon dulot ng pandemya dito sa bansang

Pilipinas, maraming pagbabago ang kailangang gawin at yakapin na karaniwang

naiiba sa dating nakasanayan (Dones, 2018). Maraming pagbabago sa sistema

ng ating edukasyon mula sa pamamaraan at mga estratehiyang ginagamit sa

pagtuturo upang makamit ang tagumpay ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ngunit

alin nga ba sa kagamitang panturo ang mas mainam gamitin ngayon?

Hindi rin maiiwasan na patuloy pa rin ang paggamit ng tuwirang

pamamaraan sa pagtuturo, gamit ang aklat at modyul sapagkat ito ang

kinagisnan at kinalakihan. Dito unang natuto ng mga pangunahing konsepto

patungo sa mga malalaking paksa at kaalaman.

Ayon kay del Castillo (2020), malaki ang epekto ng tuwirang pamamaraan

at alternatibong teknik ng pagtuturo sa iba't ibang kakayahang tinatamo ng mag-

aaral. Dito masusubok ng guro kung saang teknik ng pagtuturo mas umaangat

ang antas sa pag-unawa at pagkatuto ng mga mag-aaral. Nasusubok dito ang

kalakasan ng dalawang teknik sa pagtuturo na ginamit ng guro. Sa pag-alam ng

bawat kakayahan ng mag-aaral, naisaalang-alang ng guro kung anong dulog at

teknik ang kaniyang gagamitin.

Ang mga Panitikang Asya ay mga akdang nagmula sa mga bansang

sakop ng Silangang Asya na saklaw ang mga paniniwala, katangian, kaugalian,


2

pilosopiya at kultura ng lahi na binigyan ng iba’t ibang anyo upang magmulat sa

kamalayan ng mga Asyano.

Ang mga akda sa Silangang Asya ang napiling ginamit sapagkat ito ay

may sapat na nilalaman na matamo ang layunin ng pag-aaral at balido na ito na

isang kagamitang materyal bilang lunsaran sa pagtuturo ng batayang kurikulum

sa Filipino na mandatos ng Kagawaran ng Edukasyon na ituro sa ikalawang

markahan sa ikatlong baitang na mga mag-aaral.

Samakatuwid, Ang layunin ng pag-aaral na ito ay nakapokus sa

akademikong kakayahan ng mga mag-aaral na kung saan sila mas umaangat sa

pagkatuto, sa tuwirang pamamaraan gamit ang modyul sa pagtuturo o sa

alternatibong teknik na pagtuturo gamit ang komiks istrip. Gagamitin ang mga

akdang pampanitikan sa Silangang Asya at aalamin ng mananaliksik kung ano

ang mas epektibong pamamaraan para sa mga mag-aaral ng Ikasiyam na

baitang ng Surallah National High School, taong panuruan, 2022-2023.

Teoretikal na Balangkas

Ayon sa teorya ni Piaget (1980) na Constructivism Learning Theory sa

pag-aaral ni Bulan (2018), hindi siya sumasang-ayon sa tuwirang pamamaraan

ng pagtuturo. Nakita niya na bilang isang mag-aaral ay kailangang malinang ang

kanilang kognitibong aspeto at ibigay ang ebidensyang ito mula sa alternatibong

teknik ng pagtuturo gamit ang iba’t ibang dulog at estratehiya. Gagawa ng

mabisa at mabilis na paggamit ng mabubuting pamamaraan ng pagtuturo.

Nakasalalay rito ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mga

mag-aaral at pagtuturo ng guro.


3

Ang pag-aaral na ito hinalaw mula sa pag-aaral ni Bulan (2018), na

gumamit ng deskriptib-eksperimental na disenyo upang ilarawan at tayahin ang

pauna at panghuling pagsusulit sa antas ng kabisaan ng komiks bilang

kagamitang pampagtuturo na nasa ikapitong baitang. Natukoy na may malaking

kabuluhang pagkakaiba ang dalawang grupo ng respondente sa ginawang

interbensiyon gamit ang kagamitang pampagtuturo na komiks ang pinagbatayan

may malaking pagkakaiba ang percent knowledge gain scores ng dalawang

grupo sa isinagawang pag-aaral.

Konseptuwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “Komiks Istrip ng Panitikang

Asyano: Alternatibong Teknik sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Ikasiyam na Baitang

na mga Mag-aaral ng Surallah National High School” ay bibigyan ng balangkas

ng kaisipan upang higit na maintindihan at malaman ang tunguhin ng pag-aaral

na ito.

A. Alternatibong Teknik
sa Pagtuturo Gamit
ang Komiks-Istrip Pagkatuto ng
Ikasiyam na Baitang
(Eksperimental) ng mga Mag-aaral
ng Surallah National
High School sa
Panitikang Asyano
Batay sa Resulta ng
Pauna at Panghuling
B. Pagtuturo Gamit ang Pagsusulit
Modyul

(Kontrolado)
4

Pigura 1. Paradaym ng Pag-aaral. SKSU.2022.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay ang paghahambing ng

pauna at panghuling pagsusulit sa asignaturang Filipino, sa pagtuturo ng mga

Panitikang Asyano gamit ang modyul at alternatibong teknik na komiks-istrip.

Upang makamit ang layunin, sasagutin sa pag-aaral na ito ang

sumusunod na mga tiyak na katanungan:

1. Ano ang antas ng nakuhang iskor ng mga mag-aaral sa pauna at panghuling

pagsusulit sa:

1.1 tuwirang pamamaraan sa pagtuturo gamit ang modyul; at

1.2 alternatibong teknik sa pagtuturo gamit ang komiks-istrip?

2. May kaibahan ba antas ng nakuhang iskor sa pauna at panghuling pagsusulit

sa:

2.1 tuwirang pamamaraan sa pagtuturo gamit ang modyul; at

2.2 alternatibong teknik sa pagtuturo gamit ang komiks istrip?

3. May kaibahan ba ang mga mean gain score ng mga mag-aaral sa pagitan ng

tuwirang pamamaraan gamit ang modyul at alternatibong teknik sa pagtuturo

gamit ang komiks- istrip?

Haypotesis ng Pag-aaral

Susubukin ang sumusunod na haypotesis gamit ang 0.05 na level of

significance:
5

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang mga iskor na nakuha ng mga mag-

aaral sa pauna at panghuling pagsusulit batay sa grupong kontrolado at

eksperimental.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang mga mean gain score na nakuha

ng mga mag-aaral sa grupong kontrolado at eksperimental.

Kahalagahan ng Pag-aaral

            Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman ang kabisaan ng

dalawang pamamaraan sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral ng

Ikasiyam na Baitang gamit ang komiks-istrip bilang alternatibong teknik sa

pagtuturo at tuwirang pamamaraan . Makapagdudulot ng pakinabang at

kahalagahan ang kinalabasan ng pag-aaral na ito sa sumusunod:

Sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makatutulong na mapahusay

ang kanilang pagkatuto at mahimok na makilahok nang aktibo sa talakayan sa

loob ng silid-aralan lalo na sa asignaturang Filipino.

Sa mga guro, ang pananaliksik na ito ay hahamon sa kanilang pagiging

malikhain sa pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo na makita at para

mabatid at mapahusay kung anong teknik ng pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Sa mga administrador, ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong

bilang batayan sa mga paaralan kung anong uri ng pagtuturo ang magaganap sa

bawat silid-aralan.

Sa Kagawaran ng Edukasyon, ang resulta ng pag-aaral na ito ay

nakapagpababatid sa mga opisyal ng DepEd kung alin sa dalawang estratehiya

ang mas epektibong magpapaunlad sa kakayahan at kasanayan ng bawat mag-


6

aaral para matugunan ang pangangailangan ng paaralan sa pagpapaangat ng

mithiing pang-edukasyon.  

Sa kapwa mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa iba

pang kaugnay na pag-aaral at sa mga paksang hindi pa gaanong napag-aaralan,

nang mapaunlad pa ang pag-aaral na gagawin sa paglinang ng angking

propesyon, at magiging batayan at sanggunian para sa kanilang isasagawang

pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sasaklaw ang pag-aaral na ito sa antas ng pagkatuto sa animnapung (60) mag-

aaral ng ikasiyam na baitang. Gagamit ng toss a coin sa pagtatakda ng

seksiyong magsisilbing eksperimental at kontroladong grupo.

Sa pagtuturo ng kontroladong grupo gagamit ng Modyul sa Filipino 9. Sa

grupong eksperimental ay gagamitin ang bubuuing Komiks-Istrip ng mananaliksik

na nakabatay sa mga Panitikang Asyano na itinuturo sa ikasiyam na baitang na

mga mag-aaral sa kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon bilang lunsaran at

siyang paksang pag-aaralan. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa mga mag-

aaral ng Surallah National High School, taong panuruan 2022-2023.

Operasyunal na Kahulugan ng mga Terminong Gagamitin

Tatalakayin sa bahaging ito ang tiyak na kahulugan ng mga salitang

gagamitin sa pag-aaral na ito upang lubos itong maunawaan.

Modyul. Tumutukoy ito sa asignaturang Filipino 7 na gagamitin ng mananaliksik

bilang lunsaran sa pagtuturo sa kontroladong grupo.


7

Grupong Eksperimental. Tumutukoy ito sa grupo ng mga mag-aaral na

gagamitan ng guro ng alternatibong teknik na komiks-istrip. Gagamitin sa

pagtuturo bilang lunsaran, ang nobelang El-Filibusterismo ni Rizal sa

pagtatalakay ng paksang-aralin.

Grupong Kontrolado. Tumutukoy ito sa grupo ng mga mag-aaral na gagamitan

ng Modyul ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagtatalakay ng paksang-aralin.

Ikasampung Baitang na mga Mag-aaral. Ang magiging mga respondente sa

isasagawang pag-aaral. Ang mga mag-aaral ng Surallah National High School,

na nasa Junior High School ng ikasampung baitang, taong panuruan 2021-2022.

Komiks-Istrip. Tumutukoy sa bubuuing kagamitang pampagtuturo ng

mananaliksik gamit nobelang El-Filibusterismo na gagamitin ng grupong

eksperimental bilang lunsaran para sa pag-aaral na ito.

Mean Gain Score. Ito ay pinagsama-samang humigit kumulang na bilang at

kabuuang tuos ng kakayahan sa bilang at sa kalahati ng

kabuuang iskor sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Pagkatuto.  Tumutukoy ito sa gagawing pagsukat ng guro sa kaalaman at

kakayahan ng bawat mag-aaral sa sa pamamagitan ng gagawing mga

pagsusulit.

Panghuling Pagsusulit. Ito ay gagawin matapos maituro ang isang aralin. Ang

pagsusulit na ipasasagot sa mga mag-aaral matapos maisagawa ang pagtuturo

sa eksperimental at kontroladong grupo. Tinatawag din itong posttest.


8

Paunang Pagsusulit. Ito ay gagawin bago magsimula ang pagtuturo ng isang

aralin. Ang unang ipasasagot sa mga mag-aaral bago ang pagsasagawa ng

pagtuturo sa eksperimental at kontroladong grupo. Tinatawag din itong pretest.

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang sumusunod ay mga rebyu ng kaugnay na literatura na nagbigay linaw sa

kalagayan ng suliraning binigyang katugunan at mga rebyu ng mga kaugnay na

pag-aaral patungkol sa tuwirang pamamaraan at alternatibong teknik na komiks-

istrip ng mga Pantikang Asyano at mga kaugnay na pag-aaral sa isasagawang

pag-aaral.

Pagtuturo

Ang matagumpay na pagtuturo na nagreresulta ng pagkamit ng pambihirang

pagkatuto ay napagtanto kapag isinagawa sa paraang nagbibigay ng

pagpapahalaga sa kakayahan ng mga mag-aaral (Acero, Javier at Castro, 2015).

Lipas na ang panahon na ang gamit ng guro ay mga aklat. Sa ika-21 siglo, ang

guro ay nagtuturo gamit ang mga makabagong teknolohiya sa malikhaing

pamamaraan at teknik. Bilang guro, sila ay nahaharap sa panibagong dimensyon

ng pagtuturo.

Dagdag pa nina Sandoval at Semorlan (2015), ang pagtuturo ay maayos

na paraan ng pagkikintal ng kaalaman na umaalinsunod sa sistematikong

proseso ng mga hakbang. Ito ay mapanghamong propesyon. Hindi lamang


9

nilalaman o kung ano ang ituturo ng guro ang siyang pangunahing isipin nito

kundi maging ang paraan o kung paano ito ituturo o matutuhan ng kaniyang mga

mag-aaral. Kaya nga, hindi sa dami ng naituturo ng guro nasusukat ang

kaniyang kahusayan kundi sa kalidad ng natutunan ng kaniyang mga mag-aaral.

Ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakumplikadong gawain. Ito ay

nangangailangan ng buong atensiyon, malalim na pag-unawa at masusing pag-

iisip. Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito ang matuto ang kaniyang mga

mag-aaral. Tungkulin nitong maipahayag nang mabuti ang buong kaalaman na

ituturo sa mga mag-aaral kaya malaking tulong ang pamamaraan ng pagtuturo

bilang tulay upang maunawaan ng lubos ng bawat mag-aaral ang nais na

ibahaging impormasyon nito (Gurdiel, 2015).

Tuwirang Pamamaraan ng Pagtuturo

Ayon kay Mickshiey (2011), ang tuwirang pamamaraan ng pagtuturo ay

ang ating nakagisnan at nakalakihan. Ito ay tinatawag ding tradisyonal na

pamamaraan o kumbensyunal na pagtuturo na nakapokus sa guro bilang isang

taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa guro ang responsibilidad at

ang mga paraan at teknik na gagamitin sa pagtuturo para sa kaniyang mga mag-

aaral. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na maipakita at

mahasa ang mga natatagong angking galing at talino ng bawat mag-aaral

sapagkat nasusubaybayan sila ng tama ng kanilang guro.

Ang paraan ng pagtuturong ito ay isang “spoon feeding of knowledge”.

Nakapaloob dito ang paggamit ng mga iba’t ibang makakapal o maninipis na


10

aklat bilang batayan para sa pag-aaral. Mga samu’t saring aklat na

pinagkukunan ng impormasyon ng guro para maibahagi sa kaniyang mga mag-

aaral. Kasama rito ang mano-manong pagsusulat sa pisara para sa paksang

tatalakayin. Ang paggamit ng mga makukulay at malilikhaing visual-aids ang

kanilang sandata.

Dito nagaganap ang normal na ayos ng isang silid-aralan, na kung saan ang

guro ang nagsasalita sa unahan at ang mga mag-aaral ang nakikinig sa kani-

kaniyang nakahanay na upuan (Mickshiey 2011).

Binanggit ni Ramos (2012), ang tuwirang pamamaraan ng pagtuturo ay

natuturuan ng guro ang kaniyang mga mag-aaral hindi lamang sa larangan ng

akademiko, gayun na rin sa tamang pag-uugali. Sapagkat hindi lamang

akademiko ang target na dapat makuha ng mga mag-aaral kundi nakapokus din

ito sa wastong pag-uugali. Dahil dito mas napapalawak ang komunikatibong

kakayahan ng bawat mag-aaral.  Gayunpaman, maaring sa paraang ito ng

pagtuturo ay nasusubaybayan ng guro ang kaniyang mga mag-aaral, ngunit may

problema ring kakalakip ang tuwirang pamamaraan sapagkat, may pagkakataon

na hindi na napapalawak ng guro ang kaniyang mga talakayan dahil nakabatay

lamang ito sa nakalimbag na mga aklat. Kung minsan ay nagkakaroon din ng

pagbabahagi ng maling impormasyon dahil hindi ganoon kawasto ang ibang mga

teksbuk na naging batayan sa pagtuturo ng isang guro.

Datapwa’t hindi man ito isa sa dahilan o hadlang sa pagtuturo ng guro at

sa pagkatuto ng mga mag-aaral, dahil kahit walang teknolohiya na kasali sa

talakayan ay may matututunan pa rin ang mga mag-aaral gamit ang tradisyonal
11

na kagamitan kagaya ng yeso, kartolina, manila paper, pahayagan, aklat, tsart,

larawan, diyaryo, diksyunaryo, mga ilustrasiyon at iba pa. Hindi naman natin

maikakaila na ang teknolohiya ay may kaakibat na pang araw-araw na gawain

dahil mas mapapadali nito ang gawain o ang talakayan, ngunit sa mga guro na

nakadestino sa malalayong lugar na walang teknolohiya at kuryente na pwede

naman nilang pagkunan ng impormasyon ang aklat o hindi kaya ay ang mga

diyaryo, diksyunaryo at iba pa. Pwede rin nilang gamitin ang likod ng kalendaryo

na hindi na ginagamit, kartolina at manila paper upang sulatan ng kaniyang

talakayan sapagkat ang layunin o puntirya ng guro ay upang maturuan ang

kaniyang mga mag-aaral at mas mapataas pa nito ang kanilang antas ng

pagkatuto (Caparida, 2017).

Dagdag pa ni Mickshiey (2011), lubhang napakahalaga ng Multiple Inteligences

ni Gardner (2011), ang tuwirang pamamaraan ng pagtuturo sapagkat ito ang

kasangkapan upang matulungan ang bawat mag-aaral na damahin ang paksa,

galugarin ang kabuuan nito at ipakita ang kanilang nalalaman at nabuong

kaalaman mula sa paksang pinag-aralan.

Maaaring sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang

paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik

ang maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng mga mag-aaral ay

lubos pa ring mas nakaaapekto ang paraan kung paano inilahad ng guro ang

mga aralin ayon sa napiling teknik nito.

Salik Tungo sa Epektibong Teknik ng Pagtuturo


12

Isang salik tungo sa mabuting pamamaraan ng pagtuturo ay ang teknik ng guro

na dapat itong bigyang pansin. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa

pagpili ng gagamiting teknik sa mga mag-aaral. Ang mga salik na ito, kapag

nabigyan ng kaukulang atensiyon ay magpapadali at mapagagaan ang proseso

ng pagkatuto at maaring maging batayan upang mas maging mabisa ang teknik

na ginagamit ng guro (Gurdiel, 2015).

Dagdag pa ni Gurdiel (2015), ang guro ang tagapagdukal ng karunungan,

tagahasik ng kaalaman at tagapagpanday ng magandang kinabukasan.

Obligasyon ng guro na ang bawat mag-aaral sa kaniyang klase ay maturuan at

magabayan. Sapagkat, ang pagiging guro ay hindi lamang isang propesyon

bagkus, ito ay isang misyon at bokasyon.  Malaki ang maiaambag ng guro sa

magiging kinabukasan ng kaniyang mga mag-aaral.

Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya sa teknik na kaniyang gagamitin

na magiging angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan para sa

kaniyang mag-aaral. Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng

edukasyon, maging ang mga pamamaraan, estratehiya at teknik sa pagtuturo na

nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang

panahon ng teknolohiya.

Kagamitang Pampagtuturo

Binanggit ni Ambayon (2015), ang mabisang guro ay dapat mahusay

mag-isip at magplano upang pamahalaan ang sitwasyon ng pagkatuto sa araw-

araw. Sa ganitong paraan, tiyak na masusukat, maaasahan, makatotohanan,


13

ang pagkatuto. Ang mga kagamitan sa pagtuturo para sa mga kasanayan ng

pagkatuto ay may mahalagang papel dahil nagsisilbi itong lunsaran upang

maihatid ang pangunahing sangkap ng pagtuturo. Para matiyak ang nasabing

kondisyon, ang lahat ng mga kagamitan sa pagtuturo ay dapat na mailagay sa

plano para sa bawat araw. Ilan sa mga ito ay ang visual-aid na kinabibilangan ng

aklat-aralin, modyul, mga sanayang-aklat sa pagbuo ng kahulugan, paglinang ng

kritikal na pag-iisip, at sa pagpukaw ng interes sa pagkatuto. Sa parehong

paraan, ang mga kagamitang audio-visual, teknolohiya ng impormasyon at

komunikasyon ay aparato ng pagtuturo na ginagamit sa silid-aralan upang

pasiglahin ang mga mag-aaral at bumuo ng kanilang kaalaman, kasanayan at

halaga sa pamamagitan ng aktuwal na karanasan batay sa pang-araw-araw na

mga gawain sa pamumuhay.

Ayon kina Nardo at Hufana (2014), ang mga kagamitan sa pagtuturo sa

silid-aralan ay ang mga produkto ng praktikal na dahilan na may malikhaing

imahinasyon. Ito ay mga pananaw at hangaring matugunan ang

pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang mga kagamitan ay dapat matugunan

sa pangangailangan na kung saan masisiyahan ang mga mag-aaral. Dapat

matipid ito sa panahon kung ihahanda, nakapupukaw ng interes, saloobin, at

kagustuhan ng mga mag-aaral. Kung ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng

wika ay pagpapagana sa mga mag-aaral na maging komunikatibo sa target na

wika, maging sa wikang Ingles man ito o sa wikang Filipino.

Dagdag pa nina Ampa, Basri at Andriani (2013), ang kagamitan sa

pagtuturo tulad ng kagmitan sa pag-aaral ng konteksto ay tumutukoy at

nagpapahintulot sa mga mag-aaral na magproseso ng mga bagong


14

impormasyon at kaalaman sa paraang may katuturan sa kanilang sariling

pamamaraan. Ipinapalagay na ang isip ay natural na naghahanap ng kahulugan

sa konteksto, na may kaugnayan sa kasalukuyang kapaligiran ng tao, at

ginagawa ito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga katuturan,

kapakipakinabang at may kaugnayan sa pagtuturo.

Binanggit ni Bulan (2018), ito ay anumang bagay o nararanasang

ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid sa kung ano ang totoo,

paghubog ng kasanayan, paglalahad ng saloobin, kaalaman, pag-unawa,

pagbibigay ng opinion at pagpapahalaga. Sa pagpasok ng ikadalawampung siglo

ay higit na binigyan ng ibayong pansin ang pangangailangan ng mga kagamitang

pampagtuturo upang isaalang-alang ang kapakanan ng mga mag-aaral. Sa

pagtatamo ng makahulugan at mabisang pagtuturo at pag-aaral, ang isang guro

ay nararapat na gumamit ng kapakipakinabang at makahulugang kagamitang

pampagtuturo.

Akademikong Pagkatuto

Ayon kay Aquino (2015), ang pagkatuto ay isang proseso na bumabago o

tumitibay ng pandaigdigang pananaw, paniniwala, opinyon, saloobin, kaugalian,

kasanayan, pag-unawa at kaalaman. Ito ang batayan sa lahat ng uri ng pag-iisip.

Ang pagkatuto ay kadalasang nauugnay sa silid-aralan at dito nakikita ang

kompetisyon. Ang laman at pagpapahayag ng aralin ay isinasaalang-alang bilang

mahalagang salik na mahahasang kakayahan ng mag-aaral sa pamamagitan ng

pagsasanay, hindi na dapat alamin sa konteksto. Dagdag pa nina Serano at

Paez (2015), sa pagpapalawak ng pagkatuto, kinakailangang aktibong


15

maisangkot ang mga mag-aaral sa proseso nito at dapat makitang aktibong

nakikilahok sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Binanggit nina Sandoval at

Semorlan (2015), nagiging kawiliwili ang pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-

aaral kapag sila ay nagaganyak sa paraan ng pagtuturo ng kanilang guro. Ang

mga mag-aaral na punong puno nang motibasyon ay masasabing gustong

makisali sa mga pagsasanay, gawain at aktibidad sa pag-aaral at pagkatuto.

Dagdag pa ni Gurdiel (2015), upang maging mabisa at mabilis ang pagkatuto,

kinakailangan ang paggamit ng mabubuting pamamaraan ng pagtuturo sapagkat

nakabatay sa mabuting paraan ang matagumpay, kawiliwili at mabisang

pagkatuto ng mag-aaral. Ibig sabihin, lubos na mauunawaan ng mga mag-aaral

ang kanilang aralin kung ang pamamaraan ng pagtuturo ay nakaengganyo at

kapantay ang antas ng pagkatuto sa bawat mag-aaral, nang sa gayon sila ay

mas mabilis na matuto.

Pagtuturong Gamit ang Modyul

Ayon kay Mickshiey (2011), ang paraan ng pagtuturo gamit ang modyul ay

nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng mag-aaral ang kaniyang kakayahan o

angking galing na nakasubaybay lamang sa kaniya ang guro. Sa panahon

ngayon, mayroong malaking pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng

pagtuturo. Naniniwala ang mga eksperto na ang bawat mag-aaral ay hindi na

mababansagan na mabagal o mahina sa pagkatuto. Dagdag pa ni Bayron (2020)

naiisakatuparan ng Multiple Intelligence ni Gardner (2011), sa paraan ng

pagtuturo sa mga mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng kaparaanan sa

pagpapahayag ng kanilang mga saloobin, kuro-kuro at damdamin, ganoon na rin


16

sa mga ideyang mayroon sila batay sa kanilang mga nalalaman sa tulong na rin

ng teknolohiya.

Binanggit ni del Castillo (2020), ang pagtuturo ay ang mga paraan ng

pagtuturong makabago sa ating nakasanayan, na umuusbong sa panahon

ngayon, at ilan dito ay ang pagtuturo gamit ang mga modyul. Ito ay nag-uugat sa

iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na ibang-iba sa

tradisyonal na pamamaraan. Kadalasan ay nagkakaroon ng mga kaisipang

politikal, pilosopikal at akademikong kasanayan ang bawat mag-aaral.  

Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang

hindi maibibigay ng tradisyonal na pagtuturo, kung tutuusin ay mas

makalalamang ang modyular na pagtuturo na pamamaraan sapagkat, ang

nilalaman nito ay makatotohanan na may kaugnayan sa reyalidad na nangyayari

sa buhay (Ramos 2012).

Ayon kay (del Castillo 2020), ang modyul ay isang kagamitang pampagtuturo-

pagkatuto sa pagitan ng guro at mag-aaral, para mapagtagumpayan ang

proseso ng pagkatuto ng mag-aaral. Kailangan isaalang-alang ng gurong

nagtuturo kung anong paraan ang kaniyang gagamitin na karapat-dapat sa

bawat mag-aaral at para sa pambihirang tagumpay at mabisang pagkatuto.

Hindi na uso ang pagsusulat sa pisara at paggamit ng makukulay at samu’t

saring pakulo sa mga visual-aid, dahil nandiyan na ang mga modyul na maaring

gamitin upang magpakita ng presentasyon para mas maunawaan, maintindihan

at maging kawili-wili sa mga mag-aaral ang kanilang aralin. Hindi na rin

kailangan magkaroon ng napakaraming aklat ng mga guro bilang batayan sa


17

pagtuturo dahil sa tulong ng mga kompyuter at ng internet connection madali na

silang makakapag saliksik ukol sa kanilang mga aralin (del Castillo 2020).

Kailangang pag-iba-ibahin ng guro ang kaniyang pamamaraan, estratehiya at

mga teknik sa pagtuturo na nakadepende sa pangangailangan ng bawat mag-

aaral. Ang paggamit ng iba't ibang pamamaraan ay siyang kinagigiliwan ng mga

mag-aaral at ito ang ipinababatid sa paggamit ng iba pang estratehiya ng

pagtuturo sa karaniwang paksa.

Pinatunayan ito na kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang gurong gumagamit ng

iba't ibang pamamaraan at teknik sa pagtuturo, sapagkat nabubuhay nito ang

kanilang atensiyon at interes lalo na ang paggamit ng iba’t ibang babasahin sa

loob ng klase dahil napupukaw nito ang interes ng mga mag-aaral na

magkakaroon ng mataas na antas at interes sa pagkatuto.


18

Kaugnay na Pag-aaral

Ang bahaging ito ay naglalantad sa mga iilang kaugnay na pag-aaral na

inilahad ng mananaliksik bilang batayan sa ginawang pag-aaral. Ang mga

kaugnay na pag-aaral na ito ay magiging gabay upang mapagtibay pa ang mga

kinalabasan ng isasagawang pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay may kaugnayan sa isinagawang pag-aaral ni Valdez

(2016), na nakatuon sa kabisaan ng metakognitib at eksplisit na pamaraan sa

pagtuturo. Ang mananaliksik ay parehong gumamit ng eksperimental na disenyo

ng pananaliksik sangkot ang pauna at pangwakas na pagsusulit. Batay sa

naging resulta ng pauna at pangwakas na pagsusulit ng dalawang grupo, ang

antas ng akademikong kakayahan ng mga mag-aaral ay parehong nasa

deskripsiyong “Beginning”. Ipinahihiwatig lamang nito na ang mga mag-aaral ay

nahihirapan sa pagtamo ng kaalaman hinggil sa araling tinalakay. Ang mga mag-

aaral sa grupong nilapatan ng metakognitib na pamaraan ay nagkamit ng mas

mataas na marka kumpara sa grupong nilapatan ng pamaraang eksplisit. Ibig

sabihin ang paggamit ng mga estratehiyang humihikayat sa mga mag-aaral

upang makisangkot ay may malaking naitutulong sa madaling pagtamo ng

kaalaman at kakayahang ninanais makamit.

Ayon sa ginawang pag-aaral ni Leonor (2015), na naglayong matukoy ang

epekto ng 5 E’s Instruksyunal na Pamaraan, Problem-Based learning at


19

tradisyonal na pamaraan sa akademikong kakayahan ng mga mag-aaral ng

ikaapat na baitang sa asignaturang Physics. Upang matukoy ang kabisaan ng

mga nabanggit na pamaraang pampagtuturo, ang mananaliksik ay parehong

gumamit din ng eksperimental na disenyo at nagsagawa ng pauna at pangwakas

na pagsusulit sa grupong kontrol at eksperimental.

Lumabas sa pag-aaral, ang pangkat na nilapatan ng pamaraang Problem-Based

na pagkatuto ay nakakuha ng pinakamataas na mean na may deskripsiyong

“average” kumpara sa dalawa pang pamaraang pampagtuturo. Samantala, ang

mga mag-aaral sa grupong kontrolado ay nakakuha ng pinakamababang mean

na may deskripsiyong “Below Average”. Batay sa resulta ng Multiple Comparison

Test, ang mga mag-aaral na tinuruan gamit ang Problem-Based na pagkatuto

ang mas umunlad ang kakayahan kumpara sa mga mag-aaral sa grupong

nilapatan ng 5 E’s at tradisyonal na pamaraan. Pinatunayan lamang nito na ang

interbensiyong ginamit sa pagtuturo tulad ng PBL ay nagdulot ng makabuluhang

pagbabago sa akademikong kakayahan ng mga ma-aaral.

Binanggit sa ginawang pag-aaral ni Madojenog (2018), na nakatuon sa pagtukoy

sa kabisaan ng mga estratehiyang pedagohikal at akademikong kakayahan ng

mga mag-aaral sa Ikasiyam na baitang sa asignaturang Matematika, na gumamit

ng quasi-eksperimental na disenyo sangkot ang pauna at pangwakas na

pagsusulit. Lumabas sa pag-aaral, hindi nagkaroon ng makabuluhang

pagkakaiba sa resulta ng paunang pagsusulit sa pagitan ng grupong kontrol at

grupong eksperimental at ito ang nagpatunay na ang kakayahan at kaalaman ng

mga mag-aaral bago ang talakayan sa araling Quadrilaterals ay halos pantay-


20

pantay. Subalit, pagkatapos ng pangwakas na pagsusulit, nagkaroon ng

makabuluhang pag-angat sa nakuhang marka ng mga mag-aaral sa grupong

nilapatan ng pamaraang kooperatibo at malayang pagkatuto at mas mataas sa

kumpara sa nakuhang marka ng mga mag-aaral sa grupong nilapatan ng

pamaraang lektyur at pakitang-turo na karaniwang tinatawag na tradisyonal na

pamaraang pampagtuturo. Kaya, pinatunayan din ng pag-aaral na ito na ang

pamaraang kooperatibo at malayang pagkatuto ay naging mabisang estratehiya

sa pagtuturo ng Matematika sa ilalim ng Ispayral Progresiyon na Dulog o

kurikulum.

Mula naman sa isinagawang pag-aaral ni Abusama (2016), na naglayong

matukoy ang epekto ng pamaraang Inquiry-Based Scientific Games at

tradisyonal na pamaraan sa akademikong kakayahan ng mga mag-aaral ng

ikasiyam na baitang. Parehong ginamit sa pag-aaral ang eksperimental na

disenyo, gamit ang pauna at pangwakas na pagsusulit. Napatunayan sa pag-

aaral, nagkaroon ng halos magkakaparehas na antas ng kaalaman bago ang

pagtuturo gamit ang inquiry-based scientific games at tradisyonal na pamaraan

sa grupong eksperimental at grupong kontrolado. Subalit pagkatapos ng

pagtuturo gamit ang dalawang pamaraan, nagkaroon ng pag-angat sa antas ng

akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa bawat grupo. Nagkaroon ng

makabuluhang pagkakaiba sa mean gain na marka sa pagitan ng dalawang

grupo kaya napatunayang ang pamaraang inquiry-based scientific games ay

mas mabisa sa tradisyonal na pamaraan sa pagtuturo.


21

Dagdag pa sa ginawang pag-aaral ni Romero (2016) , kung saan napatunayan

sa ginawang pag-aaral na naging mabisa ang paggamit ng sanayang-aklat sa

pag-angat ng antas ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa 2013 na

Ortograpiyang Pambansa.

Natuklasan din sa ginawang pag-aaral na ang paunang pagsusulit ng grupong

kontrolado at grupong eksperimental ay nakakuha ng mababang marka na

nangangahulugang wala pang sapat na kaalaman ang mga mag-aaral bago

isinagawa ang pagtuturo ng aralin. Pareho namang nagkaroon ng pagtaas sa

kakayahan ng grupong eksperimental at grupong kontrolado sa pangwakas na

pagsusulit. Subalit, mas mataas ang nakuhang marka ng grupong eksperimental

kaysa sa grupong kontrolado. Ito ay nangangahulugan lamang na may

pagkatutong natamo sa panig ng mga mag-aaral.

May kaugnayan din ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral ni Baclaan

(2016), parehong ginamit sa pag-aaral na ito ang eksperimental na disenyo ng

pananaliksik sangkot ang pauna at pangwakas na pagsusulit. Batay sa resulta,

hindi nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba sa resulta ng paunang pagsusulit

ng grupong eksperimental at grupong kontrolado. Ipinahiwatig lamang nito na

ang kaalaman ng mga mag-aaral bago maituro ang aralin gamit ang mga

pamaraan ay halos pantay-pantay. Samantala, nagkaroon naman ng

makabuluhang pagkakaiba sa pangwakas na pagsusulit sa pagitan ng

eksperimental na grupo at kontroladong grupo. Napatunayan din na ang

paglapat ng hands-on approach sa pagtuturo gamit ang algebraic tiles ay may


22

malaking naitulong sa pag-angat ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

matematika.

Sa pag-aaral ni Malantok (2018) na gumamit din ng eksperimental na disenyo ng

pananaliksik gamit ang pauna at pangwakas na pagsusulit. Lumabas sa resulta

ng pag-aaral na ang mean score ng grupong ginamitan ng tuwirang

pamamaraan ay may deskriptibong reyting na pagkakasiya-siya. Samantala, ang

mean score naman ng grupong ginamitan ng makabagong estratehiya ay may

deskriptibong reyting na kasiya-siya. Batay sa naging resulta, nagkaroon ng

parehong pagkatuto sa Filipino ang dalawang grupo subalit naging kasiya-siya

ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa eksperimental na grupo kaysa sa mga mag-

aaral sa kontroladong grupo na may pagkasiya-siya. Kaya, masasabing

napataas ng makabagong estratehiya sa pagtuturo ang antas ng pagkatuto ng

mga mag-aaral.

May malaking kaugnayan din ang pananaliksik na ito sa ginawang pag-aaral ni

Penaredondo (2015), parehong ginamit din ang eksperimental na disenyo ng

partikular na ang kagamitang pauna at pangwakas na pagsusulit.

Mula sa pag-aaral, sinuri ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit

ang analitikal na pagpupuntos at naging pamantayan sa paghusga ang limang

komponent ng pagsulat tulad ng nilalaman, organisasyon, sintaks, bokabularyo,

at mekaniks. Batay sa kinalabasan, hindi nagkaroon ng makabuluhang

pagkakaiba sa resulta ng paunang pagsusulit sa pagitan ng grupong

eksperimental at grupong kontrolado at parehong nagkamit ng halos

magkaparehong meanIpinapahiwatig lamang nito ang mga mag-aaral sa


23

dalawang grupo ay may parehong antas ng kakayahan sa pagsulat bago

isinagawa ang interbensiyon. Samantala, nagkaroon naman ng makabuluhang

pagkakaiba sa resulta ng pangwakas na pagsusulit sa pagitan ng dalawang

grupo at ang mas nangibabaw ay ang grupong nilapatan ng pamaraang

kooperatibong pagkatuto.

Dagdag pa sa ginawang pag-aaral nina Acosta at Mamalinta (2015), na gumamit

ng deskriptib-ebalwatib at eksperimental na disenyo. Batay sa resulta ng pag-

aaral, nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga estratehiyang

pampagtuturo at nangibabaw ang mga estratehiyang Peer-tutorial,

Game/Simulation, Integrated Technology at Role Playing. Pinatunayan lamang

nito na ang mga estratehiyang pampagtuturong nabanggit ay may naitulong sa

pag-unlad ng akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang

partikular sa asignaturang Araling Panlipunan.

Mula naman sa pag-aaral ni Pascual (2013), upang matukoy ang epekto ng mga

pamaraang ito, ang mananaliksik ay gumamit ng eksperimental na disenyo ng at

nagsagawa ng pauna at pangwakas na pagsusulit. Ang mga respondente ay ang

apatnapu’t anim (46) na mag-aaral mula sa ikaapat na baitang. Lumabas sa pag-

aaral ang nakuhang mean gain na marka ng grupong eksperimental ay lima at

apatnapu’t walo (5.48) na mas mataas kumpara sa dalawa at pitumpu’t walong

(2.78) mean gain na marka ng grupong kontrol. Kung kaya nagkaroon ng

makabuluhang pagkakaiba sa nakuhang mean gain na marka sa pagitan ng

dalawang grupo. Ibig sabihin, ang akademikong kakayahan ng mga mag-aaral

sa asignaturang Physics ay napaunlad pagkatapos ng interbensiyon. Dagdag pa,


24

pinutunayan din ng pag-aaral, ang paglapat ng pamaraang kooperatibong

pagkatuto sa mga aralin at gawain sa asignaturang Physics ay naging mabisa

kumpara sa pamaraang Sef-paced na pagkatuto.

Sa pag-aaral naman ni Juliar (2016), batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang

akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa grupong eksperimental ay

nagkamit ng deskripsiyong “average” samantala ang kakayahan ng mga mag-

aaral sa grupong kontrol ay nasa “below average” kaya, nagkaroon ng

makabuluhang pagkakaiba sa akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagitan ng dalawang grupo. Lumabas sa pag-aaral, ang pamaraang Diffrentiated

Instruction ay isang epektibong estratehiya sa proseso ng pagtuturo at mas

madaling nagagabayan at napapaangat ang akademikong kakayahan ng mga

mag-aaral kung may mabisang estratehiyang nailalapat sa proseso ng pagtuturo.

Napatunayan din sa pag-aaral ni Juario (2015) na gumamit ng eksperimental na

disenyo, gamit ang pauna at panghuling pagsusulit at may respondenteng

isangdaan at tatlumpu’t anim (136) na mag-aaral na nagmula sa ikapitong

baitang. Batay sa naging interpretasyon, ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

bawat grupo ay nagkamit ng deskripsiyong “Beginning” bago maisagawa at

mailapat ang tatlong pamaraang pampagtuturo kaya hindi nagkaroon ng

makabuluhang pagkakaiba sa resulta ng paunang pagsusulit sa pagitan ng

tatlong grupo. Subalit pagkatapos mailapat ang tatlong pamaraang

pampagtuturo, nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba sa resulta ng

pangwakas na pagsusulit at sa mean gain na marka ng tatlong pamaraang

pampagtuturo. Mula sa naging resulta ng pangwakas na pagsusulit, nailantad na


25

mas napaunlad ang pagkatuto at kakayahan ng mga mag-aaral sa grupong

nilapatan ng Pamaraang Peer Assisted Learning kumpara sa grupong nilapatan

ng Pamaraang Number Heads Together at Pamaraang Tradisyunal. Kaya,

pinatunayan ng pag-aaral na ito na ang Tukey HSD Peer Assisted Learning

Strategy ay naging epektibong estratehita sa pagtuturo ng asignaturang

Matematika.

Dagdag pa pag-aaral ni Bulan (2018), na gumamit ng deskriptib-eksperimental

na disenyo upang ilarawan at tayahin ang pauna at panghuling pagsusulit sa

antas ng kabisaan ng komiks bilang kagamitang pampagtuturo na nasa ikapitong

baitang ng King’s College of Marbel, Inc. Sa resulta ng pag-aaral, mas mataas

ang nakuhang mean score at standard deviation ng eksperimental na grupo

kaysa sa kontroladong grupo. Natukoy na may malaking kabuluhang pagkakaiba

ang dalawang grupo ng respondente sa ginawang interbensiyon gamit ang

kagamitang pampagtuturo na komiks na ang pinagbatayan ay ang pauna at

panghuling pagsusulit. Napatunayan sa resulta ng pag-aaral na may malaking

pagkakaiba ang percent knowledge gain scores ng dalawang grupo sa

isinagawang pag-aaral.

Ito ay may kaugnayan sa gagawing pananaliksik dahil nakatuon din ito sa

pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang makabagong estratehiya at iba’t ibang

alternatibong teknik sa pagtuturo. Gayundin, ang pansarili at kooperatibong

pagkatuto para sa mabisang paraan ng pag-aaral-pagkatuto na ginagamit sa

panahon ngayon.
26

Ayon kay Malantok (2018), na gumamit din ng eksperimental na disenyo,

partikular na ang pauna at panghuling pagsusulit. Lumabas sa resulta na ang

mga mean score ng grupong ginamitan ng tuwirang pamamaraan ay may

deskriptibong reyting na pagkakasiya-siya ang akademikong pagkatuto ng mga

mag-aaral mula sa paunang pagsusulit hanggang sa panghuling pagsusulit.

Masasabing nagkaroon ng pagkatuto sa ginamit na estratehiya ng pagtuturo.

Samantala, ang mean score naman ng grupong ginamitan ng makabagong

estratehiya ay may deskriptibong reyting na kasiya-siya ang akademikong

pagkatuto sa pauna at panghuling pagsusulit. Batay sa naging resulta nagkaroon

ng parehong pagkatuto sa Filipino ang dalawang grupo subalit naging kasiya-

siya ang pagkatuto ng eksperimental na grupo kaysa sa kontroladong grupo na

may pagkasiya-siya. Masasabing napataas ng makabagong estratehiya sa

pagtuturo ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino gamit ang

makabagong estratehiya.

Binanggit sa pag-aaral ni del Castillo (2020), na naglalayong masukat ang antas

ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere batay sa iskor na

nakuha sa pauna at pangwakas na pagsusulit. Ginamit ang eskperimental na

disenyo upang malaman ang antas ng pagkatuto ng mag-aaral gamit ang

tuwirang pamamaraan at alternatibong teknik sa pagtuturo.

Napatunayan sa resulta ng pag-aaral na walang makabuluhang

pagkakaiba ang pauna at panghuling pagsusulit. Subalit, napataas nito ang

antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral matapos maituro ang aralin. Walang

makabuluhang pagkakaiba ang resulta ng kompyutasyon gamit ang z-test at z-


27

tabulated ng dalawang grupo. Samakatuwid, walang makabuluhang pagkakaiba

ang mga mean gain score sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral na ginamit

sa alternatibong teknik at tuwirang pamamaraan ng pagtuturo sa nobelang Noli

Me Tangere sa asignaturang Filipino.

Ang mga pag-aaral na nabanggit ay may malaking kaugnayan sa isasagawang

pananaliksik dahil sa nilalayon nito na mapahusay at mapataas ang antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral at sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya at

kagamitang pampagtuturo na ikukumpura tuwirang pamamaraan ng pagtuturo.

Makatutulong ang mga pag-aaral na ito upang maging batayan sa resulta at para

lalo pang mapagtibay ng mananaliksik ang isasagawang pag-aaral.

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay maglalahad ng disenyo ng pag-aaral, kasama ang paksa,

respondente, lokasyon, instrumento, proseso ng pangangalap ng datos at

istatiskal na tritment na gagamitin sa pag-aaral na ito.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito ay eksperimental, partikular na ang

pauna at panghuling pagsusulit bilang instrumento upang malaman ang antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral, dahil paghahambingin kung alin sa dalawang

pamamaraan sa pagtuturo ang mas epektibong gamitin. Sa pag-aaral na ito ay

may dalawang grupong kasangkot, ang grupong kontrolado at eksperimental.


28

Ayon kay del Castillo (2020) na hinalaw mula kay Casis (2016), ang ganitong

disenyo ng pag-aaral ay naangkop kung nais na mapaghambing ang natutuhan

ng dalawang grupong gagamitan ng magkaibang paraan at teknik sa pagtuturo.

Sa pag-aaral na ito, gagamitin ang Komiks-Istrip ng nobelang El-

Filibusterismo bilang lunsaran sa pagtuturo sa ekspiremental na grupo

samantala, sa kontroladong grupo ay gagamit ng modyul sa pagtuturo ng

asignaturang Filipino ng ikasampung baitang.

Lokal ng Pag-aaral

 Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Surallah National High School.

Brgy. Dajay, Surallah, Timog Cotabato.

Pigura 2. Mapa ng Surallah National High School. Brgy. Dajay, Surallah,


Timog Cotabato. SKSU.2022
29

Pigura 3. Gusali ng Surallah National High School. SKSU.2022.

Respondente ng Pag-aaral

Ang mga tagapagtugon ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral na nasa

ikasampung baitang sa Junior High School ng Surallah National High School.

May apatnapu’t limang (45) mga mag-aaral, na gagamitan ng modyul at

apatnapu’t limang (45) mga mag-aaral na gagamitan ng Komiks-Istrip ng

nobelang El-Filibusterismo sa pagtuturo. Ang dalawang seksiyon sa

asignaturang Filipino 10 ng ikasampung baitang seksiyon Amethyst at Sapphire

ang mga magiging respondente ng pag-aaral na ito.

Talahanayan 1. Kabuuang Bilang ng Respondente ng Pag-aaral.


SKSU.2022.

Baitang at Seksiyon Grupo Pamamaraan sa Kabuuang


Pagtuturo Populasyon
Amethyst Kontrolado Modyul sa 45
asignaturang
Filipino 10
Saphhire Eksperimental Komiks-Istrip ng 45
Nobelang El-
Filibusterismo
Kabuuan 90

Sampling Teknik

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng Complete Enumeration Sampling

Technique, na kung saan ang mga respondente ay ang kabuuang klase ng

dalawang seksiyon ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang ng Surallah

National High School. Gagamit ng toss a coin sa pagtatakda ng seksiyong

magsisilbing eksperimental at kontroladong grupo.


30

Ayon kay Bayron (2020), ang complete enumeration ay kumokulekta ng may

katuturang datos mula sa lahat ng mga miyembro na nasa listahan na

nahihiwalay ang isang hindi pangkaraniwan at may mahusay na katangian. Ito ay

madalas na ginagamit para sa iilang mga uri ng datos dahil inaasahang

nagbibigay ito ng kumpleto at akmang istatistikal na paglalapat na saklaw sa

tamang espasyo at oras.

Instrumento ng Pag-aaral

Gagamit ng pauna at panghuling pagsusulit bilang kagamitang

instrumento. Bubuuin ng limang dalubahasang guro sa Filipino ang mga

tagapagbalido ng pagsusulit. Gagamitin din sa pagsusuri ang 5-Point Likert

Scale na talatanungan ni Likert (1932), na inangkop mula sa pag-aaral Camarao

(2015), para sa antas ng pagsusuri at pagtanggap nito. Ilalapat sa pag-aaral na

ito ang pagkuha ng mga mean score sa antas ng baliditi sa mga tuntunin ng

kaangkupan, nilalaman, paglikha at anyo, na ipinapakita sa ibaba.

Talahanayan 2. Antas ng Baliditi ng Instrumentong Pauna at Panghuling


Pagsusulit. SKSU.2021.

Mean Deskripsyon
4.51-5.00 Lubos na sumasang-ayon
3.51-4.50 Sumasang-ayon
2.51-3.50 Hindi makapagpasya
1.51-2.50 Hindi sumasang-ayon
0.50-1.50 Hindi lubusang sumasang-ayon

Gagamitin ang bubuuing Komiks-Istrip ng nobelang El-Filibusterismo

bilang lunsaran sa pagtuturo sa ekspiremental na grupo. Ito ay naglalaman at

nakapokus sa pagtalunton sa kasaysayan at ebolusyon ng nobela at kasaysayan


31

ng mga Pilipino. Ito ay nagtataglay ng intelektuwalisasyon at kakikitaan ng

malinaw at malikhaing sagisag kultura sa Pilipinas pati na rin sa mga umiiral

nitong tradisyon, paniniwala, pamahiin at relihiyon na may kaakibat na sining.

Layon nitong maihapag sa mga mag-aaral ang kritikal na pagtataya sa larangan

ng pag-aaral ng kultura at panitikan na nagbibigay diin sa mga kasalukuyang

umuugnay sa intertekstuwalidad at interdisiplinaryong usapin sa dinamismong

pangkasaysayan ng Pilipinas. Sa pagkakaroon ng mataas na kahusayan sa

antas ng akademikong pagkatuto at kabihasaan sa paggamit ng wikang Filipino

at mamulat sa iba pang isyung panlipunan at pangwika sa kasalukuyan.

Gamit ang teoritikal at historikal na baybayin ay kikilalanin ng pag-aaral na ito na

makabuo isang ng istandardisadong pamantayan sa mataas na antas ng

makrong kasanayan na kagamitang pampagtuturo na Komiks-Istrip at pauna at

panghuling pagsusulit sa asignaturang Filipino 10, para sa pagtamo nang

malalim at may kritikal na pag-unawa sa mga mag-aaral ng ikasampung baitang

ng Surallah National High School.

Pagbalido sa Kahusayan ng Pagsusulit

Ang pangunahing instrumento na gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang

mga tanong sa pauna at panghuling pagsusulit na bubuuin ng mananaliksik. Ang

nasabing pagsusulit ay nakatuon sa mga konsepto, kasanayan at ang nilalaman

nito ay nakabatay sa bubuuing Komiks-Istrip ng nobelang El-Filibusterismo. Ang

mga katanungan sa bawat aytem ay may mga gagawing pagbabago ayon sa

angkop na pangangailangan ng pag-aaral. Ang gagawing pagsusulit ay aakma


32

sa Talahanayan ng Ispesipikasyon para matukoy at matiyak ang wastong

pagkakabahagi ng mga aytem sa pagsusulit.

Sa pag-alam ng antas ng pakatuto ng mga mag-aaral ay gagamit ng

pauna at panghuling pagsusulit ay bubuo ang mananaliksik ng isang daang (100)

mga aytem. Ang pagsusulit na ito ay ipababalido sa limang dalubhasang guro sa

Filipino na magmumula sa iba’t ibang paaralan sa Kagawaran ng Edukasyon sa

probinsiya ng Sultan Kudarat.

Binanggit nina Jullar (2016) sa pag-aaral ni del Castillo (2020), na ang

pagkakaroon ng mataas na kahusayan at mataas na bilang ang batayan sa

akmang resulta para sa anumang pang-eksperimental na pananaliksik.

Tatlumpung (30) mga respondente o higit pa sa bawat grupo ng pag-aaral ay

kanais-nais. Sa kabilang banda, pagsasamahin ng mananaliksik ang lahat ng

mga mag-aaral na kabilang sa mga napiling seksiyon para sa grupo ng

kontrolado at eksperimental upang magkaroon ng mas mabisang resulta ang

naturang pag-aaral.

Ipapakita sa talahanayan 3, ang interpretasyon sa indeks ng kahusayan

batay sa Kuder-Richardson Formula 20, na hahalawain mula sa pag-aaral nina

Jullar (2016) at del Castillo (2020), na gagamitin bilang batayan ng mananaliksik

para tukuyin ang kahusayan ng kagamitang pagsusulit. Magsisilbi rin itong

batayan sa pagtanggap ng pagsusulit bilang instrumento sa isasagawang pag-

aaral.
33

Talahanayan 3. Interpretasyon sa Indeks ng Kahusayan Batay sa Kuder-


Richardson Formula 20. SKSU.2021.
Kahusayan Interpretasyon
0.90-pataas Pinakamahusay na mga pamantayan ng pagsusulit.
0.80-0.90 Napakabuti para sa isang pagsusulit sa silid-aralan.
0.70-0.80 Magaling para sa isang pagsusulit sa silid-aralan; nasa
hanay nang karamihan. Marahil ay may iilang aytem
na maaring mapabuti.
0.60-0.70 Medyo mababa. Kailangan ang pagsusulit na ito ay
madagdagan ng iba pang panukala para matukoy ang
grado. Ito marahil ay mayroong iilang aytem na
maaring mapabuti.
0.50-0.60 Nagmumungkahi ng pangangailangan para sa
pagbabago ng pagsusulit, maliban kung ito ay medyo
maikli (sampu o mas kaunting bilang ng aytem).
0.50-pababa Ang pagsusulit ay hindi dapat gamitin, at
nangangailangan ng pagbabago.

Proseso sa Pangangalap ng Datos


Narito ang sumusunod na proseso sa pangangalap ng datos na gagamitin ng

mananaliksik:

Bubuo ng pagsusulit at may talahanayan ng ispisipikasyon na may kabuuang

bilang isang daang (100) mga aytem at ipababalido sa limang dalubhasang guro

sa asignaturang Filipino.

Susuriin ang kahusayan at pagtanggap ng pauna at panghuling pagsusulit gamit

ang mga mean score at ang Kuder-Richardson Formula 20.

Gagawa ng liham pahintulot ang mananaliksik para sa Dekana ng Departamento

ng Gradwadong Pag-aaral ng Sultan Kudarat State University.


34

Gagawa rin ng liham pahintulot ang mananaliksik para Tagapamanihala ng mga

Paaralan sa Dibisyon ng Kagawaran ng Edukasyon ng Timog Cotabato.

Gagawa rin ng liham patnugot para sa punong guro sa paghingi ng pahintulot sa

gagawing tagapagtugon, na mga mag-aaral na nasa ikasampung baitang ng

Surallah National High School. Gagawa rin ng liham para sa mga tagapayo at

respondente ng pag-aaral.

Sa eksperimental at kontroladong grupo, ipakukuha ang paunang

pagsusulit bago pa man matapos ang ikatlong markahan. Pagkatapos, ituturo

ang nobelang El-Filibusterismo sa eksperimental na grupo gamit ang bubuuing

Komiks-Istrip ng mananaliksik. Sa kabilang dako, ituturo naman ang nasabing

aralin sa kontroldong grupo gamit ang modyul sa Filipino 10.

Pagkalipas ng ikaapat na markahan ay ang pagpapakuha ng

panghuling pagsusulit sa dalawang grupo. Ito ay katulad sa paunang pagsusulit

subalit pinagpalit-palit ang kinalalagyan ng mga aytem.

Ililikom at susuriin ng mananaliksik ang mga datos na nakalap,

gamit ang angkop na mga istatistikal na tritment na mean, standard deviation, z-

test, z-tabulated at mga mean gain score.


35

Paghiningi ng Permiso sa Dekana ng Gradwadong Pag-aaral ng Sultan Kudarat

Pagpapakuha ng balidong paunang pagsusulit sa grupong eksperimental at

State University at sa punong guro ng Surallah National High School.

Pagtuturo sa paksang-aralin sa dalawang grupo.

grupong kontrolado.

Grupong Eksperimental Grupong Kontrolado

Pagpapakuha ng panghuling pagsusulit sa grupong eksperimental at grupong

Pagsusuri sa datos at sa magiging resulta ng pag-aaral gamit ang mga istatistikal

Pigura 4. Proseso sa Pangangalap ng Datos. SKSU.2022.


kontrolado.

na tritment na angkop sa bawat suliranin.


36

Istatistikal na Tritment

Gagamitin sa pag-aaral na ito ang iskor sa pauna at panghuling pagsusulit upang

tukuyin ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ekspiremental at

kontroladong grupo. Sa una at ikalawang suliranin, gagamitin ang mean at

standard deviation sa pagkuha ng antas ng iskor na matatamo ng mga mag-

aaral sa pauna at panghuling pagsusulit sa ekspiremental at kontroladong grupo.

Sa ikatlong suliranin, gagamitin ang standard deviation, z-test at z-tabulated

upang tukuyin ang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pagkatuto ng grupong

ekspiremental at kontrolado. Sa pagtataya ng kahusayan ng pagsusulit bilang

instrumento gagamitin ang Kuder Richardson Formula 20.

Samantala, gagamit naman ng standard deviation, z-test at z-tabulated sa

pagtukoy ng kaibahan ng mga mean gain score ng dalawang grupo ng

respondente sa pauna at panghuling pagsusulit.

Ang istatistikal na tritment at kompyutasyon ng mga datos ay isasagawa sa

pamamagitan ng Microsoft Excel at sa tulong na rin ng Scientific Calculator. Ang

tagahanay ng istatistika ang tutulong at gagabay sa mananaliksik sa pag-

aanalisa at paglalapat sa kompyutasyon ng mga datos.

Pamantayan sa Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral

Upang matukoy ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay gagamitan ng

dalawang estratehiya sa pagtuturo. Ang pagtuturong gamit ang modyul at


37

bubuuing Komiks-Istrip ng nobelang El-Filibusterismo. Gagamitin ang indikeytor

na may deskriptibong reyting para sa resulta ng mga datos sa iskor ng pagkatuto

ng mga mag-aaral na makikita sa susunod na pahina.

Talahanayan 4. Pamantayan sa Indikeytor at Interpretasyon ng mga Datos


sa Iskor ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral. SKSU.2021.

Iskor Deskriptibong Reyting


90-100 Namumukod
85-89 Napakakasiya-siya
80-84 Kasiya-siya
75-79 May Pagkakasiya-siya
75-Pababa Hindi Umabot sa Ekspektasyon
38

TALASANGGUNIAN

A. MGA AKLAT

ACERO, V., AT JAVIER, E., CASTRO, H. (2015). Principles and Strategies of


Teaching 1. Manila, Philippines: Rex Book Store.

AQUINO, M., EdD. (2015). Facilitating Human Learning. (Second Edition)


Quezon City: Rex Book Store Inc.

CORPUZ, B. & SALANDANAN, G. (2013). Principles of Teaching 1. Quezon


City, Metro Manila: Lorimar Publishing, Inc.

LACORTE, I. N. (2013). Kagamitang Elektroniko sa Pagtuturo sa Loob ng Silid-


aralan. Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo. Manila, Philippines:
Published 2013 by National Book Store.

SANDOVAL, M. S., PhD. AT SEMORLAN T. P., PhD. (2015). Paghahanda ng


Instruksyunal na mga Kagamitan. Salik sa Mahusay na Pagtuturo at Mabisang
Pagkatuto: Departamento sa Filipino at ibang mga Wika. Kolehiyo ng Sining at
Agham Panlipunan, MSU-Iligan: Institute of Technology.

TIONGAN, J. C. (2011). Ang Kagamitang Pampagtuturo. Mga Kagamitang


Panturo sa Filipino. Cabanatuan City, Phillipines: Jimcy Publishing House.

B. MGA DYURNAL AT MODYUL

AMBAYON, C. M. (2015). Modular-Based Approach and Students’ Achievement


in Literature. International Journal of Education & Literacy Studies. Vol. 8(3).
http://dx.doi.org/107575/aiac.ijel.html.

KUDER, G. F., & RICHARDSON, M. W. (1937). The Theory of the Estimation of


Test Reliability. Psykometrika, 2(3), 151-160.

LIKERT, R. (1932). A Technique for the Measurement of Attitudes. Archives of


Psychology, 140, 1-55.
39

NARDO, MT. B. & HUFANA E. R. (2014). Development and Evaluation of


Modules in Technical Writing. In American Journal of Educational
Research 2. Retrieved on January 2014. DOI:10.12691/education-2.

TEDICK, D. J., & CAMMARATA, L. (2012). Content and Language Integration


in K-12 Contexts: Student Outcomes, Teacher Practices, and Stakeholder
Perspectives. Foreign Language Annals, 45 (1), s28-s53.

C. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

BULAN, M. F. (2018). Komiks Istrip Bilang Kagamitan sa Pagtuturo at


Pagkatutong Filipino: Master’s Tesis. Sultan Kudarat State University. Tacurong
City, Sultan Kudarat.

CASIS, G. P. (2016). Pagtuturo at Pagkatuto sa Filipino sa NDMU. Master’s


Tesis. Sultan Kudarat State University.Tacurong City, Sultan Kudarat.

CAMARAO, K. G. (2015). Cross-Multiplication Magnetic Device and the


Academic Achievement of Students in Physics. Master’s Thesis. Sultan Kudarat
State University.Tacurong City, Sultan Kudarat.

DEL CASTILLO, RJ. G. (2020). Alternatibong Teknik sa Pagtuturo at Pagkatuto


ng mga Mag-aaral sa Nobelang Noli Me Tangere. Master’s Thesis. Sultan
Kudarat State University.Tacurong City, Sultan Kudarat.

JULLAR, G. A. (2016). Differentiated Instruction in Students’ Mathematical


Ability. Master’s Thesis. Sultan Kudarat State University. Tacurong City, Sultan
Kudarat.

MALANTOK, N. T. (2018). Estratehiya at Pagkatuto sa Panitikang Asyano ng


mga Mag-aaral sa Kolehiyo. Master’s Tesis. Sultan Kudarat State University.
Tacurong City, Sultan Kudarat.

OGUES, J. L. (2013). Image Streaming Technique: It’s Effects on Students


Competence in Mathematical Problem Solving. Master’s Thesis. Sultan Kudarat
State University, Tacurong City, Sultan Kudarat.

ROMERO, A. L. (2016). Antas ng Kamalayan at Pagtanggap ng mga Mag-aaral


sa 2013 Ortograpiyang Pambansa Bilang Batayan sa Pagbuo ng Sanayang
Aklat. Master’s Tesis. Sultan Kudarat State University. Tacurong City, Sultan
Kudarat.

D. INTERNET
40

AMBAYON, C. M. (2015). Modular-Based Approach and Students’ Achievement


in Literature. International Journal of Education & Literacy Studies. Vol. 8(3).
2020.http://dx.doi.org/10.7575/aiac.ijels.v.8n.3p.32.
AMPA A. T., BASRI D. M. & ANDRIANI, A. A. (2013). The Development of
Contex -tual Learning Materials for the English-Speaking Skills. Halaw mula
sa http: //sematiccscholar.org. Noong ika-3 ng Marso, 2018.
CAPARIDA, D. R. (2017). Ang Epektibong Paggamit ng Multimedia sa Paglinang
ng Pagtuturo at Pagkatuto, Orion, Bataan: Halaw mula sa
http://daina02.blogspot.com./2017/.media-that-can-still-be-used-for.html.
GATT, S. (2003). Constructivism: An Effective Theory of Learning. Research
gate.
GARDNER, H. (2011). Frames of Mind: The Theory of Multiple Intelligences.
Halaw mula sa http://scholar.google.com.ph. Noong ika-3 ng Marso, 2018.

GURDIEL, A. (2015). Mga Salik Tungo sa Epektibong Pamamaraan ng


Pagtuturo sa mga Estudyanteng Nag-aaral ng Batsilyer ng Edukasyong
Pangsekondarya sa Cavite State University S.Y. 2015-2016. Halaw mula
sa http:// mga salik tungo-sa-epektibong-pagtuturo.blogspot.com/2015/10/.

KNAPP, A. K. (2010). Teaching with Principle: Toward More Effective Pedagogy


in Ecology. First Published:02 Decembe2010.http://doi.org/10.1890/ES10-
00013.1.
KUDER, G. F., & RICHARDSON, M. W. (1937). The Theory of the Estimation of
Test Reliability. Psychometrical, 2(3), 151-160.

KORNHABER, M. L. (2010). Gardner’s Theory of Multiple Intelligences. Halaw


mula sa http://simplypsychology.org./Hunyo 09, 2018.

LAERD DISSERTATION. (2012). Lund Research Ltd. Total Population


Sampling. Retrieved on July 31, 2019 from http://dissertation.laerd.com/total-
population-sampling.php.

LEVINE, L. (2012). Using Technology to Enhance the Classroom Environment.


The Essentials of Language Teaching Assessment Learning. Halaw mula
sahttp://www.nclrc.org/using-technology-to-enhance-the-classroom-environment.
The essentials-of-language-teaching-assessment-learning.
41

LIKERT, R. (1932). A Technique for the Measurement of Attitudes. Archives


of Psychology, 140, 1-55.

MCLEOD, S. A. (2019). Likert Scale. Simply Psychology. Retrieved on July 20,


2019 from https: www.simplypsychology.org/likert.

MICKSHEY, A. D. (2011). Tradisyunal at Alternatibong Pagtuturo ng Maikling


Kwento sa Ikalawang Taon ng Pooc National High School, Talisay City,
Cebu.Halawmulasahttp://aleihsmickshiey.blogspot.com/2011/09/tradisyunal-at-
alternatibong-pagtuturo.html.

NARDO, MT. B. & HUFANA E. R. (2014). Development and Evaluation of


Modules in Technical Writing. In American Journal of Educational Research 2.
January 2014. DOI:10.12691/education-2-6-2. http://researchgate.net.

PIAGET, J. (1980). Piaget’s Theory of Constructivism. teach-nology.com.

RAMOS, E. P. (2012). Tradisyunal na Pamamaraan at Instruksiyon Modyular sa


Pagtuturo ng Filipino: Isang Komparatibong Pagsusuri. Halaw mula sa http://udr.
slu.edu.ph: 8080/ jspui/handle/123456789/762.

SEJPAL, K. (2013). Modular Method of Teaching. International Journal for


Research in Education, 2(2), 169-171.

SERRANO, E. AT PAEZ D. (2015). Principles of Teaching 1. Retrieved from


Paper and Pencil Instrument. An Efficient Method of Assessment. Noong ika-2
ng Disyembre, 2018. Halaw mula sa http://www.psc-cfp.gc.ca/ppc-cpp/acs-
cmptnc-evl-cmptnc/pp-instrmnt-pceng.html.

STOLLER, F. L. (2015). Content-Based Second Language Instruction: What is


it? TESOL. Retrieved July 9, 2019, from http://www.carla.umn.edu/cobaltt/CBI.

STA. CLARA, F. M. (2014). Multimedia Gamit sa Mabisang Pagkatuto. Sto.


Tomas, Camaligan, Camarines Sur. Halaw mula sa http://centuryideas. Blogspot.
com/2015/09/multimedia-gamit-sa-mabisang-pagkatuto.html.

ZADIQ, S. & ZAMIR, S. (2014). Effectiveness of Modular Approach in Teaching


at University Level. Journal of Education Practice. Science and Education. An
Open Access and Academic Publisher. http://sciepub.com.
42

You might also like