You are on page 1of 29

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang masilayan at makadaupang palad ng bahagya ang tagumpay na

hinahangad makamtan ng bawat isa ay talaga namang isang malaking pribelihiyo. Ang

maabot at mapasaiyong bisig ito ay tila langit para sa sinuman. Ngunit hindi

mapagkakaila na naririryan tuwina ang mga magsisilbing balakid o hadlang na kung

minsan ay sinasabing kakambal na ng pag-abot ng tagumpay. Gayunpaman hindi

maipagkakaila na ang mga ito aysiyang magsisilbing daan din upang matuto habang

binbaybay natin ang rurok ng tagumpay.

Katulad ng pag-abot ng tagumpay ang pagbuo ng isang papel pananaliksik, may

mga balakid na kahaharapin upang matuto ang mga mag-aaral ng pag-aaral sa pagbuo

ng isang maganda, malinaw at mahusay na pananaliksik. Ang mga balakid na ito ay

mag dudulot ng kalituhan sa oras ng talakayan o hanggang sa oras ng pagbuo ng isang

papel pananaliksik. Maaaring ang ilang mga bahagi ng pananaliksik ay hindi malinaw na

matutuhan ng mga mag-aaral, mga bahagi na maaaring maging ilan ay ang mga

pinakakumplikado na matutuhan at gawin, ngunit maaari din isa sa pinakamahalagang

bahagi ng isang pananaliksik.

Ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbuo ng isang papel pananaliksik ay

nakasalalay sa kanilang mga guro, gayundin sa mga mag-aaral. Mahalagang malaman

ng bawat isa, lalo na ng mga tagapagturo, ang mga mabisa at angkop na paraan ng

pagtuturo. Ang kakaiba’t kawili-wiling paraan ay makapagbubukas ng pagkakataon sa

mga mag-aaral na matuto. Kaugnay nito, tinuturuan at natuto ang mga mag-aaral ng

kasanayang kinakailangan, hindi lamang sa pagbuo ng isang papel pananaliksik,

maging sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao.


2

Sa kabilang banda, kinakailangan ng mga mag-aaral na payabungin ang mga

kasanayang gingamit sa pagbuo ng isang papel pananaliksik, gaya na lamang ng

pagsulat. Ang kasanayang ito’y kinakailangan ng sapat na panahon upang matutukan.

Hindi lahat ng tao ay may natural na talento at kaytrangian ng isang manunulat kung

kaya’t ang paglalaan ng oras dito ay kailangang ibigay.

Ang pagsulat ay tinataglay ang iba’t ibang proseso at tuon, gaya na lamang ng

malawak na pag-iisip at mahusay na pakikipagtalastasan. Tulad ng intelektwal na

kasanayan kailangang mabigyang pansin maging ang mga sosyal na kasanayan,

sapagkat ang pagsulat ay pakikipag-usap sa mambabasa. Upang maging epektibo ang

pagsulat kailangang mahikayat ang mga mambabasa, ngunit upang mapagtagumpayan

ito kailangang paniwalain ito na isa siyang intelektwal at sa kabilang banda ay magiliw

na tao.

Kaugnay nito, higit sa pagsulat, kinakailangan taglayin ng mag-aaral ang mga

katangian ng mananaliksik. Satulong nito, kasabay na rin ng pagiging bihasa sa

pagsulat, magiging madali ang pagsasagawa at pagbuo ng pananaliksik. Ang mga

katangiang ito ang magpapagaan ng proseso ng pananaliksik. Magiging madali at

kapanipaniwala ang mga pag-aaral na isinasagawa.

Sa makatuwid, sa kahit anumang istilong gamitin ng mga guro sa pagtuturo

kinakailangang malaman ng mga mag-aaral kung paano ito matutunan sapagkat sa

kanila nakasalalay ang pagkatuto.

Layunin ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay naglalayong makapagbigay ng mga posibleng

solusyon hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa pagkakatuto ng mga mag-aaral sa

pagbuo ng papel pananaliksik, gayundin na matugunan ang mga sumusinod na mga

katanungan:
3

1. Ano ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng Papel Pananaliksik?

2. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkakatuto ng mga mag-aaral

sa pagbuo ng Papel Pananaliksik batay sa:

1.1. Kaligiran Sosyal

1.2. Kagamitang Pampagturo

1.3. Grado sa Unang semestre sa Filipino

3. Anong mga pagsasanay pang papel pananaliksik ang maihahanda para sa mga mag-

aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong puso ang paniniwala na ang pananaliksik na ito

ay makakatulong para sa mga sumusunod:

Tagaplano ng Kurikulum.Makapaglalatag ng bagong plano ng mga leksyon na

maaring makatulong sa mga mag-aaral.

Guro.Madaragdagan ang mga posibleng paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral

ukol sa Papel Pananaliksik.

Magulang.Mahihikayat ang mga anak na mag-aral o matutuhan ang pagbuo ng

isang pananaliksik.

Mag-aaral.Magkakaroon ng kaalaman sa mabisang paraan sa pagkatuto sa

pagbuo ng isang Papel Pananaliksik.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Nakatuon ang pananaliksik na ito sa pagsusuri ng mga salik na nakakaapekto sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pananaliksik.

Saklaw nito ang mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang buhat ng Mataasnakahoy

Senior High School an mayroong papel pananaliksik sa asignaturang Filipino.


4

Limitado ang pananaliksik na ito para sa mga nasa ika-11 baitang lamang

sapagkat bahagi ng kanilang pag-aaral sa asignaturang “ Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

ibang teksto tungo sa Pananaliksik, gayunding sila ay ang kauna-unahang hanay ng

mga mag-aaral na sumasailalim sa programa ng gobyernong K-12 sa paaralan ng

Mataasnakahoy Senior High School. Lubos ang paniniwala ng mga mananaliksikna

magiging malaki ang kontribusyon ng isinasagawang pananaliksik sapagkat ito ay

nmakakatulong sa mga mag-aaral upang mas mabilis na matutunan ang mga proseso at

hakbangin sa pagbuo ng isang papel pananaliksik.

Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Papel Pananaliksik - ang pananaliksik ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga

ideya, isyu, konsepto o anumang bagay na nangangailangan ng sapat na patunay, at

maari ding magpasubali sa kaisipang inilalatag ng mga naunag pag-aaral (Atanacio et.al

2009).

-gampanin ng mga mag-aaral sa ginagawang pag-aaral.

Salik - isang bagay na karaniwang nagiging dahilan ng pangyayari na nakaaapekto sa

posibleng resulta (Nakpil et.al 2000).

-nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel

pananaliksik

Mag-aaral - taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan

ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao ay dumadaan sa

proseso ng pagiging estudyante. Ang mga estudante ay nangangailangan ng mga silid-

aralan at mga kagamitan pang-iskwela (Wikepedia).

- mga taong gumagawa ng pananaliksik.


5

BALANGKAS KONSEPTWAL

Input Proseso Awtput

Mga salik na
nakakaapekto sa
pagkatuto ng pagbuo
ng papel pananaliksik.
Kamalayan ng mga -Mga gawaing
mag-aaral sa papel pampapel
Paggamit ng mga
pananaliksik pananaliksik na
sarbey kwestyoner na
magpapa-unlad sa
Pagkatuto batay sa: sinagutan ng mga
kamalayan ng mga
napiling respondente.
-Kaligirang sosyal mag-aaral sa pagbuo
-Kagamitang ng papel pananaliksik.
pampagturo
-Grado sa unang
semestre

Pigyur 1. Paradigma ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mahanap ang mga salik na nakaaapekto

sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng pagbuo ng papel pananaliksik ayon sa kaligirang

sosyal at mga kaganmitang pampagturo. Nais din malaman ng pag-aaral na ito ang

kamalayan ng mga mag-aaral ukol sa papel pananaliksik. Sa pamamagitan ng

pagsasarbey, nangalap ang mga mananaliksik ng mga datos mula sa mga napiling

respondent. Inaasahang makapagbibigay ng mga gawaing pampapel pananaliksik ang

mga mananliksik upang mapaunlad ang kamalayan at kasanayan ng mga mag-aaral sa

pagbuo ng papel pananaliksik.


6

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Literaturang Konseptwal

Sa pananaw ni Gladys (2015), ang pananaliksik ay mahalagang sangkap ng

buhay ng tao, sapagkat daaan ito sa modernong pamumuhay. Isa ito sabatayan ng pag-

angat ng estado gn isang tao sa kanyang trabaho, isa sa mga pangunahing isinusumite

ng mga mag-aaral sa kolehiyo para sa kanyang kurso, nagbubukas ito ng oportunidad

sa tao upang makapamuhay ng maayos at moderno sinasaklaw rin nito ang iba,t ibang

uri ng tao sa iba’t ibang larangan na makapagdudulot ng napakaraming benipisyo. Sa

katunayan ang pananaliksik ay nakapagbibigay ng impormasyon at solusyon sa mga

suliranin ng isa ng bansa, pinalalawak rin nito ang kabihasaan ng mga tao tungkol sa

mga isyu na kanilang kinahaharap, nagsisilbi rin itong batayan ng pagunlad ng isang

bansa at humuhubog sa kinabukasan ng mga mamamayan nito.Ayon kay Maximo

(2015), lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang humpay na

pagbasa ,nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon. Napapalawak

ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil sa marami

siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa

mga kaugnay na literatura.Nililinang nito ang tiwal sa sarili,tumaas ang respeto at tiwala

sa sarili kung maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na

isinagawa.Nakapagdaragdag ito ng bagong kalaman sapagkat ang gawaing

pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang

kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

Kaugnay nito, ang pananaliksik ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya,

isyu, konsepto o anumang bagay na nangangailangan ng sapat na patunay, at maari

ding magpasubali sa kaisipang inilalatag ng mga naunag pag-aaral. Nangangailangan


7

ito ng kritikal at mataas na lebel ng pagsusuri upang maayos na mailatag ang mag

perspektibo at mga argumaento. Layunin nito ang bumuo ng isang pag-aaral gamit ang

mga datos ng mga naunang pag-aaral. Ito ang magsisilbing pundasyon sa katatagan,

kalinawan at katotohanan ng ginawang pananaliksik. Layunin din nitong magbigay ng

bagong impormasyon at ideya gayundin ang magbigay ng bagong interpetsyonsa mga

lumang ideya. Layunin din nito na makapgbigay linaw sa pinagtatalunag isyu at

mapatunayan ang katotohanan at pagiging balido ng isang ideya, Atanacio et.al (2009).

Ngunit upang makabuo ng isang pananaliksik kinakailangang malaman ng

mananaliksik ang kahalagahan ng kabihasaan sa pagsulat sa proseso nito.

Ang damdamin at kaisipan ng tao na isinalin sa papel bilang isang illustrasyon o

lupon ng mga salita na mapagkukunan ng kaalaman at makapupukaw sa damdamin ng

iba ay matatawag na pagsulat. (Bernales et.al 2001).Maituturing din itong intelektwal at

pisikal na gawain sapagkat kinakailangan ang paggamit ng kamay sa pagsulat at isip

upang makasulat. (Bernales et.al 2002)

Ang pagsulat ay hindi basta nakukuha sa biglaang pag-aaral lamang. Isa itong

kasanayan na hindi agarang matatamom kung hindi pag-aaralan ng

masusi.Kinakailangan nito ng pakikinig, pagbasa at pagsasalita..Kaugnay nito, ayon kay

Bernales et.al (2009), ang pagsulat ay sosyo-kognitib na gawain. Binibigyan ng pansin

ang mental na kapasidad ng tao bilang manunulat at kakayahan nitong makipagusap sa

mga mambabasa gamit ang nalathala nitong sulatin. Dahil dito, nagkakaroon ng sosyal

na ugnayan ang mga mambabasa at manunulat kahit hindi sila personal na

nagkikita.Dagdag pa rito, maraming prosesong dimensyonal ang pagdadaanan tulad ng

oral na dimension at biswal na dimensyon. Nagiging epektibo ang manunulat sa

mambabasa.

Gayunpaman, ang kakayahan sa pagsulat ay isa pa lamang sa mga dapat na

matutunan at taglayin ng mga mag-aaral sa pagbuo ng isang pananaliksik.Ngunit


8

kinakailangan ng mga mag-aaral na matutuhan ito sa mga kapamamaraanan na madali

nilang maiintindihan.

Ayon kay Belvez (2000), ang mga guro ang pangunahing salik sa kahit anumang

sitwasyon ng pagtuturo at pagkatuto. Ang mga guro ay malaki ang magiging

impluwensya sa kanilang mga mag-aaral, kaugnay nito, ang epektibong pagtuturo at

paggaganyak ng mga ay makakatulong sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Higit pa dito, dapat maganyak ng mga guro ang kanilang mga mag-aral,

mapanatili ang atensyon nito sa talakayan at maiwaasang ibaling ang tuon nito sa ibang

mga bagay.Ayon kay Leume (2002), ang atensyon ang pinakamahalagang sangkap ng

impormasyon. Ito ang nagdudulot sa utak upang ihanda ang pagproproseso ng mga

impormasyon.Pinapawalang bisa ang kahit anumang pamamaraan ng pagtuturo kung

hindi niya mapupukaw ang atensyon ng kaniyang mga mag-aaral. Nawawalan ng

motibasyon ang mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang pagkatuto.

May mga paniniwalang ang atensyon ng isang bata o mag-aaral ay tumatagal

lamang ng 10 hanggang 15 minuto lamang. Gaunpaman, sinabi nina Wilson at Korn

(2007) sa kanilang pag-aaral na walang sapat na patunay ang paniniwalang ito. Gamit

ang mga kilos at katangian ng mga bataang paniniwalng ito ay batay lamang sa mga

hindi tiyak na pag-aaral.

Sa pananaw naman ni Acero (2007), malaki ang epekto ng pisikal na kaanyuan

sa pagpukaw ng atensyon ng mga mag-aaral. Malaki ang magiging epekto sa mga mag-

aaralng ayos ng silid aralan, ang lawak at laki nito, lokasyon, bentilasyon, mga ilaw, mga

kagamitang pampagturo, ayos ng mga upuan maging mga probisyon ukol sa kaayusan

ng silid-aralan. Makakatulong din ang mga radio at telebisyon, mga pangkatang gawain

maging mga komiks upang makatulong maiwasan ang pagkabagot sa mga talakayan.Sa

pamamagitan nito, hindi agarang mawawala ang atensyon ng mga mag-aaral.

Nababaling ang atensyon ng mga mag-aaral mula sa mga distraksyon sa paligid.


9

Higit sa pagkatuto ng mga bahagi ng pananaliksik, maging ang mga konsepto

nito, marapat na malaman ng mga mag-aaral nag katangian ng mga mananaliksik.Ayon

kay Bernales et.al 2009,ang mga mananaliksik ay kinakailangang taglay ang mga

katangian na sumusunod; Una ang pagiging masipag, sapagkat ang pananaliksik ay

proseso ng pagtuklas at pangangalap ng datos, hindi maaaring dayain sapagkat

kinakailangang may sapat na katibayan upang pangatwiranan ang kanyang

pananaliksik.

Kinakailangan ding maging matiyaga, sapagkat hindi lahat nakukuha sa unang

subok, kinakailangang maging pasensyoso sa pag-uulit at pagrerebisa ng mga nakalap

na datos.

Kaugnay nito ang pagiging mapanuri, kailangan ang masusi at mainam na pag-

iinspeksyon ng mga datos sa pagbuo ng pananaliksik. Marapat na matimbang at

mabigyan ng sapat na pangangatwiran ang bawat impormasyon na kanyang nakuha.

Samakatuwid, ang mahabang pag-aaral ng mga bahagi at ng lahat ukol sa

pananaliksik ay mababalewala kung hindi niya matutunan ang kasanayan ng pagsulat at

lalot higit kung hindi niya tataglayin ang katangian ng isang mananaliksik. Maaring

mahirapan at magdulot ng kalituhan kung hindi ito matutuhan.

Literaturang Pananaliksik

Kabahagi ng K-12 Kurikulum ang maihanda ang mga mag-aaral ng Baitang11 sa

pagbuo ng isang papel pananaliksik na magagamit nila sa pagtungtong ng kolehiyo.

Sa pag-aaral ni Mapa (2014), mananatiling pinakamahalagang bahagi ng

pagtuturo at pag-aaral ang pagkatuto. Ngunit, ang pagkatuto ay nakabatay sa kung

paano at anong paraaan ang gagagmitin ngmga guro sa pagtuturo. Ang mga

pamamaraang gagagmitin ng mga guro ay nakabatay din sa ninanais niyang resulta na

makamit ngmga mag-aaaral, maging sa paksa ng kanyang araling kanyang ituturo.


10

Malaki ang maitutulong ng mga makabagong estratehiyang gagamitin sa pagtuturo.

Magdudulot ito ng aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral sa loob at pananatilihin ang

interes ng mga mag-aaral sa talakayan,Ponce (2000). Nakasalalay sa guro ang interes

ng mga mag-aaral. Kung gagamit ang mga guro ng motibasyon at paggaganyak

magiging madali ang pagkakapukaw ng interes ng mga mag-aaral,Slovin (2000).

Pagsang-ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Agbay et.al. (2002), na

napatunayan na nakapagdudulot ng ibayong interes sa mga kasanayan at kaalaman

ukol sa partikular na asignatura ang mga mag-aaral kung ang isang guro ay gumagamit

ng iba’t ibang estratihiya na gagamitin sa larangan ng pagtuturo. Kung ang estratihiyang

ginagamit ay matagumpay, ang mga mag-aaral ay mawiwili at magkakaroon ng interes

sa pag-aaral ukol sa mga aralin sa paaralan at iba pang mga bagay-bagay. Gayundin,

maaaring magpakita pa ang mga mag-aaral ng pagpupursige na matuto at mapataaas

ang kani-kanilang mga marka kung ang nasabing mga estratihiya ay matiwasay na

nasagawa. Sa makatuwid, mananatiling nasa kamay ng mga guro ang pag-unlad ng

kanilang mga mag-aaral gayundin ang pagkuha ng kanilang mga interes.Ang kakayahan

ng isang guro sa pagtuturo ay may malaking impluwensaya sa gagawin at tutunguhin ng

isang mag-aaral, ito ay ayon sapag-aaral ni Flores (2002). Nangangahulugan ang mga

guro ay mag-sisilbing mga gabay ng bawat mag-aaral sa mga desisyon na kanilang

gagawin gayundin sa daang kanilang tatahakin. Ang kasanayan ng mga gurosa

pagtuturo ay ang mabisang pamamaraan sa pagtuturo. Magdudulot ng maayos ang

kabisaan ng isang guro sa pagkuha ng interes ng mga mag-aaral. Bunsod nito,

magiging madali ang pagkatuto ng bawat mag-aaral. Kasabay nito ay maaari pang

masiyahan ang mga mag-aaral sa oras ng talakayan ng mga guro,Cueto et.al. (2002).

Ayon naman kay Alday (2004), ang papel ng isang guro ay makabuo at mapanatili ang

interes ng isang mag-aaral. Dapat na maging malikhain upang mahikayat ang mag mag-

aaral na mag-karoon ng interest sa pagkatuto sa isang paksa o leksyon. Ang mga guro
11

ay hindi lamang nagbibigay ng motibasyonal na gawain ngunit magign sila mismo at ang

kanilang ipinakikitang kabutihan o dedikasyon sa pagtuturo ay maaaring maging

motibasyon sa mga mag-aaral upang mahikayat ang interes ng matuto hindi lamang sa

kanilang asignatura ngunit maging sa iba pang asignatura ng ibang mga guro.

Ngunit, batay sa isinagawang pag-aaral ni Dizon (2002) higit na mainam na pag-

bayuhin ng isang guro ang kanyang pag-uugali at pagpapahalaga sa mga mag-aaral

sapagkat ito ang magiging motibasyon para sa mga mag-aaral upang gawin ang

kanilang buong kakayahan para mapataas ang kanilang antas ng kakayahan.

Ayon kay Aton (2007), ang edukason ay ang parte ng pag-aaral kung saan ang

mga mag-aaral ay tumatanggap ng impormasyon sa pamamgaitan ng iba’t ibang media.

Ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ng midyang instruksyonal ay nagbibigay ng

kongkretong pundasyon sa pag-katuto.Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-

aaral;Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at

napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto;Nagdudulot ito ng maayos, madali,

makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto;Nag-aambag ito ng iba’t ibang

karanasan sa mga mag-aaral tungo sa pagtatamo nila ng mga minimithing kaalaman,

pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga sa kanilang sarili at kapaligiran;Nagbibigay

ito ng mga tunay at iba’t ibang kalagayan upang mapasigla ang pansariling gawain ng

mag-aaral;Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may

direksyon ang pagtuturo at pagkatuto;Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan,

magaan at sistematikong pagtuturo;Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa

pag-sasalita o pagtalakay ng aralin sa loob ng silid-aralan, Abad at Ruedas (2001).Ayon

naman kay Guerero (2014), nakasalalay ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa

pamamamarang gagamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo na naaayon sa

kakayahan ng mga mag-aaral gayundin sa paksa at asignaturang itinuturo. Kung paano


12

inilahad at ilalahad ang mga leksyon at impormasyon ay malaki ang magiging gampanin

sa pagkakatuto ng mga bata.

Ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay nagpapakita ng kontrol ng mga

guro, kung saaan ang mga makukulay na biswal aids ang kanilang ginagamit. Guro ang

tatalakay ng mga aralin at tagapakinig naman ang mga mag-aaral. Bukod sa pang-

akademikong leksyon, natuturuan din sila ng mabuting asal.

Gayunpaman, sa pag-usbong ng makabagong panahon, may mga bagong

kapamaraanan ang ginagamit.

Ayon naman sa Multiple Intelelligence ni Dr. Howard Gardner, mayroong walong

aspeto ng pagkatuto ang mga bata batay sa kanilang natural na talento at pag-uugali na

kung saan maaaring matutukan ng mga guro ang mga mag-aaral sa larangan kung saan

sila makikitaan ng potensyal na matuto. Sa pamamagitan nito nakakapagpahayag ang

mga bata ng kanilang saloobin at kuro-kuro ukol sa mga aralin sa pamamagitan ng

sariling pagtuklas.

Ayon kay Roque (2015), ang kompyuter ay isang mahalang produkto ng

teknolohiya. Para sa mga estudyante ito ay mahalaga lalo na kung meron silang

kailangan na hanaping impormasyon. Mahalaga rin ang mga kompyuter games pagkat

ito ay isang paraan ng pagrerelax ng mga estudyante sa stress na gawain sa eskwela.

Ginagamit rin ang kompyuter sa pagprepresenta ng power point. Napapadali rin ang

pagpapadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga email at social networking sites

na kayang matanggap sa loob ng isang segundo lamang. Nagagamit din ito ng mga

guro sa pagkokompyut ng mga grado ng mga mag-aaral. Na ginagamit rin upang

maging batayan ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

Sa pag-aaral naman nina Garcia et.al. (2015), ang mga laptop at iba pang uri ng

multimedia ay lumalabas na nakapagbibigay ng sigla at giliw.Ang mga paggaganyak

mula sa internet ay nililinag nag kakayahan ng mga mag-aaral ng mag-isip ng mga


13

isasagot sa mga katanungan ng mga guro. Nagdudulot ito ng interes sa mga mag-aaral

upang higit na aralina ng mga leksyon at magsisilbi na ring batayan ng mag guro sa

kanilang ituturo. Ang pagaanalisa ay ay nagagawang padaliin at medaling nagagawa

ng guro na mapaliwang at mabigyang linaw aaaaang mga araling tinatalakay.

Kaugnay nito, ayon pa rin kay Guerero, ang mga umuunlad na teknolohiya ay

isang malaking tulong bilang basehan ng mga guro at mag-aaral, kung saan hindi na

niya kailangang gumamit ng napakaraming mga aklat sa pagtuutro. Sa tulong ng mga

teknolohiyang ito madaling maipapakita ng mga guro ang konteksto ng aralin gamit ang

mag bidyo at power point presentasyon. Dagdag pa rito, ang pag-usbong ng social

networking sites at patuloy na pag-unlad ng mga internet connection, nagiging madali

ang tulay at pagpapasa-pasa ng mga impormasyon.

Sa sarbey naman na ginawa ng Rizal Science High School (2009), ang

kapaligiran ng eskwelahan o klasrum ay nakaaapekto sa okus ng mga mag-aaral.

Halimbawa, kapag madumi at maingay ang paligid ng isang klassrum ay hindi

makapagaral ang mga mag-aaral ng maayos. Ang kagamitan ng paaralan ay malaki ang

epekto sa mga mag-aaral gaya na lamang ng mga sira-sirang upuan at kulang-kulang

na bilang ng mag aklat.

Ngunit ayon naman kay Badayos (2008), anumang paraan ang gamitin ng guro

sa pagtuturo, higit na dapat matutukan an gang istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral

sapagkat sila ang matuto sa kahit anong mabisang paraang gamitin ng mga guro.
14

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kwantitatibong pananaliksik, kung saan

tataglayin nito ang mga datos na nakalap na siyang makapagbibigay linaw sa

pananaliksik na isinasagawa. Kinakailangang makapagbigay ng istatistikong datos mula

sa mga respondente at mailahad ang kasagutan sa mga nasabing layunin.

Respondente

Ang mga respondente na napili para sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng

ika-11 Baitang ng Mataasnakahoy Senior High School na nasa kasalukuyang proseso

ng pagkatuto ng pagbuo ng isang papel pananaliksik.

Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ng ika-11 Baitang ng MSHS ay

pinangkat sa lima: STEM; ABM; HUMSS1 at 2; at TVLE. Kukuhanin ang 46% na

bahagdan. Sa makatuwid ang STEM ay may 20 na respondent; ABM ay 19; HUMSS 1

at 2 ay 19; at TVLE ay 23.

Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente sa Mataasnakahoy Senior High School

Track/Kurso Kabuuang Dami Bilang ng napiling

Respondente

STEM 39 20

ABM 42 19

TVLE 51 23

HUMSS 1 42 19
15

HUMSS 2 42 19

KABUUAN 216 100

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey kung kaya

ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga kwestyoner na magiging batayan ng mga

datos o impormasyon na kakailanganin para sa pananaliksik.

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos o impormasyon sa iba’t ibang

hanguan, ito ay upang mas mapainam ang pag-aaral na isinasagawa gayundin ay

patotohanan ang pananaliksik na isinasagawa.

Tritment ng mga Datos

Matapos makalap ang mga datos, ang mga mananaliksik ay gagamit ng istatistikal

tools sa pagkuha ngfrequency mean ng mga respondente sa mga sagot sa inilaan na

kwestiyoner.Gumamit ang mag mananaliksik ng mga sumusunod na statistical tritment:

Frequency- upang makita ang dami ng mga mag-aaral.

Percentage at Ranking- upang malaman ang at maikumpara ang mga sagot ng

respondente.

P=∑f
N

Weighted mean- upang malaman ang mga salik ng pagkatuto ng pagbuo ng papel

pananaliksik.

Pormula:
16

x=∑fx
N

Talahanayan 2
Likert Scale
Lawak Interpretasyon

3.50- 4.00 Lubos na Nakaaapekto/ Lubos na


Sumasang-ayon

2.50- 3.49 Nakaapekto/ Sumasang-ayon

1.50- 2.49 Hindi Nakaapekto/ Hindi Sumasang-ayon

1.00- 1.49 Lubos na Hindi Nakaaapekto/ Lubos na


Hindi Sumasang-ayon
17

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay naglalayong malaman ang mga salik sa pagkatuto sa

pagbuo ng papel pananaliksik ng mga G-11 ng Mataasnakahoy Senior High School.

1. Ano ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik?

Talahanayan 3.Kamalayan ng mga mag-aaral sa Papel Pananaliksik

Pahayag Mean Rank Interpretasyon

1. Mahirap gawin ang tesis. 3.77 3 Lubos na


sumasang-
ayon
2. Ang tesis ay dagdag gawain sa aming mga 3.86 1 Lubos na
mag-aaral. sumasang-
ayon
3. Hindi kakayanin ng isang tao ang tesis. 3.51 6 Lubos na
sumasang-
ayon
4. Ang tesis ay gawaing pampaaralan lamang at 3.65 4 Lubos na
walang pakinabang. sumasang-
ayon
5. Madali lamang gawin ang tesis kung maraming 3.78 2 Lubos na
mapagkukunang impormasyon. sumasang-
ayon
6. Ang tesis ay madaling matutuhan. 1.69 9 Hindi
sumasang-
ayon
7. Sapat na ang tatlong lingo upang matapos ang 1.52 10 Hindi
isang tesis. sumasang-
ayon
8. Kailangan ng mahabang panahon sa pagbuo ng 3.31 8 Sumasang-
isang tesis. ayon
9. Marami ang prosesong pagdadaanan sa 3.32 7 Sumasang-
pagbuo ng tesis. ayon
10. Ang tesis ay nanganagilangan ng sapat na pag- 3.57 5 Lubos na
iintindi at pag-unawa. sumasangay-
ayon
18

Lumalabas sa pagtataya, na nanguna sa tally ang pahayag ukol sa tesis

ay dagdag gawain lamang na may mean na 3.86 na nangangahulugan ng lubos na

pagsang-ayon ng mga mag-aaral.Ngunit sa pananaw ni Gladys (2015), ang pananaliksik

ay mahalagang sangkap sa buhay ng tao, sapagkat daaan ito sa modernong

pamumuhay. Isa ito sabatayan ng pag-angat ng estado ng isang tao sa kanyang

trabaho, isa sa mga pangunahing isinusumite ng mga mag-aaral sa kolehiyo para sa

kanyang kurso, nagbubukas ito ng oportunidad sa tao upang makapamuhay ng maayos

at modern. Sinasaklaw rin nito ang iba’t ibang uri ng tao sa iba’t ibang larangan na

makapagdudulot ng napakaraming benipisyo. Sa katunayan ang pananaliksik ay

nakapagbibigay ng impormasyon at solusyon sa mga suliranin ng isang bansa,

pinalalawak rin nito ang kabihasaan ng mga tao tungkol sa mga isyu na kanilang

kinahaharap, nagsisilbi rin itong batayan ng pagunlad ng isang bansa at humuhubog sa

kinabukasan ng mga mamamayan nito.

Gayunpaman, pumangalawa naman sa bilang ang pahayag ukol pagiging madali

nitong gawin kung may sapat na mapagkukunan ng impormasyon na may mean na 3.78

na lubos na sing-ayunan ng mga mag-aaral. Pumangatlo naman ang pahayag ukol sa

mahirap gawin ang tesis na may kabuuang 3.77. Nasa ika-apat na bilang naman ang

pahayag tungkol sa walang kapakinabangan ng tesis at isa lamang itong gawaing

pampaaralan na may mean na 3.65 na lubos ang pagsang-ayon ng mga mag-aaral.

Taliwas naman ito sa pananaw ni Maximo (2015), lumalawak ang kaisipan ng isang

mananaliksik dahil sa walang humpay na pagbasa , nag-iisip, nanunuri at naglalahad o

naglalapat ng interpretasyon. Napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa

mundo ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng

mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literatura.Nililinang

nito ang tiwal sa sarili,tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at

matagumpay nanaisakatuparan ang alinmang pag-aaral na


19

isinagawa.Nakapagdaragdag ito ng bagong kalaman sapagkat ang gawaing

pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang

kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

Sumunod naman ang pahayag na ang tesis ay nangangailangan ng sapat na

pag-iintindi at pagunawa na nakakuha ng mean na 3.57 na lubos na sinang-ayunan ng

mga mag-aaral. Kaugnay nito,pagsang-ayon kay Atanacio et.al (2009). ang pananaliksik

ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya, isyu, konsepto o anumang bagay na

nangangailangan ng sapat na patunay, at maari ding magpasubali sa kaisipang

inilalatag ng mga naunang pag-aaral. Nangangailangan ito ng kritikal at mataas na lebel

ng pagsusuri upang maayos na mailatag ang mag perspektibo at mga argumaento.

Layunin nito ang bumuo ng isang pag-aaral gamit ang mga datos ng mga naunang pag-

aaral. Ito ang magsisilbing pundasyon sa katatagan, kalinawan at katotohanan ng

ginawang pananaliksik. Layunin din nitong magbigay ng bagong impormasyon at ideya

gayundin ang magbigay ng bagong interpetsyonsa mga lumang ideya. Layunin din nito

na makapgbigay linaw sa pinagtatalunag isyu at mapatunayan ang katotohanan at

pagiging balido ng isang ideya.

Nasa ika-anim naman na puwesto ang pahayag na ang tesis ay hindi kayang

tapusin ng isang tao lamang na may mean na 3.51na lubos ding sinsang-ayunan ng

mga mag-aaral.Ngunit, ang katunayan, ang pananaliksik ay nakakayanang gawin ng

iisang tao lamang. Walang kaso kung pangkatan o indibiwal ang pagbuo nito basta

taglay mo ang katangian ng isang mananaliksik.Ayon kay Bernales et.al 2009, ang mga

mananaliksik ay kinakailangang taglay ang mga katangian na sumusunod; Una ang

pagiging masipag, sapagkat ang pananaliksik ay proseso ng pagtuklas at pangangalap

ng datos, hindi maaaring dayain sapagkat kinakailangang may sapat na katibayan

upang pangatwiranan ang kanyang pananaliksik.Kinakailangan ding maging matiyaga,

sapagkat hindi lahat nakukuha sa unang subok, kinakailangang maging pasensyoso sa


20

pag-uulit at pagrerebisa ng mga nakalap na datos.Kaugnay nito ang pagiging mapanuri,

kailangan ang masusi at mainam na pag-iinspeksyon ng mga datos sa pagbuo ng

pananaliksik. Marapat na matimbang at mabigyan ng sapat na pangangatwiran ang

bawat impormasyon na kanyang nakuha.

Nasa ika-pitong puwesto naman ang pahayag na ang tesis ay maraming

proseso na pagdadaanan kung saan nakuha ito ng mean na 3.32.sumunod naman ang

pahayag na nangangailangan ito ng sapat na panahon upang mabuo na nakakuha ng

mean na 3.31, habang isundan ito ng pahayag na ang tesis ay madaling matutuhan na

may mean na 1.69. Samantala, nasa ika-sampu naman ang pahayag tungkol sa

kakayanan nitong matapos sa loob ng tatlong lingo na may mean na 1.52..

Isa itong pagpapatunay naang pananaliksik ay isang mapanuring pagsisiyasat ng

mga ideya, isyu, konsepto o anumang bagay na nangangailangan ng sapat na patunay,

at maaari ring magpasubali sa kaisipang inilalatag ng mga naunang pag-aaral.

Nangangailangan ito ng kritikal at mataas na lebel ng pagsusuri upang maayos na

mailatag ang mag perspektibo at mga argumento. Layunin nito ang bumuo ng isang

pag-aaral gamit ang mga datos ng mga naunang pag-aaral. Ito ang magsisilbing

pundasyon sa katatagan, kalinawan at katotohanan ng ginawang pananaliksik. Layunin

din nitong magbigay ng bagong impormasyon at ideya gayundin ang magbigay ng

bagong interpetsyon sa mga lumang ideya. Layunin din nito na makapgbigay linaw sa

pinagtatalunag isyu at mapatunayan ang katotohanan at pagiging balido ng isang

ideya(Atanacio et.al 2009).

2. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

pagbuo ng Papel Pananaliksik batay sa:


21

Talahanayan 3.1.Salik Kaugnay ng Kaligirang Sosyal

Pahayag Mean Rank Interpretasyon

1. Nahihirapan sa pakikinig bunsod ng ingay ng 3.09 1 Nakaaapekto


mga kamag-aaral.
2. Nawawala ang tuon sa talakayan dahil sa 2.97 2 Nakaaapekto
maalinsangan na kapaligiran.
3. Kakulangan sa espasyo dahil sa malaking 2.94 3 Nakaaapekto
populasyon ng mga mag-aaral
4. Nahihirapang makapagsulat ng mga leksyon 2.77 5 Nakaaapekto
dahil sa madilim na paligid.

5. Naaantala ang talakayan bunsod ng paglilinis 2.74 6 Nakaaapekto


ng ng silid-aralan.
6. Higit ang bilang ng mga mag-aaral sa 2.61 8 Nakaaapekto
kapasidad ng silid-aralan.
7. Walang buhay ang disenyo at pagkakaayos 2.49 9 Hindi
ng loob ng silid- aralan. Nakaaapekto
8. Ang silid-aralan ay malapit sa kinaroroonan 2.80 4 Nakaaapekto
ng pinanggagalingan ng hindi kananais-nais
na amoy, partikular ng palikuran.
9. Lumang estruktura ng silid–aralan. 2.48 10 Hindi
Nakaaapekto
10. Kawalan ng maayos na upuan para sa mga 2.69 7 Nakaaapekto
mag-aaral.

Nanguna sa tala ang pahayag ukol sa ingay ng mga kapwa mag-aaral na nagtala

ng mean na 3.09. Sumunod naman ang pahayag ukol sa maalinsangang kapaligiran na

nakapagtala ng 2.97. Pumangatlo naman ang pahayag ukol sa kakulangan ng espasyo

dulot ng malaking populasyon. Nasa ika-apat na puwesto naman ang pahayag na ang

silid ay malapit sa hindi kanais-nais na amoy na nakakuha ng mean na 2.80. Ika-limang

puwesto naman ang pahayag na nahihirapan sa pagsusulat ng mga leksyon dahil sa

madilim na paligid na may mean na 2.77. Sumunod naman ang pahayag na

nagsasabing nakakaapekto ang pagka-antala ng klase bunsod ng paglilinis ng

maduming kapaligiran. Ika-pito naman ang kawalan ng maayos na mga upuan para sa

mga mag-aaral na nakakuha ng mean na 2.69. Nasa ika-walong puwesto naman ang
22

pahyag tungkol sa higit na bilang ng mga mag-aaral sa kapasidad ng silid-aralan.

Sumunod naman ang pahayag na nagsasabi sa walang epekto sa pagkatuto ang

kawalan ng disenyo ng silid aralan na nakakuha ng mean na 2.49. Samantala, nahuli

naman sa bilang ang pahayag ukol sa pagkakaroon ng lumang estruktura ng silid-aralan

na walang epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral na nakakuha ng mean na 2.48. Ayon

kay Acero, malaki ang epekto ng pisikal na kaanyuan sa pagpukaw ng atensyon ng mga

mag-aaral. Malaki ang magiging epekto sa mga mag-aaralng ayos ng silid aralan, ang

lawak at laki nito, lokasyon, bentilasyon, mga ilaw, mga kagamitang pampagturo, ayos

ng mga upuan maging mga probisyon ukol sa kaayusan ng silid-aralan. Sa sarbey na

isinagawa ng Rizal Science High School ,ang kapaligiran ng eskwelahan o klasrum ay

nakaaapekto sa pokus ng mga mag-aaral. Halimbawa, kapag madumi at maingay ang

paligid ng isang klassrum ay hindi makapagaral ang mga mag-aaral ng maayos. Ang

kagamitan ng paaralan ay malaki ang epekto sa mga mag-aaral gaya na lamang ng mga

sira-sirang upuan at kulang-kulang na bilang ng mag aklat.Lahat ng mga ito ay

nakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik.

Ang mga salik na ito ay maaaring maging distraksyon o motibasyon sa mga

mag-aaral sa oras ng talakayan. Isang halimbawa na lamang ay nanguna sa tala na

kaugnay ng pagkakaroon ng ingay dulot ng mga kaklase. Maaaring mawala ito sa pokus

ng kanyang pagkatuto. May mga pananaw na ang atensyon ng mga mag-aaaral ay

tumatagal lamang ng 10 hanggang 15 limang minuto, kung kaya, ang madagdagan ang

dahilan ng mga mag-aaral upang mawala ang atensyon nito sa talakayan ay malaki ang

maggiging epekto sa pagkatuto ng mga mga mag-aaral.


23

2.2. Kagamitang Pampagturo

Talahanayan 3.2.Salik Kaugnay ng Kagamitang Pampagturo

Pahayag Mean Rank Interpretasyon

1.Ang telebisyon, laptop, at projector ay nagagamit sa 2.66 2.5 Nakaaapekto


talakayan.
2.Sapat ang bilang ng mga aklat sa bilang ng mga mag- 2.84 1 Nakaaapekto
aaral.
3.Pagpapanood ng mga bidyo at powerpoint 2.65 4 Nakaaapekto
presentation sa pagtuturo ng leksyon.
4.Pagagmit ng internet at social networking sites sa 2.53 10 Nakaaapekto
pagpapasa ng mga impormasyon.
5.Paggamit ng makukulay na biswal sa pagtuturo. 2.55 8 Nakaaapekto
6.Gumagamit ng yeso at pisara ang mga guro sa 2.60 5 Nakaaapekto
pagtuturo.
7.Pagpapakita ng mga halimbawa na nakikita at 2.59 6 Nakaaapekto
nahahawakan sa unahan ng mga mag-aaral.
8.Kawalan ng reserbang mapagkukunang enerhiya para 2.54 9 Nakaaapekto
sa mga elektronikong kagamitan sa pagtuturo.
9.Pagpapagamit ng kompyuter ng mag guro para sa 2.58 7 Nakaaapekto
mga mag-aaral.
10.Pinahihintulutan ang pagagamit ng cellphone para sa 2.66 2.5 Nakaaapekto
mga leksyon sa klase.

Nanguna sa tala ang pahayag ukol sa pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga

aklat para sa mga mag-aaral na nagtala ng mean na 2.84. Sumunod naman ang mga

pahayag ukol sapaggamit ng mga iba’t ibang media sa pagtuturo at paggamit ng

cellphone sa klase na nakapagtala ng 2.66. Pumangapat naman ang pahayag ukol

sapagpapanood ng bidyo at power point presentation. Nasa ika-limang puwesto naman

ang paggamit ng yeso at pisara sa pagtuturo nanakakuha ng mean na 2.60.pumang-

anim ang pahayag tungkol sa pagpapakita ng halimbawa sa unahan ng klase na may

mean na 2.59. Ika-pito ang pahayag tungkol sa pagpapagamit ng kompyuter sa mga


24

mag-aaral. Sumunod ang pahayag tungkol sa paggamit ng makukulay na biswal sa

pagtuturo. Nasa ika-siyam naman na puwesto ang pahayag na kawalan ng

mapagkukunang reserbang enerhiya ng mga elektronikong kagamitan na may mean na

2.54. Samantala, nahuli naman sa bilang ang pahayag ukol sa paggamit ng internet at

social network sites sa pagtuturo na may mean na 2.66.

Lahat ng pahayag ay lumabas na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.Ayon

kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ng midyang

instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pag-katuto.Nagbubunga ito

ng wastong gawi sa pag-aaral. Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral

sapagkat higit na napasisigla at napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at

pagkatuto.Nag-aambag ito ng iba’t ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo sa

pagtatamo nila ng mga minimithing kaalaman, pagkakamit ng kasanayan at

pagpapahalaga sa kanilang sarili at kapaligiran. Nagbibigay ito ng mga tunay at iba’t

ibang kalagayan upang mapasigla ang pansariling gawain ng mag-aaral. Nagkakaroon

ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may direksyon ang pagtuturo at

pagkatuto. Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan,magaan at sistematikong

pagtuturo. Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pag-sasalita o pagtalakay

ng aralin sa loob ng silid-aralan. Ayon naman Guerero, ang mga umuunlad na

teknolohiya ay isang malaking tulong bilang basehan ng mga guro at mag-aaral, kung

saan hindi na niya kailangang gumamit ng napakaraming mga aklat sa pagtuutro. Sa

tulong ng mga teknolohiyang ito madaling maipapakita ng mga guro ang konteksto ng

aralin gamit ang mga bidyo at power point presentasyon.Dagdag pa rito, ang pag-

usbong ng social networking sites at patuloy na pag-unlad ng mga internet connection,

nagiging madali ang tulay at pagpapasa-pasa ng mga impormasyon. Kaugnay pa nito,

ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay nagpapakita ng kontrol ng mga guro,


25

kung saaan ang mga makukulay na biswal aids ang kanilang ginagamit. Guro ang

tatalakay ng mga aralin at tagapakinig naman ang mga mag-aaral. Bukod sa pang-

akademikong leksyon, natuturuan din sila ng mabuting asal.

Suporta naman ito sa pag-aaral nina Garcia et.al. (2015), na ang mga laptop at

iba pang uri ng multimedia ay lumalabas na nakapagbibigay ng sigla at giliw.Ang mga

paggaganyak mula sa internet ay nililinanga ang kakayahan ng mga mag-aaral ng mag-

isip ng mga isasagot sa mga katanungan ng mga guro. Nagdudulot ito ng interes sa

mga mag-aaral upang higit na aralina ng mga leksyon at magsisilbi na ring batayan ng

mag guro sa kanilang ituturo. Ang pagaanalisa ay nagagawang padaliin at madaling

nagagawa ng guro na mapaliwang at mabigyang linaw aaaaang mga araling tinatalakay.

Sa makatuwid ang mga mag-aaral ay mas natuto kung ang talakayan ay

gumagamit ng mga kagamitang pampagturo elektronikong kagamitan man ito o

hindi.Higit sa pagganyak na naiidulot nito, mas madali ang pagintinde sa mga

impormasyon at maging ang pagpapasa at daloy ng mga impormasyon na maging sa

mga kani-kanilang mga tahanan ay maari nilang madala at mapag-aralan.

Talahanayan 4. Grado sa unang Semestre sa Filipino

Grado Interpretasyon Frequency

90 – 100 Outstanding 15

85 – 89 Very Satisfactory 43

80 – 84 Satisfactory 30

75 – 79 Fairly Satisfactory 12

mababa sa 75 Did not meet expectation 0


26

Labing lima (15) sa isang daang mag-aaral ang may grado na outstanding, 43

ang may grado na nasa very satisfactory, 30 ang may grado na satisfactory, 12 ang may

grado fairly satisfactory. Nanganaghulugan ang 87 sa isang daan ng mga mag-aaral ang

nakakuha ng grado na lubhang mataas, subalit may 12 na kinakailangan pang pataasin

ang kanikanilang mga marka. Nangangahulugan na ang mga salik na may kaugnay sa

kaligirang sosyal at kagamitang pampagturo ay malaki ang epekto sa mga marka ng

mga mag-aaral na syang nagpapatunay na ang epekto nito sa pagkatuto ay malaki ang

naiaambag. Kung tutuusin ang patunay na ang mga mag-aaral ay anaapektuhan ng

mga naunang salik ay ang mga grado nito ,kung mababa ang mga marka ng mag-aaral

nanganaghulugan may mga distraksyon na dulot ang mga naunang salik kung kayat

lumalabas na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay mahina, na syang makikita sa

kanilang mga grado.


27

KABANATA V

PAGLALAGOM, KONGKLUSYON, REKOMENDASYON

Paglalagom

Ang pananaliksikna ito ay isinagawa sa pagnanais na malaman ang mga salik na

nakaaapekto sa pagkatuto ng Baitang 11 sa Mataasnakahoy Senior High School sa

+pagbuo ng papel pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatib-

kwantitatib na pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kwestyoner,

nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey sa isang daang (100) mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa taong panuruan 2016-2017.

Lumalabas sa pagtataya ukol sa kamalayan ng mga mag-aaral sa papel

pananaliksik na nanguna ang pahayag ukol sa ang tesis ay dagdag gawain lamang na

may mean na 3.86,nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga respondente

ukol dito. Pumangalawa naman sa bilang ang pahayag ukol pagiging madali nitong

gawin kung may sapat na mapagkukunan ng impormasyon na may mean na

3.78,nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga respondente ukol dito.

Pumangatlo naman ang pahayag ukol sa mahirap gawin ang tesis na may kabuuang

3.77,nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga respondente ukol

dito.Samantala, nasa ika-sampu naman ang pahayag tungkol sa kakayanan nitong

matapos sa loob ng sampung lingo na may mean na 1.52 at nangangahulugang hindi

sumasang-ayon ang mga respondente ukol dito.

Sa unang baryabol ng pag-aaral ukol sa mga salik na kaugnay ng kaligirang

sosyal, nanguna ang pahayag ukol sa hirap sa pakikikinig bunsod ng ingay ng mga

mag-aaral na nakakuha ng mean na 3.09at nangangahulugang lubos na sumasang-

ayon ang mga respondente ukol dito. Pumangalawa naman ang pahayag ukol sa

pagkawala ng tuon sa pag-aaral dahil sa mainit at maalinsangan na kapaligiran na


28

nakakuha ng mean na 2.97at nangangahulugang sumasang-ayon ang mga respondente

ukol dito. Samantala, nahuli naman ang pahayag ukol sa lumang estruktura ng silid-

aralan na nakakuha ng mean na 2.84 ngunit nangangahulugan pa rin na sumasang-

ayon ang mga respondente ukol dito..

Ang ikalawang baryabol ng pag-aaral ay ukol sa kagamitang pampagturo kung

saan nanguna ang pahayag ukol sa pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga aklatna

nakakuha ng mean na 2.84 at nangangahulugang sumasang-ayon ang mga

respondente ukol dito.Pumangalawa naman sa tala ang pahayag na may kaugnayan sa

paggamit ng elektronikong kagamitan sa pagtuturo at pagpapahintulot sa paggamit ng

cellphone sa talakayan na nakakuha ng mean na 2.66 at nangangahulugang sumasang-

ayon ang mga respondent ukol dito.Huli naman ang pahayag ukol sa paggamit ng social

networking sites sa pagpapasa ng mga impormasyon an nakakuha ng mean na 2.53

ngunit nanatiling sinang-ayunan ng mga respondente.

Sa ikatlong baryabol naman, labing lima o 15 sa isang daang mag-aaral ang may

grado na outstanding, 43 ang may grado na nasa very satisfactory, 30 ang may grado

na satisfactory, 12 ang may grado fairly satisfactory.

Kongklusyon

Batay sa mga datos at impormasyong nakalap, ang mga mananaliksik ay


nagkaroon ng sumusunod na kongklusyon:

1. Higit kalahati ng populasyon ng mga mag-aaral ng MSHS ay naapektuhan


ang pakikinig ang mga leksyon bunsod ng ingay ng mga kapwa mag-aaral.

2. Ang kakulangan sa mga aklat ay nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-


aaral sa pagbuo ng pananaliksik.

3. Lubos na sinang-ayunan ng mga mag-aaral na ang papel pananaliksik ay


dagdag gawain lamang para sa kanila, kung kaya’t masasabing ang kanilang kaalaman
29

ukol sa papel pananaliksik ay hindi gaanong kalawig. Hindi nila alam ang importansya
ng papel pananaliksik.

4.Ang mga salik na may kaugnay sa kaligirang sosyal at kagamitang


pampagturo ay malaki ang epekto sa mga marka ng mga mag-aaral na syang
nagpapatunay na ang epekto nito sa pagkatuto ay malaki ang naiaambag.

5. Malaki ang epekto ng kapaligirang sosyal at kagamitang panpagturo,


grado at kamalayan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbuo ng
papel pananaliksik.

Rekomendasyon

Matapos ang isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang


minumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon para sa
mga sumusunod:

1. Kagawaran ng Edukasyon. Makapaglaan ng sapat na pondo para sa mga


aklat na sasapat sa bilang ng mga mag-aaral sa bawat paaralan.

2. Tagaplano ng Kurikulum. Makapaglatag ng mga gabay sa pagtuturo na


mas magpapayabong ng mga kaalaman ng at kasanayan ng mga mag-aaral. Sa
pagbuo ng papel pananaliksik.

3. Guro.Gumamit ng mga estratihiyang makakapukaw sa mga mag-aaral


upang ituon ang interes nito sa pagkatuto ng pagbuo ng papel pananaliksik.

4. Mag-aaral. Pag-ibayuhin ang pag-aaral ukol sa pagbuo ng papel


pananaliksik, gayundin ay panatilihing disiplinado ang mga sarili sa loob ng silid-aralan

You might also like