You are on page 1of 28

1

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Umuunlad ang lenggwahe ngunit hindi nangangahulugang papatayin ito (Santos

2008 mula sa pahayag ni Almario. Maaaring pagsamahin ang gamit ng katutubo at

banyagang wika, ayon kay Almario. Naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang

pinagmulan ang wikang binibigkas ng isang tao. Mahalaga ang wika sapagkat

kinakailangan ito ng isang lipunan upang magamit sa pakikipagkomunikasyon,

pakikipag- ugnayan, at pakikipagtalastasan sa bawat mamamayan. Kasabay ng

pagbabago ng panahon ay ang pagbabago ng wika.

May mga salitang naibaon na sa limot, may ‘di na nauunawaan ng karamihan,

may umuusbong, may bumamabalik ngunit may iba nang pakahulugan. Gaya ng gamit

sa katawan, sumasabay din sa uso ang wikang Filipino. Kahit nagkakaroon ng

pagbabago sa wika, patuloy pa rin nitong pinag-uugnay ang mga Pinoy kahit saan man

at kahit ano man ang kanilang katayuan (Jimenez 2014). Katulad sa mga salitang

katutubo ng bawat lugar, ito ay nagbabago at kasabay ng pagbabagong ito ay

pagbabago rin ng pananaw ng mga kabataang kasalukuyang nag-aaral. Gayunpaman,

mananatili paring magkakaugnay ang mga mamamayan ng at Tayabas.

Kilala ang wikang Tayabasin sa pagkakaroon ng diin at tono sa pananalita.

Maraming mamamayan sa Tayabas ang nakikinabang sa paggamit nito lalo’t higit ang

mga estudyante Hindi maiikakailang ang pag-unlad ng wika ng Tayabasin ay dahilan

upang mabago ang pananaw ng mga estudyante ukol sa wikang nakasanayan nila.
2

Paglalahad Ng Suliranin

Sa pananaliksik at pag-aaral na ito, naglalayong matuklasan at mapatunayan

ang kaalaman ng mga SHS ng LPIHS tungkol sa Wika ng Tayabasin taong panuruan

2018-2019. Ang katanungang ito ang nagbubunsod sa mananaliksik upang gumawa ng

isang pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay tuwirang sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:

1) Ano ang antas ng kasanayan ng paggamit ng salitang Tayabasin ng mga mag-

aaral ng Grado 11 HUMSS- B sa paunang pagsusulit?

2) Ano ang antas ng kasanayan ng paggamit ng salitang Tayabasin ng mga mag-

aaral ng Grado 11 HUMSS- B sa panghuling pagsusulit?

3) May makabuluhan bang pagkakaiba ang isinagawang paunang pagsusulit at

panghuling pagsusulit?

Ipotesis

Paniniwalang ang antas ng kasanyan sa pagbibigay kahulugan sa mga salitang

Tayabasin ng mga mag-aaral ng Grado 11 HUMSS- B ay walang pagkakaiba matapos

maibahagi ng mga mananaliksik ang instrumentong Taywiksyonaryo sa mga

respondante.
3

Paradima ng Pananaliksik

Input Proseso Awtput

Nagplano at Ang mga mananaliksik Mataas na antas ang


nakipagpanayam ang
ay bumuo ng pulyeto nakuha ng mga
mga mananaliksik
batay sa mababang respondante sa
tungkol sa kasanayan
ng mga mag-aaral ng iskor na nakuha ng mga kasanayan sa silatang
HUMSS 11-B sa wikang
respondante sa Tayabasin ng HUMSS
Tayabasin. Bumuo ang
paunang pagtataya. 11- B ng LPIHS.
mga mananaliksik ng
paunang pagtataya Bumuo ang mga
batay sa nakalap nilang
mananaliksik ng
mga impormasyon.
panghuling

talatanungan matapos

maipamahagi ang

pulyeto.

Ang pigura I input, proseso, at awtput tungkol sa "TAYWIKSYONARYO:


Instrumento sa Pagpapataas ng Antas ng Kasanayan sa Pagbibigay Kahulugan
sa mga SalitangTayabasin ng mga Mag-aaral sa Grado 11 HUMSS- B ng LPIHS".
Sa input nagplano at nakipagpanayam ang mga mananaliksik tungkol sa
kasanayan ng mga mag-aaral ng HUMSS 11-B sa wikang Tayabasin. Bumuo ang mga
mananaliksik ng paunang pagtataya batay sa nakalap nilang mga impormasyon.
4

Sa proseso, ang mga mananaliksik ay bumuo ng pulyeto batay sa mababang


iskor na nakuha ng mga respondante sa paunang pagtataya. Bumuo ang mga
mananaliksik ng panghuling talatanungan matapos maipamahagi ang pulyeto.

Sa awtput, nagkaroon ng mataas na antas ang nakuha ng mga respondante sa

kasanayan sa salitang Tayabasin ng HUMSS 11- B ng LPIHS.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pananaliksik na ito upang malaman kung ano ang pananaw ng

mga estudyanteng nasa grado 11 ng HUMSS-B ukol sa wikang Tayabasin. Mahalagang

malaman kung gaano kalawak ang pananaw nila ukol dito. Ang mga sumusunod ay ang

mga maaaring mabigyang benepisyo ng pag-aaral na ito:

Bagong henerasyon - makatutulong ito sa kanila upang madagdagan ang

kanilang kaalaman kung ano ba ang wikang Tayabasin.

Mag-aaral - makatutulong ito sa kanila upang magkaroon ng mas malawak at

mas higit na maunawaan ang wika ng Tayabasin.

Mga guro - magbibigyang galak ang mga ito sapagkat matutunghayan nila na

may mga kabataaan paring pinagyayaman ang salitang Tayabasin.

Mga magulang - Mabibigyang galak dahil patuloy na tinatangkilik ang mga

salitang Tayabasin ng kanilang mga anak na maaaring gamitin ng mga ito sa susunod

na henerasyon.
5

Mananaliksik - mabibigyang benepisyo nito ang mga mananaliksik gayundin

ang nga susunod pang mananaliksik upang makakalap ng kaalaman ukol pananaw ng

mga estudyante sa wikang Tayabasin.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw kalagayan ng salitang Tayabasin sa

pananaw ng mga mag-aaral sa grado 11 HUMSS- B ng Integradong Mataas na

Paaralang Luis Palad bilang batayan sa pagbuo ng pulyeto.

Ang mga tagasagot ay sumasaklaw sa mga mag-aaral ng HUMSS 11- B na may

bilang na 42 mag-aaral na sumasailalim sa pamumuno ni Gng. Rodelia R. Padin.

Depinisyon at Terminolohiya

Difference- pagkakaiba ng dalawang nakuhang datos ng mean

HUMSS- akademikong track na nagangahuluganh Humanities in Social Sciences

Interbensyong Materyal- tumutukoy sa tulong sa pagtuturo na ipinakilala sa mga

pamamaraan ng pagtuturo upang pasiglahin ang aktibidad ng mga mag-aaral at sa

gayon ay madaragdagan ang kanilang antas ng pag-unawa

Literatura- isang solong katawan ng nakasulat na mga gawa. Mas mahigpit, ang

panitikan ay pagsulat na itinuturing na isang anyo ng sining, o anumang isang

sulat na itinuturing na may artistikong o intelektuwal na halaga, kadalasang dahil

sa pag-deploy ng wika sa mga paraan na naiiba sa karaniwang paggamit.


6

Mean Percentage Score o MP- isang matematikal pormula upang malaman kung

tumaas o bumaba ang iskor ng mga mag-aaral sa isinagawang pauna at

panghuling pagsusulit

Pauna at Panghuling Pagsusulit- naglalayong sukatin ang kaalaman, kasanayan,

kakayahan, kalakasan ng katawan, pagkamarapat sa iba pang paksa ng

nagsusulit.

Talahanayan- isang paraan ng pagpapakita ng mga datos, o imbestigasyon tungkol sa

isang paksa

Talapindutan- isang uri ng bagay na naglalaman ng mga numero na nagagamit upang

bigyan ng kasagutan ang mga problema ang anumang tanong sa Matematika.


7

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga panitikan na may kinalaman sa

ginawang pag-aaral. Nagbibigay ito ay karagdagang kaalaman tungkol sa paksang

pinag-aaralan upang mas maunawaan ng mga mambabasa.

Patuloy na umuunlad at nagbabago ang wikang Filipino sa makabagong

panahon. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang

pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo

ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang

salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng

mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang

mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas

magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang

paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na

karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla. (Mangyao, R. 2016)

Tumutukoy ang kultura sa pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang

lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri

ng pamumuhay, at iba pang mga bagay ang pananaw na ito na nag-unay sa kanila at

nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang

pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. May kinabibilangang kultura

ang bawat tao na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat
8

niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang

maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at

gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabulohang buhay.

Nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa ang kultura sa ilang henerasyon sa

pamamagitan ng wika. Habang natutunan ng isang bata ang kanyang katutubong wika,

unti-unti rin niyang nakukuha ang kanyang kultura. Ang mga salita na napabilang sa

leksikon ng isang wika ay matinding indikasyon sa uri ng pamumuhay at pananaw sa

mundo sa mga nagsasalita nito. (Kundol 2015)

Isang elemento na dapat nating pagyamanin ang mga salitang Tayabasin. Marapat

ating pahalagahan ang mga ito upang mabigyang importansya ang mga salitaing mga

ito. Ito ay naging parte na ng itong kultura kaya't hindi dapat natin itong kaligdaan.

Kailangan din ng mga kabataan na tukuyin ang mga ito dahil marahil sa hinaharap at sa

pagtanda nila magagamit ang mga wikang Tayabasin na ipapamana sa bagong

henerasyon. Kung kaya't hindi dapat ito ito baliwalain bagkus, mahalin at pagyabungin.

Nangangahulugang magkakunekta ang kultura ng Tayabas at ang wikang

ginagamit dito. Sumasalamin ang wika ng Tayabas sa mga bagay na nakasanayan

nang gawin. Ang wika at ang kulturang Tayabasin ay hindi maaring paghiwalayin.
9

Kaugnay na Pag-aaral

Sabi ni J. Lee (2015) Good grammar is essential to speaking language, the

correct deliberation of grammar enables one to write meaningful sentences and makes

speaking possible for one to communicate clearly and effectively. Ayon kay Kazuhiro et.

Al. (2009), ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang

wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na lalong

nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga

salitang ito.

Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat

na lunas o solusyon ang suliraning ito. Jotojot (2017)Marami ding nahihirapan sa

paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pang-angkop ng mga teknikal na

ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa

pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nanatili pa ring problema ang istandardisasyon

nito at ang nangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng

Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles. Bagama’t hindi na madalas tinatangkilik ng

karamihan lalo na sa mga mag -aaral ang paggamit ng wikang Filipino dahil sa

masasamang ideya, at kuro-kuro na namuno sa isipan ng ibang tao o mga banyaga

tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na

nag desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa ganitong bagay dahil

tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katotohanan.
10

Ayon kay, Suguitan-San Jose (2012) Ang Tagalog ay naging batayan para sa

pambansang wika ng Pilipinas na tinatawag na Filipino, na nauunawaan ng karamihan

sa mga Pilipino sa buong mundo.

Gayunpaman, hindi lahat ng lalawigan na nagsasalita ng Tagalog ay may

parehong mga salita, kahulugan at paggamit. Ang Lalawigan ng Quezon ay may sariling

uniqueness at na hindi pamilyar sa Metro Manila, Bulacan, at kahit sa Southern Tagalog

Provinces na katulad ng Cavite, Batangas, Laguna, at Rizal. Kahit nasa loob ng

Quezon, may mga pagkakaiba pa rin sa mga salita sa ilang mga bayan at lungsod. Ang

pag-aaral na ito sa Lopez Lingo na lokal na kilala bilang Salitang Lopez, ay tumutukoy

sa pagkakatulad ng mga salitang ginamit sa loob ng lalawigan --- ang tinatawag na

Tayabas Tagalog (Manuel 1971), at ang mga pecularities nito na nauunawaan lamang

ng mga taong bayan sa Lopez, ang mga Lopenze. Wika ang pinakamabisang

kasangkapan sa paghahatid at pagpabatid ng iniisip at saloobin ng tao sa kanyang

kapwa subalit sa isang bansang nagsasarili, higit ang pagkabisa ng wika kung ito ay

wikang pambansa Ponciano(2018).

Sa isang aklat ng yumaong dating punong komisyoner ng Komisyon sa Wikang

Filipino (KWF) Dr. Ponciano B.P. Pineda ay sinabi niyang “Ang pagdiriwang sa Buwan

ng Wikang Pambansa ay isang pagpapaalala sa mga Pilipino, na katulad ng ibang

lahing malalaya, ang Pilipinas ay may sarili ring wikang pambansa. Matatapos lamang

ang pagdiriwang na ito kapag ang lahat ng Pilipino ay tanggap na sa kanilang diwa at

dila na ang Filipino ay wikang pambansa ng Pilipinas, tulad ng Ingles sa Inglatera,

Niponggo ng bansang Hapon, Mandarin ng Tsina at Espanyol ng Espanya.” Ang tema

ng pagdiriwang ngayong taong 2018, gaya ng pinaninindigan ng nakararami na “Filipino


11

ay Wikang Saliksik.” Ito ay ang temang napapanahon, makabuluhan, at nararapat

isabuhay ng bawat mamamayang Pilipino. Naninindigan ang bawat Filipino bilang ang

Wikang Pambansa ay panlahat, ito ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na itinadhana

sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng ating Konstitusyon 1987. Ito ay isang pagpapatunay na

ito, ang wikang ginagamit, nauunawaan at sinasalita ng pinakamaraming Pilipino sa

loob at labas ng ating bayan.

Ayon kay Gonzales, Lim at Vargas (2010) marami at iba't ibang diksyunaryong

Pilipino ang nailimbag na. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa mga mag-aaral at sa

mga nais matuto ng ating sariling wika. Ang mga diksyunaryong ito ay may

mahahalagang impormasyon. Bilang pagtugon sa pangangailangang ito, isinulat ang

isang makabagong diksyunaryong pampanitikan sa sagot ng mga kabataan at mga nais

matuto ng Tagalog na naghahanap ng mga kasagutan sa mga salitang hindi nila

nauunawaan. Ang mga diksyunaryong ito ay kinapapalooban ng mga salita na galing sa

iba't ibang wikang katutubo at wikang hiram sa dayuhan. Hinango ang mga salita mula

sa aklat pampanitikan, mga piling klasikong Pilipino gayon din sa Bibliya at

makabagong mga babasahin upang matiyak na maisama ang mahahalagang mga

salita. Isinama rin dito ang mga salitang binaybay na gamit ang bagong alpabetong

Pilipino.

Ayon naman kay Pokstasty (2018) ang lenggwahe na kadalasan o laging

ginagamit sa Pilipinas ay ang Filipino. Ito ang mga detalye sa iba’t ibang mga

pangunahing lenggwahe sa Pilipinas na Filipino- ang pangunahing wika sa bansa. Ito

ay nakasalig sa pangunguna ng kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa

Pilipinas.
12

Ayon sa Dobol P Boses ng Katotohanan (2015) ang pambansang wika ay

nagbibigay daan para sa pagkakaisa at isang mahalagang salik sa pagbuo ng

pambansang pagkakakilanlan. Ang pagsulong sa malawakang paggamit ng wikang

Filipino bilang pambansang wika ay nanatiling malaking pagsubok na kung saan ang

ating kapuluan ay napakaraming dialekto. Sa aking karanasan, ang aking ama ay

nagsasalita ng Hilogaynon. Samantalang ang aking ina naman ay sanay sa Kiniray-a.

Dahil piloto ang aking ama ay lumaki kami sa base militar sa Basa Air Base, Pampanga

at natutong magsalita ng Kapampangan, Tagalog at Ingles. Isa sa mga hadlang sa

paggamit ng wikang Filipino ay ang pagmamalaki sa pangrehiyong wika. Marami sa

ating mga kababayan ang tumatangging gamitin ang Tagalog bilang basehan ng

wikang pambansa. Karamihan ay mas gusto pang magsalita ng Ingles kaysa isalin ito

sa wikang Filipino. Dahil ang Ingles ay malawakang ginagamit sa ating bansa, mas

nadadalian ang ating mga kababayan sa ganitong pamamaraan.

Sa ngayon, ang pinakamapakikinabangang sanggunian sa layuning maituro ang

mga sagisag na ito sa mga estudyanteng Filipino ay ang Sagisag Kultura ng Filipinas

(2012/2015). Ang pagbuo ng sangguniang ito ay pinangunahan ng Philippine Cultural

Education Program (PCEP) ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA)

sa pakikipagtulungan ng Filipinas Institute of Translation (FIT) at ng Wika ng Kultura at

Agham (WIKA). Bago pa ito, inilathala na ang 101 Filipino Icons (2007) ng Adarna

House, Inc. at Bench. Maihahanay rin dito ang CCP Encyclopedia of Philippine Arts ng

Cultural Center of the Philippines (1994) bilang komprehensibong sanggunian ng mga

datos hinggil sa kasaysayan, mga anyo, aspekto, likha, manlilikha ng iba’t ibang sining

sa Filipinas. May isa pang aspekto ng ugnayan ng wika at kultura na posibleng maging
13

batayan ng isa pang dulog sa pagtuturo ng wika at kultura sa disiplinang Filipino. Nais

itampok sa papel na ito ang pang-apat na dulog—ang pag-aaral ng mismong kultura na

nakapaloob o kinakatawan ng wika. May iba’t ibang talinghagang ginagamit para

ilarawan ang ganitong pananaw sa ugnayan ng wika at kultura: ang wika bilang

“imbakan-hanguan,” “impukan-kuhanan,” “daluyan,” o “sisidlan” ng kultura. Iisa lang ang

ipinahihiwatig ng mga talinghagang ito—nasa wika ang kultura, at kung nais tuklasin

ang kaalamang nakapaloob sa kultura, kailangang pag-aralan ang wika.

Ayon sa isang panayam ng GMA news ang hindi paggamit ng ilang salitang

Pinoy ay inihalintulad ni National Artist for Literature Virgilio Almario sa pera na

nawawala sa sirkulasyon. advertisement "Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi

nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng

Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago

ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya. Sinabi pa ni

Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng

panahon.
14

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito makikita ang metodolohiya o stratehiyang ginamit sa

pananaliksik upang maisakatuparan at mabigyang linaw ang pag-aaral ukol sa antas ng

kasanayan ng mga estudyante ng grado 11 HUMSS- B sa pagpapakahulugan ng mga

salitang Tayabasin bilang batayan sa pulyeto.

Disenyo ng Pananaliksik

Nasa bahaging ito ang disenyong ginamit ng mga mananaliksik upang mabuo

ang pag-aaral. Makikita dito kung paano ginawa ng mga mananaliksik ang akmang

disenyo ng kanilang pananaliksik.

Gagamit ang mga mananaliksik ng disenyong Kwalitatib dahil sinusukat nito

kung ano ang antas ng mga mag-aaral ng HUMSS 11- B sa pagpapakahulugan sa

salitang Tayabasin sa pamamagitan ng talatanungan.

Lokal ng Pananaliksik

Isinagawa ang pananaliksik sa Integradong Mataas na Paaralang Luis Palad na

matatagpuan sa Baranggay Ipilan sa Lungsod ng Tayabas Probinsiya ng Quezon. Ito

ay pinamumunuan ni D. Gener C. De Los Reyes bilang punung-guro IV. Ang paaralang


15

ito ay tinaguriang "School of Character" na binubuo ng junior highschool at senior

highschool.

Sampling

Sa bahaging ito makikita ang uri ng sampling na ginamit ng mga respondante.

Makikita dito kung paano at bakit pinili ng mga mananaliksik ang kanilang respondante.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng purposive sampling kung saan

magbabahagi sila ng paunang talatanungan upang maging batayan sa pagbuo ng

pulyeto.Magbabahagi din ang mga mananaliksik ng panghuling talatanungan naman

pagkatapos maibahagi ang pulyeto upang malaman kung epektibo ba ang

instrumentong ito. Ang target nilang respondante ay isang pangkat lamang sapagkat

naniniwala ang mga mananaliksik na mas mapapadali ang pagkuha ng datos sa

ganitong paraan. Nakilala din ang pangkat nila dahil kilala ng mga mananaliksik ang

namumuno ng kanilang klase kaya't naniniwala sila na ang kanilang pangkat ay

magiging responsable sa kanilang isasagot sa ibabahaging talatanungan.

Kagamitan sa Pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan upang magsilbing sagutan ng

mga napili nilang mga respondanteng mag-aaral. Ito ang magiging instrumento nila

para makakuha ng sapat na datos ukol sa pag-aaral.


16

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sa unang hakbang, sila ay makikipagpanayam sa nasabing pangkat. Matapos

ang pakikipagpanayam, gagamitin itong instrumento upang makabuo ng talatanungan.

Sa ikalawang hakbang na kanilang isinagawa, magpapasagot na sila ng kanilang

binuong talatanungan kung saan sumasagot ng alam at hindi alam.

Matapos ang mga naunang hakbang, bubuo na sila ng pulyeto na kaugnay sa

kanilang pag-aaral kung saan ay nilalaman nito ay ang pananaw ng mga estudyante sa

mga wikang Tayabasin at talaan ng mga salitang Tayabasin.

Upang masigurong tiyak ang nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik,

nagsagawa sila ng pangwakas na sarbey para malaman kung may pag-unlad ba ang

kalagayan ng wikang Tayabasin sa pananaw ng mga mag-aaral batay sa kanilang

binuong pulyeto.

Istadistika

Susuriin ang mga nakalap na datos upang mas mapadali ang pagtataya rito.

Descriptive Statistical Analysis ang gagamitin ng mga mananaliksik sa pagpepresenta

ng mga datos na kung saan gagamit sila ng talaan upang suriin ang mga datos na

nakalap mula sa sarbey. Ito ang napili ng mga mananaliksik sapagkat mas madali itong

maiintindihan sa pamamagitan ng tsarts, talahanayan, at graphs na magsisilbing buod

ng resulta ng datos. Pinakamabilis maintindihan para sa mga mananaliksik ang


17

sapagkat mas madaling ipakita ang resulta at interpretasyon sa pamamagitan ng

talahanayan.

Gagamit ang pananaliksik na ito ng pormula para sa WAM o Weighted Average Mean :

Σx
x̅ =
n

Kung saan:

x̅= mean score


x= iskor
n= bilang ng tagasagot
Pormula para sa standard deviation:

s= √ Σ ¿ ¿ ¿

Kung saan:

s= standard deviation
x= iskor
x̅= mean
n= bilang ng tagasagot
Ang mga mananaliksik ay gumamit rin ng Mean Percentage Score o MPS upang

malaman kung tumaas o bumaba ang iskor ng mga mag-aaral sa isinagawang pauna at

panghuling pagsusulit

Pormula para sa MPS:


18

x
MPS= ̅ ×100
N

Kung saan:

MPS= mean percentage score


x̅= mean
N= bulang ng aytem
Samantala, upang malaman ang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng antas

ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Grado 11 HUMSS-B sa pauna at panghuling

pagsusulit, gagamit ang mga mananaliksik ng pormulang t-test.

Pormula ng t-test:

x 1−x
t= 2

√(s ¿ ¿1) 2 + ( s 2)2 ¿ ¿


n1 n2

Kung saan:

t= t-test

x 1−x 2= means

n1 n2= samples

s1 s = variances
2

KABANATA IV
19

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga

nakalap na datos tungol sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ng Grado 11

HUMSS B sa mga salitang Tayabasin. Makikita sa unang bahagi ng kabanatang ito ang

naging resulta sa isinagawang paunang pagsusulit at ang naging kinalabasan ng

panghuling pangsusulit. Sa huling bahagi naman ng kabanatang ito aymakikita ang

resulta na t-test na nagpapakitang makabuluhang pagkakaiba na naganap sa pagitan

ng paunang pagsusulit at panghuling pagsusulit.

Talahanayan 1

Resulta ng Paunang Pagsusulit Bago Gamitin ang TayWikSyonaryo

ng mga Mag-aaral ng Grado 11 HUMMS B

Puntos Bilang ng Taong Nakakuha ng Puntos


25 3
24 4
23 2
22 1
21 1
20 2
19 3
18 10
17 5
16 2
15 3
14 0
13 3
12 0
11 1
20

10 2
WAM: 18.38
MPS: 61. 27 %
STDEV: 4. 07

Ayon sa talahanayan tungkol sa isinagawang paunang pagsusulit, nakakuha ng

18.38 na WAM o Weighted Average Mean ang mga mag-aaral ng Grado 11 HUMSS B

bago gamitin ang Taywiksyo na inihanda ng mga mananaliksik. Nagpapatunay lamang

ito na ay kahinaan ang mga respondante sa pagkilala sa mga salitang Tayabasin. Sa

MPS o Mean Percentage Score na 61. 27% o katumbas ng 61% makikita na hindi

mataas ang iskor ng nakapasa na mga mag-aaral sa paunang pagsusulit. Makikita rin

sa talahanayan 1 ang Standard Deviation na 4. 07 na nagsasabing magkakalayo ang

nakuhang puntos ng mga mag-aaral ng Grado 11 HUMSS B.

Ayon sa artikulo ni Nato, 2019 na mahalaga ang imbak na kaalaman (stock

knowledge) na isang nagbabasa upang mas malalim na maunawaan ang mga konsepto

at impormasyong natatagpuan sa tekstong binabasa. Mahalaga ang mga nauna nang

kaalaman sa wika at pagkaka-ayos nito upang maunawaan ang binabasa. Ang mga

kaalaman na ito ay maaring makuha mula sa pinakikinggan, nakikita a kabubuang

pagdanas ng isang mambabasa sa realidad, lagpas pa sa nababasa mula s teksto.

Ayon naman kay Anderson et al. (1985) sa aklat ng Becoming a Nation of Readers, -

ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na

teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng

iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon. - Mahihinuha na hindi

lamang ang teksto ang pinagmumulan ng kahulugan kapag nagbabasa ang isang tao,
21

kundi ang iba pang posibleng makapagpapalalim at makatutulong sa pag unawa sa

kahulugan

Subalit nabanggit sa pag-aaral ni Ortiz, 2017 na kung ang isang indibidwal ay walang

komprehemsibong kasanaan at kaalaman sa pagpapakahulugan at pag-alam sa mga

salita at wika ay maaring maging balakid upang makabuo ng makabuluhan at

epektibong sulatin.

Talahanayan 2

Resulta ng Panghuling Pagsusulit Pagkatapos Gamitin ang Taywiksyonaryo

ng mga Mag-aaral ng Grado 11 HUMSS B

Puntos Bilang ngTaong Nakakuha ng Puntos


30 19
29 15
28 6
27 2
WAM: 29. 17
MPS: 97.22%
STDEV: 0. 93

Ayon sa talahanayan tungkol sa isinagawang panghuling pagsusulit, nakakuha

ng 29.17 na WAM o Weighted Average Mean ang mga mag-aaral ng Grado 11HUMSS

B pagkatapos gumamit ng Taywiksyonaryo. Nagpapatulay lamang ito na naging

epektibo ang paggamit ng instrumento dahil natugunan nito ang kahinaan ng mga

respondante sa pagkilala ng mga salitang Tayabasin. Sa MPS o Mean Percentage

Score na 97. 22% o katumbas ng 97%, makikita na nakapasa na ang mga mag-aaral sa
22

panghuling pagsusulit. Makikita rin sa talahanayan 2 ang Standard Deviation na 0. 93

na nagsasabing magkakalapit ang nakuhang puntos ng mga mag-aaral ng Grado 11

HUMSS B.

Ayon kay Gonzales, Lim at Vargas (2010) marami at iba't ibang diksyunaryong

Pilipino ang nailimbag na. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa mga mag-aaral at sa

mga nais matuto ng ating sariling wika. Ang mga diksyunaryong ito ay may

mahahalagang impormasyon. Bilang pagtugon sa pangangailangang ito, isinulat ang

isang makabagong diksyunaryong pampanitikan sa sagot ng mga kabataan at mga nais

matuto ng Tagalog na naghahanap ng mga kasagutan sa mga salitang hindi nila

nauunawaan. Ang mga diksyunaryong ito ay kinapapalooban ng mga salita na galing sa

iba't ibang wikang katutubo at wikang hiram sa dayuhan. Hinango ang mga salita mula

sa aklat pampanitikan, mga piling klasikong Pilipino gayon din sa Bibliya at

makabagong mga babasahin upang matiyak na maisama ang mahahalagang mga

salita.

Talahanayan 3

Resulta ngt-test sa Pagitan ng mga Datos sa Pauna at Panghuling Pagsusulit

Paunang Panghuling

Pagsusulit Pagsusulit
Group N WAM N WAM D t- Critical Decision

value t-value
23

HUMS 30 18.38 30 29.17 10.79 -16.75 1.99 Reject Ho


S 11- B May
makabuluhang
pagkakaiba

Ipinapakita sa Talahanayan 3 ang resulta ng t-test sa pagitan ng mga datos sa

paunang pagsusulit at panghuling pagsusulit. Isinasaad dito na may makabuluhang

pagkakaiba sa antas ng kasanayan ng Grado 11 HUMSS- B sa mga isinagawang

pagsusulit. Ang WAM na nakuha sa paunang pagsusulit ay 18.38 samantalang sa

panghuling pagsusulit naman ay 29.17 kung kaya't ang difference ay dalawa ay 10. 79.

Ipinapakita ng difference na malaki ang naging pagtaas ng antas ng kasanayan ng mga

respondante sa mga salitang Tayabasin sa tulong ng Taywiksyonaryo. Batay sa naging

resulta ng t-test, mas mataas ang critical value na 1.99 sa t- value na | -16.75|,

nangangahulugang pasok ito sa rejection region kaya ang ipotesis sa unang kabanata

ay hindi tatanggapin. Dahil dito, masasabi na nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba

sa antas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga salitang Tayabasin ang mga

respondante bago at matapos ang implementasyon ng Taywiksonaryo.

Mula sa pag-aaral na isinagawa ni Jasmin, L (2012), “Ang modyul ay sariling

linanging naglalaman ng maraming gawain sa pagkatuto, kalimitan ay mga papel na

sinasagutan ng mga mag-aaral. Ito’y maaring magamit bilang bahagi ng kurso o

disenyong pang kurikulum” na nagmula naman kay Lardizabal, 1991.

Nangangahulugang may malaking epekto ang diksyonaryo na isinagawa ng mga

mananaliksik upang mapataas ang ang naging resulta sa panghuling pagsusulit

kumpara sa paunang pagsusulit. Ang isang interbensyong materyal ay isang bagay na

maaring balik-balikan dahil ito ay pisikal na nakikita at nahahawakan.


24

Alinsunod dito, sang-ayon ang pananaksik dito ni Heramia, H. (2017) sa

dahil hindi mawawala ang pokus ng isang indibwal sa wastong paggamit ng wika.

Napatunayan ang pag-aaral ni Heramia matapos isagawa mismo ng mananaliksik dito

dahil nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba ang paunang pagsusulit at panghuling

pagsusulit matapos magbigay ang mga mananaliksik ng diksyonaryo sa kanilang mga

respondante.

KABANATA V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang Kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon

atrekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay

"TAYWIKSYONARYO: Instrumento sa Pagpapataas ng Antas ng Kasanayan sa

Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Salitang Tayabasin ng mga Mag-aaral sa Grado-11

HUMSS B ng LPIHS"
25

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang antas ng kasanayan ng

mga mag-aaral ng Senior High School tungkol sa pagpapakahulugan sa mga salitang

Tayabasin.

1. Ayon sa MPS o Mean Percentage Score ng paunang pagsusulit, mababa ang antas

ng kasanayan ng mga tagasagot hinggil sa kasanayan ng mga respondante sa mga

kasanayan sa pagpapakahulugan sa mga salitang Tayabasin.

2. Nasaksihan na ang MPS o Mean Percentage Score ng pangwakas pagsusulit ay

mataas na ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa HUMSS 11-B hinggil sa mga

salitang Tayabasin, makikita rin na epektibo ang diksyonaryong Taywiksyonaryo.

3. Mula sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, nakita ang makabuluhang

pagkakaiba sa paunang pagsusulit at panghuling pagsusulit gamit ang t- test.

Konklusyon

1. Batay sa mga natuklasang pag-aaral, napatunayan ng mga mananaliksik na

mahalaga ang pagkakaroon ng interbensyong materyal sa mga mag-aaral ng LPIHS.

Dahil dito tumaas ang kasanayan nila ukol sa pagpapakahulugan sa mga salitang

Tayabasin.

2. Nagkaroon ng pag-unlad ang mga tagasagot nang maibigay ang awtput ng tinatawag

na TAYWIKSYONARYO na kung saan ito ay naglalaman ng mga salitang Tayabasin na

maaari nilang magamit sa pang araw-araw nilang pamumuhay at sa pag-aaral. Ito rin
26

ang naging basehan nila upang makakuha ng mataas na iskor sa talatanungang

ibinigay ng mga mananaliksik.

Rekomendasyon

1. Para sa mga susunod na mananaliksik makatutulong ito sa kanila upang

madagdagan ang kanilang kaalaman kung ano ba ang wikang Tayabasin.

2. Sa mga mag-aaral, makatutulong ito sa kanila upang magkaroon ng mas malawak at

mas higit na maunawaan ang wika ng Tayabasin.

3. Sa mga guro, magbibigyang galak ang mga ito sapagkat matutunghayan nila na may

mga kabataaan paring pinagyayaman ang salitang Tayabasin.

4. Para sa mga magulang, Mabibigyang galak dahil patuloy na tinatangkilik ang mga

salitang Tayabasin ng kanilang mga anak na maaaring gamitin ng mga ito sa susunod

na henerasyon.

SANGGUNIAN

Marilla, T. (2017). Millennial na Kabataan: Kultura at Pagbabago nagaganap


sa kasalukuyan. Retrieved from
https://iantristanmarilla.wordpress.com/2017/07/21/millennial-na-kabataan-
kultura-at-pagbabago-nagaganap-sa-kasalukuyan/
Mangyao R. (2016). Wikang Filipino, sa makabagong panahon. Retrieved from

https://www.academia.edu/32106593/WIKANG_FILIPINO_SA_MAKABAGONG_PA
NAHON
Santos, T. ( 2008). Wikang Filipino: kamusta na?. Retrieved from
http://varsitarian.net/news/20081117/wikang_filipino_kumusta_na
27

Jimenez, F. (2014). Ang pagsabay sa uso sa wikang Filipino. Retrieved from


https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/376707/ang-pagsabay-
sa-uso-ng-wikang-filipino/story/
Nato, R. (2017). Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa. Retrieved from
https://www.slideshare.net/RochelleNato/batayang-kaalaman-sa-mapanuring-
pagbasa-81617226

Reyes, J. (2016). Thesis sitwasyong pangwika sa kabataan sa kasalukuyang


panahon. Retrieved from https://www.scribd.com/document/328528881/Thesis-
Sitwasyong-Pangwika- Sa-Kabataan-Sa-Kasalukuyang- Panahon?
fbclid=IwAR2J9msBM49sy2yc1KY4LhUsPBePYlhsT9UklMFPC3ZS
UFAmSdijAm4ymug
Cabahug, M. H. (2016).  Ang kadalasang paggamit ng wikang filipino sa pag araw-araw
ng pagsasalita ng mga mag-aaral ng maryknollcollege of panabo sa ikasampung
baitang. Retrieved from
https://www.academia.edu/29189667/ANG_KADALASANG_PAGGAMIT_NG
_WIKANG_FILIPINO_SA_PAG_ARAW_ARAW_NG_PAGSASALITA_NG_M
GA_MAG-AARAL_ NG_ MARYKNOLL_ COLLEGE_ OF_ PANABO_SA_
IKASAMPUNG_B AITANG?fbclid=IwAR29_KOv1OWqE_BknLE-
zwkcRgSpyknQNPH2B3BW44jlUAoECKPqCcVYgbs
Villapandor, R. (2018). Retrieved from https://www.coursehero.com/file/p5sk5um/Ang-
pananaliksik-na-ito-ay- naglalayong-malaman-ang-antas-ng-kasanayan-ng-
mga/ ?fbclid=IwAR3dbi5oxa0euDjw8-
YViSvdYFJ3zuLGFOPsjZT7IfGWiso6uSDDqiX8srQ
Galvan, R. (2016). Retrieved from
https://www.academia.edu/29517481/Thesis_in_Filipino_2_Course?fbclid=Iw
AR1SGFkmABPsE1XVaRLnIXTBq6rp- jAA9pg1iOwyRnDaQhD3y1PAA0JBM6o

Jotojot, C. (2017). Antas ng kahirapan sa paggamit ng wikang filipino ng mga mag-


aaral sa grade 10 ng ub-hs department:mungkahing kaparaang pampagpabuti.
Retrieved from https://www.academia.edu/35062506/Final_thesis_filipino?
fbclid=IwAR3RtYq eW04Alxh_Ga1vu85el72MjQjdbgBeQ3xlQTSkelWvGbSecSQD_Rg

Ponciano, M.E.G. (2018). Tagalog feature: pagbibigay pugay sa pambansang wika.


Retrieved from https://pia-gov-
ph.cdn.ampproject.org/v/s/pia.gov.ph/news/articles/1012160.amp?
usqp=mq331AQCCAE
%3D&fbclid=IwAR0br7weMnfjp3KULK87tXWojmvNt4zlPRKojcsDf76NaqImS1liX
e6vD0&amp_js_v=0.1#aoh=15540066684613&referrer=https%3A%2F
%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s&ampshare=https%3A%2F
%2Fpia.gov.ph%2Fnews%2Farticles%2F1012160
28

You might also like