You are on page 1of 1

Layunin sa Pagsasaliksik ng Impormasyon

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga tanong na nais patunayan, marami pang layunin sa
pagsasaliksik ng impormasyon. Isa sa mga ito ay ang makahanap ng solusyon hinggil sa isang problema o
suliranin. Dito, kailangang maghanap o tumuklas ng bagong kaalaman sa isang piling larangan ng
kaalaman. Sa naghahanap halimbawa, karaniwang nito, pagsasagawa ang isang mananaliksik ng mga
kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napatunayan nang katotohanan
hinggil sa isang paksa; o kaya'y isa Siyang empleyado sa isang klinika at laboratoryo kaya't nais niyang
magkaroon nang higit na kaalaman kung paano mapahuhusay ang serbisyo. Mayroon ding mga
mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang kabihasnan o
magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga- bato. Ang pananaliksik din ang dahilan kung
bakit ang mga tao ay nagkakaroon ng mahusay at matuwid na pag-iisip dahil sa mga katotohanan ng
mga impormasyong natutuklasan. Isa pang mabuting layunin sa pagsasaliksik ng impormasyon ay
nakagagawa tayo dahil dito ng .mga bagay-bagay na nagpaparanas sa atin ng mga bagong kasanayan at
nakapagbabahagi rin tayo dahil dito ng mga kaalaman ayon sa mga karanasang natutuhan.

You might also like