You are on page 1of 4

Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa

eleksyon:
1. Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud). Tumutukoy ito sa ilegal na panghihimasok sa proseso
ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdadag ng boto sa pinapaborang pulitiko, pagbabawas ng boto sa
kalabang kandidato, o pareho. Anumang akto na makaaapekto sa bilang ng boto na magdudulot ng
kaibahan ng boto sa nararapat na resulta ay maituturing din na pandaraya sa eleksyon, bagamat ang
bawat bansa ay may kanya-kanyang konsepto nito. Pumapasok din sa konsepto ng pandaraya ang mga
karahasang katulad ng pagsupil ay pagpaslang sa mga katunggali sa halalan, ang pananabotahe ng mga
balota, at ang pagbili o panunuhol ng mga sa mga botante kapalit ng isang boto.

2. Manipulasyon ng eleksyon (election manipulation). Ito ay isang uri ng pandaraya na makikita


bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga manghahalal ay nabago. Ang lantarang
manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng demokrasya.

3. Mahalaga ring matutunan ng mga mag-aaral ang konsepto ng disenfranchisement o ang


pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto. Isinasagawa ang metodong ito kung ang kandidato
ay nani-niwala na ang isang botante o grupo ng mga botante ay sumusuporta sa kalabang panig o
partido. Maaari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na magrehistro, o kung sakali man
na nakapagrehistro na, ay ang tanggalin sila sa talaan ng mga botante sa pamamagitan ng animo ba ay
legal na pagtanggal sa proseso ng korte.

4. Manipulasyon ng demograpiya. Maraming mga pagkakataon na kayang kontrolin ng mga


kinauukulan ang komposisyon ng mga manghahalalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa
sinusuportahang pulitiko.

Ang gerrymandering ay isang konsepto pampulitika na kung saan ang isang partikular na partido
o grupo ay gumagawa ng kapakinabangang pampulitika (political advantage) sa pamamagitan ng
manipulasyon sa hangganan ng isang distrito (political boundaries). Tinatawag na gerrymander
ang mabubuong distrito. Negatibo ang konotasyon ng gerrymandering batay sa mga
pangunahing taktika nito: 1. Cracking (halimbawa: paglusaw sa kapangyarihang bumoto ng mga
tagasuporta ng kalabang partido sa maraming distrito);

2. Packing (halimbawa: konsentraston ng kapangyarihang bumoto ng kalabang panig sa isang


distrito upang mabawasan ang kanilang kapangyarihang bumoto sa ibang distrito)

ltinaguyod ng Korte ang gerrymandering sa Camarines Sur. Ang unang distrito ay mayroon
lamang na 176, 283 na populasyon na malayo sa minimum na pamantayan na kwarter ng milyon na mga
nananahan

Subalit ito ay sapat upang maipasok ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang anak na
si Jose Miguel Dato Arroyo bilang Kongresista. Pinirmahan ni Pangulong Arroyo ang RA 4264 noong
Oktubre 12, 2009.

Intimidasyon.
Tumutukoy ang intimidasyon sa lakas o pwersa na ibinibigay sa mga botante upang sila ay bumoto
pabor sa isang partikular na kandidato o kaya ay pigilan sila na makibahagi o makiisa sa pagboto.

Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng Karahasan.

Ipinakikita nito na ang mga botante sa isang partikular na demograpiko o mga kilalang tagasuporta ng
isang partikular na kandidato ay direktang tinatakot ng mga tagasuporta ng kalabang partido upang
ibasura nito ang pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusuportahang kandidato. Inilalarawan ito ng mga
krimeng katulad ng pagpatay, pananakit, mga pagpapasabog at iba pa.

Mga Pag-a take sa Lugar ng Halalan.

Madalas na nagiging target ng pag-atake at mga karahasan ang lugar na aktwal na pinagdarausan ng
lokal o nasyunal na halalan. Inilalarawan ito ng bandalismo, paninira ng mga kagamitan o ari-arian, mga
pananakot na nagbubunga ng pangamba ng mga botante na tumungo sa lugar na pagdarausan ng
halalan.

Mga Pagbabantang Legal.

May mga pagkakataon na sinasamantala ng mga pulitiko ang kawalan ng kaalaman ng isang indibidwal
sa kanyang karapatan na makiisa sa lokal at pambansang halalan sa pamamagitan ng pagboto. Sa
pagkakataon na ito, ang mga botante ay pinaniniwalang sila ay walang legal na karapan na bumoto o
kaya ay may obligasyon na bumoto gamit ang partikular na pamamaraan. Ginagamit ng mga taong
mapagsamantala ang kahinaan ng isang inidibwal na ito ay matakot sa nagiging resulta ng isang
partikular na aksyon.

Pamimilit.

Ipinakikita rito na ang demograpiko na may kontrol sa balota ay sinusubukang hikayatin ang iba na
sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lumalaban sa higit na nakararami, ang mga ito
ay naiimpluwensyahan na palitan ang kanilang mga naunang desisyon sa kung sino ang kanilang
iboboto.

Pamimili ng Boto.

Ang isang akto ay maituturing na pamimili ng boto kapag ang isang partido political o kandidato ay
nanghihingi ng boto sa mga botante kapalit ng salapi, mga kinakailangang kagamitan o kaya ay mga
serbisyo. Ang kasanayang ito ay karaniwang ginagamit upang hikayatin ang mga botante na bigyan sila
ng pabor sa araw ng halalan. Hindi lamang sa Pilipinas talamak ang ganitong usapin ng pandaraya sa
eleksyon. Maging sa United States of America, Angentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay talamak din ang
pamimili ng boto para sa eleksyon.

(4) Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan

Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taong bayan sa mga pulitiko na kanilang inuluklok sa
pwesto upang mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa pagkasilaw sa mga kayamanang
dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan nang wasto ang taong bayan. Ang suliraning ito ay matagal
nang kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na pinaniniwalaang ugat ng pagkakalugmok sa
kahirapan ng bawat mamamayan.

Ang Punong Ministro ng Thailand na si Yingluck Shinawatra ay napatalsik din sa pwesto noong
2014 dahil sa mga alegasyong ng korapsyon. Si Park Geun-hye ng South Korea ay na-impeach ng
Pambansang Asambleya noong 2016 dahil sa usapin ng pag-abuso sa kapangyarihan at pagtanggap ng
suhol. Sinusugan ng Constitutional Court noong 2017 ang naging desisyon ng Pambansang Asambleya. Si
Park geun-hye ay nahatulan ng dalawampu't apat na taong pagkakakulong.

Sa Pilipinas, hindi na rin bagong maituturing ang usaping ito. Maraming isyu o usapin ng
katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan ang ipinukol sa mga pulitikong pinagkatiwalaan ng bawat
Juan. Ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay pinukol ng maraming alegasyon ng korapasyon at
pagnanakaw sa bayan, dahilan kung bakit ang taong bayan ay nagsawa na at natutong makipaglaban
noong 1986. Hindi natupad ni dating Bise Presidente Jejomar Binay ang kanyang pangarap na,mahalal na
Pangulo ng Republika ng Pilipinas nom* 2016 dahil sa naging mainit ang mga lumabas na isyu ng
katiwalian (sa Makati noong siya ay Mayor pa lamang) ilang buwan bago maganap ang Pambansang
Halalan).

Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa ilalim ng


Kodigo Penal na Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws).

Panunuhol (Bribery) at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno (Corruption of Public Officer)

Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct bribery)
ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa ng isang akto na
maituturing na krimen, kaugnay ng kanyang opisyal na tungkulin, bilang konsiderasyon sa kahit na anong
hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal, personal man o sa pamamagitan ng iba.

Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari ring ipukol sa opisyal na tatanggap ng regalo
bilang konsiderasyon sa isang akto na hindi maituturing na krimen, bagamat higit na mababang parusa
ang katumbas nito.

Mayroon ding krimen ng katulad na uri kung ang isang opisyal ng gobyerno ay tatanggap ng
regalo o ng pangako bilang kondisyon na hindi siya gagawa ng isang akto batay sa kanyang opisyal na
tungkulin.

Kung ang bagay na kung saan ang regalo ay tinanggap o ipinangako ay .ginawa sa kondisyon na
iiwasan ng opisyal ng gobyerno na gumawa ng isang akto na kanyang opisyal na tungkulin.

Isinasaad ng Artikulo 211 na ang isang opisyal ng gobyerno ay maaaring makasuhan ng


indirektang panunuhol (indirect bribery) sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil sa tanggapan
na kanyang hinahawakan (inamiyendahan ng Batas Pambansa Bilang 872, ika-10 ng Hunyo, 1985).

Ang pananagutan ng katapatan sa bayan ay tungkuling iniaatang sa lahat, maging sa mga


pribadong indibidwal. Kaugnay nito ay ang krimen ng korapsyon ng opisyal ng gobyerno (corruption of
public official) ayon sa Artikulo 212. Ang krimen na ito ay maaaring ihain sa kahit na sinong tao na
magbibigay ng alok o mga pangako o mga regalo o aginaldo sa opisyal ng gobyerno.

You might also like