You are on page 1of 2

Rekomendasyon Tungkol sa Kalagayan ng Serbisyong

Transportasyon

Ang transportasyon ay isang mahalagang papel sa ating


lipunan. Mapa dagat, lupa o mapa himpapawid man. Ang
transportasyon Isang paraan ng paghahatid mula sa isang lugar
patungo sa ibang lugar. Noong sinaunang panahon, iba’t ibang
paraan at sasakyan ang ginamit sa paglalakbay depende sa
kalagayan ng mga manlalakbay at sa kanilang destinasyon o sa mga
lugar.
Ang transportasyon sa Pilipinas ay hindi pa gaanong maunlad, dahil
sa mga sumusunod na dahilan: mga buludunduking lugar sa bansa at
mga nakakalat na mga pulo, at ang patuloy na hindi paglalaan ng
pondo ng pamahalaan sa mga imprastrakturang pantransportasyon
ng bansa. Subalit sa mga nakalipas na taon, ang pamahalaan ay
sumisikap upang maipaganda ang sistema ng transportasyon sa
bansa sa pamamagitan ng mga iba't-ibang proyektong pang-
imprastrasktura.
Ang mga dyipni ay pinakatampok na anyo ng pampublikong
transportasyon sa Pilipinas, at naging simbolo ang mga ito ng kultura
ng bansa. Isa pang tampok na anyo ng pampublikong transportasyon
ay ang de-motor na traysikel; mas-pangkaraniwan ang mga ito sa
mga pook-rural.
Para mapaunlad natin ang ating transportasyon, kailain natin magka
isa sa mga alintuntunin ng transportasyon para iwas sa traffic at
mabawasan ang mga aksidente nangyayari.
Konklusyon Tungkol sa Kalagayan ng Serbisyong Transportasyon

Ang transportasyon sa Pilipinas ay hindi gaanong kaunlad,


marahil sa padami ng padami ng mga sasakyan o mga commuter.
Isa rin ito sa mga sanhi ng pag traffic sa isang lipunan. Sa Pilipinas,
pangkaraniwan na lamang ang ganitong ulat mula sa Manila
Bulletin: “Buhul-buhol at napakasikip ng trapiko, libu-libong pasahero
ang nag-aabang ng masasakyan sa panahon ng kasagsagan ng
trapik.” Makatotohanang sabihin na tila wala pa ring ganap na
solusyon sa problema sa trapik hanggang sa ngayon. Pero sinisikap
ng ating pamahalaan na ma solusyonan ang ganitong problema.

You might also like