Professional Documents
Culture Documents
Filipino
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON
Panimula
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
1
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito ang malaking bahagi ng kaalaman. Ang
ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay
nakasalalay sa nabuo nating kaalam at napanday nating karunungan.
Maraming pamamaraan kung paano tayo nagkakakalap ng kaalaman. Ang bawat
pangyayari sa araw – araw mula sa umaga pag gising hanggang sa gabi bago matulog na
bumubuo sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman. Ang bawat karanasan mula sa
pinakamaliliit hanggang sa pinakamalalaki ay nagiging paraan din kung paano tayo natututo.
Kadalasan ang pinakamalalim na kaalaman ay nakukuha natin mula pinakakumplikado nating
mga karanasan. Kasabay ng mga pangaraw – araw na pangyayari ang pagusbong ng mga
perspektibo na maaari nating magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung kinahaharap natin
lalo at higit sa mga panghamong panahon. Ito rin ang ngmumulat sa atin sa mas magmaging
mahusay sa pagdedesisyon at pagaksyon sa mga bagay bagay.
Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa
harapang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at
talab ng mga ibinabahaging kaalam batay sa malalim at malawak na pag susuri at pagtatahi ng
impormasyon. Ang makatotohanan at katiwa tiwalang kaalaman ay makakatulong sa pag igpaw
sa kamangmangan at kahirapan. Gayundin ito ay isa sa mga malakas ba panlaban sa panlilinlang,
pangaapi, at pang aabuso lalo pang ang mali at binaluktot na impormasyon ay ginagamit sa
kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang
kultura ng pang madlang midya at virtual na komunikasyon, mas madali ng magpakalat ng
tinatawag na disinformation sa paraang ng fakenews sa mga midya gingamit sa information and
communication technology (ICT). Sa kabila nito lalong pinaiigting ang pagmagmamatyag sa
mga impormasyong nagmumula rito upang makabubuo tayo ng makabuluhan at makatuturang
kaalaman na magagamit sa pagpapaunlad ngating buhay at lipunang Pilipino.
Sa pagiging aksesibol ng mga impormasyon dulot ng teknolohiya ay nagiging aksesibol
na rin para sa mga masasamang loob ang panlalamang sa kapwa at dahil dito mas kinakilangan
na maging matalino sa paggamit ng iba’t ibang midya ang mga mamamayan. Ang pagiging
mapanuri ay isa na dapat sa mga kasanayang kasama sa inaaral at isinasabuhay ninoman. Ito ay
upang hindi madala ng mga mapanlinlang na tao at impormasyong maaaring makasama o dili
kaya’y makapagdulot ng panganib sa sino mang magkakamit nito. Ang kapangyarihang dulot ng
komunikasyon ay magiging mas epektibo sa tamang paggamit nito.
Kagaya ng napag-aralan na sa hayskul bahagi ng mataas n antas ng literasing pang media
ang matalas na sensibilidad sa pagsagap ng mga impormasyon mula sa ibat-ibang midya sa ating
lipunan. Walang anumang midya at teksto ng media sa values free. Ang klase ng midya ang wika
at naratibong itinampok dito, ang estruktura at daloy ng kwento, ang mga tunog at imahen na
ginawang representasyon ng realidad at iba pang aspekto ng mediasyon ay hindi neutral—bagkus
may, sinasalamin at kinakatawan itong mga diskurso, ideolhiya, at kapangyarihanhgg sosyal ,
kultural, at ekonomik. Nakapaloob dito ang pagpapahalaga, interes, at adyenda ng mgfa
prodyuser. Ang ano mang napapanood, naririnig, at maging nababasa natin sa tradisyonal o
modernong midya man ay may kani-kaniyang layunin na bunsod ng tao o organisasyong nasa
likod nito. Sa kasalukuyan, hindi na maaaring iilang pandama ang ating gingamit sa paghalaw ng
meesahe mula sa mga nasasaksihan natin. Lalong nangangailngan na na magkaagapay ang ating
mga pandama at ang ating matalas na isip sa pagbibigay katuturan sa mga midyang abeylabol.
Ito ay para makasiguradong lubos at tama ang mga impormasyong makakarating sa atin at ang
maibabahagi natin sa iba. Kailngan na nating tanggapin na binubuo ng tinatawag na binary
12
opposition ang mundo sa kadahilanang walang neutral at ang mga bagay ay nasa pagitan lamang
ng positibo at negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o hindi.
Ayon sa website na MindTools may anim na paraan upang malaman ang fake news. Ang
fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang
katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo. Sinasbi rin
ng ilang tao na ang mga totoong kwento ay “fake news", dahil lamang sa hindi sila sangayon sa
kanila. Maaari itong humantong sa mapanganib na pagwawalang bahala na mahahalagang payo.
Ang mga fake news ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali sa lugar ng
trabaho. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsira sa kultura ng pag-aaral, at naging sanhi ng
pagkalat ng tsismis at kawalan ng katiyakan. Kaya mahalaga na malaman kung paano ihiwalay
ang tunay mula sa mga pekeng impormasyon. May ilang hakbang upang malaman kung ang
impormasyon ay lehitimo o hindi. Una ay ang pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga
impormasyon. Kailngan din na maging mapanuri sa pinamulan ng impormasyon. Mahalaga rin
na kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang mga katibayan. Huwag
magpadala sa tinatawag na “face value” ng mga impormasyon. Hiindi kasiguraduhan ang
magandang presenstasyon ng tama at lehitimong batis ng impormasyon. Higit sa lahat suriin
kung “tunog tama” ba ang pahayag o impormasyon.
Bahagi pa rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pakikinig ng awitin, panonood ng
mga palabas, o ang pag-alam ng mga makabagong kaganapan. Ang lahat ng ito ay sa maaring
magawa gamit ang telebisyon, radyo, o kaya ay kompyuter. Mass Media o pangmadlang midya
ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito ay
nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla. Ito ay
pangunahing paraan ng komunikasyon na gingamit upang maabot ang karamihan sa
pangkalahatang publiko. Ang pinaka-karaniwang pangmadlang midya ay pahayagan, magasin,
radyo, telebisyon, at Internet. Ang pangkalahatang publiko ay karaniwang umaasa sa
pangmadlang midya upang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga isyung pampulitika,
lipunan, libangan, at balita sa kulturang popular.
Ayon kina Maxwell McComb at Donald Shaw, ang pangmadlang midya ang nagtatakda
kung ano ang pag uusapan ng publiko kung si George Gerbner, ang midya, lalo na ang
telebisyon, ang tagapagsalsay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na
ang mudoy magulo at nakakatakot kung si Marshall McLuhan, binabago ng midya ang
simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahn nito ang kanilang pananaw,
karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabng “ang midyum ay ang mensahe”; at kung si
Stuart Hall ang midya ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa
lipunan (Griffin, 2012). Sa makatuwid, kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga
impormasyong nakukuha sa midya upang magamit ang mga ito sa kapakinabangan, sa halip na
kapahamakan.
Dapat ding maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang pakikipag
usap. Ang sinasabi ng ekperto, mahal sa buhay, matalik na kaibigan, sikat na artista, politiko, o
tinitingala sa lipunan ay hindi awtimatikong katotohanan. Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang,
at pagtatahi ng mga impormasyon-–mula sa mg taong nkakaranas hanggang sa mga kinikilalang
dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penominang pinaguusapan.
Bukod sa batis ng impormasyon, dapat ding isaalang alang ang pamamaraan ng pagkuha
ng impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng pinagkunan o pingmulang
impormasyon. Ang maling pamamaraan ay humahantong sa palso at di angkop na datos. Ang
konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing gabay
sa interpretasyon nito. Dagdag pa, konsiderasyon din kung anong pamamaraan ang gagmitin sa
pagsusuri ng impormasyon para makabuo ng sariling pahayag na magagamit sa isang tukoy na
sitwasyong pangkomunikasyon. Ang maling pamamaraan ng pagsusuri ay nagreresulta sa
kaalamang hindi maaasahan at kahina hinala ang katampukan.
Higit sa lahat sa bawat hakbang na gagawin natin sa pagpoproseso ng impormasyon,
kailangang magtiwala tayo sa kakayahan ng Filipino bilang mabisang wikang pag unawa at
pagpapaunawa; gayundin,b magtiwalatayo sa kaangkupan ng mga katutubong metodo sa
pagkalap at pagsusuri ng impormasyon. sa paggamit ng wikang Filipino at katutubong
pamamaraan, mas magiging maigting at malaman ang komunikasyon sapagkat
nagkakaintindihan ang mga kalahok at mas nakakaugnay sila sa paksa dahil paksa dahil an
gating wika ay “hindi lamang daluyan kundi tapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura”
natin bilang mga Pilipino.
Mga Panimulang Konsiderasyon:
Paglilinaw ng Paksa, mga Layon, at Sitwasyong Pangkomunikasyon
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Lunsaran
Nilalaman
Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa. Facts, and
figures at datos (halimbawa. Obserbasyon , berbal, at biswal na teksto, artifact fossil) na kailangan para
makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad. Ang
mga ito ay maikakategorya sa dalwang pangunahing uri: primera at sekundarya.
Primary at sekundaryang batis. Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at
teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon nanakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena. Halimbawa ng mga primaryang batis ng mga sumusunod:
Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao:
1. pagtatanong tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan;
5. umpukan
6. pagbabahay bahay
Alinman sa mga sekondaryang batis ay maaring maging primaryang batis kung ito ang mismong
paksa ng pananaliksik. Halimbawa ang nilalaman ng tsismis na pangshowbiz na nalalathala sa mga
diyraryo at katuturan nito sa buhay ngmga Pilipino ay maaring magoing paksa ng isang pag aaral ng
diskurso. Sa gayon, ang tsismis ay ituturing na primaryang batis dahil ito mismo ang susuriin.
Sa pangkalahatan, sa dalwang uri ng batis, binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang
primary kes sekondaryang batis sapagkat ang una ay nanggaing sa aktuwal na karanasan, obserbasyon o
pagsisisyasat kaya itinuturing na mas katiwa tiwala kaysa pangalawa. Ngunit hindi dapat ipagbalewalang
bahala ang alinmang sekondaryang batis dahil maaaring maghain ito ng kaugnay o alternatibong
perspektiba at kabatiran na magpapapatatag sa kaaalamang binubuo ng manananaliksik lalo na kung ang
mga ito ay mula sa kinikilalang eksperto. Dagdag pa, daan ito tungo sa pagtukoy ng iba pang
mahahalagang batis ng impormasyon na posibleng magamit ng manananaliksik; gayunman, dapat na
balikan, suriin, at gamitin ng manananaliksik ang primaryang batis kung saan kinuha ang mga
imporamsyong nagamit sa sekondaryang batis (Hinampas 2016).
Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga sanggunian na
ang nialaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad na lamang ng Wikipedia.
Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon. Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis
impormasyon, kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at mediadong
pakikipag ugnayan. Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban kung
ang nsagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao.
Sa harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang
indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado nito,
nakaobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay, nito sa ibat-ibang dahilan (halimbawa.lider ng komunidad
kung saan nagaganap ang penomeno, mananaliksik at nagsisisyasat din sa paksa). Sa mediadong ugnayan
naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-tao sa pamamagitang ng ICT
(halimbawa. Telepono, email, pribadong mensahe sa social media), lalo na kung may limitasyon sa
panahon at distansya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy ng mga indibidwal. Ilan sa mga kalakasan
ng harapang ugnayan ang mga sumusunod:
1. maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid;
2. makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod na tanong ( follow-up question) sa kaniya;
3. malinaw niya agad ang sagot; at
4. maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.
Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas malaking oras para sa fieldwork lalo
na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid. Bentahe naman sa mediadong
ugnayan ang:
1. pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang oras at pagkakataon
kung kalian nila maiisisingit ang pag responde
2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal ng
manananaliksik ang mga tagapagbatid; at
3. ang mas medaling pag oorganisa ng mga datos lalo na kung may elektonikong sistema na
ginagamit ang manananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa. Mga online survey tools,
digital transcriber, vedio analysis, software, computer, assisted qualitive data analysis. )
Midya bilang batis ng impormasyon. Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon,
kelangan ding pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para sa binubuong
pahayag ng kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angkop na uri ng
midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.
Lunsaran
Nilalaman
1. Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipuanan, ang eksperemto ay isang kuwantitatibong disenyo ng
pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng
interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa klase
(independent variable) sa antas ng kaaalaman ng mag aaaral hinggil sa isang paksa sa agham
( dependent variable). Madaas na gumagamit ng kontrol at eksperimental na mga pangkat ng
kalahok para mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na hindi finagamitanng
interbensiyon (kontrol) at sa pangkat na gimagamitan ng ( eksperimental). Limitado ang gamit
ng eksperomento sa agham panlipuanan at nahaharap ito sa maraming banta sa katumpakan
( baxter & babbie 2004).
2. Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagian ng mananaliksik bilang
tagapagtanong, at tagapoakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon
(baxter & babbie 2004). Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabayna
tanong, na ang pgkakasuynod ay mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng
tragapagbatid. Sa semi-estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang
mananaliksik, subalit maari niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu
at maaari din niyang dagdagan kung mayroon siyang followup na tanong. Sa di estrukturadong
interbyu ay hindi kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural ang daloy ng
usapan, subalit makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang manananaliksik sa layon at
paksa na kaniyang sinisiyasat habangnagiinterbyu para magabayan siya ng dapat itanong at
malaman. Mainam ang interbyu sa pagkalap ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa
pagunawa sa ibat ibang kahulugan sa karanasan o penomeno batay sap unto de bista ng
tagapagbatid, sa pag aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang
aspekto ng isang paksa ( baxter & babbie 2004).
5. Pagtatanong-tanong
Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap ng
katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na pagkakataon :
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa paksang
sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid
( Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal
at bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang nagtatanong
at ang tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may mga dapat isa
alang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag siyasat, pook nbg
pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales, 1982).
6. Pakikipag kwentuhan
Pakikipag kwuwentuhan naman ang ginagamitr ni de vera na (1982 ) upang pag aralan
ang pakiki apid sa isang baryo sa camarines norte . itoay isang di-estrukturadong at impormal na
usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan
ang mananliksik ay walang ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at igiya ang
daloy sa isang direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan , kundi ang
pagiging “Malaya” ng mga kalahok na “magapahayg ng anumang opinion o karanasan” at
magbigay ng verbal at di verbal na ekspresyon ng “walang takot” o pag aalinlangan na ang
binitiwan nyang salita aymagagamit laban sa kanya sa pag hihirap (de vera 1982, p. 189). Wala
rin sa kahingian ng pakikipagkwentuhan na ganapain ito sa isang tiyak na lufgar at oras. Madalas
na nangyayari na lamang ito ng walang ka aabog abog habang ang mananaliksik ay nasa
fieldwork.
7. Pagdalaw-dalaw
Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa malabon,
rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco
(1982) ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at
pakikipag usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala
at makuha ang loob ng iat isa,mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang
mga nais niyang sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay
maaroing kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag
kuwentuhan at pakikilao. Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago itopalalamin at
palawigin ang mga imporamsyon kinakalap mula sa mga tagapagbatid.
8. Pakikipanuluyan
Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng konsepto ng
panahon ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos sa pamamaraang ito
dumadalaw muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na siya ng talong buwan ditto para sa
kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa
kanyang mga aktibidad kagaya ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo
sa ibat ibang pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong
hingil sa paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang
matagalan at masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat
ng iba pang mga espesipikng amamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg
nakikitira sa isang bahay at nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag
mamasid nag tatanong tanon, nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain.
Pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga impormasyong malilikom
ngmananaliksik. Hindi to kataka taka dahil ang pakikipanuluyan “ ay isa sa pinakamabisang
pamamaraan upanfg mapaunlad ang pakikipag kapuwang isang tao” (san juan & soriaga,
1985,p.433).
9. Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa
bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag
kuwentuhan at nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasasaggawa
ng survey, pero ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng
hitik, kompleks, at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.
10. Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula
kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa
medaling salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at
kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng
mananaliksik kung “maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa
pananaliksik ( Gonzales 1982 p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may
pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at
pakikipanulyan.
May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958): complete observer
(ganap na tagamasid ), complete participant (ganap na kalahok), observer as participant
(tagamasid bilang kalahok), at participant observer (kalahok bilang taga masid) (salin sa Filipino
ni Agcaoili
2016, p. 60). Ipinapakita sa pigura 1 ang buod ng topolohiya ni gold. Sa pagpili ng angkop ng
akopna papel sa pagmamasid, dapat pag aralang mabuti ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa
at isaalang alang ang layon at disenyo ng pananaliksik. Halimbawa, ang mismong ng
mananaliksik at/o ang pagkaalam ng tagapagbatid na may ginagawang pasasaiksik hinggil s
kanila ay maaaring makaapekto sa kanilang kilos habang sila ay inoobserbahan; sa gayon, itoy
makapagdulot ng kuwestiyon sa pagiging katiwatiwala na datos na makakaya. May etikal
naisyunaman ang papel ng ganap na kalahok kaya kailangang timnbanging mabuti kung ang
paglilihim sa mga tagapag batid ay mabibigyang katuwaran ng mabuting intesnyon ng
pananaliksik at kungito ay hindio magdudulot sa kanila ng kapahamakan ( baxter & babbie,
2004, p. 307 – 309 )
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa
isyung pambansa.
Website ng pamahalaan
Website ng ahensiya ng pamahalaan
Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
Website na gumagawa ng fact check
Pagsusuri ng Datos:
Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon
Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
YUNIT III
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
Layunin
Lunsaran
34
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
ang paksa.Halimbawa,
35
paano kung ang laman ng tsismisan ay tungkol sa pangungurakot ng mga opisyal sa isang bayan?
Oo nga’t hindi agad dapat paniwalaan, ito’y dapat usisain. Kung mapatunayang totoo ang
tsismis, kailangan ng aksyon mula sa taumbayan at makikinabang dito ang bayan. Kung hindi,
ang napatunayan nito’y malinis ang budhi ng mga opisyal na natsismis at malamang na may
naninira sa kanila na silang maitim ang budhi. Samakatuwid, ang implikasyon nito’y kailangan
ng matinding paghimok sa mga Pilipino na idirekta ang tsismis sa layong ito’y mapatotohanan o
mapasubalian-ang transpormasyon ng tsismis na walang kasiguraduhan ang katotohanan tungo
sa pagiging balita na batay sa empirikal at kritikal na pagsusuri.
Sa mga mapaglaro ang isipan na sangkot sa social marketing, puwede ring magamit ang
tsismis para takamin ang mga tao hinggil sa isang bagong teknolohiyang panlipunang maaaring
ilako para mapakinabangan ng marami. Madaling maintriga ang maraming Pinoy at mabilis
kumalat ang tsismis. Halimbawa, kung may magsisimula ng tsismis hinggil sa bago at murang
pamamaraan ng paggamot sa isang sakit, malaki ang posibilidad na may mga mag-uusisa tungkol
dito pagkatapos makipagtsismisan. Sa politikal na pananaw, sinasabing ginagamit ng mga
naghaharing uri ang tsismis bilang “instrumento ng kapangyarihan” para linlangin ang
taumbayan (Dela Cruz, 2014, p. 2). Halimbawa, ginamit ng mga Espanyol ang tsismis laban sa
mga babaylan, si Jose Rizal, at ang Katipunan upang manatili at mapalakas ang dominasyon ng
dayuhang kapangyarihan sa bansa (Dela Cruz, 2014, pp. 9-10). Sa kabilang dako, nagbibigay ng
panandaliang katuwaan at kaluwagan sa damdamin ng mga mahirap na manggagawa ang
tsismisan dahil dito nila naibubuhos ang sama ng loob nila sa kanilang mahirap na kalagayang
panlipunan. (Dela Cruz, 2014, pp. 11- 12; Tan, 2016, p. 12). Halimbawa, noong lumabas ang
Noli Me Tangere, sa tsismis nakuha ang karamihan ang tungkol sa laman nito, sapagkat pilit
pinigilan ng mga Espanyol ang pagkalat nito (Dela Cruz, 2014), Noong panahon naman ng Batas
Militar ni Ferdinand Marcos, ang mga tao ay kumukuha ng bali-balita mula sa tsismisan dahil sa
midya noon ay kontrolado ng pamahalaan at puro pabor kay Marcos ang ipinapahayag (Tan,
2016).
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa sikreto at baho ng iba.
Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring
nagmumula sa kakitidan ng utak natin. Ang pangtsitsismis ay nagiging simpleng paraan upang
makapanakit sa kapwa at mga kaaway. Ang tsismis ay karaniwang ginagamit para makasakit at
makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman o kaya naman ay husgahan ang kanilang
katauhan, kamalian at kasalanan. Ang madals na pinag-uusapan ng tsismis sa kumonidad ay mga
sensitibong bagay tulad ng sex, pagbubuntis ng mga hindi kasal o disgrasyada, pagiging
homosexual at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado
sa buhay o kaya naman ay pag-aaral.
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa
katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na narinig
nila, marami pa rin ang naniniwala sa alternative facts. Kakaunti lamang ang mga taong
nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaunti pa ang mga tao na
sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap.
Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis
Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung
sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan
ng pinag-uusapan. Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahamak ng
dignidad ay itinuturing na paninirang puri at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang
labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander.
Kinilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng bawat isa na maproteksyunan ang
kanyang dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay, at kapayapaan ng isip. Sinasabi sa
Artikulo 26 na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat hindi maituturing na
krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of action) para sa mga danyos,
pagtutol at iba pang kaluwagan:
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang
kaibigan;
4. Pang-aasar o pamaahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon,
mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba
pangpersonal na kondisyon.
Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa
isang krimen o isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka o
anumang kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan, o kalagayan na naging dahilan ng kasiraang-
puri, pangalan o pagpapasala sa isang likas o huridikal na tao, o upang masira ang alaala ng isang
namayapa na (salin mula sa Artikulo 353, RPC). Itinuturing na libelo ang isang akto kung ang
mga paninira ay pinaraan sa pasulat o broadcast na midyum, samantalang oral defamation naman
kung ang gagamitin na midyum ay pasalita.
Ang Binalonan Pangasinan ay nagpapatupad ng isang ordinansa na nagpapataw ng multa
sa mga tsismoso at tsismosa. Sa ilalaim ng naturang patakaran, pagmumultahin ng mga
sumusunod na halaga:Php 300, 500 at 1000 para sa una, ikalawa at ikatlong paglabag. Bukod pa
rito, ang indibidwal na magkakasala ay kailangan na magbigay ng serbisyong pangkomunidad o
community service.
Umpukan: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para
mag- usap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso
ng pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para
makiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi
kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero na ang tanging magagawa’y amnood at
making sa mga nag-uumpukan; kung siya ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga nag-
uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida. Kagaya sa tsismisan, walang tiyak o
planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan. Subalit di kagaya sa una, ang umpukan ay
puwedeng dumako rin sa seryosong talakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan, malokong
kantiyawan, at maging sa laro at kantahan. Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang
maisingit ang biruan, na minsa’y nauuwi sa pikunan. Naniniwala si Enriquez (1976) na taal na sa
maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa “isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil sa
pagbibiruan”(p. 13). Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag-isipang
mabuti maaaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes
ng mga nag-uumpukan, o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid. Minsan, kung sino ang
dumaan malapit sa umpukan ay siyang napag-uusapan. Nangyayari ang umpukan hindi lamang
sa kalye
dahil madalas sa paaralan (mga mag-aaral at guro), opisina (mga empleyado), korte (hurado at
mga manananggol), at botante (mga kongresista o senador). Sa senado halimbawa, nag-
uumpukan ang mga mambabatas bago ang simula o pagkatapos ng isang sesyon, at kapag break.
Madalas matampok sa telebisyon at sa diyaryo ang umpukan ng mga magkakaalyadong senador
at kongresista. Minsan, sa umpukan din humihingi ng pasensiya ang mga mambabatas na
nagkainitan habang matinding nagbabalitaktakan dahil sa magkakaibang pananaw sa mga isyu at
prosesong may kinalaman sa paggawa ng batas.
Sa isang komunidad at maging sa iba’t ibang lugar sa loob nito kagaya ng paaralan at
tambayan sa kanto, ang umpukan ay isang masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para
mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapuwa. Dito umuusbong at napapayabong ang diwa ng
ating paki sa kapuwa. Kumbaga, ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa isa’t isa,
may pakialam sa isa’t isa, at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng
mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang pagiging kasapi ng pamayanang kinabibilangan
at kaniyang pakialam dito. Dito rin naisasalin at napapalaganap ang mga kuwento ng bayan, ang
mga lokal na pananaw, ang pagkaunawa sa mga katutubong kaugalian, at iba pang salik na
panlipunan at kultural na reyalidad. Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung saan
tampok ang umpukan. Pinag-aralan ni Petras (2010) ang salamyaan sa Marikina bilang
pagpopook sa siyudad sa kamalayang- bayan ng mga mamamayan nito. Bukod sa kainan,
kantahan at paglalaro ng Bingo, isa rin sa itinatampok sa salamyaan ang umpukan na may
kalahok na ring tsismisin, talakayan, balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa isang
silungan o tambayan (Petras, 2010, p. 95-96). Binigyang pansin ni Petras (2010) ang
kahalagahan ng salamyaan bilang talastasang bayan kung saan nabubuo at napapalaganap ang
mga salaysay mula sa loob, namamayani ang diwa ng pagkakapantay-pantay sa mga kalahok, at
napapasigla at napapatibay ang ugnayan at samahan ng mga Marikenyong magakakatulad ang
“interes at hanapbuhay” (p. 102).
Marami pang ibang katuturan ang umpukan. Sa karanasan ng mga boluntir sa Ugnayan
ng Pahinungod/Oblation Corps (UP/OC), ang programang pamboluntaryong serbisyo ng
Unibersidad ng Pilipinas Los Banos (UPLB), mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa
isang komunidad ang pakikiumpok. Sa umpukan, nakikilala at nakakapalagayang-loob ng mga
boluntir ang mga taong katuwang nila sa mga gawaing pangkaunlaran sa pamamagitan ng
pakikinig at pakikipagkwentuhan sa kanila. Nagkaroon din minsan ng kantahan, talakayan, at
tawanan habang nag-uumpukan (Pigura 1). Estratehiya naman ng ilang boluntir ng UP/OC na
eksperto sa agrikultura ang makipag-umpukan sa mga magsasaka ng isang komunidad. Dahil sa
impormal na lapit at malayang daloy ng talakayan, mas nakapagtatanong at nakapagbabahagi ng
ideya ang mga magsasaka sa umpukan kaysa sesyon mismo ng pagsasanay o seminar na
karaniwang nakaistruktura sa di-pormal na edukasyon na nakakatakot sa mga kalahok. Isa pang
halimbwa ng komunikasyong pangkumunidad kung saan tampok din ang umpukan at iba pang
kagawiang pangkomunikasyon ay ang ub-ufon ng mga tubong Kadaclan sa Barlig, Bontoc, Mt.
Province na naninirahan sa Siyudad ng Baguio sa dahilang pang-ekonomik.
Sa paglipas ng panahon, tumaas ang bilang ng mga taga-Kadaclan na lumipat sa siyudad
at karamiha’y ilang komunidad na room (Potectan, 2012 p. 29). Madalas na ginagawa ang ub-
ufon sa isang itinakdang ator o dap-ayan (lugar), ng pagsasama-sama ng mga umuli
(magkabahayan) para magpakilala, mag-usap hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo,
magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon (customs/traditions) sa nakababata, mag-imbita
sa mga okasyon, at magtulungan sa mga problema kagaya ng pinansiyal na pangangailangan
(Protectan, 2012, pp. 31-36). Subalit maari din itong maganap sa kahit anong lugar at oras sa
pagitan ng mga kailian (kapwa katutubo) basta’t sila’y nagkita-kita o nagsama-sama (Protectan,
2012 p. 30). Sa pamamagitan ng ub-ufon, patuloy silang nagkakakonekta sa kanilang tinubuang
pamayanan at sa kabuhayan, at napapanatili nila ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan. Sa
pananaliksik naman, maaaring gamitin ang umpukan bilang dulog sa pagtatanong-tanong at
pakikipag-kwentuhan kagaya ng ginawa nina Balba at Castronuevo (2017) nang pinag-aralan
nila ang alitang mag-asawa at ng mga estudyante ng sikolohiya ni Javier (2010) sa kanilang pag-
aaral hinggil sa kaligayahan/kasiyahan sa buhay ng mga Pilipino. Puwede rin itong gawin sa mga
impormal na pangkatang talakayan, pagdalaw-dalaw, pakikipanuluyan at pakikilahok para
makakalap ng impormasyon sa pamamaraang angkop sa kulturang Pilipino.
Ginagamit din ang “umpukan” para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang
grupo o pangkat. May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay
napapalitan ng kuro-kuro o opinion tungkol sa isang bagay o paksa. Isa pang halimbawa ng
umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang o maaari rin
namang pormal na pakikipagtalo.
Talakayan: Masisinang Palitan at Talaban ng Kaalaman
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Lunsaran
Nilalaman
Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang Pulong
bayan. Karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamayan o
particular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin.
Pinangungunahan ng lider ang pagtalkay sa isang usapin na may kaakibat ng pagpapahalaga sa
opinion at mga mungkahi ng mga taong kabahagi sap ag-uusap. May pahkapormal ang mga
pagtalakay na nakapokus lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain na ito- ang
pulong bayan.
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan. Madalas itong isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan,
may mga problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang komunidad.
Depende sa layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-bayan ay mga kinatawan ng iba’t-ibang
sector sa isang pamayanan, mga ulo o kinatawan ng mga pamilya o sinomang residenteng
apektado ng paksang pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga
Pilipino upang mapag-usapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng
mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Ito
ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng
mga tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan may malalaking batong
nakaayos nang pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pulong.
KOMUNIKASYONG DI- BERBAL: Pagpapahiwatigan sa Mayamang
Kalinangan
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Marahil ay sasabihin nating labis naman ang pagpapahalagang ibinibigay ng pormulang ito sa
mga senyas na di-berbal tulad ng tinig at mukha. Marahil nga, ngunit kung iisipin natin kung
gaano kalimit nating ginagamit ang ating mga mata kaysa ating mga tainga, mauunawaan natin
kung bakit ganito na lamang ang pagpapahalaga ni Mehrabian sa mga senyas na di-berbal.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa ating kultura, ang
pagtango ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang “oo”, ang pag-iling ng ulo ay ginagamit
na panghalili sa salitang “hindi”. Matapos ang isang laro ng basketball, halimbawa, hindi na
kailangang gumamit ng wika ang mga manlalaro upang ipahayag kung nanalo sila o natalo.
Naipapahiwatig ang kanilang kasiyahan sa pagkapanalo o kaya nama'y kalungkutan sa pagkatalo
sa pamamagitan ng galaw ng kanilang katawan.
3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. Alam na nating
higit na ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na di-berbal at
ng wika, higit na pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una. Halimbawa, kung
ang kasabay ng pangungusap na “Masaya naman ako” ay malamlam na mga mata at pilit na
ngiti, dalwang mensaheng magkasalungat ang ikinukumunika. Nagiging suliranin ng tagapakinig
kung alin sa dalawang mensahe ang dapat bigyan ng reaksiyon.
4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso upang
itulak ang isang kalahok sa talakayan na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni Patricio,
nakatutulong ang ganitong senyas sa daloy ng talakayan.
Maraming kahulugan ang maaaring ibigay sa mga senyas na di-berbal. Upang maging higit na
mabisang kaugnay ang mga senyas na ito ng mensaheng berbal, kailangang palagi nating isa-isip
ang ilang katangian nito.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo – Ayon kay Edward Hall, ang uri ng ugnayang
namamagitan sa mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng apat na uri ng distansiya: a)
sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga labindalawang
talampakan o higit pa. Ang ugnayan ay pormal tulad ng namamagitan sa isang komunikasyong
pampubliko;
b) sa distansyang sosyal, ang mga kalahok ay magkakalyo ng mga apat hanggang pitong
talampakan. Ito ay angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga
pagtitipon. Ang layong ito hanggang labindalawang talampakan naman ay angkop para sa mga
pulong. Ang mga taongnasa loob ng silid na pinagdarausan ng pulong ngunit wala sa loob ng
distansiyang ito ay hindi dapat maghinanakit kung hindi sila kabilang sa interaksiyon; c) sa
distansyang personal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na
talampakan. Ang distansiyang ito ay para sa magkakaibigan o higit pang malapi na pakikipag-
ugnayan; d) sa distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay magkakalayo ng hindi
hihigit sa labindalawang dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang lihim. Ang
tinig ay mahina at higit ang gamit ng mga senyas na di-berbal.
Isa pang aspeto ng komunikasyong ito ay ang paraan ng pag-aayos ng isang silid. Halimbawa,
ang posisyon at kapangyarihan ng isang tao sa organisasyon ay maaring ikomunika sa
pamamagitan ng ayos ng silid. Ang pinakabago sa mga empleyado ay maaaring idestino sa
pinakamalapit sa pinto.
Ang mga nabanggit ay halimbawa ng komunikasyong di-berbal. Ngunit higit na malinaw at tiyak
ang kaugnayan sa komunikasyon ng mga halimbawang ibinigay nina Reusch at Kees na:
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng mga obheto – Kabilang dito ang lahat ng sadya at hindi
sadyang pagpapakita ng mga obheto tulad ng mga alahas, damit, aklat, disenyo ng bahay, atbp.
Halimbawa, ang singsing sa palasingsingan ng kaliwang kamay ay nagpapahiwatig na ang may
suot ay may nobyo na; ang salamin sa mata ay nagbibigay daw ng impresyong matalino ang
gumagamit nito bagama't ang angkop na kahulugan ay ang ikinukumunikang kalabuan ng mata
ng nagsuuot ng salamin.
Ang tatlong ito, ang senyas, aksiyon at obheto, ay may higit pang angkop na gamit sa
komunikasyong pasalita na nagsisilbing mensahe tulad ng ekspresyon ng mukha, pisikal na
kaanyuan, paraan ng pagdadala sa sarili, paraan ng pagtingin sa tagapakinig, kumpas at
paggalaw.
MGA EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Matingkad, Masigla at Makulay
na Ugnaya’t Kuwentuhan
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohikal at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala at pangungusap na ginagamit ng mga
tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.
Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.)
Malay ko.
Ano ga!
Sayang.
Hay naku.
Susmaryosep
Anak ng !
Naku po!
Dyusko!
Anla naman.
“Ala eh! ano ga naman yaan.”
Ang mga Batangueño ay kilala sa pagsasalita ng Tagalog na mayroong punto. Kilala rin
sila sa pagdadagdag ng salitang “eh” sa kanilang pananalita at sa paggamit ng “ga”. Isa rin sa
kilalang katangian ng mga Batangueño ay ang tinatawag na “Matanda sa Dugo”, kung saan
nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad.
Ang mga Batangueño ay kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa. Halimbawa sa isang pagtitipon,
mapapansin na ang mga Batangueño ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing
pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueño ay ang pagsasaka at
pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang mga ito bilang malakas sa pag-
inom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang Central Azucarera
Don Pedro, na itinuturing na pinakamalaking tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa naman sa
pinakakilalang produkto ng lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.
Ang Ala eh ay nagaling sa salitang tagalog na “wala eh” ibig sabihin ay ” wala pong
problema , easy easy lang ” Ito ay isa sa mga dialekto na ginagamit mas lalo na sa lalawigan ng
Batangas at sa mga bahagi ng Quezon, at lalawigan ng Laguna at isla ng Mindoro. Ito ay
nailalarawan sa pamamagitan ng isang malakas accent at isang bokabularyo at grammar malapit
na nauugnay sa mga sinaunang Tagalog . Ito ay hindi kaugalian ng ibang batangeño , kadalasan
mga taga taal ang gumagamit nito.May ibait iba mga salita ang sa batangeño na ginagamit tulad
mg mga halibawang ito:
Kadlo: \kahd-loh\
Ibig sabihin: Upang kumuha ng tubig.
Ibang tawag :igib.
Halimbawa: “Utoy , wala na tayong tubig pwede gang magkadlo ka ng tubig sa timba.”
Kagaykay: \kah-gai-kai\
Ibig sabihin: Isang insekto na maingay tuwing gabi.
Ibang tawag : kuliglig.
Halimbawa: “Ang ingay ng mga kagaykay sa gabi.”
Kalamunding: \kah-lah-moon-ding\
Ibig sabihin: Isang maliit na kulay berde na prutas at asa pamilya ng sitrus.
Ibang tawag :kalamansî.
Halimbawa: “Naku isda ang ulam , masarap ito sa isawsaw sa toyo at kalamunding.”
Kalasti: \kah-lahs-tih\
Ibig sabihin: Isang mayabang na tao at kasuklam suklam.
Ibang tawag: mayabang.
Halimbawa: “Alam mo ba si ganun nakupo ay sobrang kalasti ng tao yun , ngalingali
kong sumbiin.”
Pagaw: \pah-gao\
Ibig sabihin: Tungkol sa ang kawalan ng kakayahan upang makipag-usap sa isa sa natural
na boses dahil sa isang sigaw o dahil sa pagkakroon ng sakit.
Ibang tawag: paos.
Halimbawa: “Yan kasi, sabinang wag mag kokonsert sa banyo kya ka napagaw eh.”
Palakat: \pah-lah-kaht\
Ibig sabihin: Pag tawag sa isang tao na ginagamit ay isang malakas na bosses.
Ibang tawag: sigaw.
Halimbawa: “Ano ganaman yaan palakatan kyo diyan eh magkatabi naman kayong
dalawa.”
Sagimis: \sah-gih-mihs\
Ibig sabihin: Ito ay isa sa mga paburitong merenda ng pilipino, gawa sa rapper na
may banana slice sa poob at asukal , at ito ay piniritos hangang mag brown ang kulay.
Ibang tawag: Turon.
Halimbawa: “Hala favorite ko ga yang sagimis , kahit yan lang kainin ko sa buong araw
, masaya na ako .”
Sakol: \sah-kol\
Ibig sabihin: Kakain na ang gamit ay ang kanyang kamay.
Ibang tawag: kamay o magkakamay.
Halimbawa: “Masarap ang ulam ngayon nilabong itlog tapos may toyo , maslalo nang
sasarap pag magsasakol.”
Tabig: \tah-big\
Ibig sabihin : Hinding sinasadyang masangi ang isang tao.
Ibang tawag: sagî, tama, dali(e).
Halimbawa : “Hala , pasensya na po di ko po nakita yung vase ninyo , sorry po talaga
di ko sinasadyang matabig ung vase.”
Tagaktak: \tah-gahk-tahk\
Ibig sahihin : Tuloy tuloy na pagpatak, katulad ng pawis pag sobrang init.
Ibang tawag: daloy.
Halimbawa : “Kainit naman dito sa pinas , tuwing lumalabas ako ng bahay eh tagaktak
na pawis ko eh.”
Balisong
Balisong ang isang uri ng patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng talim.
Malimit gamitin ito ng mga Batangueño na nagpatanyag din dito. Ipinangalan ito sa Baryo
Balisong na isang nayon sa bayan ng Taal sa Batangas dahil doon ginagawa at ibinebenta ang
sari- saring uri ng balisong. Sinasabing ito ang bersiyon ng Swiss knife ng Pilipinas, dahil sa
dami nang maaaring gamit dito—panghiwa, pantilad, pambukas ng de-lata, pantanggal ng tansan
sa bote, pangkayas ng kawayan, pang-ahit, at iba pa. Kahit maraming gamit o silbi ang balisong,
ipinagbabawal pa rin ng awtoridad ang pagdadala nito dahil maaari itong makapanakit o
makamatay, gaya ng ginagawa ng masasamang loob. Ngunit sa kamay ng matwid na tao, ang
balisong ay nagiging sining kapag ginamit nang kapaki-pakinabang sa anumang bagay.
Kapeng Barako
Ang kapeng barako o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga
lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica, subalit ginagamit din ang
pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang
“barako” mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop.
1
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino
YUNIT I
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Layunin
Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. makilala mga makawikang organisasyon at institusyong nakipaglaban para maibalik ang
mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo;
2. mapapalalim ang pagunawa sa malaking gampanin ng Filipino at Panitikan sa buhay at
pagunlad ng mga mag-aaral; at
3. makapagpahayag ng sariling tindig sa hinggil sa Filipino at Panatikan sa kolehiyo gamit
ang modernong midya.
Lunsaran
Nilalaman
2
Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN
integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa
tinatawag na interantional standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga
3
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay
mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor
mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-
aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12.
Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng
lakas paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng
pagtrabaho o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang
ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping
bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng
mga miyembro.
Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging
hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan
at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga
sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang
pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan
sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin
para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga
damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino.
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang
nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa
Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na
organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na
grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang
Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos
500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at
pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa
forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay
kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015,
pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng
Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa
Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat
tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol
Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino
at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at
Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. (https://tanggolwika.org/)
Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa
pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko
kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang
larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng
posisyong papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa.
Karaniwang ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang
kanilang paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.
Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng
kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na
“Pagtatanggol
2
sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na
“ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng
community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga
ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa
ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San
Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan
sa edukasyon. Dapat bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang
departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang
ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan. Sa
pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang
pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang
pangangailangan o kontekstong pang komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad
ng nililinang sa ibang pamantasan.” Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad,
sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki pakinabang
na mamamayaan ng ating bansa.”
Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng
paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay
sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga
mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan
nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga
edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t
ibang estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan
upang makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.
Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De
Manila University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa
itong displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka
Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng
tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang
banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong
pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral
ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan.
Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang
mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang
kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating
pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga
ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa
kurikulum ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng
buhay na binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din
ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at
iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa
atin sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.
Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino
at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang
bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal –
mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang
pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa
akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong
bayan at napakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang
sanayin ang mga mag aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang
ang napili nilang disiplina sa oang araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang
karanasan ng mga magaaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa
mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino
upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang
pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring
matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong
kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay
ng pagunlad. Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng
intelektwalisasyon ay ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang
paglago sa pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at
ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang
dulot ng parehas na wika.
Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas,
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag
nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat
Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag
aaral ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung
ano ang wika mo yun ang identidad mo.”
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit
ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na
mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang
antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng
mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.
Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan
at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng
silid aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang
karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa
posisyong papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa
kung ano man ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito
ang nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang
sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat
Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging
malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at
Panitikan. Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan ay
nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon.
Patuloy na magiging mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay
mas humigpit ang pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa
napakaraming aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang
dadami ang mga propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang
pagtatalakay sa mga posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at mas Mataas na Antas
Panimula
Layunin
Lunsaran
Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.
https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k
https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0
Nilalaman
Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa
wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga
gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga
kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang
isipin na ganito ang nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan ang
patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.
Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan
bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to the provisions of law
and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and
sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction
in the educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na
itaguyod ang pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim
pamamaraan
sa pamayanan man o paaralan. Ang mga inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng gamit sa
Filipino bilang wikang panturo at wika ng komunikasyon ay inaasahang magmumula sa
pamahalaan ayon sa Saligang Batas. Kaya naman ang mga nagdaang pagtatangka na alisin ang
Filipino at Panitikan ay tunay na nagsindi sa mga damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na dokumento na sumusuporta sa paggamit
ng Filipino sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino
ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-
aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na
Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal
na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”
Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at
pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman
ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula
dito ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino.
Kaya ito ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.
Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang
artikulong 12 Reasons to Save the National Language. Tamang tama ang pagkakagawa ng
atikulong ito dahil sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon ang wikang
pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Sa artikulong ito ay inisa isa niya
ang labindalawang dahilan kung bakit ang Filipino ay kailangan gamiting wikang panturo at
dapat mapabilang sa kurikulum sa kolehiyo. Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang
nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang
mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at
gayundin ay ang mga institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod
niyang binigyang diin ay ideya ng epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito
ay ituturo rin bilang isang sabjek o disiplina. Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN
integration, kung saan inaasahan ang pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang
may maibahagi tayo sa pandaigdigan at pangrehiyong na palitan sa panlipunan at
pangkalingang unawaan. Ito ay isa ring paraan ng paglinang ng napag-aralan at
napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung paano nililinang ang ibang disiplina sa hayskul at
kolehiyo. Bukod pa rito, ang Filipino at Panitikan ay parehas sa College Readiness Standard sa
CHED’s Resolution No. 298-2011. Ang resulta ng National Achievement Test sa Filipino ng sa
hayskul ay mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng Kagawaran ng Edukasyon at dahil
dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang mapunang ang
kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.
Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng content at performance
standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. Filipino ang wikang pambansa at sinasalita
ng nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan
tulad kung paano tayo binubuklod ng mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa
Filipino. Kaya naman ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. Kaugnay naman ng mga
bansang nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang
kanilang wikang pambansa at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo. Dinagdag pa
niya na maraming panukalas na isinumete sa CHED upang gamitin sa Filipino sa
multi/interdidiplinari na pamamaraan. Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang
namamayagpag ang Ingles sa kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino
ay nito lamang 1996, at panahon na upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng
makasaysayang kaapihan. Higit sa lahat ang
Filipino ay isang pandaigdigang wika na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit
walumpong institusyon at unibersidad sa ibang bansa. Ang pag-aalis nito sa
kurikulum ng sariling bansa kung saan ito ay nag-ugat ay tiyak na makaaapekto
sa negatibong paraan sa katayuan ng Filipino bilang pandaigdigang wika.
Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang
dapat gawin upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi
sapat ang pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang
tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel
V. Ramos noong Hulyo 5, 1997. Dagadag pa niyang na ang wikang Filipino ay
totoong mabubuhay at yayaman sa pamamagitan ng patuloy na paggamit araw-
araw ng mga mamayan. Bagaman kung tutuusin, hindi sapat kahit ang
panyayaring siyento posiyento na ang mga mamayang Pilipino ay nakapagsasalita
at nakuunaw sa wikang Filipino.
Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam
na sa darating na panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa
isang aklatang tigib sa nga aklat sa mga aklat at sangunian na nakalimbag sa
Filipino. Ang lahat ng balikbayan at bisita ay sinasalubong sa airport ng mga
karatula sa wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sa Pilipinas. May tatak
at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng produkto.
Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may
mga tagasalin sa Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga
eksperto at guro sa mga wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa
Filipino ang mga mambabatas kahit hindi sila nkaharap sa telebisyon para
maintindihan ng bayan. At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno
C. Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari
ang mga bagay na ito ay maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika
ng komunikasyon ay nasa mataas na antas na o higit pa.