You are on page 1of 20

GEFI01X:

WIKA AT PANITIKAN SA
PAGPAPATIBAY NG
PILIPINONG IDENTIDAD
ORYENTASYON
DON EMMANUEL L. NOLASCO, LPT
GURO
Mga Layunin sa Talakayan

 Maunawaan ang nilalaman ng kursong GEFI0X1.


 Matalakay ang kahalagahan ng pag-aaral ng kurso
 Mailahad ang mga kahingian ng kurso
 Mailahad ang mga panuntunan sa klase (online at F2F)
 Makilala ng guro ang mga mag-aaral
 Malaman ang mga inaasahan ng bawat mag-aaral sa kurso, sa
klase at sa guro

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Balangkas ng Talakayan
 Deskripsyon ng Kurso
 Pangangailangan ng Kurso
 Inaasahang Matutunan ng mga Mag-aaral
 Mga Patakarang sa Loob ng Klase (Online at F2F)
 Sistema ng Pagmamarka
 Ilan Pang Mahalagang Paalala
 Pagpapakilala ng Guro at Mag-aaral

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Mga Mahahalagang Impormasyon
• Section: CIV 225
• Subject Code:GEFI01X
• Subject Title: Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng
Pilipinong Identidad
• Schedule: Tuesday/Friday I 9:00 AM – 11:00AM
• Classroom: VR 407P
• Instructor: Don Emmanuel L. Nolasco

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Deskripsyon ng Kurso

Ang kursong ito ay nagpapakita ng malalim na ugnayan ng wikang


pambansa, ang Filipino sa kultura at panitikan na nagpapatibay
ng kolektibong identidad; karanasan, paniniwala, at kamalayang
Pilipino. Bibigyang-diin sa pag-aaral na ito ang sitwasyon at
patakarang pangwikang umiiral sa bansa gayundin din ang mga
maipagmamalaki at namumukod-tanging katangiang Pilipinong
sinasalamin ng kontemporaryong panitikang naglalarawan sa
isang tunay na Pilipino.

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Pangangailangan sa Kurso

1. Pakikilahok sa talakayan at pagbibigay ng sariling kuro-kuro


2. Pagpapasa ng mga itinalagang gawain
3. Mga gawaing pangpangkat
4. Mga pagtayaya at pagsusulit
5. Suring basa
6. Pagsasadula ng ilang makukulay na bahagi ng tinalakay na
panitikan

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Inaasahang Matutunan ng mga
Mag-aaral
1. Makilala ang pinagmulan at sariling kaakuhan.
2. Maisabuhay ang kaisipan at damdaming pangkamabayan.
3. Mapalawak ang kasanayan sa pagninilay-nilay (analitikal) at
pagsusuri (kritikal) sa mga akdang pampanitikan.
4. Maipagmalaki ang mga katangiang Pilipino na sinasalamin ng
bawat akda sa kontemporaryong panahon.
5. Maipakita ang larawan ng tunay na Pilipinong nakapaloob sa
bawat akda ng mahuhusay na manunulat.

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Patakaran sa Loob ng Klase
(Online at F2F)
1. Ang bawat mag-aaral ay inaasahang dumalo sa klase (online man o F2F)
2. Sa semestreng ito, ang mga general education subjects ay dapat na gawing
50% online at 50% face-to-face.
3. Nakabatay sa schedule ng mga major subjects ang schedule ng ating face-to-
face classes.
4. Kapag nakapagtala ng anim (6) na pagliban ang mag-aaral sa klase (online at
F2F, siya ay otomatikong mamarkahan bilang DROPPED
5. Ite-tsek ang attendance kada klase (online man o face-to-face).]
6. Responsibilidad ng isang mag-aaral na habulin ang mga nalagtawang aralin at
kahingian sa klase sa mga araw na hindi makakapasok.

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Patakaran sa Loob ng Klase
(Online at F2F)
6. Kung sakaling may hindi nakuhang pagsusulit o hindi nakapagpasa ng mga
kahingian sa tinakdang deadline, kailangang magpasa ng mag-aaral ng sulat na
nagpapaliwanag sa dahilan ng pagliban. Marapat na may pirma ng magulang o
guardian ang sulat na may nakalakip na valid ID.
7. Sa mga klaseng online, mamarkahang ‘present’ ang isang mag-aaral kung ito ay
aktibong lumalahok sa mga talakayan. Mamarkahang ‘absent’ ang mga mag mag-
aaral na hindi lumalahok sa talakayan o hindi nagbubukas ng camera.
8. Sa mga klaseng F2F, inaasahang darating sa tinakdang oras ang bawat mag-
aaral. Responsibilidad ng bawat mag-aaral ang kaayusan at kalinisan ng silid-
aralan.
9. Inaasahan ang katapatan ng bawat mag-aaral sa lahat ng mga sulating ipapasa.
Mahigpit na pinagbabawal ang anumang uri ng plagiarism.

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Patakaran sa Loob ng Klase
(Online at F2F)
10. Mahigpit na pinagbabawal ang pag-uupload ng mga video o screenshot mula
sa online classes sa mga social media platforms.
11. Inaasahang ang bawat mag-aaral ay tatalima sa mga pamantayang tinakda
ng pamantasan hinggil sa tamang pag-uugali sa klase (online man o F2F)
12. Inaasahang ang bawat mag-aaral ay susunod sa mga pamantayang tinakda
tungkol sa pakikipag-ugnayan sa guro sa e-mail at MS Teams.
13. Inaasahang ang bawat mag-aaral ay magbabasa, magsusulat at makikilahok
sa lahat ng mga gawaing pang-akademiko sa loob ng classroom.

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Ilang Pang Paalala

1. Kung nais ng mag-aaral na makipag-ugnayan sa guro,


magpadala lamang ng mensahe sa MS Teams.
2. Makipag-usap ng pormal at magalang. Magpakilala muna, sabihin
kung anong section at subject at malinaw na ilahad kung ano ang
nais na sabihin o itanong.
3. Unawaing hindi agad makakatugon ang guro sa inyong mensahe
kung ito ay ipinadala ng gabi, madaling araw o weekends.
4. Iwasang makipag-ugnayan sa guro sa mga social media
platforms.
BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Ilang Pang Paalala

5. Maaaring personal na makipag-usap sa guro sa faculty room, bago


puntahan ang guro, tiyaking nakausap muna ito.
6. Ang final examinations sa kursong ito ay suring-basa (book review)
at group performance. (sabayang pagbigkas, dula o short film)
7. Magkakaroon ng grade consultation matapos na ma-encode ng
guro ang mga marka sa NUIS.
8. I-monitor ang mga pinapasang sulatin at iba pang kahingian ng
kurso. Hindi responsibilidad ng guro na ipaalala sa mag-aral kung ano
ang hindi pa niya naipapasa.
BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Ilang Pang Paalala

9. May nakatakdang deadline lahat ng mga sulatin, pagsusulit at


mga kahingian ng kurso. Hindi tatanggapin o bubuksan ang mga
pagsusulit kung walang valid reason at sulat mula sa magulang o
guardian.
10. Ang final grade ng mag-aaral ay hindi na maaaring baguhin liban
na lamang kung may mga pagkakamali sa pag-eencode sa panig ng
guro.

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Sistema ng Pagmamarka

Ang mga mag-aaral ay mamarkahan batay sa mga sumusunod na pamantayan at panukat:

PAGKAKAHATI NG MARKA SA BAWAT TERM


PAGKAKAHATI NG MARKA SA
Mga Pagsusulit, Sulatin at Partisapasyon 30%
BAWAT TERM
sa Klase

Mga Takdang-Aralin 20% Midterm Period 50%

Pagdalo sa Klase (Attendance) 10% Final Period 50%

Mahabang Pagsusulit 40% TOTAL 100%

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Nilalaman ng Kurso
LINGO PETSA PAKSA
1 Marso 29-30 Oryentasyon

2 Abril 3-5 Kasaysayan ng Wikang Filipino

3 Abril 10-14 Wika at Kulturang Pilipino

4 Abril 17-21 Kulturang Popular

5 Abril 24-28 Lipunan at Panitikang Pilipino

6 Mayo 1-5 Wika, Lipunan at Kulturang Pilipino

7 Mayo 8-13 PAGSUSULIT (MIDTERM)

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Nilalaman ng Kurso
LINGO PETSA PAKSA
8 Mayo 15-19 Panitikang Cebuano

9 Mayo 22-26 Panitikang Bicolano

10 Mayo 29-Hunyo 2 Panitikang Tagalog

11 Hunyo 5-9 Panitikang Ilocano

12 Hunyo 12-16 Panitikang Muslim

13 Hunyo 22-28 Final Examinations

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Pagpapakilala sa Sarili
1. Gamit ang Google, humanap ng isang salitang Filipino na maglalarawan ng
iyong pagkatao.
2. Ilahad ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa sarili gaya ng
buong pangalan, nickname, tirahan, mga interest at hobbies.
3. Ano ang inyong motibasyon sa pagkuha ng kursong Civil Engineering?
4. Interesado ka ba sa pag-aaral ng GEFI01X? Bakit o bakit hindi?
5. Ano ang iyong inaasahan sa subject, sa klase, at guro?

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
Takdang Aralin
1. Maghanda ng 1x1 ID picture at 1/8 index para sa F2F class sa
Abril 17, 2023.
2. Basahin ang journal article na ipapaskil sa MS Teams.
3. Magsimula na sa paghahanap ng aklat na nais suriin.
4. Dumalo sa unang talakayan hinggil sa kasaysayan ng wikang
Filipino sa Lunes (April 3, 2023)

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
QUOTE OF THE DAY
• Naranasan mo na bang malungkot? ‘Yung naliligid
ka ng tao, pero pakiramdam mo nag-iisa ka? ‘Yon
bang ang taong gusto mong makasama ay kay layo
at hindi mo makita. ‘Yon bang kay raming
nangyayari sa paligid pero hindi ka naman kasali.
‘Yong bang ang lahat ng gagawin mo’y mali at lahat
ng gustuhi’y imposible. Saka mo iisipin kung ano
ang kahulugan ng silbi. Kung hindi makita’y para
kang sisiw na lulugo-lugo matapos abutan ng ulan.
• - Jun Cruz Reyes, Tutubi, Tutubi ‘Wag kang
Magpahuli sa Mamang Salbahe

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality
WORD OF
THE DAY

BS Tourism Management
GTMMACR1 – Macro Perspective of Tourism and Hospitality

You might also like