Professional Documents
Culture Documents
College of Engineering
Lucban, Quezon
Tata Selo
Ni Rogelio Sikat
Halimbawa:
Kahirapan
Bakas ang kahirapan sa pamumuhay nina Tata Selo sapagkat ang dating lupa nila ay naisangla
sa Kabesa. Nang hindi matubos ay naging tagasaka na lamang si Tata Selo ng dati niyang
sariling lupa.
2. Kakulangan ng Opurtunidad
Sa kwentong “Tata Selo” ni Rogelio Sikat, nabanggit na ang dahilan kung bakit tinaga ni Tata
Selo ang Kabesa ay dahil pinapaalis na siya nito sa kaniyang sinasakang lupa at may ibang
magsasaka na rito. Nagmakaawa siya sa Kabesa dahil kung paaalisin na siya sa lupang ‘yon,
wala na siyang iba pang mapupuntahan.
3. Pagbabago ng Panahon
Sinasabing ang climate change ay pagbabago-bago ng klima dulot ng global warming o pagtaas
ng temperatura sa atmospera bunga ng greenhouse gas emission. Nabanggit sa kwento na kahit
mag-iikaapat na ng hapon at padahilig na ang sikat ng araw ay mainit pa rin sa istaked.
4. Komunikasyon
Nagkaroon ng malabong komunikasyon sa pagitan ng Kabesa at Tata Selo, Biglaan ang
pagpapaalis ng Kabesa kay Tata Selo at hindi ito naayos sa mabuting usapan kaya’t nahantong sa
hindi magandang insidente.
5. Resources (Materyal at Serbisyo)
Sinasabing sa kasalukuyan, nananatiling suplayer ng hilaw na materyales, mga produktong
pangkonsumo (consumer goods) na karaniwa’y semi-manupaktura (semi-processed) lamang at
mga manggagawa ng United States at ng mauunlad na bansa ang Pilipinas, sa halip na maging
suplayer ng mga produktong para sa domestikong gamit. Ang kwento ni Tata Selo ay
maihahalintulad ko sa sitwasyon ng sistemang ekonomiko ng Pilipinas. Isa siyang manggagawa
sa kaniyang dating lupa at walang magawa kung hindi magpaalipin at tanggapin ang kung ano
lamang ang inilalahad sa kaniya.
Paglalahat
1. Ano ang silbi ng wika at komunikasyon sa pagresolba ng mga isyung lokal at nasyunal na
inyong naitala?
Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may
soberanya. Hindi tunay na malaya ang isang. bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wikang
lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili. Malaki ang papel na ginagampanan ng
wika bilang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at pagkakakilanlan. Wika ang
tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito.