Jessa Mae S.
Ayo
Bionote ni Jessa Mae S. Ayo
Bionote
Si Jessa Mae S. Ayo ay ipinanganak noong Nobyembre 06, 2000 sa General
Santos City. Ang mga magulang niya ay sina Alexander B. Ayo at Marites S. Ayo.
Nakapagtapos siya ng elementarya sa priabdong paaralan na Holy Tritnity
College - General Santos (HTC) at Notre Dame of Dadiangas University -
Integrated Basic Education (NDDU-IBED). Ipinagpatuloy niya ang sekondarya sa
pampublikong paaralan at nagtapos ng pag-aaral sa General Santos City
National High School mula sa Science, Technology, Engineering and
Mathematics Strand mula Junior High School hanggang sa grumadweyt sa
Senior High School noong Abril 2019. Hindi man karamihan ang akademikong
parangal, subalit siya ay nakaani ng mga beauty pageant titles sa paaralan at sa
maging sa labas na kompetisyon. Siya ay itinanghal na Ms. Tenderblooms 1 st
Runner up, Ms. Intramurals at Lakambini ng Kalikasan noong 2013. Siya rin ay
sumali sa isang GenSan PopStar noong 2014 at Ms. Marvelous G9 2 nd Runner
up noong 2015. Siya rin ay naging team assistant leader sa isang school-based
organization na Youth for Environment in Schools Organization noong S.Y.
2015-2016. Noong siya ay tumuntong ng ika-11 na baitang ay hindi tumigil ang
nakuhang korona mula sa mga pageant. Siya ay nakoronahang Lakambini ng
Kalikasan 2017 at Ms. Sophie Paris 2017 na isang direct selling fashion company.
Si Jessa rin ay itinanghal na Ms. Junior Entrepreneur Camp 2018 na pinamunuan
ng Department of Trade and Industry bilang parte ng pagdiriwang ng mga small,
micro at medium enterprises. Naitalaga rin siyang Ms. Agri Tayo
SOCCSKSARGEN 2018 at naglingkod sa TV Program na Agri Tayo
SOCCSKSARGEN bilang guest host. Pinarangalan din siya bilang Wardress of
Light 2018 at naging Princess of Peace 2018 na pinangunahan ng Our Lady of
Peace and Good Voyage Parish. Nanalo rin siya sa isang debate competition
noong 2019 at itinanghal na Best Speaker. Nakapagtapos siya ng kursong BS
Tourism sa St. Alexius Flight School sa Davao del Sur. Tinapos niya rin ang
kanyang training program para sa mga cabin crew sa WCC Aeronautical and
Technical College sa Caloocan City. Ngayon ay isa na siyang Cabin Crew
Director ng Philippine Airlines. Ang kanyang paglalakbay tungo sa kanyang
estado sa buhay ngayon ay hindi naging madali ngunit dahil sa kanyang tiwala sa
sarili, determinasyon, suporta mula sa mga mahal sa buhay at pananalig sa
Diyos ay nakaya niya nalampasan ang lahat ng dagok at pagsubok na
dumarating. Ngayon ay masaya siyang namumuhay sa kanilang tahanan kasama
ang kaniyang asawang Electrical Engineer at ang kanyang dalawang anak.