You are on page 1of 1

ANG GALIT NG ALON SA TINIG NI MARIA

Sa gitnang pasipiko ay may natatanging isla kung saan naninirahan ang isang dalaga na nag ngangalang Maria, anak
ng isang mangingisda na namatay sa gitnang pasipiko dahil sa kinatatakutang hampas ng alon sa kanilang isla. Ang
hampas ng alon ay tinawag nilang Haring alon dahil sa naglalaking hampas nito na nagbibigay takot at pangamba
sa mga naninirahan sa isla. Magmula ng mamatay ang ama ni Maria ay lagi na siyang nagpupunta sa dalampasigan
ng mag-isa at kumakanta, sa tuwing kakanta siya’y tila humihinto ang mga alon sa paghampas, isang araw habang
nasa dalampasigan napansin ng isang matandang nakikinig sa kanya ang kayang gawin ng kanyang tinig sa alon,
kaya’t sinabi ng matanda’y may kapangyarihan ang kanyang tinig at dahil doon nagalit ang Haring alon sa
pagkahinto ng kanyang hampas dahil sa tinig ng dalaga.

Isang gabi’y naghasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na hindi nalalaman ng mga taong
naninirahan sa isla, kaya naman napakaraming namatay ngunit hindi pa rito nagtapos ang hagupit ng Haring Alon,
hindi siya tumigil hangga’t hindi bumabagsak ang isla. Sa pagkataranta’y dali-dali nilang tinawag si Maria upang
tulungan silang lupigin ang Haring alon sa pamamagitan ng kaniyang gintong tinig.

Nakipagsagupaan ang tinig ni Maria sa malalaking hampas ng alon, hindi iniinda ang alon na halos bumubugbog sa
kaniyang katawan at ng naglao’y huminto na rin si Haring Alon, at mula noo’y hindi na muling humampas ang alon
sa dalampasigan ng isla at namuhay sila ng walang takot at pangamba sa kanilang mga puso.

1.Gaano kahalaga ang tekstong naratibo na gaya ng iyong binasa?Ipaliwanag sa pamamagitan ng tatlong
pangungusap.

2.Anong paksa ang ginamit sa pagbuo ng teksto? Paano mo nasabi?

3.Ano ang layunin ng tekstong iyong binasa?

4.Kung ikaw si Maria sa kwento, gagawin mo ba ang tama kahit ang kapalit ay ang iyong kaligtasan? Bakit?

5.Bilang isang kabataang may natatanging tinig na kayang ipaglaban ang kaniyang saloobin, paano mo naman
gagampanan ang iyong tungkulin sa pagsagip ng buhay ng mga hikahos?

6.Ipagpalagay nating ikaw si Haring Alon, Mataas, malakas at mabagsik. Paano mo gagamitin ang lakas na taglay
mo upang makatulong sa mga taong nakapaligid sa’yo?

7. Anong mga katangian ang taglay ni Maria na maihahalintulad sa’ting mga kabataan ngayon?

You might also like