You are on page 1of 8

MGA INSTRUMENTONG PANGMUSIKANG NATATANGI SA MINDANAO

FRANCIS MARTIN L. BELLO JR.

(GRADE 11-ST. JUDE THADDEUS)

FEBRUARY 5, 2021
KABANATA I

I. Introduksiyon

Katulad ng paglipas ng maraming taon mula ng tayo ay sakupin ng mga dayuhan, ay ang paglabo
at paglaho ng mga kasaysayan ng pinagmulan ng mga tugtugin, sayaw at awit ng Pilipinas. Ayon sa
pinakaunang ulat, kalakip na ang pahayag ng unang pagdating ng mga Espanyol ni Ferdinand Magellan,
ang Pilipinas ay may maunlad at malawak na mga tugtugin, sayaw at awit noong 400 taon pa sa
nakaraan. Ito ay makikita o napapaloob sa mga unang alamat tulad ng Darangen ng mga bayani ng
Maguindanao at Maranao, na ang sagayan o sayawan ng mga mandirigma ay saliw sa kulintangan, ang
himig ng mga agung, gimbal at iba pang gamit tugtugin. Marahil ay bago lamang sa inyong mga pandinig
ang alamat na Darangen at mga instrumentong nabanggit. At marahil na naitanong sa inyong mga sarili
kung ano nga ba ang ang mga ito at bakit mahalagang malaman at matutunan ang mga ito.

Ang mga instrumentong pangmusika, instrumentong musikal, kagamitang pangtugtog, o


kasangkapang panugtog ay mga kagamitan o kasangkapang ginagamit o tinugtog upang makalikha ng
musika o tugtugin. Maaaring ituring bilang kagamitang pangtugtugin o kasangkapang pangtugtugin ang
alinmang bagay na nakagagawa ng tunog, subalit pangkalahatang nangangahulugan ang parirala na mga
bagay na espesipiko, partikular, o tiyakang gumagawa ng musika. Maipepetsa ang kasaysayan ng mga
pangmusikang instrumento mula sa mga simulain ng kalinangan ng tao. Tinatawag na organolohiya ang
akademikong pag-aaral ng mga instrumentong musikal.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito, layon ng mananaliksik na malaman ang kahalagahan ng mga


instrumentong pangmusikang natatangi na ginagamit ng mga Pilipino dito sa Mindanao. Inilalahad din
dito ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang magkaroon ng karagdagang


impormasyon at kaalaman sa kulturang Pilipino lalong-lalo na sa larangan ng musika at instrumentong
gamit nito.

Sa mga Guro. Ito ay makatutulong upang malaman kung ano ba ang pananaw at saloobin ng kanilang
estudyante ukol sa mga instrumentong pangmusikang natatangi na gamit ng mga Pilipino.

Sa mga Magulang. Sila ang magiging gabay at taga-pagsuporta sa mananaliksik upang maisawaga ito ng
maayos.
Sa komunidad. Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay mag-sisilbing gabay sa nakararami upang
mas higit pang pagyamanin at pahalagahan ang kulturang Pilipino sa larangan ng musika at
instrumentong gamit nito.

II. PALALAHAD SA SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kahalagahan ng mga instrumentong pangmusikang
natatangi sa Mindanao.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga instrumentong pangmusikang natatangi sa Mindanao?

2. Ano ang kahalagahan nito sa kulturang Pilipino?

KABANATA II

MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pananaliksik na ito at iba
pang kaugnay na pag-aaral tulad ng disertasyon at sanggunian na magagamit na batayan sa gawawaing
pananaliksik.

KAUGNAY NA LITERATURE

I. MUSIKA NG MINDANAO

Ang musika ay nakatutulong sa atin na mas lubusang maipaliwanag at maunawaan ang isang
bansa o kultura. Maraming natatanging mga musika ang Mindanao at isa sa mga ito ang Darangan o
Darangen.
DARANGAN O DARANGEN

Ang Darangan o Darangen ay isang napakahabang epikong-bayan ng mga Maranaw na nauna pa


sa Islamisasyon ng Pilipinas. Ito ay hango sa salitang Maranaw na “darang” na nangangahulugang
magsalaysay sa paraang paawit o pabigkas. Hindi tulad ng ibang epiko, ang Darangan ay isinasalaysay sa
paraang paawit.

Ang guro at misyonerong si Frank Laubach ang unang nakapagtala at nakapaglathala ng


Darangan noong 1930. Nakuha niya ang epikong-bayan habang nakasakay sa barko sa dalawang-araw na
paglalayag kasama ang may 35 Maranaw. Habang nagbibiyahe, kinanta ng dalawa sa mga kasama niyang
Maranaw ang Darangan maghapon araw. Nang dumaong ang sinasakyang barko, naghanap si Frank
Laubach ng mga taong may kakayahang kantahin ito. Ayon sa mismong tala niya, inaabot nang halos 11
oras ang pagkanta nito. Kalahati lamang ang naisalin niya sa Ingles.

Si Bantugan (o Bantogen), kapatid ng hari ng Bembaran (o Bumbaran), ang pangunahing tauhan


ng Darangan. Hinahangaan siya sa tapang at lakas. Sa isang bahagi ng epikong-bayan, hinarap niyang
mag-isa ang isang hukbong lumulusob sa kaharian habang nakasakay sa kaniyang mahiwagang kalasag.
Sa kasalukuyan, may 17 bahagi ng Darangan ang nasaliksik na at nailathala. Ilan sa mga naidokumentong
episodyo ay ang “Ang Unang Pinuno: Diwata Ndaw Gibon ng Illiyan a Bembaran”, “Ang Kuwento ni
Madali”, “Paano Namatay si Bantogen sa Ilalim ng Bundok sa Tabing-Dagat”, “Paano Bumalik si
Bantogen mula Langit”, at “Ang Labanan sa Bagombayan”.

Noong 2002, ang Darangan ay idineklarang “National Cultural Treasure of the Philippines” ng
Pambansang Museo ng Pilipinas at “Provincial Treasure” ng Lalawigan ng Lanao del Sur.

II. INSTRUMENTONG PANGMUSIKA NG MINDANAO

Maraming mga instrumentong pangmusika ang Mindanao na tinutugtog na kakaiba, natatangi at


nagbibigay ng magandang tunog. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng instrumentong pangmusika ng
Mindanao.

KULINTANG

Ang kulintang ay grupo ng walong nakahanay at magkakaibang sukat na gong na nakapatong sa


pahabang kuwadro. Nakatono ang mga ito sa eskalang pentatonic o limang tono. Nakabatay sa tatlong
uri ng ritmo ang musika ng kulintang: ang duyug na ginagamit sa pagtugtog sa kasal, libangan at pista;
ang sinulog na mas mabagal ang ritmo kumpara sa duyug; at ang tidtu na binubuo ng di-pantay na
kombinasyon ng ritmong 2:3, kung saan makikita ang husay ng manunugtog ng kulintang. Ginagamit din
sa pagtugtog sa paglilibang, sa kasalan, at iba pang mga pagdiriwang ang sinulog at tidtu.
Kulintang din ang tawag sa isang pangkat ng instrumentong pangmusika na binubuo ng
kulintang, kasama ng bebendil (gong na may papaloob na tagiliran), agung (isang pares ng gong na may
malapad na papaloob na tagiliran), gandingan (isang pares ng gong na

Ang kulintang bilang pangkat ng instrumentong pangmusika sa Magindanaw ay tinatawag na


basalen o palabunibunyan. Kilala rin ang kulintang sa tawag na k’lintan, kulintangan, at kwintangan. Ang
tradisyon ng pagtugtog ng kulintang sa Pilipinas ay nakasentro sa Mindanao at bahagi ng kultura ng mga
Subanon, Maranaw, Jama Mapun, Magindanaw, Tausug, Yakan, Sama, Bilaan, Tiboli, Ata, at Bagobo na
sinasabing bunga ng pakikipag-ugnayan ng nasabing mga grupo sa Borneo, Moluccas, at iba pang mga
islang karatig ng Mindanao.

AGUNG

Ang agung, na kilala rin sa pangalang blowon, bua, gaggung, at sembakung, ay isang pares ng
nakasabit na gong. Ito ay may bilog na umbok sa gitnang bahagi at may malapad na papaloob na
tagiliran.

Karaniwang makikíta ang agung sa katimugang bahagi ng Pilipinas kagaya ng Palawan, Mindoro,
at mga isla ng Sulu, Mindanao at sa kalookan nito kagaya ng Ata, Bagobo, Bukidnon, Hagaonon,
Mandaya, Mangguangan, Manobo, Mansaka, Matigsalog, Subanon, Tagakaolo, Tiboli at Tiruray.
Kinabibilangan din ng Mamanwa, Tiboli, Hanunuo, Bagobo, Magindanaw, Maranaw, Tagbanwa, Teduray,
at Yakan ang iba pang Pilipinong gumagamit ng tradisyonal na instrumentong agung.

Sa mga Tiboli, ang isang kasiyahan katulad ng moqninum, na pagdiriwang ng anibersaryo ng


kasal ng kilalang mag-asawa, ay okasyon upang tugtugin ang agung. May iba’t ibang uri ng agung at isa
na rito ay ang mabigat na tembag na hindi tinutugtog ngunit prominenteng makikita sa tahanan bilang
simbolo ng kayamanan ng may-ari nito. Malaking porsiyento nito ay gawa sa tingga at maliit lamang na
bahagi nito ang tanso. Ang benegulitok ay katulad ng tembaga ngunit mas magaan. Tinutugtog ito
kasama ng gong na tinatawag na sembakung. Ang blowon naman ang pinakamagaan at pinakamakinis
na gong.

DABAKAN

Ito ay madalas na inilalarawan bilang alinman sa oras-glass, conical, pantubo ogablet na hugis.
Ito ay nag mula at hango sa salitang Maranao na galing sa Maguindanao. Ang dabakan ay may haba na
higit sa dalawang paa at isang diameter ng higit kaysa sa isang paa tungo sa pinaka mawalak na bahagi
ng shell. Karaniwang galing sa puno ng niyog o kahoy ng langka.
GANDINGAN

Ito'y pawang naka bitin na gong na ginagamit sa Maguindanao. Gamit ito bilang pangalawang
melodikong instrumento gaya ng kulintang. Ito'y nagbibigay-daan sa pag sabot ng mensahe o bahala sa
pamamagitan ng mahabang distansya kilala rin ito bilang "pakikipag-usap gong". Sa Teduray, ang
salitang gandigan ay maaaring mangahulugang tono ng gong. At gandingan din ang titulo ng isang uri ng
musikang tinutugtog sa tangunggu na isang zither. Sa pagtugtog, habang pinupukpok ng mga patpat ng
isang musiko ang parehong umbok, may isa o dalawa pang pumupukpok naman sa gilid ng mga
instrumento – dalawa ang ritmong lumalabas dito, ang mabilis na binalinsay at ang mabagal na dinulut.
Ang tugtog na ito ay idinaraos sa sayaw ng kalalakihan.

KABANATA III

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

KONKLUSYON

Ang mga instrumentong pangmusika, instrumentong musikal, kagamitang pangtugtog, o


kasangkapang panugtog ay mga kagamitan o kasangkapang ginagamit o tinugtog upang makalikha ng
musika o tugtugin. Maaaring ituring bilang kagamitang pangtugtugin o kasangkapang pangtugtugin ang
alinmang bagay na nakagagawa ng tunog, subalit pangkalahatang nangangahulugan ang parirala na mga
bagay na espesipiko, partikular, o tiyakang gumagawa ng musika. Maipepetsa ang kasaysayan ng mga
pangmusikang instrumento mula sa mga simulain ng kalinangan ng tao. Tinatawag na organolohiya ang
akademikong pag-aaral ng mga instrumentong musikal.
REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod:

• Kailangan pagigtingin ang ating kaalaman sa kulturang Pilipino sa larangan ng mga instrumentong
pangmusika saan mang sulok ng Pilipinas.

• Bigyang halaga ang mga isinusulong ng ating mga ninuno na mas makilala pa ang ating tradisyon
lalong-lalo na sa musika.

• Patuloy na tangkilikin ang sariling atin sa larangan ng musika upang hindi ito mapasa-walang bahala
dahil na rin sa inpluwensya ng Ibang bansa.

• Pagyamanin natin ang ating kaalaman sa musika mapa-unang panahon o maka-bagong panahon pa
man yan.
KABANATA IV

BIBLIYOGRAPIYA

INTERNET

Castro, Adrian (2015) Instrumentong Pangmusika sa Katimugang Pilipinas nakuha noong April 02,
2015 mula sa
https://books.google.com.ph/books/about/Instrumentong_pangmusika_sa_katimugang_P.html?
id=tJSfAAAAMAAJ&redir_esc=y

Francisco, Donna (2012)Mga Sinaunang Instrumento sa Mindanao nakuha noong August 12, 2010
mula sa https://www.scribd.com/doc/297261227/MGA-SINAUNANG-INSTRUMENTO-SA-MINDANAO-
docx

Gobato, Maria (2019)Mindanaos Musical Instrument nakuha noong October 06, 2019 mula sa
https://prezi.com/p/9vxggf3dl3my/mindanaos-musical-instruments/

Romero, David (2014) Mga Instrumentong Etniko nukaha noong September 13 2014 mula sa
https://www.net/mobile/joshuacalosa/mga-instrumentong-etniko

Vazquez, Arian (2014) Muslim Mindanao Instrument nakuha noong October 11 2014 mula sa
https://www.net/mobile/kimgravata/muslim-mindanao-instruments

You might also like