You are on page 1of 30

Inihanda ni: Bb. Jessah G.

Romero, LPT
Guro sa Filipino
Wika ang kasangkapan sa iba’t ibang mensahe na nais
mong iparating. Kung mag-uuutos, magpaparamdam,
magbibigay-opinyon o kaya ay maghahatid ng kaalaman. Ayon
kay Michael Kirkwood (M.A.K.) Halliday, may pitong (7)
pangunahing tungkulin ng wika.
Sa madaling salita, ang wika ay isang moda ng pag-uugali at
hindi isang purong elementong panggramatika. May panlipunang
papel na ginagampanan ang wika upang maglinaw ng kahulugan
batay sa mga aktuwal na sitwasyon at natural na tungkulin nito
upang tumugon sa mga tiyak na panlipunang konteksto.
Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon kung nais o gustong ipahayag ang
sariling saloobin nang may pagsasaalang-alang sa sariling
indibidwalidad. Bahagi nito ang pagbulalas ng damdamin gaya
ng pagkagulat, pagkagalit, hinanakit at tuwa. Maging ang
pagmumura at mga eskpresyong naibubulalas nang biglaan ay
saklaw rin ng tungkuling ito, gayundin, ang pagtataglay ng punto
sa pagsasalita na nagpapakita ng kakanyahang taglay ng
mananalita.
Ang idyolek ay isa sa mga mabuting halimbawa ng
tungkuling ito. Maaari ring madetermina sa punto o pagbigkas ang
likas na pinanggalingan ng mananalita. Ang katumbas na “Oo” ay
nagiging “Wewn,” (Ilocos Norte), “Wen,”(Tarlac), “Wown,” (Isabela)
o “Won” (Pampanga).
Sa iba’t ibang ekspresyon ay naipahahatid din ng
tagapagsalita at nadedetermina ng mga mambabasa o
tagapakinig kung ang tagapagsalita ay taga-Rizal, taga-Cavite o
kaya ay taga-Batangas. Hindi maikakaila ng “Ala eh” na siya ay
isang Batangueno; ng napakalambing na punto ng isang Ilonggo;
at ng “Ga” ng mga Cebuano o Bicolano.
Nandito ako para ipaliwanag na mali lamang ang iyong
pagkakaintindi sa aking sinabi. (Pagbibigay-diin sa sariling punto)
Bam ganda ng iyong bagong pintang obra! (Nagpapahiwatig
na ang nagsasalita ay taga-Angono)

Lakar-hinto ang gawin natin upang hinri agar tayo mapagor. (Sa
mga lehitimong taga-Rizal ang d ay nagiging r; kaya
nagpapahiwatig naman ito na ang tagapagsalita ay tubong Rizal).
Tungkulin ito ng wika na ginagamit upang hikayatin ang
mambabasa o tagapakinig na mapagana ang imahinasyon o
kaya unawain o bigyang-hugis sa isipan ang mensaheng nais
iparating ng tagapagsulat. Bunga nito na nabubuhay ang
emosyon o damdamin ng mambabasa habang pinatatakbo
lamang sa gunita ang mga pangyayari, senaryo at sitwasyong
inilalarawan. Estetiko ang bunga nito kaya madalas na nagagamit
sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng tayutay ay
pinakamabuting halimbawa nito. Hindi nga ba’t tungkulin ng mga
tayutay na sa halip na direktang sabihin ang denotasyon ng mga
pahayag ay ikinukubli ang kahulugan ng nais ipahiwatig sa
pamamagitan ng paggamit ng pagkukumparahan o metapora?
Isandaang mga mata ang nakatitig sa aking gagawin!
(Sa halip na sabihing may 50 taong manonood)

24-hours mo kong pinaghintay!


(Sa halip na sabihing “Ang tagal mong dumating!”)

#SaEDSALangMayForever (Walang Katapusan ang traffic sa


EDSA
#BoBotante (Hindi nag-iisip ang mga botante ng tamang
iboboto)
MaAlden Kita.
AlDub You

“Knock! Knock!”
Girl 1: Knock! Knock!
Girl 2: Hus der?
Girl 1: Guava
Girl 2: Guava hu?
Girl 1: Nagpagupit ako ng buhok. Masaguava?
•GUMAWA NG TULA NA
NAGPAPAKITA NG DALAWANG
TUNGKULIN NG WIKA NA NATALAKAY
SA ARAW NA ITO.
(1-2 SAKNONG, APAT NA TALUDTOD
SA BAWAT SAKNONG). KAHIT ANONG
PAKSA. LAGYAN NG PAMAGAT.
Ito ay ginagamit sa pakikipagkapwa, pagpaplano,
pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba, gayundin
maaari rin namang mga tungkuling panatilihin ang ekslusibilidad.

-sosyolek
-jargon
Mungkahi ng panig ng nagsasakdal na ganapin ang
kasunod na hearing, dalawang linggo makalipas na makauwi ang
saksi sa Pilipinas; Sang-ayon ba rito ang panig na sinasakdal?
Nakahanda po ang aming panig
anumang oras na itakda ang kasunod na hearing.
Kung gayon, malinaw na itatakda natin ang kasunod
na hearing, sa ika-9 ng Disyembre, ganap na 2:00 hapon sa silid
ding ito. Adjorn!
TL: Guys, huddle!
Agent: Wait lang TL. Tapusin ko lang isang prio ko.
TL: 5 minutes lang
Sa uring ito, tungkulin ng wika na maging kasangkapan
upang maipahatid ang nais o gusto, direktang pag-uutos, pagtutol
o kaya ay pagsang-ayon. Nakabatay rin dito ang panghihikayat
upang gawin ng kausap ang nais na tupdin o mangyari. Ipinakikita
rin sa tungkuling ito ang pagbabago ng tono upang bigyang-diin
ang nais ipahiwatig.

Nandito ako para ipaliwanag na mali lamang ang iyong


pagkakaintindi sa aking sinabi.
Ito ay ginagamit ng mga taong may awtoridad o
kapangyarihan sa pagkontrol ng kanilang nasasakupan.
Nakapagpapakilos ang wika tungo sa pagtatamo ng layunin dahil
sa kapangyarihang bunga ng awtoridad, impluwensiya, karisma,
at pwersa.
1. Mabuting huwag ka munang magkaroon ng boypren
hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral.
2. Dapat na ang lahat ay nasa loob na ng tahanan bago
mag-ika-10:00 ng gabi.
3. Ronald, pakipatay ang mga bentilador bago kayo
lumabas ng silid.
1. Berbal ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na
binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinomang nasa
kapangyarihan.
2. Nasusulat, nakalimbag, at biswal ang lahat ng kautusan, batas
o tuntunin na mababasa, mapapanood o makikita na
ipinatutupad ng nasa kapangyarihan.
3. Di-nasusulat na tradisyon ang mahabang tradisyon ng pasalin-
saling bukambibig na kautusan, batas, o tuntuning sinusunod ng
lahat.
•Pumili ng kapareha. Gumawa
ng “meme” tungkol sa
pagsunod sa batas. Pumili ng
batas na kailangang malaman
at sundin ng kabataan.
Ito ay ginagamit upang makatuklas at mapatotohanan ang
mga hinuha upang makamit ang kaalamang akademik o
propesyunal. Ito ang naging tungkulin ng wikang ginamit sa mga
pananaliksik at imbensyon.
Paksa ng Pananaliksik:
Saloobin at Pamantayan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa
Pagpili ng Kursong Kukunin

Mga tanong na Tutugunin ng Pananaliksik:


1. Ano-anong kurso ang pangunahing pinipili ng mga papasok sa kolehiyo?
2. Sa pagpasok sa kolehiyo, ano-ano ang isinaalang-alang ng mga mag-
aaral upang magdesisyon sa pagpili?
3. Bakit mahalaga ang pamimili ng kursong papasukin sa kolehiyo?
Ang mga tanong na inihain ay magiging gabay ng mananaliksik upang
magsagawa ng sistematikong hakbangin na walang pagkiling upang
matamo ng obhektibo ang sagot sa mga tanong.
Ito ay ginagamit sa pagpapaliwanag upang maipaalam ang
katotohanan, datos at impormasyong hatid ng mundo. Ito ang
ginagampanan ng wika kapag naglelektura, naghahain ng mga
bagong tuklas na datos at magbigay ng mga resulta ng sarbey.

Alam ba ninyo na ang pinakamahabang salita sa


diksyunaryo ay may apatnapu’t limang letra? Ito ay ang salitang
pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis na ang ibig
sabihin ay isang uri ng sakit sa baga dahil sa alikabok na silica na
nagpapamaga sa baga.
Ang OK ay isang abrebiyeysyon na nangangahulugang “Oll
Korrect” o “Ole Kurreck.”
Wikang ginagamit upang maipahayag ang sariling
damdamin o opinyon.
Hal: Mas gusto ko siya kaysa kay John Lloyd.
Wikang ginagamit upang makapagpapahayag ng
sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.
Hal: Ang trapiko ang nagpapausad-pagong sa mga sasakyan.
Wikang nakapagpapanatili at nakapagpapatatag
ng relasyong sosyal.
Hal: Gusto mo bang sumabay sa akin kumain?
Wikang ginagamit upang
makapagbigay impormasyon
Hal: Binubuo ng sampung katao ang aming mag-anak.
Wikang ginagamit upang mabigyang-tugon ang mga
pangangailangan.
Halimbawa: Gusto ko ng isang basong tubig.
Wikang kumokontrol/gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Halimbawa: Ipasok mo na sa garahe ang kotse.
Wikang ginagamit upang maghanap ng mga
impormasyon o datos.
Halimbawa: Ano ba ang kinakain ng mga tarsier?
Bumuo ng limang pangkat sa klase. Lumikha ng sariling produkto at gumawa
ng isang patalastas upang maipakilala at mahikayat ang mga mamimili na
tangkilikin ito. Isaalang-alang ang mga sumusunod na mga gabay:
• Malayang makapipili ng nais na produkto. Maaaring pagkain, pabango,
lugar-pasyalan, sapatos, o iba pang bagay.
• Gawing makatotohanan ang patalastas ngunit tiyaking kawili-wili ito at
mahihikayat ang mga mamimili na tangkilikin ang inyong produkto.
• Maging malikhain sa paggawa ng patalastas.
• Sa inyong patalastas, gumawa ng orihinal na jingle o kanta para rito.
Hal:
Finally, Ariel happened to me…
• Higit sa lahat, isaalang-alang ang paggamit ng iba’t ibang TUNGKULIN NG
WIKA. 
Mauunawaan lamang ang iba’t ibang tungkulin ng wika na tinalakay
natin kung susuriin ito sa isang partikular na panlipunang konteksto. Sa
pamamagitan ng pagsusuri sa gamit ng wika sa isang dokumentaryo,
mahalagang tukuyin at tayain sa pagsusuri ang mga aspektong nakatuon sa
uri ng wikang ginagamit, layunin sa paggamit, mga tungkulin ng wika (pokus
sa interaksiyonal, personal, imahinatibo, instrumental, impormatib, regulatori,
heuristik), at bisa sa paglikha ng panlipunang ugnayan at pagtupad sa
tunguhin ng midyum. Maaaring gumamit ng pelikulang may ganap na haba,
maikling pelikula lamang o mga dokumentaryong palabas tulad ng kay Kara
David.
HALIMBAWA:
a. Dokumentaryong palabas
Ang Huling Prinsesa ni Kara David
Basurero ni Jay Taruc

Ilagay sa maikling bond paper ang isusulat na pagsusuri. Kailangang


taglayin sa sulatin ang mga nabanggit na aspketo ng pagsusuri (uri ng wika,
layunin, tungkulin ng wika, at bisa ng midyum).
PANUKATAN DESKRIPSYON 10
Nilalaman • Nakatutugon sa layunin ng pagsusuri
• Malinaw at wastong pagsusuri ang
mahahalagang aspekto ng pagsusuri
Paraan ng Pagsulat • May interesanteng pamagat
• May masistema at lohikal na daloy ng pagtalakay
Epektibong Gamit ng Wika • Walang pagkakamaling gramatika at tipograpikal
• Mahusay ang pagpili ng paksa ng salita at
bokabularyong angkop sa iskolarling pagsusuri
Pormat • Tumutugon sa limitasyong salita
• Teknikalidad (Arial, 12, single space, Maikling
bond paper)
KABUUAN
A. Sa tulong ng concept map, isa-isahin ang pagkakaiba ng mga tungkulin
ng wika na tinalakay. Magbigay lamang ng tatlo hanggang limang
katangian sa bawat tungkulin ng wika. Lagyan ng pangkalahatang
paliwanag ukol sa mahalagang papel ng tatlong tungkulin ng wika sa
paglinang ng komunikasyon at panlipunang pakikipag-ugnayan ng isang
indibidwal.

Instrumental Regulatori

Heuristiko

Paliwanag: ______________________________________________________________
______________________________________________________________
B. Kumpletuhin ang dayagram ng mga impormasyong tumutukoy sa
pagkakaiba ng tatlong tungkulin ng wikang tinalakay. Ilagay sa unang linya
ang pagkakaiba sa kahulugan, sa ikalawa ang pagkakaiba sa tungkulin, at
sa ikatlo batay sa ibibigay na tiyak na halimbawa.

Interaksiyonal Personal Imahinatibo

________________ ________________ ________________


Pagkakaiba sa Kahulugan ________________ ________________ ________________

________________ ________________ ________________


Pagkakaiba sa gamit ________________ ________________ ________________

________________ ________________ ________________


Pagkakaiba sa tiyak na ________________ ________________ ________________

halimbawa
KASUNDUAN
•MAGDALA NG SHORT BOND PAPER
BUKAS 

You might also like